***

"Sorry guys. Di ko nasabi eh. It’s just that, napagdesisyunan na talaga 'tong araw na 'to."

Okay. Andito kami ngayon sa girl's room. Kasi naman eh. Sorry naman, napaka-epicfail ko. Hindi ko naman alam na yun na pala ang nangyayari. Naalala ko tuloy yung nangyari kanina.

"Steff..." then lumapit siya sa bandang tenga ko. "Tricia will be leaving later. Sabi niya ako na daw magsabi sa'yo. Pupunta na daw siya sa States."

"WHAT?! Totoo ba yan?!" napatayo ako nun.

Mixed emotions yung naramdaman ko. Nung nasabi niya yung name na Tricia, parang ewan na naman yung utak ko at parang may inis akong na-feel. Then nung dinugtong niya yung aalis na daw siya, eh lalong nagulo yung pag-iisip ko. The hell. Kung kelan naman nagiging close na kami eh!

Bigla akong napatakbo dun sa girls' room. Nakakabadtrip naman si Darryl. Kahit may gusto ako dun sa freak na yun, eh sasapukin ko talaga siya! Tss, alam ko namang may gusto pa rin siya kay Tricia eh, bakit di niya pigilan?! Lechugas. Walang kwentang nilalang naman oh!

Binuksan ko kaagad yung pinto.

"Tricia!" She looked at me with a gloomy face. Eh? What happened?
"Totoo ba? You're leaving?!"
"Ah, oo Steff. Actually kanina pa nila ako hinihintay sa airport."
"But, why d---"

"TEKA SINONG AALIS?"
"BAKIT KA AALIS?"
"WHAT'S HAPPENING HERE?"

Anak ng chaka doll naman 'tong tatlong 'to oh! Nagulat nalang ako nung lahat sila eh nakatayo na dun sa pintuan ng room namin. Huh, I guess she needs to explain everything to us.

"Sure na ba talaga yan? Sayang naman. Last day na natin dito tomorrow oh."

"Oo nga naman. Magpaextend ka naman ng oras."

"Yeah, I'm sure it'll be fun if we'll be together until the end of sembreak."

So ayun, todo kumbinsi kami kay Tricia na wag na muna siya umalis. Kaso ayaw niya talaga eh. Yung dalawang lalaking 'to, hindi man lang tumulong! Mga abnormal. Nakatayo lang sila dun sa sulok. Tss. Syempre naman kahit papano eh naging close namin si Tricia. For a couple of days, andami naming napagkwentuhan. Ang dami niya ngang na-share sa akin eh. Yun nga lang, puro tungkol kay freak. And aaminin ko, medyo nainis ako sa kanya nung last time. Err. Alam niyo na kung bakit. Pero nawala naman na yun. 

Syempre sumama kaming lahat papunta sa airport. Parang ang rude naman kung di namin siya ihahatid. And mahahalata naman na ayaw niya ring umalis. Teary-eyed na kasi eh. Nag-gugoodbye na siya isa-isa sa amin. Ano ba yan. Naiiyak ako. Minsan na nga lang ako magkaroon ng close friends, mababawasan pa.

"Bye Steff. Thanks talaga sa pakikinig mo sa mga dramas ko." then niyakap niya ako. Anong problema ng mata ko at nagtutubig? Huhu.

Tinignan ko naman yung paligid. Teka, asan si Darryl? Nawawala?
Ahh. Baka umiiyak. Aalis na si Tricia eh.

*Ouch*

Shet? Ano na naman yun? Hmmm, nevermind.

Biglang nagflashback yung nangyari kaninang umaga sa resthouse. Yung magkayakap sila. Para san naman kaya yun? Does that mean, sila na ulit? Eh bakit wala dito sa Darryl? Pati pala si Patrick wala dito. Asan ba yung dalawang yun?!

Is it really hard to see the person you love, leaving?

*Ouch**Ouch*

Arghh! Ano ba yun? Bakit ba kung anu-anong pinag-iisip ko?

"Hey Tricia, pwedeng magtanong?" bulong ko sa kanya.

"Hmmm?"

"Ahh ano kasi eh. Kaninang umaga, I.. uhh, okay. I saw you. Sa ano, dun sa ano.. kasama mo si Darryl." She smiled. Pilit. Err, no. I think natural lang. Ah basta. Di ko ma-distinguish eh. Then pinat niya yung shoulder ko.

"Don't worry. Sinabi ko lang sa kanya na may fiancé na ako. And I warned him na wag na wag niya akong susundan kundi eh ipapalapa ko siya sa aso namin." Eh bakit may yakap pa? Err. Ano ba yan! Tama na nga Steff!

"Hahaha! I know that expression, Steff. Gusto mo bang itanong kung bakit kami magkayakap? You saw that too, right?" How'd she know? May lahi rin siyang manghuhula? Mind-reader? Galing! Pero takte! Nakakahiya!

"Uy hindi ah! Tss, I don't care 'bout that freak!" Yes, I do. 

"Nah. I'll tell you. Actually, may sinabi siya sa akin. He said th---"

"Ms. Patricia! Nandito na po ang Mommy niyo!" 

Bigla namang nagpanic si Tricia at kinuha na yung maleta niya. Then, she start walking away from us. Grrrr. Panirang guard! Nabitin tuloy ako! May sasabihin siya sa akin eh!

Pero nakakalungkot talaga. She'll be gone. Hala? Nakakamiss pala na may kakwentuhan ng mga kadramahan sa buhay. Yung tatlo ko kasing best friends eh puro kalokohan lang ang alam eh. Tapos ayun, nakita kong pumasok na siya sa loob.

Wala na.
She’s gone.

"Steff, let's go home. Nakakadepress dito." Sabi ni Jess sa akin.

Dahil nga pare-pareho kaming depressed sa pag-alis ni Tricia, naglakad na kami palabas. Kaso asan ba yung dalawang lalaking yun?! Argh. Ni hindi man lang sila nag-goodbye kay Tricia. Ang sasama!

*vibrate* *vibrate*

Ha, phone ko yun ah? Kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko. Eh? Tricia's calling?

"Hello?"

"He said that he's willing to forget about me. Dahil may reason daw siya para mag-move-on. Haha, wanna know why? I think he's starting to fall inlove again.Tingin mo kanino?" then bigla niya akong binabaan.

A.. Ano daw?


***