***

“Enrolled ka na?”
“Yeah! Yay, my subjects are great!”
“Oh? Patingin Yna! Sana magkaklase tayo sa iba!”
“How I wish! Sana nga!”

Napatigil naman ako sa pagtingin ng sched naming at napatitig kay Yna. Tama ba ang rinig ko o sadyang tuluyan na akong nabingi? Nagtatagalog na naman si Yna! 

“Anong sabi mo Yna?”

“Huh? I said sana nga.” OMG. So nag-tagalog nga siya!

“Ba..bakit ka nagtagalog? Waaah! Cute mo tuloy!” Bigla nalang siyang namula at mukhang nagpapanic na yung mukha niya. Hahaha! Ang cute niya talaga pag ganyan siya!

“Haji ma! Nappeun soli.” (Wag na nga! pangit naman ata pakinggan eh.)

Naintindihan ko naman yung sinabi niya since sanay na kaming mag-Korean ni Alice dahil tinuruan kami dati ni Yna para maintindihan namin siya. 

“Oi ang cute kaya! Hahaha! Di lang talaga ako sanay. At ano namang drama mo at nagtatagalog ka na?” bigla naman siyang nag-blush. Ay shet. Mukhang iba na ‘to ha! Naglalandi na rin si Yna! 

“Nothing. I.. I.. just want to practice it.” Sabay tingin doon sa gilid.

Okay. Parang alam ko na. Naglalandi talaga si Yna! Confirmed! Ahem. Sino naman kaya ang maswerteng nilalang nay un? Kailangan ko ‘tong i-report kay Jess at Alice mamaya!

“Hey!”

“Ay tipaklong!” Ano ba yan! Bigla ba namang tinusok yung bewang ko?  Pagtingin ko kung sinong hinayupak yun, si Patrick lang pala. Hinampas ko nga.

“Ouch. So, enrolled na ba kayo?” Parang wala namang epekto yung paghampas ko sa kanya.

“Yup. Si Alice at Jess nalang hinihintay namin.”

Oo nga pala. Tapos na ang sembreak. Enrollment na for second sem. At syempre, tapos na rin ang vacation time. Pagkatapos nga naming ihatid si Tricia sa airport eh hinanap pa namin si Patrick at Darryl. At aba naman, nasa restaurant pa! Ano ‘to, date?! Tss. Then tinawag ko sila kaso parang magsusuntukan ata? Ang serious kasi ng expression nila nung maabutan ko sila nun eh. Parang may pinag-uusapang importante. Aba ewan ko sa kanila. Nadedepress pa ako sa pag-alis ni Tricia.

Nung pauwi na kami eh parang baliw yung dalawa. Wagas kung magtinginan. Tapos parang may dalawang halimaw na nagbabanggaan pag nagkakasabay sila. Di kaya, may hidden relationship sila? OMG. Malay niyo di ba?

“Oh, I see. Available ba kayo ng lunch? Gusto ko sana kayong I-treat eh.”

“Sure, why not? Game ako dyan!” aba at ang hyper ni Yna ngayon! Medyo nagulat nga rin si Patrick kasi first time niyang narinig na nag-tagaog si Yna.

“STEFF! YNA! TAPOS NA KAMEEEE!!”

Bigla akong nahiya para sa kanila at para sa amin. Sana talaga di sila sumisigaw eh. NApakaraming estudyante! Sana may konsepto pa sila ng hiya!  

“Dapat nilakasan nyo pa, nag-duet pa kayo eh.” sarcastic kong sabi sa dalawang ‘to.

“Ay ayoko. Kawawa ang vocal chords ko.” Sabay hawak ni Jess sa leeg niya.

“Oo nga. Tsaka may bayad ang boses ko no!” Wow ha? Ano ka Alice, singer?

High ata ‘tong mga best friends ko ngayon eh. Si Yna nagtagalog. Etong dalawa naman, well kahit lagi silang baliw, eh parang nasapian na naman ng kung ano. Mga adik talaga. Paalis na sana kaming lima, including Patrick, kaya lang…

“BEBE GIRRRRLLLL!!”

Hindi naman sila mahilig sumigaw no? Hobby lang daw ata. Lechugas! Ako na ang nahihiya para sa kanila ha! Mga walanghiyang nilalang! Tumakbo siya papunta sa amin.

“Bakit bebe boy?” hinihingal pa siya kaya di makapagsalita.

“Ano.. Pwede ba akong sumabay sa inyo?”

“Sure Darryl! Libre mo ha!” sabay siko ni Alice kay Darryl. Ayos ah?

Bigla namang nagkatinginan si Patrick at Darryl. Okay, eto na naman po ang electric current. Parang sumama bigla ang atmosphere. Ano bang meron sa kanila?

“Ahem! Ahem! I can see some geometry here!”

“Ano yun Yna?”

“Ay di gets! Triangle Alice! Triangle!”

“Aaahhhh! Geometric figures pala! Sorry naman Jess ha! Slow ako eh!”

“No, its not a triangle! Pyramid po! 3D gusto ko!” biglang sabi ni Yna sa kanilang dalawa, sabay pout pa ng loka. At ayun nga, halos malaglag ang eyeballs nila Alice at Jess nung marinig nila si Yna.

“Waaah! Nabingi ata ako! Sheeet!”

“Ako rin Jess! ‘Lika nga, punta na tayo sa clinic! I think my eardrums are not functioning well.”-Alice

“Sama ako! Papatignan ko puso ko!” sabi ni Yna at umakbay pa siya doon sa dalawa. Kaya ayun, lalo lang nagulat si Alice at Jess to the point na tinakbuhan na nila si Yna at si Yna naman eh hinabol yung dalawa.

So ganun? Iniwan nila ako? Mga impakta! Naghahabulan lang sila sa buong quadrangle! Parang mga ewan ‘tong mga ‘to!

“Anong tinitingin-tingin mo?” napatingin naman ako kay Darryl kasi bigla siyang nagsalita.

“Ikaw ba tinitignan ko? Asa.” Oohh. Si Patrick pala ang kausap niya. Pero bakit ang harsh nila?

“Tss. Bakla ka lang, dude.”

“Baka ikaw. User.”

“Ako, user? Baliw ka? How come?”

“Just shut up. Will you?”

“Ayoko nga. May bayad pag sinusunod ko ang gusto ng mga panget.” Wow Darryl. Sosyal ha?

“Sinong panget?”

“Ewan. Basta hindi ako. Gwapo ako eh!”

“Really? Hah.”

Di pa nga ako tapos sa pangungunsumi sa mga best friends ko, dadagdag pa ‘tong dalawang to! Ano ba?! Ako nalang ba ang nasa matinong pag-iisip sa kanila?! Para akong nasa gitna ng war ng mga baliw eh! Idagdag niyo pa na napakawalang kwenta naman ng pinag-aawayan nila. Nakakainis na.

“PWEDE BA MAGSITINO KAYONG LIMA? KAHIT NGAYON LANG, PLEASE?”

Nung sumigaw ako, ayun. Tumigil silang lima sa mga usapang alien nila. Buti naman. Nakaka-OP kaya. Tss. Tsaka nagugutom na ako ha! Past-12 na rin kasi. Nakakapagod pumila ng matagal para lang makakuha ng subjects. Sumunod nalang sila sa akin sa paglalakad. Nakasimangot nga ako eh. Kasi naman, nahigh-blood ako sa kanilang lima. Ang kukulit ng lahi. Ayan, tahimik tuloy silang lahat. 

Pumasok kami sa KFC dahil ito na yung pinakamalapit na kainan dito sa campus. Then nag-order na rin at kumain kami, PEACEFULLY.

Pero syempre joke lang. Opposite ang kinalabasan. Kami ata ang pinakamaingay na customers dun. Parang mga timang talaga sila ngayon sa hindi ko malamang dahilan. SERIOUSLY, ano bang problema nila at napaka-hyper nila ngayon?

O baka naman, ako ang may problema at di ko masabayan ang mga trip nila?


***