.

.

Chapter 49

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, April 22, 2015


***

Hey  diary!

Tingin mo? May gusto na ako sa kanya di ba? Pero hanggang dun lang yun dapat eh. Pero bakit parang hindi? Shocks ang gulo!

Tapos isa pa ‘tong si Patrick, sabi niya, he likes me. Eeeehhh, anong gagawin ko?!
HELP ME!!

Saved. 

Hay. Walang magawa! Naghihintay nalang ako ngayon sa next class ko. Kaya eto, nag save muna ng ‘diary’-kuno. Ang tagal naman kasi ni Darryl eh! Yeah. Classmate ko siya. Actually, classmate ko ata siya sa lahat ng klase. Gaya-gaya ng schedule. Psh. Pero syempre, natutuwa ako.

Oo na, gusto ko siya kaya natutuwa ako. Bwiset lang kasi hindi ko alam kung paano nangyari yun.

Si Alice at Jess naman, sa isang class ko lang classmates. Si Yna, wala. Then si Patrick, uhm, classmate ko siya sa English, together with Darryl.

“Oi bebe girl!” nagulat naman ako nung biglang may tao na pala sa harapan ko. Oh eh sino pa ba?

“Hey.” Sabi ko nalang. Medyo passive pa nga yung pagkakasabi ko pero hayaan na. Baka naman kasi pag nakita niyang natutuwa o kinikilig ako dahil sa kanya eh may isipin siyang kakaiba.

“Ganun lang? Wala man lang…” then bigla siyang nag-stop at bumwelo. “… bebe boy! Namiss kita!” at talagang ginaya niya pa yung boses ko.

“Asa mo naman! Bakit kita mamimiss?” pero actually, lagi ko siyang napapanaginipan these past few days. Parang ewan lang. Eh ilang days ko lang naman siyang di nakita dahil magkasama kami buong sembreak.

“Ah ganun? Sige, di na ako papasok. Bye.” yumuko siya tapos bigla akong tinalikuran at naglakad palayo. Di ko nalang siya pinansin kasi alam ko namang nantitrip lang yan. Pero nung medyo malayo na siya, tsaka ko napansin na hindi pa siya bumabalik.

SERIOUSLY?!

“O..oi! San ka pupunta?! May klase pa tayo!” di pa rin bumabalik.

“Darryl! Di ka papasok?” wala pa rin.

“Psst! Oi! Di ka takaga papasok?!” wala ulit.

"Oi ano ba?! Aabsent ka talaga?!" ang layo na niya.

Ugh. Ano bang problema niya?! Wag mong sabihing nagtatantrums siya ng ganyan dahil sa sinabi ko kanina? Anak ng penguin naman oh! Fine! Ang arte ng lalaking ‘to! 

“BEBE BOY! NAMISS KITA! PUMASOK KA NA!”

Napapikit nalang ako sa sobrang hiya. Lechugas. Ang lakas kaya ng boses ko dahil ang layo-layo na rin siya! This is totally humiliating!

Nagulat naman ako nung bigla siyang tumakbo pabalik at wala pang ten seconds eh nasa harapan ko na siya.

“Tara, pasok na tayo. Baka ma-late pa tayo.” Then bigla niyang hinawakan yung kamay ko at hinatak papasok sa room namin.

“Bagay talaga sila no? Aww, nakakakilig.”
“Ayy! Magtatayo ako ng fans club ng love team nila!”
“Ehh? Swerte naman ni Steff! Eh di ba hinahabol rin siya nung Patrick?”
“Nice! Two princes, for a princess. Magandang love triangle ‘to!”

Ang lakas ng signal ng tenga ko. Daming nasagap eh. Sige lang, usap pa. Andito talaga kami oh. Medyo mahina pa eh. Sige, ilakas niyo pa. Ikauunlad yan ng Pilipinas. Bwiset.

“Bebe girl, sabay tayong maglunch ha? Ha? Ha?” Di naman siya makulit no? May kasama pang yugyog eh!

“May pupuntahan ako eh.” oo may pupuntahan pa ako. Di ako nagpapalusot!

“Ayy. Sige hintayin kita.”

Lechugas. Ayan na naman. Nag-dudugdugdug na naman yung lecheng pusong ‘to! Ano ba! Bakit ba ganito?! Pesteng Darryl kasi ‘to eh, kung anu-anong pinagsasabi!

Tabi nga pala kami ng upuan.  Eh pano kami lang naman magkakilala dito. Tsaka gusto ko rin naman eh. Hahaha medyo malandi. Pero shet, bakit ba kasi nagkagusto dito sa freak na ‘to? Dati naman inis na inis ako sa kanya. Hindi ko talaga alam kung anong tumama, nahulog, at nakain ko at naging ganito ang pagtingin ko sa kanya. Weird talaga.

Dahil dyan, alam ko na ang sasabihin k okay Patrick. Yeah. Sa kanya ako may appointment mamaya. I should tell him my decision. Ayoko naman kasing magpaasa ng tao. Eh kung alam ko naman na sa sarili ko kung sinong gusto ko, bakit ko pa siya papahirapan, di ba?

***

Breaktime.

Tinext ko kanina si Patrick na makipagmeet sa akin sa Greenfield. Basta dun sa tinulugan namin dati. And ayun nga, natanaw ko na siyang palapit sa akin. Gosh. Kinakabahan ako!

“So, what are we doin’ here?”
“Ahh, ano kasi Patrick.. Uhmmm..”

Waaah! Pano ko ba sasabihin?! Dati naman kaya kong mag-turn down ah? Nakakahiya na ngayon! Hala! Pero, kailangan ko ‘tong gawin! For my sake, and for his sake, too.

"Patrick. Kasi ano, uhmm... I..I'm sorry."

Bigla namang nagbago yung expression niya. Bumigat tuloy yung pakiramdam ko. Waaah naguguilty ako! Anong gagawin ko? Kasi naman eh!  Di siya umimik for a couple of minutes, pero nagulat ako nung inangat niya yung ulo niya tapos..

Ngumiti siya. Huh?

"Haaayy, what else can I do? Sayo na nanggaling eh. Pero okay lang. Pero sana let's stay as friends pa rin."

Naguguilty tuloy ako lalo. Alam ko naman kasing fake yung smile niya eh. Huhuhu. Pero at least, nasabi ko na yung dapat kong sabihin. At natutuwa ako kasi gusto niya pa ring maging friends kami.

"Sure. Sana maging friends pa rin tayo. Uhmm sorry talaga Patrick. Alam mo kasi ano eh--"

"Yeah I know. Mahal mo siya di ba?"

Napatigil nalang ako sa paghinga after niyang sabihin yun. So alam niya na talaga. Ewan. Lalo lang akong naguguilty sa mga pinagsasabi niya. Huhu.

"But I'll take you away from him kapag ginago ka niya. Kaya I'm still willing to wait Steff."

Niyakap ko nalang siya. Kasi naman eh. Konti lang ang close friends kong lalaki. At isa na siya dun. Ayoko namang masira yun nang dahil lang dito. And he’s really a nice guy. Alam niyo yung parang dream guy siya ng mga babae? Pero hindi ko lang alam kung anong topak ang meron ako at hanggang brother lang talaga ang tingin ko sa kanya.

"Patrick, thanks talaga."
"No problem Steff. Ikaw pa, malakas ka sa akin eh."

After that, nagpaalam na ako sa kanya pero sabi niya sasamahan niya daw muna ako kasi vacant period ko pa naman. Then, out of nowhere, bigla nalang naming nakita si Darryl. Pagkakitang-pagkakita ko sa kanya, hinatak niya agad ako palayo.

"Ba..bakit kayo magkasama?" bulong niya sa akin, sabay tingin kay Patrick na nakasunod sa likuran namin.

"Ahh, nag-usap kasi kami kanina.”

“H..huh?! Anong pinag-usapan niyo?!”

“Wala naman. Tsk. Teka nagugutom na ako. Kain tayo. Sabay na rin natin si Patrick.” Nagulat naman ako nung bigla siyang huminto at humarap kay Patrick. 

"Tss. Bawal ungas dito." Wow ha? Ano bang problema niya kay Patrick?

"Eh bawal ka pala dito." Hahaha! Barado si bebe boy! Bangis!

"Baka ikaw. Sa gwapo kong 'to, magiging ungas ako? Asa."

"Bah, mas gwapo naman ako sa'yo no? Lamang na lamang pa."

"San banda? Eh malayo ka pa nga sa talampakan ko eh."

"Oh? Eh mukha ka kayang talampakan."

"Weh? Pauso mo. Di bagay. Mukha kang ocotpus."

Imbes na matuwa ako sa kanila eh nahiya nalang ako para sa sarili ko. Sana talaga tumatahimik sila no? Andaming nakatingin sa amin! Eh paano ang lakas-lakas ng boses nila! Kalalaking mga tao, nag-aasaran!

"Kayo na nga lang kumain! Ang gulo niyo!"

Then, nag-walkout na ako. Kakahighblood kasi eh. Bakit ba ganun silang dalawa? Gulo ng utak nila ha! In fairness to them!

Tinawagan ko sila Yna at sa kanila nalang ako sumabay. At least di ba? Puro daldalan ang mangyayari. Eh kung sa dalawang yun? Baka pati mukha ko sabog na. Ah ewan. Bahala sila sa buhay nila.


***