.

.

Chapter 50

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Wednesday, April 22, 2015


***

Tapos na ang class ko. At kamusta naman? Buong klase namin sa Philosophy eh nasa labas ng campus. Ewan ko ba kung anong pumasok sa utak nila at bigla silang nagkayayaang mag-EK. Bigla kasing in-announce na halfday lang ngayon kasi may meeting lahat ng profs. Kaya ayan, naging gala time tuloy.

Ang random nila no? Tss. Ayan, nakisama si Yna at Alice. Kaya nahatak na rin ako.  Grabe lang, ganun lang yun? Isang aya lang, tapos tuloy na agad? Pero sabagay, pag kasi pinag-uusapan laging di natutuloy eh!

"So kasya naman siguro tayo sa isang bus no? Maghintay nalang tayo sa bus stop." Sabi ni Diane, yung promotor ng galang ‘to.

"Okay, konting lakad lang naman from here eh bus stop na."sabi naman ni Celine, yung unang nag-agree sa yayaan.

"LET'S GO!!"

Then saka lang nagsink-in sa akin yung sinabi ni Diane. BUS?! Sasakay kami ng bus?!

"Huy Steff! Alam na namin yang mukhang yan. C'mon! Dali na!" tapos bigla akong hinatak ni Alice.

"Yeah yeah! I know it'll be your first time to ride a bus. So what, right? Masaya ang first times!" then tinulak-tulak na rin ako ni Yna.

Tinulak-tulak naman nila ako papunta dun sa bus station. Ayan na oh! Pasakay na kami! Syempre ako ang huling pumasok. Eh sa tagal ko ba namang nakatulala dun sa labas at iniisip kung anong meron sa bus na 'to eh. Lagi lang kasi akong nagpapahatid-sundo gamit yung car namin o kaya taxi.

Pagpasok ko...

"Wah?! Wala ng upuan?!" napatingin sila sa aking lahat. Naman oh! Dapat pala di ako nagpahuli! Wala akong upuan! Si Yna at Alice eh magkatabi dun sa right side, yung dalawahan atang upuan? Sisingit na nga lang ako sa kanila! Mga taksil!

Palakad na sana ako kaya lang...

"Here!" nagulat naman ako nung may sumigaw kaya napatingin ako sa direksyon niya. And what the heck?! Kaklase nga pala namin siya! OMG!

"AYIIIEEEEEE!!!!!" bigla nalang silang nagsigawan doon sa loob ng bus at kung anu-anong pinagsasabi nila.

Tapos nagulat nalang ako nung hinatak niya ako kaya napakandong na ako sa kanya. Then bigla nalang naghiyawan at nagsitayuan yung classmates namin sa loob ng bus. Waa hang ingay nila!

"You can sit on my lap bebe girl. Free of charges." Bulong niya sa akin.

And during that time, cumombo ang pagtaas ng mga balahibo ko at pagdugdugdug ng mabilis ng puso ko. Shemay! Kinikilig ako!


***