***

"HAHAHAH! WUHOOO! AHAHAHAHA! BWAHAHAHAHAHAHAHAHA!!!!!"

Sige tawa lang girls. Sana maubusan kayo ng oxygen! Mga walang hiyang babae ‘to! Oo kanina pa sila tawa ng tawa. Kanina pa sa bus. At hanggang sa makababa ako eh tinatawanan pa rin nila ako! Alam niyo kung bakit? Eh kasi naman po, ang mukha ko eh parang naging malaking kamatis sa sobrang pula! Sige nga? Sino bang hindi mamumula kung ganun ang eksena niyo sa bus di ba?! Nakakahiya talaga!

"Grabe Steff! Ilang blush-on ba tinira mo ha? Hahaha!"
"Looks like a ripe tomato! Hahaha!"
"Ewan ko sa inyo!"

Iniwan ko nalang sila dun. Tss. Tawa pa rin ng tawa. Grabe lang ha, ako nga windang pa rin eh. Yung windang, na super windang talaga at nawindang ng sobra sa kawindangan? Oo ganun ako kawindang!

Nagkahiwa-hiwalay naman kaming lahat dahil masyadong excited yung iba. Nagkalat na ang lahi namin dito sa enchanted. Wagas! Mag-isa tuloy ako. Iniwan rin ako nung dalawa eh. Bibingwit lang daw sila ng ka-date. Sus.

"Hoy bebe girl!"

"Ay palaka!"

"Amp. Ano ba talagang hayop ako? Dati pusa tapos naging tipaklong, tapos palaka naman ngayon? Ano ako pokemon? Nag-eevolve?" hindi ko naman napigilan na tumawa sa sinabi niya. Hahaha! Ang benta ng pokemon!

"Arte. Buti nga di ko sinabing halimaw eh. Pasalamat ka lumahi ka pa sa palaka."

Pagkasabi ko nun, bigla ba naman akong kinaladkad?! Grabe lang ha! Sakit nung hawak niya sa braso ko. Nagalit na naman?

"Uy joke lang. Eto naman di mabiro." Silence. Tuloy pa rin ang paghila sa akin. Hala? Nagalit?

"Uyyy, tatawa na yan. Bati na kami. Ngingiti na yan. Uyyy." with matching sundot-sundot pa sa tagiliran niya. Pero wala. Ayaw ako pansinin. Galit na ata. Bakit nakakapikon ba yung sinabi ko? Di naman ah?

Nagulat naman ako nung huminto kami sa tapat ng souvenir shop. At...

"Arte. Buti nga di ko sinabing halimaw eh. Pasalamat ka lumahi ka pa sa palaka."

"Uy joke lang. Eto naman di mabiro."

"Uyyy, tatawa na yan. Bati na kami. Ngingiti na yan. Uyyy."

"Ikaw ba eh sadyang abnormal o talagang napakaabnormal mo lang ngayon?"

Alam niyo ginawa niya? Leche! Nirecord niya pala yung pinagsasabi ko kanina! At aba ang loko? Pinagtawanan pa ako! Akala ko galit na, yun pala may modus lang! Nakakahiya tuloy!

"Makalait ka kasi eh. Tara na nga." Sabay akbay niya sa akin. Oh holy night. Yung heartbeat ko na naman! Ugh! Please! Mag-stable ka muna! Mamaya atakihin ako sa puso nito!

Kinalma ko nalang yung sarili ko. Sabi niya, gusto niya daw munang mamasyal. Pero ang corny naman nun! Gusto ko sumakay sa rides! Sayang ang pagpunta namin dito! 

"Sakay na tayo sa rides! Kanina pa tayo naglalakad eh."
"Mamaya na kasi."

Dahil gusto ko talagang sumakay ng rides, hinatak, or more of, kinaladkad ko siya papunta sa Space Shuttle dahil nasa tapat lang namin yun ngayon.

"A.. ayo..ko sumakay!”

Nagulat ako nung bigla niya yung sinigaw habang nasa gitna kami at nagtutug-of-war papunta sa pila. Napaharap nalang ako sa kanya at may namumuong evil smile sa labi ko.

"Don’t tell me, natatakot ka?" sabay bigay ng ah-takot-ka-pala-look.

"I..I just.. don’t like to ride..t..that thing." Then parang namutla siya nung tumingin siya sa space shuttle. Pfft. Confirmed! Takot nga!

"Hahaha! Grabe ha? Akalain mong takot ka sa ganyan? Yuck. Gay!"

"Bah! Yan ba ang sukatan ng pagiging straight? Eh kung halikan kaya kita?"

Napalayo naman ako ng sampung metro. Hindi ko rin alam kung bakit naging ganun ang reaksyon ko pero shet naman kasi eh! Kung anu-anong pinagsasabi niya! 

*Dugdug.dugdug.*

"Hahaha! Oh bakit ang layo mo sa akin? Natatakot ka rin mahalikan? Eh nahalikan na kita dati ah?"

This time, napanganga nalang ako sa sinabi niya. Halos mamula yung buong mukha ko sa kahihiyan. Lechugas! Hindi ba siya nahihiya sa sinasabi niya?!

"S..shut up! At least ako hindi takot sa heights! Kalalaking tao takot sa heights!"

Nag-asaran lang kami hanggang sa makarating na kami sa unahan ng pila. Nakakatawa nga kasi bigla nalang namutla si Darryl at muntik pa akong takbuhan! Buti nalang nahatak ko yung damit niya.

Nung nakaupo na kami at hinihintay nalang na umandar, pigil na pigil yung tawa ko kasi buntung hininga ng buntung hininga 'tong si Darryl. Hahaha! Ihulog ko kaya?

"Oh ano? Buhay pa BEBE BOY? Hahaha! Weak!" syempre emphasized ang pang-aasar sa “bebe boy”. Hahaha!

"Pag talaga nakaalis tayo dito, humanda ka sakin BEBE GIRL!"

Ay, matatakot ba ako?

"Sus! Sadyang takot ka lang sa heights! Hahahahaha----"

"I'm not afraid of heights! I'm just afraid of falling." Tapos biglang sumeryoso yung mukha niya at tumitig sa akin.

*Dugdug.dugdug.dugdug.dugdug.*

Bigla nalang akong napatingin sa kabilang direksyon. Hindi ko alam kung dahil ba kinakabahan ako sa rides o dahil sa kung anong rason kung bakit naaabnormal na naman yung pagtibok ng puso ko. Whooh!

Unti-unti namang umandar yung space shuttle, hanggang sa lahat ng tao nagsisigawan na.

"AAAAAAAAAAAHHHHHHH!!!!!"

"WAAAAAAAHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!!! WAAAAAAAAA!!!!"

Syempre isa ako sa mga nakikisigaw. Alangan namang ipunin ko boses ko dito? Wala na talaga akong marinig kundi puro sigaw ko tsaka nung ibang tao. Ni hindi ko nga alam kung buhay pa ba 'tong katabi ko o baka nahimatay na sa sobrang takot.

"!@!@#$%^ STEEEEEFFFF!!!"

Narinig ko naman yung pangalan ko habang nakikisigaw ako sa mga tao. Teka? Siya ba yung sumigaw? Ano daw sabi niya?

"ANONG SINABI MOOOOOOOOOO?! DI KO NARINIIIIIIIIIIIIIIIIGGGGGGGGGGG! AAAAAAHHH!!!!!!"

"ANG BINGI MO TALAGA KAHIT KAILAANNNN!!!"

Aba?! Eh ang ingay kaya! Kasalanan ko bang di ko narinig yun?!

"EEEEHHH ANO BA KASI YUNNNNN? AAAAHHHHH!!!!"

"WALA AKONG SINABIIIII!!!!"

Hanggang sa wala na talaga akong marinig at pure sigawan nalang talaga. Shet. Eardrums ko! Lalamunan ko! Wag muna kayong susuko! Aaaahhhhhhhh!!

***

*cough* *cough*

"Oh ano buhay ka pa? Kung hindi, ipapalibing na kita ngayon?" binatukan niya naman ako bigla.

"Aray ko ha!"

Pagkatapos niya akong batukan eh inubos na nya yung mineral water niya. Gusto ko ngang tumawa ngayon ng malakas eh. Hahaha! Grabe kasi yung itsura niya. Para siyang na-rape na nabugbog na ewan.

"I will never ride that thing, again! Fvck!"

Then, sumakay pa ulit kami ng ibang rides. Basta karamihan nga sinakyan namin eh. Nakakatawa lang sa Jungle Log kasi kinuha ko yung picture namin. Mukha kaming eng-eng. Hahaha! Lalo na siya! Parang natatae na na-almoranas yung mukha niya!

All in all, masaya naman ng araw na 'to. Kasi nakakatawa 'tong kasama ko eh. Parang bata! Pero syempre kinikilig ako ng konti kasi nga diba gusto ko siya?

Umalis muna siya dahil bibili lang daw siya ng pagkain at kanina pa daw nagmamaktol yung tiyan niya. Kaya ako eh nakaupo lang muna dito sa bench. Nilabas ko nalang yung phone ko.

Can I consider this as a date? Haha. Assuming. Sige na ngayon lang 'to. Alam ko naman kasing mahal niya pa rin si Tricia eh. Kahit sa isip ko diba, at least kunwari nag-date kami. HAHA K.

Hey, like ko pa naman siya diba? Hindi pa naman 'to yung love, right? Err. Yaan na nga.

Basta, I'm happy. :)

Saved. November 22.

Nakita ko naman siyang pabalik na tapos may dalang pizza. Takaw ha! Yung large pa talaga!

"Takaw mo ha! Ikaw lang kaka--"

"Here." whoops! Ayun nasalo ko yung hinagis niyang a-----

"Ano 'to?"

"Wala lang. Souvenir. I thought you’d like it."

Ang cute! Simple but cute! Strawberry keyholder na may naka-engrave na pangalan ko. Binili lang ba talaga 'to? Oh well, sabi niya eh. Kinain nalang namin yung binili niyang pizza then hinanap na namin yung classmates namin at sabay-sabay na rin kaming umuwi. Pagdating ko sa bahay, nagsasayaw ako sa kwarto ko na parang timang habang tinitignan ko yung binili niyang keyholder.

I think I'll treasure this the most.


***