***

Halos one week na rin ang nakalipas after nung EK gala namin. Nakakatuwa nga kasi hindi pa rin humuhupa ang kwentuhan ng mga nangyari nung araw nay un eh. Sila Alice eh nagkukwento pa kung anu-ano yung mga nasakayan nilang rides at kung anu-ano pa.

Pumasok naman ako ng maaga ngayon. Maaga kasi kaming nagising ni Ven eh. Pagdating ko sa school, nakita ko kaagad sina Jess, Alice at Yna sa may garden so tumakbo ako papunta doon.

“Morning girls!”

Bigla naman silang nagtinginan. Okay. Anong problema nila? Mga one minute na ang lumipas eh hindi pa rin sila nagsasalita at parang di nila napapansin ang existence ko. Ay so ganun? Ayaw niyo akong pansinin?

"Ay, may gagawin muna ako ha? Babush Alice! Babush Yna!"

"Uhm, me too. Urgent meeting for my org!"

"Tss, huhuntingin ko nga muna si Kevin!"

Akala ko naman eh nantitrip lang sila pero nung hindi nila ako binalikan eh nagtaka na ako. Galit ba sila? Hala? May ginawa ba akong masama?

Nalungkot naman ako bigla. Eh pano ba naman, di ba? Sinong di malulungkot kapag di ka pinansin ng best friends mo? Ano bang ginawa ko at nagkaganun sila? 

Umupo muna ako dun sa pinag-upuan nila dito sa garden. Then, tinext ki silang tatlo.

*What's with you? Bakit kayo ganyan?*

5 minutes.
10 minutes.
30 minutes.

There. Ni wala man lang nagreply kahit isa! Grabe ha? Masakit na. Ano ba kasing nagawa ko? Huhu. Tinago ko nalang yung phone ko at nilabas ko yung binder ko. Mag-aaral na nga lang ako.

Sakto namang dumaan yung classmates ko sa Philosphy.

"Hi Diane! Hi Celine!" todo smile pa ako kasi naalala ko na naman yung sa EK. Pero nawala yung pagngiti ko nung bigla lang nila akong dinaanan. The heck? Pati ba naman sila?! Ano bang problema ng mga tao ngayon?! Anong nangyayari?!

Nilabas ko ulit yung cellphone ko. Tama. Tatawagan ko si Patrick.

"Hello Patrick?"
"Uhh.. yes?"
"Yes! Sumagot ka!"
"Uhh, ano kasi.. uhmm.. *screech* a--ano bye pala. May gagawin pa ako."

*toot toot toot*

Lalo lang akong na-depress. Pati ba naman si Patrick? Huhuhu. Seriously? Meron ba akong nakakadiring sakit at ang distant ng mga tao sa akin ngayong araw? Kainis na ha.

Okay. Last. Pag ‘to, hindi pa rin ako pinansin. Iiyak na talaga ako.  

*calling*

"He.. hello bebe b--?"
“Oh? Ahm, pasensya na may ginagawa ako eh. Bye.”

OUCH. Pati ba naman siya?

Hindi ko na napigilan yung sarili ko at naiyak nalang ako. Tumakbo ako papuntang banyo kasi nakakahiyang umiyak doon sa garden. Baka  kung ano pang isipin ng iba.

Ang sakit lang. Bakit bigla silang naging ganun? Biruin niyo? Ni wala man lang hi o kahit ano? Parang hindi ako nag-eexist sa mundong ‘to.  Nakakainis. Ano ba kasing ginawa ko, ha? May nagawa ba akong mali? Nakakafrustrate na.

Hanggang sa pumasok ako sa mga class ko eh hindi pa rin ako pinapansin ng friends ko. Maski yung classmates ko, iwas sa akin. Lalo lang akong nalungkot. Naiiyak na nga ako sa klase eh. Kaya nung last class ko eh sobrang mugto ng mata ko. After that, lumabas na ako ng room at naglakad na palabas ng campus, pero bigla kong nakita sila Jess, Yna at Alice na sabay-sabay naglalakad at nagtatawanan pa.

Napaiyak nalang ako. Tumakbo ako palabas ng gate. Ni hindi man lang nila ako pinansin. Ang sakit lang talaga :’(

Nung makarating na ako doon sa car, nagulat sa akin si kuya Ronald kasi para daw akong nalagyan ng pepper spray sa mata. Alam ko namang pinapatawa niya lang ako eh. Pero di talaga effective. Sabi ko nalang eh wag sabihin kay daddy na umiyak ako dahil mang-iintriga na naman yun. Nagpahatid nalang ako sa mall para magpatanggal ng depression. 

Pagpasok ko sa loob, dumiretso agad ako sa Quantum at pumunta doon sa may karaoke. Then naghulog ako ng token at hinawakan ko na yung mic. Saka ko naman napansin na medyo maraming tao. Nahiya pa ako at first pero wala naman akong magagawa, nagpplay na yung kanta ko. 

“You, with your words like knives and swords and weapons that you use against me
You have knocked me off my feet again got me feeling like I'm nothing
You, with your voice like nails on a chalkboard, calling me out when I'm wounded
You, pickin' on the weaker man

Well, you can take me down with just one single blow
But you don't know what you don't know

Someday I'll be living in a big old city
And all you're ever gonna be is mean
Someday I'll be big enough so you can't hit me
And all you're ever gonna be is mean
Why you gotta be so mean?”

After kong kumanta eh nagpalakpakan yung mga tao tapos yung iba tumatawa pa. Eh pano feel na feel ko yung pagkanta. Kasi naman eh! Medyo teary-eyed pa nga ako nung natapos ko na eh. After nun, bumaba nalang ako doon sa mini-stage at pauwi na. Pero bigla nalang may nangharang sa aking matabang kalbong lalaki.

"Hi Miss. Ang galing mong entertainer ah? Can I get your number?"

Bigla nalang akong kinilabutan nung ngumiti siya at bumungad ang bungal niyang ngipin sa harapan tapos bigla siyang lumapit sa akin. Waaaaahhh manyak! Anong gagawin ko?!


***