.

.

Chapter 53

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, April 23, 2015


***

Napaurong nalang ako nung lumapit yung lalaking nanghihingi ng number. Waaah san ba galing ‘tong nilalang na ‘to?! Ang creepy niya ha! Bigla-bigla nalang nanghihingi ng number!

"Uhh s..sorry po." Then umatras ulit ako ng ilang steps at tumakbo na ako. Pero nakakailang hakbang palang ako eh bigla niyang hinila yung kamay ko. Yucky! Pasmado siya! Sobrang pawis!

"Sige na miss, number lang naman eh. Pakipot ka pa."

Kung marunong lang talaga akong magself-defense eh kanina ko pa pinagulong ‘tong baboy na ‘to! Pero shemay lang, ang creepy niya tapos palapit pa siya ng palapit!

"Ano ba?! Bitiwan mo nga ako!" pasmado kasi talaga eh! Sobrang nagpapawis yung kamay niya! Kadiri!

"Bigay mo na kasi number mo miss." ang kulit ng baboy na 'to ah?! Piggy language lang ata ang kaya niyang intindihin eh!

"Ayoko nga! Kaya pwede ba, bitiwan mo---Ouch!" bigla niyang hinigpitan yung hawak sa kamay ko at feeling ko eh nadurog yung buto ko. Nakakatakot siya. Huhuhu.

"Ouch.. A--araaaaaaaaayy!!!!" Nagulat ako nung biglang umaray si taba. Teka diba dapat ako yung nag-aaray? Ang sakit kaya ng hawak niya kanina! Napatingin ako sa likuran ko.

"Patrick?!" The heck?! Anong ginagawa niya dito?

"Ano? Lalaban ka pa? Get lost! You damn pig!"

Then bigla niyang tinulak yung matabang kalbong yun at hinatak niya ako palabas. Nung nandun na kami sa sakayan eh huminto na rin kami sa paglalakad ng mabilis.

Whoa. Di pa rin ako makapaniwala. Nandito siya. And he saved me. Does that mean, hindi siya galit sa akin? 

"Patrick, galit ka ba sa akin? I.. I mean, kanina kasi--"

Napatigil naman ako sa pagsasalita nung bigla niyang kinatok yung ulo niya at napamura pa siya ng pabulong. Now what was that? Anong nangyari sa kanya?

"Ahh sige Steff, una na ako. Bye." then naglakad na siya paalis.

Naiyak na naman ako. Bwiset. Akala ko hindi na galit sa akin! Yun pala galit pa rin. Ang sakit sakit na ha! Mismong best friends at close friends ko eh hindi ako pinapansin.  

Nagpasundo nalang ulit ako kay kuya Ronald at nag-iiyak lang ako doon sa loob ng kotse. Pagdating ko naman sa bahay, sumalubong agad si daddy sa akin. Sinenyasan ko nalang si kuya Ronald na ako na ang bahala.

"Oh bakit ganyan itsura mo anak?"

"Bakit dad? Ano bang itsura ko?"

"Mukha kang na-isprayhan ng pepper spray. Ang pula ng mata mo."

"Ah oo dad, napagkamalan akong bampira kanina eh. Sige, akyat na ako. Goodnight po."

Buti nakapagpigil ako ng iyak. Pag-akyat ko sa kwarto eh, umiyak na naman ako. Ang sama ng araw ko ngayon. Ganito ba talaga yun? Kung sobrang saya ko last week eh biglang bawi naman ngayon at nasira ang araw ko? Grabe lang. Itutulog ko na nga lang ‘to. Baka sakaling bumalik sa dati ang lahat :’(

***

One week. One week na ang nakalipas. Yeah, di pa rin nila ako pinapansin. Ang saklap. Ngayon pa nama-- ah nevermind.

Tumambay lang ako sa garden mag-isa. Akalain niyo yun? Buong linggo eh mag-isa lang ako at walang kausap? Tapos pag-uwi sa bahay eh iyak, gawa ng homeworks, tulog. Ganda ng schedule ko no?

Tapos lagi akong pinagtitinginan na akala mo naman eh ang laki ng kasalanan ko sa mundo. Ayoko na talaga! Para akong di nag-eexist dito. Tapos pag nakikita ko si Yna, Jess at Alice eh naiiyak ako. Then madalas na rin nilang kasama si Patrick at Darryl, pati yung iba ko pang close friends.

Hay tama na nga Steff, may klase ka na oh! Para akong naka-drugs dahil pula yung mata ko. Umalis na lang ako sa garden at papunta na sa class ko. Natanaw ko naman sila doon sa tapat ng room namin--

Teka, 

*blink* *blink*

What?! Bakit lahat sila eh nasa tapat ng room ko?! Shet naman oh! Pano naman ako papasok sa klase ko nyan kung madadaanan ko sila? Sinasadya ba talaga nilang i-down ako at i-outcast ako sa grupo? Nakakaiyak na talaga.

Dahil wala naman akong mararating kung tititigan ko lang sila eh naglakad nalang ako papunta doon. Pero ang hirap lang kasi pinipigilan ko lang talagang tumulo yung luha ko. Sumakit lang yung dibdib ko nung narinig ko yung tawanan nila, habang ako eh gustung-gusto nang umiyak.

Eto na. Eto na talaga. One meter away from them. Papasok n asana ako sa room namin pero bigla naman akong hinarang ni Alice. Pagkahawak na pagkahawak niya palang sa braso ko eh naiyak na ako. Pero hindi ko inexpect yung mga sumunod na nangyari.

Bigla nalang naglabasan lahat ng classmates ko mula sa room then pinalibutan naman ako ng best friends at close friends ko.

“Okay guys, one.. two.. three.. go!” a..anong nangyayari?

“HAPPY BIRTHDAY STEFF!”  And in that instant, nag-breakdown nalang ako bigla.


***