.

.

Chapter 54

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, April 23, 2015


***

"HAPPY BIRTHDAY STEFF!"

I cried. As in tuluy-tuloy na. Nakakainis naman eh! Bakit ganyan sila?!

Lumapit silang lima sa akin habang kumakanta lahat ng students ng Happy Birthday. Ako naman, umiiyak pa rin. Di ko kasi alam yung mararamdaman ko eh. Matutuwa ba ako dahil may ganito o malulungkot dahil di nila ako pinansin ng isang linggo? Mixed emotions. Kasi naman sila eh! Ang lakas ng trip nila! Huhuhu.

Bigla naman nila akong hinila papasok ng room. Pagkapasok na pagkapasok ko, lalo lang akong naiyak dahil sa mga nakikita ko.

"Happy Birthday Steff! Do you like it?" then gumilid si Yna at nakita ko yung ga-bundok na gifts sa likuran niya.

"Happy Birthday Tiffany Damian! Ano na? Speechless much?" hinila naman ako ni Alice papunta doon sa may gifts.

"Oi Steff, salita naman dyan!" si Jess naman picture nang picture! Mukha pa man din akong zombie ngayon sa kakaiyak ko.

"Steff, happy birthday. Sorry for these past few days." Sabi naman sa akin ni Patrick.

Hindi ko na tuloy alam kung maiinis ba ako dahil sa hindi nila pagpansin sa akin ng one week o matutuwa dahil ginawa nila sa akin ‘to ngayong birthday ko.

"Na..naka..inis naman ka..yo eh.." hindi na ako makapagsalita ng maayos dahil humihikbi na ako sa sobrang iyak. Yung naimbak kong sama ng loob eh ngayon ko na nailalabas. Huhu.

Tapos isa-isa nila akong hinug. Kung anu-ano pang comforting words yung sinabi nila sa akin pero lalo lang akong naiyak. Hindi ko naman kasi akalain na magiging ganito ang birthday ko! Ang aarte na ng best friends ko ha.

"Oy sorry naman. Nadamay lang din kami. Hahaha!" Huh? Ano daw? Nadamay? H..hindi sila ang nagplano nito?

"What do you mean Jess?"

"Sorry bebe girl. Ako ang nagplano. Para mas memorable ang birthday mo." tapos hinug niya ako from the back.

“D..darryl?”

“I’m not Darryl. I’m bebe boy. Right?”

Bigla nalang akong nanigas nung mga panahong yun. Parang yung pag-iyak ko eh na-freeze rin. Sabay nagpapakaabnormal na naman yung tibok ng puso ko. OMG! Bakit ba nasa likod ko ‘tong freak na ‘to? Tapos nakayakap pa! Shemay! Pano naman ako makakapag-isip ng matino neto?! Lechugas!

"Oh tama na ang landian, gifts muna!" sabay picture naman ni Alice. Gagi talaga yun!

Ayun, humilera silang lahat at nagpresent ng mga gifts. Sobrang touched naman kasi ako. Grabe sila magprepare. Parang nakalimutan ko na di nila ako pinansin for a week sa ganda ng mga gifts nila. Saka ko lang nalaman na saktong wala pala kaming klase sa subject ngayon at kinontsaba nila yung prof at classmates ko na wag sabihin sa akin para pumasok pa rin ako. Grabe lang di ba? Anyway, isa-isa na nilang binigay yung gifts nila for me.

Si Alice, yung dress na pinagnanasaan kong bilhin last week ang niregalo. Si Yna naman, high heels. Grabe lang, ang taas! Favorite ko ang regalo ni Jess. Sandamakmak na chocolates! Halos isang timba ata ‘to eh! Si Patrick, isang malaking teddy bear. Oo malaki, kasinglaki ko nga ata eh. Si Darryl naman, pale pink guitar.

"With free instructor pa yan ha. Swerte mo ako ang instructor mo. Ako magtuturo sa'yo." Dagdag niya pa habang inaabot niya sa akin yung gitara. Muntik ko nan gang mabitawan kasi kinilig ako dun sa sinabi niya. Bwiset talaga!

Dahil may class pa sila eh pumasok muna sila. Ako naman eh naiwan dito sa room at pangiti-ngiting mag-isa.

Tinignan ko lang ulit yung mga gifts nila. Sobrang thankful ako at nagkaroon ako ng mga sweet na friends. Uhm, na may kaunting kabaliwan sa katawan. In fairness ha? Galing niya magplano. Di ko nahalata. Pasensya naman, masyadong occupied ang utak ko sa kung anong ginawa ko sa kanila at nagalit sila. Lalo na kay.. Darryl. Pssh. Napaka talaga ng taong yun! Lagi nalang akong pinag-aalala! Akala ko talaga may nagawa na akong mali. Tapos ang sakit pa kasi di niya ako pinapansin.

Okay. Oo pinag-aalala niya ako. Sapakin ko yun eh! Tapos namiss ko din yung kakulitan niya last week. Bigla nalang naging cold sa akin. Eh samantalang ang sweet niya nung nasa enchanted kami. Tss! Tapos, bigla-bigla nalang mangyayakap kanina?! Argh! Lakas ng topak niya ha? Pero.. bakit ako nakangiti ngayon? Sabi na nga ba eh, di coordinated ang bibig at utak ko.

Gusto ko siya.
Hindi, mahal ko na kaya siya?

Nope, hanggang gusto lang talaga.
Eh? Mahal ko na kaya!

Gusto lang!
Mahal nga!

Ugh! Bakit ba parang dalawa yung utak ko?! Okay fine! I choose the latter! I.. I think I love him? Ewan! Pero feeling ko, lalo pa akong na-inlove dahil sa ginawa niya ngayon. Akalain niyo? Pinaghandaan ang birthday ko?

Tss. Tama na nga. Baka mabaliw lang ako dito. Lecheng Darryl yun.

Dahil nabobore na ako dito sa loob ng room, eh lumabas muna ako. Andun naman sa loob si Diane so siya nalang daw muna magbabantay ng mga gifts. Nakakatuwa nga kasi yung ibang students kahit di ko kilala eh may gifts rin sa akin. And it's very touching. Nakakatuwa talaga.

Dahil ako naman eh madaling maka-appreciate ng mga bagay-bagay, si-net ko sa voice recorder yung phone ko at naglakad sa campus. Kasi maraming bumabati sa akin eh, gusto ko lang i-record. Nakakatuwa kasi eh! Memories din ‘to no!

Happy birthday Steff!
Hello po, happy birthday.
Ate, happy birthday po!

Ang lawak ng ngiti ko. Pasalamat ako ng pasalamat sa kanila. Natutuwa talaga ako dito sa mga students. Ang sweet nila masyado! Hihi. Kung lahat ng tao ganito, ang saya siguro mabuhay nang matagal.

Lakad pa rin ako nang lakad. Actually, gusto kong pumunta sa green field. Masarap hangin dun eh. Tsaka gusto kong pakinggan yung narecord ko dun. So, pumunta nalang ako since malapit lang naman siya sa location ko ngayon. Nung andito na ako, napaurong naman ako sabay tago dun sa pader. May mga tao kasi eh.

"--Sabihin ko na--"

Teka? Boses ni Darryl yun ah? Sino yung kausap niya?

*Dugdug.Dugdug.*

Ang lakas ng tibok ng puso ko. Shet, bakit ba ako kinakabahan?!

Sumilip ulit ako at...

N..no way.


***