***

"--Sabihin ko na--"

Hindi na lang ako ulit sumilip. Meron kasi siyang kasamang babae eh. Bigla nalang bumigat yung pakiramdam ko at medyo naiinis na ako. Feeling ko may hindi magandang mangyayari rito. But despite of that, pinili ko pa ring mag-stay doon sa likod ng pader at making sa usapan nila. Alam kong wala akong karapatang making dahil private conversation ‘to, pero kasi nacucurious ako. Kaso wala naman ako masyadong maintindihan dahil ang hina ng boses nila. Pero naging alert ako bigla nung lumalakas na at medyo naririnig ko na.

"--sabihin ko na hindi ko gusto si Steff at ginagamit ko lang siya! Oo, talagang ginamit ko lang siya-- --"

Napatulala naman ako bigla. Ewan ko pero pagkarinig ko nun, tears fell from my eyes. But not that kind of tears na tumulo noong sinusurprise nila ako kanina. This.. is different. And I’m getting really upset.

Pero imbes na tumayo na ako dito at umalis eh nanatili pa rin ako sa pwesto ko. Ang tanga ko rin no? Oo na nasasaktan ako. Feeling ko dapat di nalang ako nakikinig dito, pero gusto kong malaman yung nararamdaman niya... kahit masakit.

Nakahawak lang ako sadibdib ko dahil feeling ko eh sasabog na. Yung phone ko, nasa left hand ko. Pinipigilan ko nalang na umiyak lalo dahil baka marinig nila ako. Pero everytime na nagriring sa tenga ko yung sinabi niya kanina, eh gusto kong umiyak nang malakas. Seriously, nasaktan ako sa sinabi niya.

"You don't like her?!" narinig kong sabi nung girl.
"I don't like her."

Pagkasabi niya nun, tuluyan na akong tumakbo. Naiyak na ako nang tuluyan. I.. I know. I know that! Matagal ko nang alam na hindi naman niya ako gusto. I know na si Tricia pa rin naman talaga. I..I’m just a tool for moving on. Right, Darryl? Pero fuck this feeling of mine! Ang sakit. Ang sakit nung sinabi niya yun. Ang sakit na sa kanya mismo nanggaling yun.

Hawak ko pa rin yung dibdib ko dahil feeling ko eh lumulubog yung puso ko. Para akong baliw kasi tumatakbo ako habang nakayuko. Lahat ng estudyanteng mabubunggo ko, nagsosorry nalang ako. Asan ba kasi yung room?! Bakit parang ang layo?!

Nung makita ko na yung room, pinalabas ko muna si Diane at ni-lock ko yung pinto.

And I cried. AGAIN.

Fuck. Birthday na birthday ko, umiiyak ako. Buti sana kung tears of joy, pero hindi eh. These are tears of heartbreak. A..ang sakit. Sabin a nga ba. Tama yung nabasa ko sa isang libro.

If you fall in love, you will know the meaning of the word pain.

Pero leche. Hindi ko naman ineexpect na ganito kasakit!

Kinuha ko nalang yung bear na regalo ni Patrick. Tapos sinuntok-suntok ko.

"Bakit ba na-inlove ako sa freak na yun? Bakit ba?! Bakit ba kasi napalapit niya sa akin, ha? Sabihin mo nga?" iyak pa rin ako ng iyak. Timang na kung timang pero ayaw tumigil ng luha ko eh.

In the first place, bakit ba kasi ako pumayag sa girlfriend thingy na yan? Yang lecheng bebe boy-bebe girl na yan?! Yang tool for moving on na yan?! Akala ko walang epekto sakin, pero in the end.. I fell in love.

I'm the loser.

Sabi na nga ba eh, dapat pinigilan ko nalang. Dapat hanggang crush lang. Dapat hindi na umabot sa puntong 'to. Dapat.. dapat.. di ko nalang siya minahal. 

"I don't like her"
"I don't like her"
"I don't like her"
"I don't like her"
"I don't like her"
"I don't like her"

So, he doesn't like me, huh? Haha. ang tanga ko talaga eh. Sabi na nga ba lokohan lang lahat ng pinapakita niya sakin. Yeah right. Dapat pala tinatak ko na sa isip ko na I'm just his toy. His entertainment. You're so stupid, Steff. Bakit mo ba sineryoso?! Alam mo namang yung mga ganung itsura eh manloloko. Yung hindi sumeseryoso. Ang tanga-tanga ko.

"Ano ba? Tumigil nga kayo! Kanina pa kayo labas ng labas sa mata ko ah! Tigil na!" sabi ko sa mga luha ko habang pinupunasan ko sila. Asan ba yung panyo ko?!

Then nakita ko yung gitara na regalo sa akin ni Darryl. Mas lalo akong naiyak. So lahat ng 'to.. lahat ng ginawa niya para sakin.. lahat ng yun.. isang malaking joke lang? Only for entertainment? Pucha.

"Steff! Papasukin mo kami!"
"Hey, what happened?"
"Steff, please, kausapin mo kami."

Narinig ko naman yung boses ng mga best friends ko kaya lalo akong naiyak. Sorry pero di ko kayang maghandle ng problem ng mag-isa. I always need a company. Kaya, pinagbuksan ko sila ng pinto. Then niyakap ko sila at saka ako humagulgol ng todo. I wish my tears can wash away all the pain. Ang sakit talaga.

"Shh, andito lang kami."
"Iiyak mo lang yan, di ka namin iiwan."
"You can tell us everything Steff. Pero, ilabas mo muna lahat yan."

Bakit ba ganyan sila? Lalo akong naiyak. Wala na ba akong gagawing matino ngayong araw kundi umiyak?! Weak. Parang sinabi lang naman niya na "I don't like her", umiyak na ako. That's bullshit. Mas marami pang malalang problema dyan!

"Ha..ha..ha.. *huk* ang baliw.. ko *huk* no? Birthday.. na ..birthday ko.. *huk* umiiyak ako.."

Tapos niyakap ulit nila ako. Ayoko na. Bakit ba ako nagkakaganito? Bakit ba ako umiiyak dahil sa isang freak? Bakit ko iniiyakan si Darryl?

Bakit kung kailan mahal ko na siya, saka ko malalaman na hindi niya pala ako gusto? Akala ko perfect na lahat. Akala ko, my first love will be a fairytale.

Pero hindi pala.

I knew it. Fairytale is just for kids. And I’m not a kid anymore.

Nung wala na akong maiiyak, kinuwento ko sa kanila lahat. ewan ko kung bakit, pero sinamahan na rin nila akong umiyak. Tss, nangdamay pa ako. Imbes na ako lang ang nasasaktan, dinamay ko pa mga best friends ko.

Mga 2 hours ata akong umiyak. Super maga ng mata ko. Matinding pagpipigil pa ang ginawa ko para lang di na ulit ako umiyak. Buti nalang talaga at merong malaking teddy bear dito at dun ko nilabas lahat ng panggigigil ko.

"Happy birthday ulit bebe girl!"

Nagulat naman ako nung nakita ko siya sa may pintuan. Shet! Hindi nila na-lock yung pinto. Kainis. Yung pagpipigil ko kanina ng luha eh hindi naging effective sa scenario ngayon. Nagtuluy-tuloy yung pag-iyak ko, pero tumalikod agad ako at humarap kila Alice. 

"G..Girls, una n..na ko. Andyan na si Kuya Ronald eh. B..bye."  Tapos tumakbo na ako palabas ng room. Pero nung dadaanan ko na si bebe bo-- si Darryl, bigla niya akong hinigit.

"Teka, bakit di ka namamansin bebe girl? Tsaka.. hey wait. Are you crying?" so he noticed, huh? Pinunasan ko naman kaagad yung mga luha ko at tumingin ako sa kanya.

"Gusto mong malaman?"
"Syempre naman. Bebe boy mo ako eh. Right?"

Huminga muna ako ng malalim at inipon ko lahat ng courage na pwedeng ipunin. I know this is not right pero wala na akong pakialam. Nasaktan ako. Ayoko nang mag-isip ng tama. I faced him.

"Ian Darryl Garcia, I don't like you too."

Tapos kumawala ako sa hawak niya at tumakbo palayo sa kanya. Tumakbo ako nang mabilis papunta doon sa parking lot at pumasok agad ako sa kotse. Nakita ko naman na sumunod sila Alice dala-dala yung gifts. Then nilagay lang nila sa likod ng car at nagpaalam na rin agad. 

"Kuya Ronald, *huk* wag mo pong sasabihin *huk* kay daddy na u..umiyak ako ha? P..please?"

"O..opo.."

Habang bumabyahe, yakap ko lang yung teddy bear. Buti nalang at eto ang regalo sa akin ni Patrick. I owe him alot.

Bigla ko namang naisip si Patrick. Bakit ba hindi nalang siya? Bakit hindi siya yung minahal ko? Mahal naman niya ako diba? Ang bobo ko talaga pagdating sa mga ganito. Leche.

Pagdating ko sa bahay, nasa sala sina Daddy at Ven. Naka-party hat pa sila at halatang hinihintay akong dumating. Wrong timing naman oh. Sana hindi ko nalang birthday ngayon.

"Oh Steff, bakit ganyan itsura mo?"

"Dad, I have a headache. Sorry. Sige, akyat na ako." yun na lang sinabi ko, baka kasi magtanong pa lalo eh. Kahit na ang totoong dahilan eh...

I have a heartache.


***