.

.

Chapter 56

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, April 23, 2015


***

December 13.

Happy birthday to my dearest idol, Taylor Swift.
And belated sad birthday to me.

=__=

Saved.

Haaay. Nasa garden ako ngayon kasama ang mga dearest best friends ko. Wala pa akong tulog. As in wala pa talaga. Puro iyak ginawa ko kagabi, di ko rin alam kung bakit ayaw tumigil. Feeling ko nga pinagpyestahan ng buong clan ng ipis yung mga mata ko eh, sobra na siyang maga at singkit. Umub-ob nalang ako sa lamesa at gusto ko na talagang matulog. Ngayon lang ako tinablan ng antok eh.

"Oi Steff wag kang ganyan, nakakatakot ka. Kamukha mo na si Sadako oh." Sabay suklay ni Alice sa buhok ko.

"Oo nga, wag mong dibdibin, may likod ka pa." Huuuh? Gosh. Si Yna nagpapatawa na gamit ang Filipino language!

"Ilang balde ba naipon mo? Akin na nga at iuuwi ko sa bahay para may panligo na ako bukas." Hirit pa ni Jess.

Kung di lang talaga ako malungkot ngayon eh siguro kanina pa ako nakahawak sa tiyan ko at namatay na kakatawa. Alam ko naman kasing pinapasaya lang ako ng tatlong 'to eh. Kaso, eh sa malungkot ako ngayon eh, kaya wala ako sa mood tumawa. Plus, inaantok pa ako.

Papunta na sana akong dreamland kaso may nangangalabit sa akin. Tss. Kulit ha!

"Ano?! Sino ka ba?!" sabi ko nalang habang nakaub-ob pa rin ako.

"Steff." Teka parang kilala ko boses nun ah? Bumangon naman ako. Sabi na nga ba eh.

"Patrick?"

"Yo. Bakit ka naman nakaub-ob dyan?"

Di ko siya sinagot. Inaantok na talaga ako eh. Bahala sila dyan. Hindi ko na maintindihan pinag-uusapan nila. Half-asleep na ata ako? Basta unti-unti nang nag-black ang paligid. And then I am in dreamland.

***

Naalimpungatan naman ako bigla. Pagtingin ko, wala na yung tatlo?! Iniwan ako dito?

"Gising ka na pala." Phew. Andito pala si Patrick. Akala ko ako lang mag-isa eh. "Lika sama ka muna sa akin. Mamaya pa naman klase mo diba? Wag tayo dito at maaraw na."

Tumayo naman ako at sumunod sa kanya. Maaraw na kasi sa garden eh. Nagulat naman ako nung nakita kong papunta kami sa greenfield. Parang nagflashback tuloy yung nangyari kahapon. Kinapa ko naman yung bulsa ng pantalon ko. Asan na ba yung panyo ko?! Bakit ba lagi nalang nawawala kung kelan kailangan?!

"Here." sabay abot niya ng panyo tapos hinatak niya ako papunta dun sa puno at pinaupo. Ako naman, pinunasan ko kaagad yung luha ko.

"Steff, I can be your shoulder to cry on. Andito lang ako palagi."

Naman eh. Lalo tuloy akong naiyak. Bakit ba ang bait niya pa rin kahit ni-reject ko siya? Bakit siya ganyan? Hindi ko napansin na sobrang basa na pala nung panyo na binigay niya. Then nagulat ako nung bigla niya akong niyakap. I dunno pero naiyak pa ako lalo.

"Tss. Kahit ayokong nakikita kang umiyak, sige iyak ka muna ngayon. I know it can ease the pain."

"Patrick. *huk* Hin..di niya ako.. *huk* gusto. Bakit ga..nun? *huk* a..ang sakit *huk*" Then hinahagod niya lang yung buhok ko.

Akala ko tapos na kagabi yung pagdadrama ko eh. Di pa pala. Bakit ba kasi si Darryl pa? Sino bang nasa tabi ko lagi? Si Patrick di ba? Bakit kasi hindi nalang siya? At least sa kanya, alam kong mahal niya ako. Alam kong hindi ako masasaktan ng ganito.

Pero wala eh. Si Darryl yung mahal ko.  

Thirty minutes ata akong umiiyak sa t-shirt niya. Pinigilan ko naman yung sarili ko sa pag-iyak. Ayoko nang umiyak. Nakakapagod na. Lagi nalang ganito.

"Ano okay ka na ba?"

"Haaay. Yeah. Medyo okay na. Salamat Pat. And sorry dahil nabasa ko pa yung T-shirt mo." 

"Sus, wala yun. Ano ba naman 'to para sa babaeng mahal ko."

Ngumiti lang ako. Ewan ko pero di ako na-aawkward sa kanya kahit na alam kong may feelings siya sa akin. Siguro kasi mas nangingibabaw yung friendship ko sa kanya? Ewan ko. But I'm really happy that he's here. At least may masasandalan ako.

Nagulat naman ako nung bigla siyang kumanta.

“I shouldn't love you but i want to
I just can't turn away
I shouldn't see you but i can't move
I can't look away

And i dont know how to be fine when i'm not
Cause i don't know how to make the feelings stop”

Naiiyak na naman ako. Bakit ganyan siya? Nakakaiyak yung kinakanta niya eh! Feel na feel niya pa yung pagkanta. Tumatagos pa sa akin yung meaning. Tapos ang ganda pa ng boses niya. Parang si Darr—nevermind.

“Just so you know
This feelings takin control
Of me and i can't help it
I wont sit around
I can't let him win now
Though you should know
I've tried my best to let go of you
But i don't want to
I just gotta say it all before you go
Just so you know”

May naalala naman ako bigla. Kaya pinutol ko yung pagkanta niya.

"Uhh Patrick, may kasalanan ako."

"Hmmm?"

"Eh kasi ano eh.. muntik ko nang ma-murder yung regalo mo. Sorry!"

Natawa lang siya sa sinabi ko. Phew! Buti di nagalit. Kasi naman eh. Kung anu-anong pinaggagawa ko sa bear kagabi. Talagang siya yung labasan ko ng sama ng loob. Sinipa-sipa, sinuntok-suntok tapos kung saan-saan ko pa siya pinagbabato kagabi. Buti talaga andito si Patrick. Medyo nakakalimutan ko yung sakit. Nakakalimutan ko si Darryl.

Kahit sandali lang.

Nagklase naman kami. Nakakainis lang kasi katabi ko si Darryl. Feeling ko babagsak lang yung luha ko anytime eh. Bakit ba kasi kami magkaklase sa halos lahat ng subjects?! Naman oh!

"Bebe g--"

"Shh wag kang maingay, nakikinig ako kay Ma'am."

No. Wag na wag mong babanggitin yan. Baka bigla lang akong maiyak dito. Ang sakit malaman na laruan lang pala talaga yung tingin niya sa akin. Siguro di pa rin niya alam na narinig ko siya kahapon kasama yung girl na yun.

Ayan na naman. Naalala ko na naman. Damn! Ano ba Steff! Tumino ka nga! Iiyak ka na naman sa pesteng 'I dont like her' na yan eh!

Nagawa ko namang magpigil sa loob ng one and a half hour. Syempre lumabas agad ako ng room at tumakbo papunta kay kuya Ronald. Dun ako umiyak. Bakit ba kasi lagi ko siyang makikita?! Ang sakit pa rin talaga eh.

Bakit ko ba kasi siya minahal ha?

***

Pag-uwi ko, andun ulit si Mommy. Bumalik ulit siya?

"Mom, kelan kayo umuwi?" then i hugged her.
"Kanina lang hija. O kamusta na nga pala yung crush mo?"

Ano ba yan, pinaalala niya pa. Haaay. Wala na mommy. He doesn’t like me.

Bigla naman akong may naisip. Ewan ko kung tama 'to. Pero why not try it? Para naman di ako nagmumukhang tanga na nagmamahal sa taong di naman ako mahal.

"Mom, I'm going to that marriage interview thingy."

Pagkasabing-pagkasabi ko nun, biglang lumapit si Daddy at Ven na kasalukuyang nanonood sa sala. Halos magkapalit-palit na kami ng mukhang apat dahil sobrang lapit ng mga mukha nila sa akin with shocked expression.

Okay. Di ko naman sila masisisi kung bakit ganyan ang reaction nila. Eh ako kasi lagi yung tanggi ng tanggi dati tapos ngayon ako pa yung nag-iinitiate.

"Yes Mom. You heard me right. I. AM. GOING. TO. THAT. MARRIAGE. INTERVIEW."

Para makalimutan ko na yung pesteng bebe boy na yun.


***