.

.

Chapter 57

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, April 23, 2015


***

"Yeah mom. Center table? Okay, okay."

Binaba ko na yung cellphone ko at pumasok na sa restaurant. 

This is it. My second appointment. Naku, para tuloy gusto ko na magback-out. Kinakabahan ako! Bakit ba kasi padalus-dalos ako?

Nga pala, yung imemeet ko ngayon ay yung may-ari ng restaurant na ‘to. I mean, sa family nila. In fairness, maganda at sossy ang style at nakakatuwa ang ambiance. Para akong nasa isang European restaurant. Ginala ko naman yung mata ko at syempre, nakita kong may guy na nakatalikod sa akin dun sa may center table. Okay, Steff huminga ka ng malalim. This is it!

Lumapit ako dun sa harapan niya kasi nakaupo siya patalikod sa akin.

"Good evenin---" biglang humarap sa akin yung guy and packing tape!

"Steff/Patrick?!?!" napatayo pa siya nung nakita niya rin ako. Omaygad lang talaga!

Nahiya naman ako bigla kasi sa amin napunta lahat ng attention nung mga kumakain. Kaya napaupo nalang ako bigla sa upuan, at ganun rin siya.

Teka, totoo ba 'to? As in walang lokohan? Weh?
Tinitigan ko lang siya gamit ang aking Is-this-a-big-joke-look.

Tapos bigla siyang ngumiti ng nakakaloko. Waaah nakakahiya! Bakit sa lahat ng pwedeng ka-marriage interview eh siya pa?! Mukhang alam ko na iniisip ng isang 'to ah?

"Ho..hoy Pat. Anong nginingiti-ngiti mo dyan?"

"Haha, wala." Wala daw! Asus, eh halata namang gusto na niya akong pagtawanan.

"Naku ha! Nakakainis ka!"

Then, tumawa siya ng mahina. Sabi na nga ba alam ko iniisip netong taong 'to eh. Siguro parang ganito yun.

'Napakadesperada naman ng babaeng 'to. Sinabihan lang ng I dont like her, nagpa-marriage interview agad? Tss.'

Siguro yan yung iniisip niya sa akin ngayon. Tss. Nakakahiyaaaaa! Malamang alam niya yung mga nangyari these past few days!

"Alis na ako Pat. Joke lang talaga 'to eh. Pasensya na." tumayo na ako dahil feeling ko eh nauubusan na ako ng kahihiyan, pero bigla niya akong hinatak kaya napaupo ulit ako.

"Wag ka munang umalis. Sayang ang inihanda ng parents natin oh?"

"Eeehh kasi naman eh!"

"Let's just consider this as a friendly date, okay? Wag mo nang isipin yang Marriage Interview na yan."

Hay. Bakit ba ang bait ng nilalang na 'to? Sana ganito nalang din kabait si Darry-- nevermind.

Nagsimula na kaming kumain. At buti talaga hindi ako umalis. Ang sarap ng luto! Pero wait, bakit kaya pumayag si Patrick dito? Dati pa kaya siya nakikipag-interview?

"Hey Pat, bakit ka nga pala nakipag-meet sa akin? For what reason?" Ngumiti na naman siya. Hindi ba 'to nauubusan ng ngiti?

"Same as yours."

"Huh?" di ko gets?

"My stepping stone for moving on. Gusto ko nang mag-move on sayo Steff."

Ooohh. Awkward. Ano ba yan. Shunga-shunga ko talaga. Dapat pala di na ako nagtanong! Pero ano daw? Stepping stone? Ayos ah.

"Aa..aahh okay."

Kumain nalang ulit kami. Then nagkukwentuhan. Tungkol sa campus, personal life pati nga business eh.

"Wow, akala ko talaga hotels and condominiums lang ang focus niyo. Di ko alam nagtatayo rin pala kayo ng mga restaurants." sabi ko sa kanya.

"Hmm yeah. Actually si Mommy ang nagmamanage sa mga restaurants. Si dad na sa iba pa naming business."

Oo nga pala, close friends pala ang mga parents namin. Akalain niyo yun? Kaya pala kampante si mommy na makipagmeet daw ako sa anak ng friend niya.

Di ko napansin na kanina pa pala kami nagtatawanan. Pano kasi si Pat, kung anu-anong pinagkukwento! Dati daw kasi nung bata siya, nahubaran daw siya sa school nila ng mga bully niyang classmates tapos nakita ng mga kabilang school na puro girls. Hahaha! Ewan pero natawa ako at the same time eh nahiya para sa kanya. Biruin niyo yun? Nakitaan ka ng underwear infront of the girls? Hahaha! Naiiyak na talaga ako kakatawa!

"Grabe ka Steff. Masyado bang nakakahiya yun at kailangan mo pang maiyak?"

"Hahaha! So..so. Hahahaha! Sorry.. hahaha! Nakakatawa kasi eh!"

Grabe, nakakawala ng poise pag tumawa! Nakakatawa kasi yung mga pinagsasabi ni Patrick! Tapos poker face pa siya magkwento kaya lalong nakakatawa! Hahahaha!

Nagulat naman ako nung biglang nagbago yung expression ni Patrick. Oo poker face pa rin pero mas naging seryoso. Okay? Anong nangyari sa kanya? 

"Ui Pat, ok ka lang ba?"

"Ahh.. uhmm, yeah. Tara dun tayo sa gazeebo sa labas."

"Ahh okay?"

Weird. Anong nangyari sa kanya?

Tumayo na kami at papalabas na sana ng restaurant kaso nakalimutan ko yung hanky ko kaya binalikan ko pa sa table. Sabi niya nga siya nalang ang kukuha kaso nahiya naman ako. Kaya ayun, naghintay nalang siya sa tapat ng pinto. Kitang-kita nga siya eh dahil glass yung door pati yung sides ng restaurant nila.

Palabas na rin sana ako kaya lang..

*BOOGSH!*

"Ouch! Ano ba?! Tumingin ka nga sa daanan!!"

Aray! Ang sakit nun ha! Aba napaka ng babaeng 'to ah?! Siya na nga bakabunggo, siya pa may ganang magalit?!

Tumayo naman kaming dalawa. Nakakahiya, nakatingin sa amin lahat ng tao sa loob. Nag-bow nalang ako at dinaanan siya kaso nga lang hinigit niya ako.

"Now, hindi ka man lang hihingi ng sorry?!"

Ang kapal ha? Ako pa ang magsosorry eh siya nga dyan yung nakabunggo! Eh kung lumambitin kaya ako sa buhok niya ngayon?!

"Excuse me? Di ba dapat ikaw ang magsorry dahil ikaw ang nakabunggo?"

"Huh! Ako pa ngayon ang magsosorry? What a b*tch!"

Aba sumosobra na 'tong babaeng 'to ah?! Ano daw ako? B*tch? Mukha ba akong aso?! Bwiset! Bago pa sumabog yung angry vein ko eh nilagpasan ko nalang siya. Ayokong pumatol sa isang low level creature na gaya niya. Yun ang turo ni mommy. Kapag di mo ka-level, wag patulan. Phew. Calm down Steff.

Syempre naririnig ko pa rin yung pagngingitngit niya dahil mabagal lang ako maglakad. Ang sakit kaya ng balakang ko! Lecheng babae yun! Hmp! Buti di nakita ni Patrick. Nakakahiya naman sa family niya at nakikipag-away ako dito. Pero medyo familiar yung boses nung babae. Hindi ko nga lang alam kung saan ko narinig. Hay. Hayaan na nga.

"Hey Ian! San ka ba kasi nagpunta? Tignan mo tuloy, natumba ako."

Pagkarinig ko sa sinabing pangalan nung babaeng maldita na yun, napahinto ako. Ian? As in Ian? OMG. Paranoid na kung paranoid pero nanigas nalang ako bigla. Takte. Ang bilis ng tibok ng puso ko.

Syempre di ko naiwasang lumingon.

And I’m right. My instinct’s right. It’s him.
It’s Darryl.

*Ouch*

Bakit may kasama siyang babae? Dito pa sa restaurant. At gabi na ah! Nagdedate ba sila?! Feeling ko eh anytime may mahuhulog na naman sa mga mata ko pero di ako makagalaw. Aaaahhh help Patrick!

Kahit ang bigat na ng pakiramdam ko eh tumalikod nalang ulit ako. Nakakaisang-hakbang pa lang ako...

"Bebe girl? Steff, is that you?"

*Dugdug.Dugdug.*


***