.

.

Chapter 58

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, April 23, 2015


***

"Bebe girl? Steff, is that you?" bigla siyang naglakad papalapit sa akin. Hindi ako makagalaw. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Gusto ko nang magbreakdown dito.

"Ian/Steff!!" 

Napatingin naman ako sa likuran ko at nakita ko si Patrick. Buti nalang! Pero napabalik yung tingin ko kay Darryl. At nakita kong hawak-hawak nung babae kanina yung braso niya. Napatalikod nalang ako at napakapit kay Patrick.

"Tara na Steff, dun nalang tayo sa gazebo." Tapos inalalayan niya ako palabas. Hindi ko alam kung anong problema ko at lumingon ulit ako. And then nakita ko na nakatingin sa amin si Darryl. Nakatingin siya sa akin. Bigla nalang akong kinabahan. Feeling ko binabasa niya yung utak ko kaya tumingin nalang ulit ako sa pupuntahan namin.

Pagdating namin dito sa gazebo, medyo narelax yung utak ko. Nakakarelax kasi yung atmosphere. Then kitang-kita mo pa yung stars at yung moon. Pero nangingilid na naman yung luha ko. Peste. Sino ba kasi yung babaeng yun? Ha Darryl? Bakit kasama mo siya? Nagdedate pa sila? :’(

“Okay ka na?” napatingin naman ako kay Patrick na nakasandal doon sa pillar.

“I..I don’t think so.” At ayan na nga. Naiyak na naman ako. Lagi nalang. Pagdating kay Darryl, lagi nalang ganito. Ano ba Steff? Hanggang kelan ka ba aasa?

*vibrate vibrate* 

Naramdaman ko naman yung pagvibrate nung phone ko kaya kinuha ko kaagad sa bag ko. Then pagtingin ko, kakaibang number. Roaming number ata? Pinunasan ko muna yung luha ko at sinagot ko naman agad.

“He..hello?”

“Steff? Hey! It’s me. Tricia.”

“T..tricia? Uy! How are you?” namiss ko siya bigla. Haay.

“I’m fine. And I know you’re not.” Nagulat naman ako sa sinabi niya. H..how did she know?

“How did y--”

“I have my own sources. Pero gusto kong malaman kung andyan na ba ulit si Andrea.”

“A..andrea? Sino yun?”

“Yung possessive best friend ni Ian.”

Pagkasabing-pagkasabi niya nun, nagflashback bigla sa isip ko yung sinabi niya dati. May nabanggit nga siyang Andrea nun. Nung bago sila mag-break ni Darryl.

“W..what do you mean?”

“Hay. I think she’s there. Halos ka-height mo siya, brownish ang hair, maputi at maganda. Pero masama ang ugali. Ugh. I really don’t like her.” Then napatingin ako sa loob ng restaurant kahit wala na sila dun. Oh God. So yung girl kanina.. t..that’s Andrea? And then her voice.. it sounds like.. gosh. S..siya rin yung kausap ni Darryl nung nasa greenfield sila.

“And I think bumalik siya sa Pilipinas dahil sa’yo, Steff.”

“H..huh? Sa akin? Anong ibig mong sabihin?”

“I told you. She’s possessive. Siguro nalaman niya yung pinaggagawa ni Darryl. Magkababata kasi sila at talagang close. And I know na matagal ng may gusto si Andrea kay Darryl. Nung high school kami ay lagi niya akong binubully nung nanliligaw sa akin si Darryl. Hindi ko naman siya magawang awayin dahil ayokong may masabi sa akin si Darryl. And nung naging kami, umalis pa siya sa Pilipinas dahil dun. She’s really crazy. Lahat gagawin niya para kay Darryl. So you better watch out. Kung papapiliin man ako ng bagong mamahalin ni Darryl, I’ll gladly choose you. Kasi alam kong mabait ka. Alam kong mamahalin mo ng totoo si Darryl. Mas mapapanatag ako kung ikaw ang pipiliin niya. Alam kong wala ako sa lugar para sabihin ‘to pero I think ikaw rin naman ang pipiliin niya eh. I’m sorry. Ang daldal ko na ata masyado. Oh sige Steff, bye! I’m glad na nakausap ulit kita. Namimiss ko na kayo dyan. S..sige, bye.” Then binabaan niya na ako.

Naiyak lang ako sa sinabi niya. And I dunno kung bakit. Halu-halong emotions ang nararamdaman ko ngayon. Siguro nga, nababaliw na ako.

I miss Tricia. Siya lang ata yung ex-girlfriend na nakilala kong sobrang bait. Yung hindi bitter sa ex-boyfriend niya. And I find it amazing. At natuwa rin ako kasi gusto niya ako for Darryl. Pero ang problema kasi, wala siyang gusto sa akin.

“Who’s that?” napansin ko naman si Patrick na nakatingin sa akin.

“Ah. Si Tricia.”

“Ohh.” Then umiwas na siya ng tingin.

Nagstay lang kami doon sa gazebo nang tahimik. Kung anu-ano lang yung tumatakbo sa isip ko. Sa sobrang dami eh hindi ko na alam kung nasa tamang pag-iisip pa ba ako.

So he’s with Andrea. He’s with his best friend.
I hope I can switch with her.

Gusto kong marinig ulit yung boses niya.
Gusto kong makita ng malapitan yung mukha niya.
Gusto kong hawakan yung kamay niya.
Gusto ko ulit siyang makasama.

But I can’t.

Three days nalang bago mag-Christmas break.
I think I really need to move on.


***