.

.

Chapter 59

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, April 23, 2015


***

Christmas break na nga pala. Ang lamig na tuloy.

As usual, andito kami ni Ven ngayon sa mall at nagshoshopping. Todo-shopping kami ngayon dahil binigyan kami ni Mommy ng panglakwatsa. Pero bibili rin ako ng christmas gifts for my close friends at sa family ko. Mabait rin naman ako kahit papano no.

Hmm, ang binili ko kay Alice eh mga cosmetic products. Mahilig kasing magpaganda yun eh. Eh ang ganda-ganda na niya nga, nagpapaganda pa.

Mga accessories naman ang gift ko kay Yna. Gosh, ang adik niya sa mga 'to. Kulang nalang eh isabit na niya lahat sa katawan niya eh. Pero bagay naman kasi sa kanya.

Kay Jess eh high heels. Medyo maliit kasi siya kaya lagi yung nakahigh heels. Cute at petite naman siya tignan eh.

Okay, eto ang problema ko. Ano bang pwedeng iregalo sa mga lalaki? Haay first time ko kasing magkaroon ng mga close friends na lalaki eh. Ang hirap naman oh!

Hmmm. Ah tama!

"Ven! Anong magandang iregalo sa guy?" Napatingin naman siya sa akin tapos, err. Yung ngiti niya eh nakakaloko.

"Uyy, kay kuya Darryl ba yan? Hahaha!" napanganga naman ako sa sinabi niya.

"Darryl ka dyan?! H..hindi no! Para kay Pat!"

Sheesh. Oo nga no? Reregaluhan ko ba yung freak na yun? Pero kasi.. I don’t think na tatanggapin niya yun. Besides, bakit ko siya reregaluhan? Eh nagmomove-on nga ako. Ang tanga lang Steff. P..pero, friend ko pa rin naman siya di ba?

"Ayy, hoy ate wag kang magpapaligaw dun ha. Ayoko siya para sayo. Bet ko si kuya Darryl."

"Ano bang pinagsasabi mo dyan? Adik ka?"

"Asus! Akala mo naman di ako updated sa lovelife mo. Syempre alam ko ang latest no. Naku, baka misunderstanding lang yan. Kausapin mo kasi."

"Aba aba aba. At kelan ka pa naging love expert, aber?"

Bigla naman siyang namula. Hmmm, may tinatago sa akin 'tong kapatid ko ah? At pano niya nalaman yung tungkol kay Darryl? Tss. Babawasan ko nga ang regalo ko sa tatlong ugok na yun. Kung kani-kanino sinasabi mga problema ko eh!

"Nabasa ko lang sa libro. Hahaha! Tara na nga! Bilihan mo na ng gift si kuya Darryl!"

Binatukan ko nga. Ang kulit eh. Mabanggit lang yung pangalan ng freak na yun, eh naaalala ko na naman yung nangyari sa restaurant. Buti talaga at nandun si Patrick. Umiyak lang ako sa gazebo tapos hinatid na niya ako pauwi. Tapos sinabi ko na rin kay Mommy na si kilala ko si Patrick at ayoko na ulit magkaroon ng appointment sa guys.

Pumunta naman kami sa department store. Shemay. Medyo mahirap ‘to ha. Ang hirap mag-isip! Mas mahirap pa ata ‘to kesa sa exams ko eh!

Nakakita naman ako ng T-shirt na cool kaya kinuha ko. Eto nalang kaya iregalo ko kay Patrick? Okay na siguro ‘to. Di naman siguro siya maarte sa gift. Hmm. Okay, tapos na akong mamili ng gifts!

“Hey! Hey! Don’t forget kuya Darryl!” nagulat naman ako sa sinabi ni Venice. Mind reader? Hala? Then bigla niya akong hinatak at kung saan-saan kami napunta. Pati nga ata yung underwear section for men eh napuntahan na namin eh. 

"Ano ba Ven, wag na kasi. Tsaka wala naman akong ireregalo sa kanya. Maarte yun." Sabi ko nalang sa kanya.

"Eh di gumawa ka nalang. Para special. Ayiiieee." Sabay tulak pa sa akin at muntik na akong masubsob doon sa stall ng briefs. Nakakahiya tuloy! Ano bang problema ng kapatid ko ngayon? Lakas ng topak. Lakas mang-asar!

"Anong pinagsasabi mo dyan?"

"Mas special kaya pag yung gift eh pinaghirapan."

"Sus."

"Sus ka dyan? Gawin mo nalang kasi. Hahaha! Sige ate una na ako. Hinihintay na ako ni Ziela sa 3rd floor. Bye!"

At tuluyan na siyang tumakbo. Aba?! Iniwan ako? Tsk. Venice talaga.

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Pero bakit ko bay un iniisip? Sinaktan ako nung hinayupak na freak na yun eh, tapos reregaluhan ko? Tama ba yun?

Ay leche. Ang sakit na talaga sa utak.

Nagulat nalang ako nung napunta ako sa National Bookstore. Parang may sariling utak yung paa ko at napunta ako dito. Hay, wala na andito na rin ako eh. Bahala na! Kumuha ako ng kung anu-ano dun tapos binayaran ko at nagpasundo na kay Kuya Ronald. Si Venice naman daw ihahatid nalang ni Ziela, yung best friend niya.

Dumiretso agad ako sa kwarto. Then kinalat ko lahat ng pinamili ko. Okay, simulan na 'to ng matapos na. Bwiset. Bakit ba kasi sinusunod ko si Venice eh ako naman ang panganay? At bakit ba naisipan ko pang gawan ng gift yung Darryl na yun? Nakakainis naman oh!

Naggupit-gupit ako ng kung anu-ano. Actually, scrapbook ang gagawin ko. Pero leche lang kasi nung ginagawa ko na eh naiiyak ako. Nagprint kasi ako ng pictures namin. Tapos ng circle of friends niya.

Ang bigat sa pakiramdam.

Tapos may naisip na naman ako. Isusulat ko lahat ng nararamdaman ko dun sa scrapbook. Ewan ko. Nababaliw na naman ako. Siguro dahil gusto kong gumaan yung nararamdaman ko. Sana lang di niya maintindihan. Nakakahiya kasi.

Hello bebe boy. Oh ang effort ng regalo ko sayo ha? Sana ma-appreciate mo. Pero naiinis talaga ako sa'yo. eh. Sa mga sinabi mo. Nakakainis ka! Pero bakit ganun? Di ko kayang magalit sa'yo? Alam mo bang iniyakan kita ng---

Ah erase that sentence. Bakit ko sasabihing iniyakan ko siya? Pssshh.

Haha. Oh ayan ang bait ko diba? Binigyan pa rin kita ng regalo kahit naiinis ako sa'yo. Baka kasi di ako regaluhan ni Santa eh. Hahaha joke lang. Oh sige hanggang dito nalang, baka kung ano pang masabi ko.

From: your TOY, bebe girl.

Oo, capital T-O-Y talaga para malaman niyang sarcastic ako. Pero ang bigat pa rin ng pakiramdam ko. Ano bang problema ko at nagkakaganito ako? Bakit kasi reregaluhan ko pa siya? Ganito na ba talaga ako kadesperada at nagpapakamartir pa ako sa kanya? Haaay.  

Tapos dun sa pinakagilid at alam kong di niya mababasa, naglagay ako ng maliit na sulat,

Saranghae bebe boy.

There. Siguro naman di niya mababasa yun no? Tsaka di niya naman maiintindihan yun. Korean yun eh. Natutunan ko kay Yna. Hindi ko ineexpect na magagamit ko rin pala lahat ng pinagsasabi niya sa akin.

Nung medyo naggagabi na, pumunta na ako sa sala dahil magsisimbang gabi kaming pamilya. Bonding moment na rin 'to para samin. Kasi palaging nasa work si Mom at Dad eh. Nung nasa simbahan naman na kami, dun kami umupo sa medyo gitna. Buti di pa masyadong marami yung mga tao.

Si Dad at Mom magkatabi dun sa dulo tapos si Venice, then ako. Wala pang nakaupo sa side ko. Kami palang kasi dito sa upuan na 'to eh.

"Hija, may nakaupo ba di-- Oh Steff! Ikaw ba yan? Uy Steven Francis!" tapos napatingin kaming apat sa kung sino man yung nagsalita.

OH MY GOD! NO WAY! THIS IS NOT HAPPENING! NOOOOO! 

"Ti...tita Inna?" Tapos unti-unti akong napatingin ako sa likod niya.

"D..Darryl?"

No way! This is really not happening!


***