.

.

Chapter 60

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, April 23, 2015


***

"Steff."

*Dugdug.dugdug.*

Gosh. Ano ba?! Bakit ba sila andito?! Naman eh!

"Hoy Steven Francis, di ka na gwapo ah?" sabi ni tito Dan kay Daddy.

"Anong hindi? Mas gwapo kaya ako sa'yo, di ba honey?" bwiset. Naglandian pa ‘tong mga magulang ko.

Ayun, silang apat lang na matatanda ang nag-uusap usap. Ako naman eh sumusulyap-sulyap kay bebe b--- Darryl. Bakit feeling ko mas lalo siyang gumwapo ngayon? Oh sadyang abnormal na talaga yung mata ko? Shet. Ano ba Steff? Alam mo ba yung phrase na MOVE ON? Naman oh!

Dahil sila Daddy yung nasa dulo ng upuan, tapos si Ven, ibig sabihin ako yung katabi ni Tita Inna, tapos si Darryl, si Warren tsaka si Tito Dan.

Di pa nagsisimula yung misa, actually maaga nga kami eh. Ayaw daw kasi nilang makipagsiksikan mamaya kaya super inagahan namin. Sana matapos na 'to, ang awkward kasi eh. Hindi ko na kaya. Huhu.

Tahimik na kami ngayon. Medyo marami na rin kasi yung mga tao.

"Mommy, antok na ko." narinig kong sabi ni Warren. Namiss ko tuloy 'tong batang 'to! Ang cute niya pa rin!

"Naku sabi ko kasi sayo matulog ka na kanina eh. Ian palit nga tayo at matutulog daw 'tong kapatid mo."

Bigla naman akong napatingin kay Tita Inna. P..palit sila?! Ibig sabihin..
KATABI KO SIYA?!

Halos naabnormal na naman yung puso ko sa sobrang pag-dugdugdug. Leche! No way! Bakit sila magpapalit?! Hala! Makakatabi ko siya! Anong gagawin ko?! Waaah! Makipagpalit rin kaya ako kay Venice? 

Nung nagpalit sila eh saktong dumating na yung pari. Naman oh! Habang nagmimisa, tahimik lang siya. Alam niyo ba yung feeling na andami mong gustong itanong sa kanya pero nauunahan ka ng hiya?

At dumating na ang pinakakinatatakutan kong part ng misa. Ang Ama Namin. SHET—ay sorry po Lord!

Hinawakan ko yung kamay ni Ven tapos yung right hand ko eh nakababa pa rin. Then sa left side lang ako nakatingin. Naman oh. Nakakahiya! Pero nagulat ako nung hinawakan niya yung kamay ko tapos..

"Namiss kong hawakan yung kamay mo." 

Dear Lord, sana po tumigil ang takbo ng oras. Kahit ngayon lang po. Please? Namiss ko rin 'to eh.

Nung natapos na, eh di nagbitiwan na ng kamay. Pero bakit itong katabi ko eh ayaw bitiwan?! Darryl naman eh! Hanggang sa pag-upo namin eh nakahawak pa rin siya. Walang hiya talaga 'tong lalaking 'to. Andami-daming atraso sa akin tapos sa isang hawak lang parang wala na agad.

Galit dapat ako sa kanya eh.
Nagtatampo dapat ako sa kanya eh.
Nagmomove-on na dapat ako sa kanya eh.
Pero bakit ganito? Natutuwa ako sa simpleng gesture na ‘to?

Seriously, what's happening to me?

***

For 9 days eh ganun lagi. Nag-usap-usap yung parents namin na sabay-sabay na daw kaming magsimba para makapagbonding silang apat. Tss.

Hello naman kaya?! Pano naman ang puso ko? Kung anu-ano ng abnormalities ang pinagdaanan simula nagsimbang-gabi eh. Sobrang awkward lang lagi. Kaya nga lagi na ako sa dulo pumupwesto.

At ngayon eh Christmas eve na. As usual, kami-kami lang ang magcecelebrate. Syempre kaninang umaga eh binigay ko na yung gifts ko kila Yna, Jess, Alice at Patrick. Isa nalang talaga problema ko eh. Pano ka ba yun ibibigay sa kanya? Or wag ko nalang kaya ibigay? Tama. Hindi ko nalang ibibigay. Wala rin namang mangyayaring maganda eh.

Kami naman ni Venice eh kasalukuyang nagbubukas ng mga christmas gifts sa ilalim ng malaking christmas tree. Dito talaga ako na-eexcite eh. Ang pagbubukas ng regalo. Buti talaga marami akong ninang sa States! Hahaha. Dami ko tuloy gifts.

"Mom, thank you!" binuksan ko yung gift ni Mom at ang cute talaga! Dress na may design ng strawberries! Yay!

Sila Mommy naman eh busy sa paghahanda ng handa sa kitchen. Si daddy eh nasa may dining area lang at nakatingin sa mga nagluluto dahil wala siyang maitulong. Hahaha! Ang cute ni daddy!

*ding dong*

Nagulat naman ako nung may nag-doorbell. Sino kaya yun? Siguro yung mga batang namamasko lang. Eh parang kahapon, andami na naming binigyan ah?

Nevermind.

*ding dong*

Ang kulit! Paglaruan daw ba ang doorbell namin?

"Anak! Buksan mo nga yung gate!" sigaw ni Daddy mula sa kusina.

"Dad baka mga nanloloko lang yun!" 

"Tignan mo muna, baka bisita!"

Psh. Ano ba yan. Nagbubukas ako ng gifts eh! Napilitan naman akong tumayo at lumabas ng bahay. Then binuksan ko yung gate at...

"MERRY CHRISTMAS STEFF!" OMG! The heck?!

"Tita Inna?! Ba.. bakit kayo anditong.... LAHAT?"

OMG. Bakit andito silang family?! Anong nangyayari sa mundo? Nagulat naman ako at biglang sumulpot si Mommy sa likuran ko.

"Oh Inna andito na pala kayo. Pasok kayo! Tara!"

Ano bang nangyayari? Bakit andito sila? Dito sila sa amin magcecelebrate? Pumasok na silang apat at ako naman eh naiwan dito. Parang nafreeze na naman ako. Sheesh! Hindi ako makapaniwala!

"Malamig dyan, lika pumasok na tayo sa loob." tapos biglang may nanghatak ng kamay ko mula sa likod. Eh sino pa nga bang freak ang nasa bahay namin? Psh. Bigla tuloy uminit!

Nakatingin lang ako sa kamay ko. Na hawak niya ngayon. Feeling ko kahit malamig eh ang init ng mukha ko. Pahamak talaga 'tong freak na 'to oh!

"Waah! Kuya Darryl!"
"Yo Venice!"

Huh? At kelan pa sila naging close?

"Hahaha! may papakita ako sayo kuya! Punta tayo sa taas, dali!" tapos hinatak na ni Ven si Darryl papunta sa taas.

Oh well, ako eh nakatambay dito sa lamesa at pumapapak nalang ng chocolates. Sarap talaga! Magkasama pala kami ni Warren na pumapapak. Haha. Ang cute talaga ng batang 'to! Nakakagigil! Kung ipasok ko kaya siya sa sako at gawing design sa kwarto ko?

Napansin ko namang ang tagal na ata nila sa taas kaya umakyat na rin ako kasama si Warren. Pagdating ko dun, naabutan ko sila sa hallway at..

OH MY GOD!! HALA!!

"AAAAAAAHHHH!!! WAG YAN!!"


***