***

"AAAAAAAHHHH!!! WAG YAN!!"
"Takbo Venice!"

Tumakbo ako papunta sa kanila. Waaah! Tapos tumakbo sila papasok sa kwarto ko! Pati si Warren nakitakbo na rin! Ano ba 'to habulan?! Yung scrapbook ko! Shet naman oh!

Pagkapasok namin sa kwarto ko eh kumaripas silang dalawa papunta doon sa sulok habang si Warren eh busy sa pagbuklat ng CD’s ko. Naman oh! Yung scrapbook! Waaah! Nakakahiya! Nakita nya kaya yung loob? Nabasa niya kaya? OH GOSH! Sana hindi pa!

"Yo bebe girl, thanks sa gift. Ganda neto!" sabay smirk niya sa akin. Namula naman ako bigla sa pinagsasabi niya.

"YAAAAAHHH!!!!" tapos sinugod ko sila dun kaso tumakbo ulit sila sa kabilang dulo. Wala ba siyang utak? Hindi niya ba alam na namamatay na ako sa kahihiyan dito?!

"Venice! Lagot ka talaga sakin pag nahawakan kita!" impakta 'tong kapatid ko! Pasimuno ng lahat eh! Tsaka pano niya ba nalaman yung regalo ko sa freak na yun?!

"Hahaha! Maganda naman daw ate eh! Di ba kuya Darryl? *grin*"

Waaah! Ayoko na dito sa kwartong 'to! Pinagtutulungan nila ako!

"Ugh! Ewan ko sa inyo! Bahala nga kayo dyan!" tapos lumabas na ako ng room. Jusko kung alam ko lang eh siguro nadaig ko na ang kulay ng kamatis. Nakakahiyaaaaaaa! Buti nalang puro pictures lang yun.

Pero... hala! Andami kong sinulat dun na kalandian! Ta..tapos.. yung saranghae pa! Lechugas! Ano ba kasing pumasok sa utak ko?! Feeling ko di ko na kayang harapin si Darryl ngayon! Ang kahihiyan ko, wala na. Huhuhu.

Bumaba nalang ulit ako at pumapak ulit ng chocolates. Grabe, naiimaagine ko na binabasa niya yung mga sinulat ko dun. Nakakahiya talaga! Shet talaga! Pano pag nabasa niya na?

I'm doomed. Really.

***

11 PM na rin. Almost an hour nalang, Christmas na. Akalain mo yun? This year eh kasama ko siya sa Christmas? Syempre masaya ako. Pero di ko pa rin maiwasang malungkot, kasi.. the feeling's not mutual.

Dahil nakagawian ko nang magpunta sa veranda pag malapit na ang Christmas, pumunta na ako. Actually dala ko yung gitara ko na regalo niya. Nag-selfstudy nga lang ako eh. Hirap pala! Tapos bitbit ko rin si Giant. Yung bear na regalo sakin ni Pat. Napamahal na 'to sa akin eh, labasan ko 'to ng tuwa at sama ng loob.

Silang lahat eh nasa baba at magmomovie-marathon daw sila. Ay sus, if I know eh magtatalo-talo pa sila niyan kung anong genre ng movie ang panonoorin.

Sinubukan ko namang iposisyon yung mga daliri ko. Okay. Nasanay na rin ako dito eh. Akala ko talaga di ko maaabot yung mga strings. Kaya naman pala. Nagsimula naman akong mag-strum.

“Last christmas I gave you my heart
But the very next day, you gave it away”

Aaaahh! Palpak! Di ako maalam magpalit ng chords. Nakakalito naman! Ayoko na nga. Sinandal ko nalang yung gitara at hi-nug ko si Giant. Wiieee ang lambot niya talaga! Sarap tuloy matulog.

"Ano ba yun? Sumuko kaagad?"

"Ay kalabaw!" napatayo naman ako dun.

"Naging hayop na naman ako. Tss."

"Tss. Bakit ka ba andito? Tsupi nga." lumayas ka na! Nahihiya pa rin ako! For sure eh sa mga panahong ito, nabasa na niya yung nakasulat dun. Pero sana di niya nakita ang mahiwagang note. Magpapatiwakal talaga ako pag nakita niya yun! At wag na wag siyang magbabanggit ng kahit ano ngayon! Itatapon ko talaga siya sa veranda! Tsaka bakit ba kasi siya nandito?! Sana talaga alam niyang na-aawkwardan ako sa kanya ngayon eh.

"Sungit naman, Steff." then tumabi siya sa akin at kinuha yung gitara. Napatingin naman ako sa kanya.

A.. ang gwapo niya pag hinahangin yung buhok. Oh gulay! Ano ba Steff! Move on! Ilang beses ko ba dapat ipaalala sa sarili ko na dapat na akong magmove-on?!

"You know what, dahil sa pinakita mo ngayon, I think you should learn five tips."

"Huh?" pinagsasabi nito?

"Number 5, hindi dapat sumusuko sa unang try pa lang." then nag-strum sya at kumanta.

“Once bitten and twice shy
I keep my distance but you still catch my eye
Tell me, baby, do you recognize me?
Well, it's been a year, it doesn't surprise me”

Speechless. Ganda talaga ng boses niya. Eh di siya na.

"Number 4, hindi mahirap matutunan ang mga bagay na gusto mo talagang matutunan. Nasa determinasyon yan." teka ano bang pinagsasabi neto at may countdown pa? Nug-strum ulit siya... pero..

WOW! Ang bilis ng kamay niya! Ang galing!

“Umiiyak ka na naman 
Langya talaga wala ka bang ibang alam 
Namumugtong mga mata 
Kailan pa ba kaya ikaw magsasawa “

"Number 3, ayos lang magkamali. At least you'll learn from your mistakes."

“Sa problema na iyong pinapasan 
Hatid sayo ng boyfriend mong hindi mo maintindihan
May kwento kang pandrama na naman 
Parang pang TV na walang katapusan 
Hanggang kailan ka bang ganyan 
Hindi mo ba alam na walang pupuntahan 
Ang pagtiyaga mo dyan sa boyfriend mong tanga 
Na wala nang ginawa kundi ang paluhain ka” 

Na-eenjoy ko 'to kahit ganito lang. Ang sarap niyang titigan habang naggigitara. Feeling ko nga hinaharana niya ako eh. Hahaha! Oo feeler ako. Kahit ngayong pasko lang. 

Kahit ngayon lang.

"Number 2, mas maganda kung ineenjoy mo ang ginagawa mo. Hindi yung napipilitan lang."

“Sa libu-libong pagkakataon na tayoy nagkasama 
Iilang ulit palang kitang makitang masaya 
Naiinis akong isipin na ginaganyan ka nya 
Siguro ay hindi niya lang alam ang iyong 
Tunay na halaga”

Nakatingin lang siya sa akin ngayon. Feeling ko anytime eh matutunaw na ako. Shet. Ngumiti pa! Ano ba! Tama na!

"And lastly." binitawan niya yung gitara at lumapit sa akin.

"He.. hey. What are you doing?" ako naman eh umaatras dun sa upuan. Waahh, anong balak nito sakin?! Bigla naman niyang hinawakan yung pisngi ko. Both. Then biglang tumunog yung watch niya.

"Merry Christmas Steff. I'm happy that I'm with you." Saka siya nagsmile.

And then he hugged me. At nag-walkout. Ako naman, frozen AGAIN.
I think.. I think.. I want to collapse.


***