.

.

Chapter 62

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, April 23, 2015


***

"Merry Christmas Steff. I'm happy that I'm with you."

At nag-walkout siya.

Natuyo ang lalamunan ko. Ang lapit kasi ng mukha niya kanina eh. Tapos nakakatunaw pa yung tingin at ngiti niya. Santa, ang ganda ng regalo mo sakin. Best gift ever!

*I was thinking bout you..thinking bout me..* 

Napatingin naman ako doon sa tumunog. Pagtingin ko, phone pala ni Darryl. Napahinto naman siya sa paglalakad at bumalik sa veranda. And katapat ko siya ngayon. Frozen pa rin ang state ko ngayon. Kinuha naman niya yung phone niya at sinagot yung tawag.

"Hello?"
"Iaaaaaaaaaaaaaannn! Merry Christmas!"

So kelangan talaga naka-loud speaker? A..and I know that voice.

"Haha! Ang sakit sa tenga Andrea. Merry Christmas rin."
"Kain tayo sa labas bukas. Sige naaaaaaa. Minsan na nga lang tayo magkita eh."

I knew it. That’s Andrea. Ewan ko pero nag-init bigla yung dugo ko.

"Ha? Ah o sige. Dun nalang rin dati sa restaurant na pinuntahan natin. Yung last week?"
"Ayiieee sige! Hahaha! Magpapaganda ako ng todo."
"Huh? Kahit wag na. Maganda ka na naman eh."
"Haha! Ikaw talaga. Sige. Bye Ian! Aishiteru."
"Tss. Adik-- ay binabaan ako?"

Nakakairita! Nakakairita talaga!

"So dapat talaga naka-loud speaker?" napatakip naman ako sa bibig ko. Shocks. Bakit ko ba nasabi yun?! Stupid!

"Ahh. Sorry narinig mo. Sanay lang kasi akong naka-loud speaker eh."

Oo rinig ko. Rinig na rinig. May aishiteru pa. Tss. Akala naman niya di ko alam meaning ng aishiteru. I know that that means I love you in Japanese.

"Okay lang. Hmm, sino ba yun?" kunwari di ko yun kilala.

"Ahh si Andrea. Remember, yung babaeng kasama ko sa resto dati nung magkasama kayo ni.. Basta nung araw na yun."

Bigla namang nagbago yung mood niya. Tss. Di bale, ako rin naman eh. Lalo lang akong nairita. Nakakainis! Lalo na yung Andrea na yun! Bakit ganun siya ka-sweet sa phone samantalang ang maldita niya sa akin nung nasa resto kami!

"I hate you." Oops. Napatakip ulit ako sa bibig ko. Bakit ba bigla-bigla na naman akong nagsasalita?! 

"Huh? W..Why?" biglang sabi sa akin ni Darryl. Tss. Dapat para kay Andrea yun eh! Haaay. Ayoko nan gang pag-usapan yun! Christmas na Christmas, binabadtrip ko ang sarili ko. Kailangan kong ienjoy ang araw na ‘to!

"Uy sige, baba muna ako." Then bumaba na ako at isasagawa ko pa ang ritual ko tuwing pasko. Andito ako ngayon sa hagdan at sila naman eh naghahanap pa rin ng movies. Okay, game na!

"MERRY CHRISTMAS!! I LOVE YOU ALL!!"

Nagulat naman sa akin sila Tita Inna. Malamang naman. Sumigaw ba naman ako bigla nang pagkalakas-lakas eh!

"Naku, ganyan talaga yan Inna. Tuwing christmas eh sumisigaw yan." Sabi ni mommy kay tita.

"Hahaha. How nice naman pala. I love you too Steff!" sigaw naman sa akin ni tita Inna. Ang sweet niya talaga!

Pumunta naman ako sa kusina at kumuha ng pagkain. Ang dami nga eh! Gosh! Gusto ko kainin lahat! Sana hindi ako agad mabusog! Gusto kong kumain ng marami!

Kumuha ako ng maraming pagkain. Basta kung anong masandok ko yun na yun. Nakisalo na rin ako dun kila mommy. At ano daw ang panonoorin nila? Ayun oh. A Walk To Remember. Haaay, napanood ko na yan eh. Pero sige na nga, matagal-tagal ko na rin naman yang di napapanuod eh. Papanoorin ko nalang ulit.

Di pa nag-uumpisa eh kumakain na agad ako. Kaya nakaramdam ako bigla ng uhaw. Pumunta ako sa kusina at naabutan ko dun si Darryl. Di niya naman ako nakita dahil may kausap na naman sa phone at sa likod niya ako dumaan. Don't tell me si Andrea pa rin yan? Tss.

"Andrea, I don't just simply like her...."

Shet. Ayan na naman yang I dont like her  na yan. Biglang sumikip yung dibdib ko. Eto na naman eh. Eto na naman yung usapan. Akala ko okay na ang lahat kanina. Pero hindi pa pala :’(

Dahil feeling ko eh babagsak na naman ang luha ko eh di na ko nakinig at bumalik nalang sa sala. Buti nakakaiyak 'tong movie, okay lang na umiyak ako. Ang kaso nga lang, simula pa lang kasi. Baka sabihin nila eh nababaliw na ko dahil simula pa lang eh naiyak agad ako.  

Inhale. Exhale. Mamaya ka na magdrama Steff.

Pagtingin ko sa kaliwa, papunta na dito si Darryl. Mukhang aburido yung mukha. Ano na naman kayang problema ng isang 'to?

"Mom, can I use the car?"

Napatingin kaming lahat sa kanya. I mean, sila lang pala. Matagal na akong nakatingin eh. 

"Bakit Ian?"
"Pupuntahan ko po si Andrea."
"Ah o sige. Ingat nalang sa mga nanghuhuli. Wala ka pang lisensya."
"Sige Dad."

Tapos nagwalk-out siya.

Feeling ko bumigat lalo yung pakiramdam ko.
Now, pwede na ba akong umiyak?


***