***

Umalis na siya. Ako naman tumulo na yung luha ko kaya yumuko ako tsaka ko pinunasan. Psh. Ano ba, mamaya ka na umiyak Steff, pag nakakaiyak na yung palabas!

Bakit kasi pupunta pa siya dun? Anong gagawin niya dun? Nakakabadtrip naman oh. Akala ko masaya na yung pasko ko eh, binawi lang pala. At dahil di rin ako mapakali at kung anu-ano nang pinag-iisip ko, naisipan kong sundan nalang siya. Tumayo ako sa harap ni Daddy.

"Dad, pwedeng pahiram din ng sasakyan? May bibigay lang ako kay Yna, nakalimutan ko kasi eh. Please?" Kung saan ko man nakuha yung palusot na yun, ewan ko na lang. Basta kung anong masabi yun na yun. Pero sana payagan ako.

"Steff, gabi na. Mamaya madisgrasya ka pa. At isa pa, wala ka pang lisensya."

"Dad, magaling naman akong magdrive eh. Sige na. Promise babalik agad ako. Pasko naman oh, pagbigyan mo na ako!"

"Haay nako Steff, sinasabi ko sa'yo ha. Mag-ingat ka. Sige na."

"Yes! Thanks Dad!" lumapit ako sa kanya tsaka ko siya kiniss. Ang bait talaga ng daddy ko! The best siya!

Dali-dali akong sumakay sa sasakyan. At binilisan ko talaga yung takbo. Buti hindi pa nakakalabas ng village yung kotse ni Darryl. Nakikita ko pa kasi eh. Hmm, susundan ko na 'tong freak na 'to. Ano kayang gagawin niya sa bahay nila Andrea?

Habang nagdadrive ako, kinakabahan talaga ako. Feeling ko may hindi magandang mangyayari eh. Tss. After ilang minutes, huminto siya sa isang magandang bahay.

Ang laki nga eh. Pero bakit parang ang dull ata? I mean, parang di ko feel ang Christmas dito. Ang lungkot tuloy sa pakiramdam. 

Tinabi ko yung kotse sa medyo malayo. Nakita ko na kasing bumaba si Darryl eh. Ako naman, dahan-dahan ding bumaba. Nung nakapasok na siya sa gate, tumakbo ako sa gilid.

Pagsilip ko,

*OUCH*

Magkayakap sila.

“T..Thank you Ian.. A..akala ko *huk* m..mag-isa lang *huk* ako ngayon..”

“Shhh. I’m here okay?”

“P..pwede bang.. d..dito ka lang?”

Napatalikod nalang ako sabay hawak sa dibdib ko. Parang napana yung puso ko. Ang sakit.

Kung kanina eh kaya ko pang pigilan yung luha ko, ngayon hindi na. Tinakpan ko nalang yung bibig ko para hindi nila ako marinig.

"Okay. But please, don't cry."

Naiyak ako lalo nung sinabi niya yun.
Can you also tell me that, Darryl?

Ang sakit. Ang sakit sakit na. Pakiramdam  ko lumulubog na yung puso ko ngayon. 

Sana pala di nalang ako sumunod.
Sana hindi ko siya nakita kasama si Andrea.
Sana hindi ko sila nakitang magkayakap.

Sana hindi ako nasasaktan ng ganito.

Tumakbo ako papuntang kotse at dun umiyak nang umiyak. Walanghiya ka Darryl! Pagkatapos mong sabihing masaya kang kasama ako ngayong pasko, iiwan mo rin ako?! Pupunta ka sa ibang babae? Ano ba 'to lokohan? Lahat ng sinabi niya, isang malaking kalokohan lang? Punyeta! Eh bakit kasi ako nagpapaloko?!  

Bakit ko ba kasi sineseryoso yung mga sinasabi niya? Eh di ba pinaglalaruan niya lang naman ako?! Akala ko talaga kahit papano eh may pag-asang mahal niya rin ako eh. Pero mukhang malabo.

Bakit ba kasi ako umaasa? Ang sakit lang. Pero di ko pa rin magawang magalit sa kanya. Mahal ko siya eh. To the point na kahit nahihirapan na ako ng ganito, siya pa rin talaga. Ang sama sama mo Darryl. Bakit ka ba ganyan?

Pero please umalis ka na dyan. Minsan lang ako maging selfish. Please? Bumalik ka na sa bahay. Promise, di na kita aawayin. Promise okay lang sa akin na laruan mo ako. Wag mo lang akong iwan. Wag lang ganito. Please?

Pinunasan ko yung luha ko at kinuha yung phone ko. Selfish na kung selfish. Gusto ko nang sabihin sa kanya lahat. Masyado nang marami yung nararamdaman ko. Masyado nang mabigat yung dinadala ko. Gusto kong sabihin sa kanya na mahal ko siya. Pero natatakot ako sa isasagot niya. Ayokong malaman. Pero..

Eto na. Idinial ko yung number niya at nag-ring. Nagpupunas pa rin ako ng luha dahil tuloy-tuloy lang sila sa pagpatak.

"Hello?" pagkarinig na pagkarinig ko ng boses niya, I wanna cry out loud.

"... Ahh.. ano..." hindi na ako makapagsalita nang maayos. I’m crying. Again. Naaalala ko na naman kasi lahat.

"Huh?"

"Ma.. matagal k..ka pa dyan?" please, bumalik ka na.

"Ahh.. ano kasi eh.. siguro. Sorry."

Hindi na ako nakapagsalita. Tuluy-tuloy na sa pagpatak yung luha ko. Magtatagal siya dito. Hindi siya babalik.

"Ian! Sinong kausap mo?"

Narinig ko pa yung boses ni Andrea. Lalo lang akong naiyak. Bakit siya yung kasama mo Darryl? Hindi ba pwedeng ako nalang? Hindi ba pwedeng ako ulit?

"Ahh sige Steff, text nalang kita. Bye."

Gustung-gusto ko nang magwala dito. Alam naman niyang di ako nagbabasa ng text eh! Tapos sasabihin niyang itetext ako?! Ayaw niya bang magpahuli kay Andrea na tinatawagan ako?! Walanghiya ka talaga Darryl! Bakit ka ganyan?

Please, bumalik ka na.

"Please, bumalik ka na." Sabi ko nang mahina tsaka ko pinatay. Sana hindi niya narinig. Napaka-selfish ko talaga. Pero kasi...

Mahal ko siya eh. Mahal na mahal ko siya.

Pero siya? Mukhang hindi. Malabo. Sobrang labo. Suko na talaga ako. Masyado na akong nasasaktan. Ayoko na.

Ayoko nang umasa.


***