***

Lumipas ang christmas break. May pasok na naman. Syempre ako, malungkot pa rin. Nasasaktan pa rin. Hindi kasi siya bumalik. Walang bebe boy nung Christmas.

Wala si Darryl.
Wala siya.

Umiyak ako nun. Akala ko kasi ayos na kami eh.
Hindi pala. Alam ko selfish ako. Pero gusto ko lang rin naman siyang makasama eh. Ano bang masama dun? Wala naman di ba? Kaya ngayon, sinusubukan ko na talagang magmove-on. Ayoko rin namang masira ang friendship namin dahil lang sa feelings ko para sa kanya. Mas mabuti nang ganito. Yung lumayo nalang ako.

Ayoko na kasing masaktan.
Natatakot na akong masaktan.

"Steff! Here!"

Nilingon ko naman sila.
Ayun, nasa garden sila Alice. Na-miss ko sila.

"Oy mga babae, namiss ko kayo! Oh ano nagustuhan niyo ba gifts ko? May sapak pag hindi."

Natawa naman sila. Namiss ko talaga sila.
Kasi masaya pag sila ang kasama ko eh. Walang problemang iniisip. At least. Susubukan ko nalang na maging masaya kahit gusto kong umiyak.

"Oo nagustuhan namin. Ganda nga eh. Di ba Jess?"

"Tama. Galing sa fashionista. Naks."

"I love your gift Steff! It suits me!"

Nginitian ko naman sila. Buti naman at nagustuhan nila. Nagkwentuhan lang kami dun. Mamaya pa kasing hapon yung mga klase namin eh. Eto namang mga 'to, puro lovelife nila ang kinukwento. Susmiyo. Eh iniiwasan ko nga yun eh.

"Eh kayo ni BEBE BOY mo, kamusta na?"
Ayan na nga ba sinasabi ko eh. Tsk. Epal naman ni Alice oh.

"Wala. Haha. Move on na ang drama ko ngayon eh." then a weak smile.

"HAAAAA?!"

Nagulat naman ako nung sabay-sabay silang napatayo. Ay nako! Pinagtitinginan tuloy kami! Adik talaga 'tong tatlong 'to! At bakit ba gulat na gulat sila eh alam naman nila kung anong nangyari last month.

"Maupo nga kayo." saway ko sa kanila. Talagang kinarir ang pagtayo eh.

Siyempre ano pa nga bang ginagawa pag tsismosa ang mga best friend mo? Kinuwento ko sa kanila yung mga nangyari nung pasko. Hindi naman ako palasikreto sa mga best friends ko kaya alam na alam nila ang buhay ko. Haay, pero parang bumigat ulit yung pakiramdam ko.

"Ay leche naman yan oh! Sino ba yang Andrea na yan?! Pupugutan ko siya ng ulo!"  biglang sigaw ni Jess.

"Teka kukuha ako ng tinidor. Sasaksakin ko yan. Ang epal much!" sabi naman ni Alice sabay kuha nga ng tinidor sa loob ng bag niya.

"We also need a spoon! Shield natin!" at saka kinuha ni Yna yung kutsara sa bag ni Alice.

Imbes na bumigat yung pakiramdam ko eh natawa lang ako sa kanila. Pffft. Paano kasi eh nanlilisik pa yung mga mata eh. Mga baliw!

"Ewan ko sa inyo. Hahaha! Talagang may props pa kayong kutsara at tinidor ha?"

Hanggang sa nagkwentuhan nalang kami ulit. Puro si Andrea eh. Kulang nalang murderin nila. Grabe kung magplano kahit joke-joke lang!

"So eto, aabangan natin siya sa gate tapos tusukin mo ng tinidor, Alice."

"Aye aye captain Jess. Mwahaha! I’m gonna stab her deeply. 6mm under her skin! Para feel na feel!"

"Tama Yna! Dapat nga 10 mm eh! Ang epal kasi. Teka, iprepare mo na rin ang kutsara baka gumanti!" sabi naman ni Alice sa kanila. Hahaha!

"Sige ako na bahala sa ibang armas niyo. Hahaha!" sabi ko nalang sa kanila.

Pero nagulat kami nung biglang...

"Planning to murder me, huh?"

Nanigas ako sa nakita ko nung humarap ako sa nagsalita.
It’s Andrea. At kasama niya si Darryl.

Oh God. Wrong timing naman oh! Narinig niya? Pero joke lang naman yun eh! Baka naman seryosohin niya pa?

"Aahh sorry, that was just a jok---"

*PAK*

Nagulat ako sa ginawa niya. Halos hindi na ako makagalaw sa pwesto ko. She.. she.. slapped me. What the..

"Hey! Bakit mo sinampal si Steff!
You b*tch!" sabi ni Alice tapos humarang siya sa gitna namin.

"Huh! Dapat lang naman yan sa kanya no! Ang kapal ng mukha mo. Tama bang pagkatuwaan ako?! At ano? Papatayin niyo ko!? For God's sake, hibang ba kayo?! Anong problema niyo?!"

"Hey, Andrea tama na yan!" narinig kong sabi ni Darryl.

Ako naman, speechless pa rin habang hawak ko yung pisngi ko. Nakayuko lang ako. Ang sakit. Ang babaw niya ha? Joke lang naman yun eh. Naiiyak na ako dito. Feeling ko pinagtitinginan na kami ng mga estudyante.

"Eh ikaw pala ang makapal ang mukha eh! Alam mo ba yung salitang joke, ha?!" narinig kong sabi ni Jess.

*PAK*

Nagulat ako nung may narinig na naman akong sampal kaya napaangat yung ulo ko.

"W..why did you slap me?! How dare you!" -Andrea

"Para yan kay Steff. Alam mo bang hindi yan sinasampal ng mga magulang niya?! Tapos ikaw sasampalin mo lang ng bigla-bigla? Sino ka ba, ha?! Kilala mo ba siya para saktan mo ng ganun?!"
sabi ni Alice habang galit na galit yung mukha niya. Tuluyan na akong naiyak sa sinabi niya.

*PAK*

"At yan naman, para sa mga kalokohang ginagawa mo!
Alam mo bang may nasasaktan dahil sa'yo?! Bakit ka ba kasi sumulpot ha?!" sinampal niya ulit si Andrea. Gusto kong pigilan si Alice pero hindi ako makagalaw. And I saw Andrea crying. Namumula na talaga yung pisngi niya at bakat na bakat yung kamay ni Alice.

"Alice tama na! Nasasaktan na yung tao eh!"

Nagulat kaming lahat nung sinabi yun ni Darryl. Ewan ko pero nasaktan ako. Naiyak ako. Ganun? Ganun lang yun? Ako ba hindi nasaktan nung sinampal niya? Bakit siya lang? Siya lang ba ang may karapatan para masaktan? Siya lang ba ang may karapatan para ipagtanggol mo? Ha, Darryl?

Bakit si Andrea pa yung kinampihan mo? Bakit siya?

"Isa ka pa Darryl eh! Bakit hindi mo pinigilan yang malditang yan nung sinampal niya si Steff ha?! Tapos ako pipigilan mo pag sasampalin ko siya?! Hah! Ang galing mo rin eh no?! Ano ba 'to, lokohan? Lokohan lang sa'yo pagdating kay Steff? Sabihin mo nga?! Sino ba talaga siya para sa'yo?!"

Oh my God Alice. Please stop. Stop.  Hinawakan ko si Alice dahil wala siyang tigil pag magalit. Kaya hindi namin siya ginagalit eh. Malala. And I know where this conversation is going.

"S..stop it A..Alice. Tama na. P..please?" sabi ko nang mahina sa kanya. Natatakot kasi ako sa pwede niyang isagot. Ayoko. Ayokong marinig.

Ayokong marinig sa bibig ni Darryl yung mga salitang kinatatakutan ko. Hindi ko kakayanin.

"Sorry Steff. Pero puro kagaguhan lang kasi ang nangyayari eh.
Pati kami nahihirapan na sa sitwasyon mo. Lagi ka nalang umiiyak. Hindi naman pwedeng lagi ka nalang naasaktan."

Napakagat nalang ako sa labi ko.
Oh no she didn't. Ba.. bakit mo sinabi Alice?!

"W..what? You're always crying, Steff?" napatingin ako kay Darryl. At di ko na talagang kayang pigilan yung luha ko. Fck these eyes.

"Ano naman sa'yo, ha Darryl?! Di ba laruan lang naman sa'yo si Steff? So why would you care?! Ni wala ka nga sa tabi niya nung mga oras na yun eh! Wala kang kwenta! Dyan ka na sa malandi mong Andrea! Magsama kayo!" tapos tinalikuran niya yung dalawa at hinatak ako.

Pero nagulat ako nung hinatak ni Andrea yung buhok niya.

"How dare you! Hindi ako malandi!
Yang si Steff ang malandi! Inagaw niya sa akin si Ian! Siya ang malandi!"

"Ouch! Don't touch my hair! You bitch!"

Nagulat ulit ako nung sinikmuraan ni Alice si Andrea. 

"Ouch! Ian, help me here!!"
sabi ni Andrea habang hawak niya yung tiyan niya at parang namimilipit sa sakit.

"Please Alice, tama na!" si Darryl naman ay nakahawak kay Alice at sinusubukang pigilan siya.

"Fine! I hate you Darryl! Bwisit ka! Magsama kayong dalawa! Mga bwisit! Wag na wag kayong magpapakita sa amin! At wag na wag mong lalapitan si Steff! Sinasabi ko sa inyo! Pag nakita ko pa kayo, hindi ko alam kung mapipigilan ko pa yung sarili ko."

Then tumalikod na si Alice. Hahatakin niya sana ulit ako kaso di na ako makapagpigil. Natatakot ako pero ayoko na rin ng ganito. Nakakasawa na. Masakit masyado. Sige. Sabihin niya na ang dapat niyang sabihin. Kung sa kanya na manggagaling, hindi na ako aasa. Oo masakit pero gusto ko nang sumaya. Ayoko na ng ganito. Kaya humarap ako kay Darryl.

"Sino ba talaga ako para sa'yo noong una hanggang ngayon?" sabi ko sa kanya habang pinipigilan kong umiiyak.

Silang lahat, natahimik. Parang ako, naghihintay ng isasagot niya. Gusto ko sanang bawiin yung tanong ko kaso parang wala nang lumalabas sa bibig ko.

"A toy, but--"

Yun. The truth. Lumabas din. But it freakin’ hurts.

"Hahaha. Yeah I know. Now it's confirmed. I'm just a toy for you. Haha.." nagfefake ako ng tawa habang umiiyak. Para akong tanga. Pero mas mabuti na rin ‘to. At least, alam ko na ang tingin niya sa akin.

"No, I mean--"

"No need to explain Darryl. Please?"

Kanya-kanya namang bulungan nung mga tao sa paligid. Alam kong naguguluhan sila. Pano ba naman eh buong akala nila eh boyfriend ko talaga si Darryl. Bwisit na game yan. Bakit ba kasi ako nakiayon sa kanya?

Sana totoo nalang lahat eh. Sana siya na talaga. Para masaya ako ngayon. Masakit palang magmahal ng taong iba ang tingin sa'yo.

Humarap ako sa mga estudyante na nagtataka pa rin.
I wanna get out of this mess. Ayoko nang lokohin lahat ng tao. 

"Everyone. I..I would like you to know that I'm.. n..not really in a relationship with this guy.." tinuro ko si Darryl na hanggang ngayon eh nakatingin lang sa akin at walang emosyon.

"...this was just a freakin' game. S..Sorry. Sorry for lying." then nag-bow ako habang umiiyak. Tuluy-tuloy na talaga. Wala na akong masyadong makita. Naririnig ko yung pinagsasabi ng mga estudyante pero ayoko nang i-process.

Pagkatapos kong mag-bow sa kanila, tumakbo na ako. Wala na akong pakialam kung sinu-sino yung mga nabangga ko. Hindi na ako nagsorry. Basta tumakbo lang ako palayo sa kanila. Palayo sa kanilang lahat.

Akala ko gagaan ang loob ko kapag nasabi ko na yun. Pero hindi eh. Sana bumalik nalang yung dati. Yung wala pa kaming problema. 

"Ayan na, I'm finally your boyfriend."

Habang tumatakbo ako, naalala ko yung sinabi niya. Nakakainis ka Darryl. Bakit ba kasi ako nakipaglaro sa'yo?

Ang sakit. Ang sakit sakit talaga.

I can still feel the pain.
And it really hurts.

ALOT.


***