***

One week have passed.

Hell week na rin ngayon dahil panay exams at pasahan ng requirements ngayong week. Nakakahiya nga sa bahay eh. Si Daddy kasi nakita niya akong nagrereview. Eh syempre fresh pa ang heartache ko kaya umiiyak ako habang nagrereview, tapos nakita ako ni Daddy! Nakakahiya lang! Mukha akong baliw.

Tinanong niya pa kung bakit ko daw iniiyakan yung notebook ko, sabi ko nakakaiyak kasi yung mga tanong. Ewan ko lang kung nauto ko si Daddy, pero hindi naman na siya nagtanong eh.

Papunta ako ngayon sa greenfield. Masarap hangin dun eh. Nagulat naman ako nung may naabutan ako dun.

"Parang nung unang nagkita lang tayo dito ah?" sabi ko sa kanya sabay upo ko sa tabi niya.

"Oo nga no? Sarap kasing matulog dito eh."

"Tss. Matutulog ka na naman? Parang pag nakikita kita eh lagi kang natutulog ah? Seriously, bakit ang antukin mo? Hahaha." 

Di kaya bampira si Patrick?

Ay oo nga pala, si Patrick yung kausap ko. Actually, close na close na kami nyan. Kasi daw nakamove-on na daw siya "SLIGHTLY" sa akin. Adik niya lang eh no? Okay lang naman yun sa akin. Di na kasi ako naiilang sa kanya kasi friendship lang talaga ang gusto kong maging relasyon namin. Hanggang doon lang.

"Eh masarap matulog eh. Try mo rin."

Napaka-bad influence talaga ng lalaking 'to. Alam naman niyang may exams ako ngayon tapos aayain akong matulog?

"May exams pa ako no. At ikaw? Hindi ka ba magrereview? Talino mo ah!"

"Tss. Stock knowledge."

"Yabang!" tapos hinampas ko siya ng notebook kong makapal.

Nagkwentuhan nalang kami dun. Wala ring sense kung magrereview ako dahil dinadaldal niya rin ako eh. Bad influence talaga. Gagayahin ko nalang siya. Aasa ako sa stock knowledge! Kung meron man.

"Ui Patrick, pano ba magmove-on? Patulong."

Nababaliw na talaga ako. Pano kahit nag-rereview ako eh puro Darryl laman ng utak ko. Ayun tuloy, naiyak ako. Ang malala pa nakita ni Daddy.

"Huh? Bakit?" Ang slow naman ni Patrick. Tss.

"Eh kasi po. Ayoko nang umasa. Dun sa lecheng Darryl na yun. Bow." Nanlaki naman yung mata niya. Problema nito? Bakit siya nagulat eh alam niya naman yung mga nangyayari! O..or not?

"Loko yun ah? Sabi ko wag kang sasaktan eh. Tsk. Gago talaga yung lalaking yun. Nagpaubaya na nga ako eh." Ano daw? Di ko gets. Sino ba kausap niya? Binatukan ko nga.

"Aray ko naman." Bigla naman akong natawa. Nakakatawa naman kasi yung reaksiyon niya. Pano parang hindi man lang nasaktan! Straight face pero nag-aray! Hahaha!

"Eh kasi para kang baliw dyan eh. Pinagsasabi mo?"

"Ahh wala. Wag ka nang magmove-on. Baliw kasi kayong dalawa eh."

Okay. Kaibigan ko ba talaga 'to? Gusto ata nitong nasasaktan ako eh! Gumaganti?

"Hindi ako baliw no!"

"Oo na hindi ka baliw. Manhid lang."

Haaaa? Ako pa ang manhid ngayon? Eh yung Darryl na yun nga ang manhid eh! Lagi nalang Andrea! Andrea! Kulang nalang magpakasal sila eh! Bwisit!

"Siya kaya yung manhid. Tss. Tapos may Andrea pa siya. Psh!"

"Selos ka naman? Wag ka nang magselos, may gusto rin sayo yun."

"Malamang nagseselos ak--- ANO?!"

Teka.. Ngayon lang nagsisink-in yung sinabi niya.

Wag ka nang magselos, may gusto rin sayo yun.
Wag ka nang magselos, may gusto rin sayo yun.
Wag ka nang magselos, may gusto rin sayo yun.

Hoy Steff, wag kang mag-ilusyon! Niloloko ka lang ni Patrick. Tama. Pinagtitripan lang ako ng lalaking 'to. May Andrea yun eh, pano siya magkakagusto sa akin? Tss.

A toy..
A toy..

Bigla namang nag-ring yung sinabi ni Darryl last week. Haay. Yun lang ang tingin niya sa akin. Wala nang iba.

"Oh ano yang mukhang yan? Nag-eemo ka na naman eh."

Paanong hindi? Eh naalala ko yung sinabi niya sa harap ng maraming tao. I'm just a toy. No more than that.

"Dahil mukhang emo ka na dyan, pahiram nalang ako ng phone mo. Palaro ako."

Binigay ko nalang sa kanya yung phone ko at nagpipindot na siya dun. Ako naman, para matigil na yung kahibangan ko eh nag-review nalang ulit ako. Si Patrick, nakahiga sa damuhan. Ako naman, naka-indian sit. Buti talaga naka-jeans ako ngayon.

I hate you Darryl.

Hindi ako makapagreview nang dahil sa'yo! Ugh! Bwisit bwisit! Paano na ang grades ko?

I hate you Darryl.

Hindi lang grades ko ang naaapektuhan nang dahil sa'yo. Pati puso ko. Nakakainis. 

"I HATE YOU IAN DARRYL GARCIA! NAKAKAINIS KA! BWISIT KA! I HATE YOU!"

Napatakip ako bigla sa bibig ko. Waaah! Bakit lumabas sa bibig ko yung iniisip ko?! Hindi ko yun intention! Shemay naman oh! Wala na ba talagang coordination ang utak at bibig ko?

Tinignan ko naman 'tong si Patrick, aba ngumiti ba naman ng nakakaloko?! Bugbugin ko 'to eh!

"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?"
"Bakit masama?"

Haaaay. Ayan wala na. Nabaliw na naman ako. Bakit ba hindi pa rin siya matanggal sa isip ko kahit alam kong wala na akong pag-asa sa kanya? Tatag ko rin eh no?

Nagulat naman ako nung may pamilyar na tunog na lumabas galing sa phone ko. Aish, pinakialaman na naman ng lalaking 'to.

"Happy birthday ate Steff!"
"Ate, happy birthday po."

"Pffft. Seriously Steff? Ni-record mo talaga mga bumati sayo? Adik lang."
"Masama? Eh gusto ko eh!"

Naalala ko tuloy nung birthday ko. Daming bumati sa akin nun eh. Pero worst birthday naman. Dun nagsimula ang lahat. Tss. Darryl na naman. kakainis na ha. Lagi nalang akong pinahihirapan.  

"--sabihin ko na--"

Bigla akong napatingin kay Patrick. Narecord pala yun?! Hindi ko alam pero nangingilid na naman yung luha ko. Naiiyak ako. Naalala ko na naman. kahit kailan talaga Darryl, lagi mo nalang akong pinapaiyak. Wala ka na bang ibang alam na gawin kundi paiyakin ako?

Si Patrick naman seryoso ring nakikinig dun.

"--sabihin ko na hindi ko gusto si Steff..."

Wala na naiyak na naman ako. Bwisit talaga! Wala na. Nagsipag-agos na naman mga luha ko. Nagulat ako nung niyakap ako ni Patrick. Yeah right, I need someone to comfort me. Buti andito siya. Bakit kasi hindi nalang si Patrick? Bakit hindi nalang siya yung minahal ko?

Lagi bang ganun? Yung may mahal na iba yung mahal mo? Tapos yung nagmamahal sa'yo eh hindi mo magawang mahalin?

Ang sakit tanggapin.

Bakit si Darryl pa yung napili ng puso ko? Samantalang puro sakit lang naramdaman ko nung minahal ko siya.

"Oo talagang ginamit ko lang siya nung una dahil kay Tricia, pero pagkatapos kong makilala yung taong yun, lahat ng bagay na ginawa ko sa kanya, ginagawa ko sa kanya, at gagawin ko sa kanya..lahat ng yun, seryoso na.."

Napabitaw kami pareho ni Patrick. Kinabahan ako bigla, at the same time, lalo lang dumami yung dumadaloy na luha sa mga mata ko. A..ano daw? Ba..bakit parang hindi ko narinig yun dati? A..ano.. ano bang sinasabi niya?

"Patrick.. *huk* a..ano bang sinasa..bi ni .. Darryl? :’(" nawawala na talaga ako sa sarili ko. Naguguluhan na ako.

"Shh. Just listen okay?"

Pinipigilan kong umiyak. Ayoko nang umiyak. Pero wala. Ayaw makinig ng mata ko sa akin.
Hinusgahan ko ba kaagad yung feelings ni Darryl? Ako ba yung mali?

"So you like her?"
"No I don't."

Ayan na naman. Pag binabanggit yang mga salitang yan, parang tinutusok yung puso ko. Yung iyak ko ngayon, hindi ko alam ang dahilan. Halu-halo yung nararamdaman ko ngayon. Nalulungkot, naiinis, at...

Umaasa..

"You don't like her?!"
"I don't like her."

Please stop it. Ayoko nang marinig. Lalo ko lang sinasaktan yung sarili ko eh. Kahit pauli-ulit ko nang naririnig yung I don’t like her na yun, sobra pa rin akong nasasaktan. Kasi galing sa kanya eh.

"But you've just said earlier that you like her right?!"
"Liking her is not the right word for it..."

Eto na yung part na patakbo na ako sa sobrang sakit. Nagflashback na naman lahat. Bwisit.

"Andrea, I love her. And I really do."

Napatigil ako sa paghinga. Parang huminto yung oras. Wala akong naririnig kundi yung pag-iyak ko at yung abnormal na pagtibok ng puso ko.

What did he just say?

H..he loves me? I..Is that true? Darryl?


***