.

.

Chapter 66

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, April 23, 2015


***

"Ano iiyak ka nalang ba dyan? Oh eto panyo."
"A..Ang tanga ko pala, Pat."
"Sinong may kasalanan?"

Naiyak lang ako lalo. Tapos kinokonsensya niya pa ako.

"Pat, anong gagawin ko? Mag-sosorry ba ako? Kaso feeling ko ang laki ng kasalanan ko eh. Pinahiya ko pa siya sa harapan ng madaming tao last week. I..I’m really stupid."

Alam ko naiingayan na siya sa akin. Paano ba naman, kung makangawa ako parang wala nang bukas. Idagdag mo pa na ayaw niya sa maingay. Pero kasi.. hindi ko na alam ang gagawin ko. Ang tanga tanga ko. Kung anu-anong pinaggagawa ko. Tapos.. tapos malalaman kong..

"Kahit gaano pa kalaki o kaliit yan, kasalanan pa rin yan. At sa lahat ng kasalanan, dapat humihingi ng sorry." Pinigilan ko namang umiyak. Namangha lang ako sa sinabi niya. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig.

"Sa..salamat Patrick."

Bigla namang tumunog yung phone niya. After niyang sagutin eh umalis na agad siya. Problema nun? Oh well, may sarili pa akong problema. Kailangan kong masolusyonan yun. Pero di pa rin ako makapaniwala eh.

He loves me.

Ewan pero napapangiti ako. Kinikilig ata ako? Pero malaki pa ang kasalanan ko. Wala akong time para kiligin ng ganito. Tinignan ko ulit yung phone ko at ni-replay yung last part. 

Ang sarap pala pakinggan.
Ang sarap sa pakiramdam.
Ang sarap sa pakiramdam na mahal ka rin ng taong mahal mo.

Pero hinusgahan ko kasi agad siya eh. Hindi ko inalam yung side niya. Puro sarili ko lang yung inisip ko. Hindi ko alam na ganun pala yung nararamdaman niya.

Inayos ko muna yung sarili ko. Mukha kasi akong alien na umiiyak eh. Haay, kung anu-ano kasing na-conclude ko, eh mali-mali naman pala. Nadamay pa yung mga friends ko. Stupid Steff.

Tumakbo ako papuntang garden. Kailangan kong mag-sorry sa kanya. Gusto ko na ring masabi lahat lahat. Gusto ko nang magtapat.

Kahit nakakahiya.

WHEW! Napahawak ako sa tuhod ko. Shemay. Nakakapagod tumakbo! Bakit ba ako pumunta dito? Malamang wala siya dito dahil may klase kami. Tss, nag-cut nga pala ako. First time ko palang mag-cut! Lagot ako kay Daddy pag nalaman niya 'to.

Paalis na sana ako kaso may nanghatak sa akin. Pagtingin ko, si Jess lang pala.

"Oh Jess? Bakit?"
"Ano ka ba, Steff! Kanina ka pa hinahanap ni Ma'am Music!"

Si Ma'am na prof namin sa Music? Bakit naman?

"Bakit daw?" nagulat naman ako nung bigla niya akong binatukan.
"Ouch naman! Kailangan talaga binabatukan?!"

Ngumiti naman siya ng nakakaloko. God. May sayad na ata sa ulo si Jess eh.

"Himala, di ata malungkot tono ng boses mo ngayon? Wahahahaha! May nangyari bang maganda? Ayiieee ano kaya yun?Anyway, kasali daw tayo sa feb fair kaya pinapatawag tayo."

Nang-asar daw ba? Ah ewan ko sa kanya. Pero ano daw? Sa Febfair? Weh? Totoo? At saka ko na-realize, magfefebruary na pala. Nawala na yung track ko sa date kasi puro kadramahan sa buhay yung inatupag ko.

February Fair talaga ang meaning niyan. One-week celebration for Valentines day. Hmm well, uso naman yan sa mga college eh. Kaya ayan, busy-busyhan ang mga organizer.

Hinatak naman ako ni Jess papunta sa cubicle ni Ma'am.

Pagdating ko doon, halos manigas na naman ako. Eh pano! Nandito si Darryl! Tapos tumingin pa siya sa akin kaya napaiwas agad ako ng tingin. Pero.. parang namamaga yung mata niya? Or guni-guni ko lang yun? 

Nag-line up kami dun. Kaharap namin si Ma'am. Medyo crowded nga kami dito eh. Paano nasa loob lang kami ng cubicle niya. Tapos nasa sampu ata kami dun.

"Okay, dahil kayo ang campus princes at princesses, kayo ang magiging organizer ng Febfair kasama na yung mga dating princes at princesses na upper years na ngayon. Nga pala, nine nalang kayo dahil wala na si Miss Dominguez dito sa school. Okay? These are your tasks and your groups. I hope you'll do your jobs well. Don't worry, may incentives yan kaya pagbutihin niyo. Okay?"

Aaahhh. Kaya pala andito rin si Patrick, Kevin at Jess. Mga campus prince at princess pala. Kaso wala na nga pala si Tricia. Namimiss ko na yung babaeng yun. 

Ako naman, napatingin ako kay Darryl. Nasa magkabilang-dulo kasi kami eh. Nakayuko lang siya. Kasalanan ko talaga 'to eh. Gusto ko siyang lapitan.

"Okay, so hahatiin ko kaya sa two groups. Maki-cooperate kayo, okay? Walang magrereklamo." Then may nilabas siyang bunutan at pinabunot kami. 1 and 2 lang yung nakalagay sa papel.

"Okay. Eto ang group 1. Gisel, Kevin, Lalaine and Tiffany. Group 2. Ian, Jessica, Patrick, Alexa and Charmaine. Group 1, dahil kulang kayo ng isang member, bibigyan ko kayo ng assistant na higher level. Okay? Sige na. Excused na kayo sa mga class niyo. Asikasuhin niyo muna yung tasks niyo."

Ang saklap naman ng kapalaran ko! BAKIT KAHIT ISA SA KANILA EH HINDI KO NAGING GROUPMATE?! Nakakainis naman oh!

Si Kevin lang yung kakilala ko dito. Tsaka yung Alexa na naging classmate ko nung first sem. Eh etong si Kevin, di ko naman siya close. Tapos yung Gisel, ngayon ko lang nakita. Naman oh. Wala akong makausap!

Hinatak ako ni Alexa papunta sa labas kaya napasunod rin sila Kevin at Gisel. Hindi ko alam kung ano nang nangyari sa Group 2. Haaay.

"So ano ng plano natin?" sabi ni Alexa sa amin.

"Mas maganda siguro kung may mga booths." Dagdag naman ni Kevin.

"I agree. Tsaka siguro mga kantahan at sayawan?" si Gisel naman ngayon ang nagsalita.

So kelangan ko rin bang mag-suggest? Wala akong maisip eh.  Nagulat ako nung napatingin sila sa akin. As in sabay-sabay. Grabe natakot ako sa kanila ha! Anong nangyayari sa kanila?

"O..oy, bakit ganyan kayo makatingin?"

Bigla nila akong hinatak at may binulong na nakapagtindig ng balahibo ko.

"NO WAAAAAAYYYY GUYS! NO  FREAKIN’ WAY!!"


***