.

.

Chapter 67

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, April 23, 2015


***

"NO WAAAAAAYYYY GUYS! NO  FREAKIN’ WAY!!"  Waaah! Mga baliw 'tong kasama ko! Kung anu-anong pinapagawa sa akin!

"Yes way, Tiffany. Okay lang yan. Ayaw mo nun? Mas mataas ang makukuha nating incentives?"  Napaka-GC naman ni Alexa! Gagamitin pa talaga ako eh no?! Ayaw ko nga eh! Huhuhu! Bakit hindi nalang siya?!

"Oo nga. Wala namang mawawala kung susubukan natin diba?"  Bubugbugin ko rin 'tong Kevin na ‘to eh! Sasabihan ko nga si Alice na kung sakaling manligaw 'to sa kanya eh wag na wag niyang sasagutin!

"Maganda ang outcome niyan panigurado.” Naku kahit gwapo 'tong si Gisel eh mabubugbog ko rin siya! Kainis. Bakit ba pinagkakaisahan nila ako? Huhuhu.

Lumipas ang isang oras at ang resulta?

Inapi nila ako. Napapayag tuloy ako ng wala sa oras. Kainis talaga. Ngayon palang kinakabahan na ako sa pwedeng mangyari! Shet naman kasi bakit ako pa yung papagawin nila nun?!

***

Second day na ng preparation ngayon at one week nalang eh feb fair na.

"Tiffany, naayos mo na ba yung plan?"
"Hmm, malapit na. wait lang."

Ngayon eh sinusulat namin ni Alexa yung mga gagawin namin para sa feb fair. Yung dalawang lalaki eh bumili na ng mga pwedeng gamitin since na-approve na yung iba naming plans.

So ang approved plans namin ay yung,

Concert jamming
Mini-carnival
Dating cafe

Tatlo pa lang pero napakahirap niyan gawin.

Sinimulan na naming mag-contact ni Alexa ng mga sikat na banda. Syempre with the help of our family. Alam niyo na, CONNECTIONS. Para mas mabilis ang process. Yung daddy na ni Gisel yung nag-asikaso para sa mini-carnival. Bukas na daw dadalhin yung mga rides. Tapos sa dating cafe, eto yung mahirap eh. Kasi dapat personalized.

Pagkatapos naming magsulat ni Alexa ng iba pang plans, sinubmit na namin yun kay Ma'am Music tapos pumunta na kami dun sa field. Dito kasi gaganapin yung feb fair eh. Nagpadala na rin kami ng mga tents. Nasa kabilang dulo yung grupo nila Jess. Psh, ang saya nila dun ah. Nagtatawanan, inggit ako.

"Alexa, anu-ano bang gagamitin natin para sa Dating cafe?" hindi ko kasi alam kung pano ako magsisimula.

"Hmm, yung mga tables muna. Lagyan natin ng konting arte. Teka nga, di ka pa ba nakaexperience ng date?"

“Ako? Hindi p—”

Te..teka...

Date ba yun? Waaah! Hindi! Hindi date yun! Wala lang yun! Kainis. Bakit ba sumagi yun sa isip ko? Hindi naman date yung sa Enchanted Kingdom di ba? Tsaka yung namili kami ng chocolates at strawberries? Ay nako. Wala lang talaga yun.

"Huy!" napatingin ako kay Alexa nung nag-snap siya sa harapan ko. Tapos sinundan niya pa ng isang nakakapangilabot na ngiti.

"Ayiieee, nakipagdate ka na no? Bigla kang natulala eh! Hahahaha! Kay BEBE BOY ba yan?" Hala? Bakit pati siya alam yung endearment na yun?! Mga tsismosa rin pala ang mga campus princess!

"A..anong sinasabi mo dyan?! Gu..gumawa na nga lang tayo!"

"Hahaha! Para ka ng kamatis oh! Sobrang pula mo na! Hahaha. Nagbublush siya. Ayiiee." tapos sinusundot niya yung tagiliran ko.

Naku. Baliw rin ata ang isang 'to eh.

Pero ngayon ko lang narealize, di na pala kami nagtatawagan ng bebe boy at bebe girl simula nung birthday ko. Haaay. Nakakamiss rin pala kahit mukhang ewan yung tawagan namin.

Oh well. Teka nga, gagawa muna kami.

Buti talaga may mga kaya at mayayaman yung mga campus prince at princess eh. Kasi sobrang dami pala ng gagastusin para sa fair na 'to. Tss, at buti rin may fund para dito. Naku, napaka-unfair talaga. Para sa incentives, ioorganize namin 'to?

Si Alexa eh gumagawa ng menu, at ako naman eh nag-iisip ng design para sa table. Si Kevin at Gisel, inaayos yung set-up para sa concert stage. In fairness, nakakaexcite rin pala 'tong fair na 'to kahit nakakapagod gawin.

Bigla namang nahagip ng mata ko si Alice.

Hahaha! Mga style ng babaeng 'to! Talagang pumunta pa dito para makita ang almond ng buhay niya. Oo, 'almond of my life' tawag niya kay Kevin. Kasi daw almond eyes. Ewan ko ba sa babaeng yan. Nagiging corny pagdating kay Kevin.

"Ehem. Bakit ka andito almond of my--"

"WAAAHH! NAMISS KITA STEFF!" bigla niya akong niyakap. Haha. If I know, ayaw niya lang matuloy yung sinasabi ko.

"Weh? Parang kanina lang nagkita tayo ah?"

"Ganun talaga! Gusto ko oras-oras kang nakikita!"

Naku, kung lalaki lang 'tong si Alice eh kanina pa ako kinilig sa sinabi niya. Pero dahil babae siya, eh kinilabutan ako. Napakabaliw talaga ng babaeng 'to.

"Hahaha! Ewan ko sa'yo. Ginagamit mo pa ako sa plano mo ha. Tsk. Ayun oh! Puntahan mo na."

Bigla namang nagblush ang bruha. Hahaha. Buti pa 'to may lovelife eh. Tsk. Inggit ako. Ano ba yan, napaka-inggitera ko talaga. At dahil malakas rin ang topak ko,

"KEVIN! HINAHANAP KA NI ALICE! MAY SASABIHIN DAW SA’YO! TARA DITO!" napatingin sa akin si Kevin at nanlaki naman yung mata ni Alice. Nanigas na ata sa kinatatayuan niya. Hahahaha! 

Nagulat naman ako nunug nakatingin sa akin lahat yung kabilang group. Or not? Baka kila Alice? Waaah! Basta nakatingin sila dito!

Including him.

Dahil naconcious ako, eh napatakbo ako sa likod ni Alexa at iniwan ko yung dalawang lovebirds dun. Leche naman oh, bakit ba sila nakatingin?! Biglang tumunog yung phone ni Alexa kaya napatingin kami dun. Kaso nilayo niya sa akin. Damot.

Pagkatapos niyang mabasa yung text, ayan na naman yung nakakakilabot niyang ngiti. Tapos hinawakan niya yung isa kong kamay.

"Congrats Tiffany! Hahaha!"

Huh?


***