.

.

Chapter 68

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, April 23, 2015


***

"Congrats Steff! Hahaha!"
"Oo nga. Congratulations!"

Anong problema ng mga tao ngayon? Bakit puro congratulations naririnig ko? Nanalo ba ako sa lotto? Pati sila Yna at Alice nakikicongrats! Yung totoo? Ano na namang ginawa ko?

Third day na at halos lahat ng makakasalubong ko eh kinocongrats ako. Seriously, anong meron?! Psh. Nag-aayos pa rin kami ngayon ni Alexa sa Dating cafe. Ang hirap pala neto!

At nagsisimula na kaming magpractice nila Alexa, Kevin at Gisel. Geez. Bakit ba kasi pinapagawa nila yung akin?

"Ulit nga. Kailangan ma-perfect natin 'to." Sabi naman ni Kevin.

"Okay. Haay, after neto, break muna ha?" napapagod na kasi ako eh.

Ayun, nagpractice ulit kami. Medyo ayos naman na. Konting polish nalang. Sila Jess, di ko pa rin nakakausap simula nung inassign sa aming maging organizer. Grabe super busy talaga. Buti at nakakahabol pa kami sa mga lectures, kahit nakakabobo na.

At ang nakakainis dyan, hindi ko pa nakakausap si Darryl. Tsk. Pero kailangan ko talagang mag-sorry eh. Si Patrick kasi kinokonsensya ako eh.

"Okay, break muna tayo! Napagod na rin ako." Hay salamat at napagod rin si Alexa!

Nakaramdam rin sila ng pagod! Nakakapagod kayang magpractice ng tuluy-tuloy! Pumunta muna ako sa canteen para bumili ng tubig. Grabe nauhaw ako! Feeling ko madedehydrate ako sa pinaggagawa namin.

"Ate isa pong mineral water." then kumuha ako ng barya sa wallet ko.

*SPLASH*

What the?! Nagulat nalang ako nung bigla akong nabasa.

"Oops. Sorry. Nabitawan ko eh." tapos umalis na siya.

Ugh! Nakakainis talaga yung babaeng yun! Leche naman oh! Tapunan ba naman ako ng tubig sa damit?! Napakamaldita talaga ng Andrea na yan! Ano bang problema niya?! Pasalamat siya at masakit ang katawan ko ngayon at hindi ko siya nagawang habulin! Sana madapa siya! At masubsob yung mukha niya! Bwisit!

Inabot naman sa akin ni ate yung mineral water. Nahiya nalang ako nung nakatingin silang lahat sa akin. Malamang naman eh basa yung damit ko. Baka nga bakat pa yung bra ko. Sana hindi!

Tumakbo nalang ako papuntang restroom. Grabe. Basa yung kalahati. Ipapabugbog ko talaga yang Andrea na yan eh! Wala naman akong ginagawa sa kanya ah? Bakit niya ba ako binuhusan ng tubig?! Kunwari pang hindi sinasadya eh kitang-kita naman na sinadya niya!

Pano ngayon 'to?! Ang tagal matuyo! Kainis naman oh!

*tok tok*

Nabigla ako nung may kumatok. Katakot naman yun. Ang lakas!

"Steff? are you there?"

*Dugdug.dugdug.*

Biglang lumakas yung tibog ng puso ko at naramdaman kong may tumulong luha sa mata ko. Feeling ko hindi 'to totoo. Boses niya yun eh. Boses niya talaga. Di ako pwedeng magkamali.

Si.. si Darryl? Hindi na naman ako makagalaw.

"Steff? *tok tok* andyan ka ba? Please sagutin mo naman oh."

Kahit gusto kong sumagot, parang umurong yung dila ko. Wala na. Nagmalfunction na yung buo kong katawan. Ang alam ko lang ngayon, eh andyan siya sa labas at ako eh umiiyak. Hindi ko rin alam kung bakit. Gusto ko siyang makausap ngayon din kaso hindi nakikisama yung katawan ko.

"Tsk. Mukhang wala ditto. Bakit ba kasi ginawa yun ni Andrea?! San ko ba siya hahanapin? Kailangan ko pa siyang makausap. Shit!"

Tapos narinig ko yung pag-alis niya. Hindi na ako makahinga. Ang tanga-tanga ko. Eto na yung chance eh. Pinakawalan ko pa. Bwisit na katawan 'to, nagloloko pag andyan yang freak na yan!

Nag-stay ako sa cr ng mga 30 minutes. Ewan ko ba. Nakatulala lang ako sa salamin. Buti nga wala nang kumakatok eh. Lumabas ako nung tuyo na yung damit ko at maayos na rin yung mata ko. Pinuntahan ko na ulit sila Alexa.

"Oh Tiffany, san ka ba nagpunta? Kanina ka pa namin hinahanap ah?"

"Ahh sorry, nagkaproblema lang." fake smile. Tss.

"Hinahanap ka nga pala kanina ni Ian. May mahalaga daw siyang sasabihin."

Napatingin ako kay Kevin. Eto na naman. ang bilis na naman ng tibok ng puso ko. Ako rin may sasabihin eh. Kaso di ko alam kung paano. Pinangungunahan kasi ako ng takot tsaka hiya.

"Oh well, practice na ulit tayo. Marami pa tayong gagawin." Sabi naman ni Gisel sa aming tatlo.

So ayun, pinagpatuloy namin ang pagpaparactice. Sa mismong fair nalang. Sana makausap ko siya ng maayos. Sana lang.


***