***

Pinopolish na namin yung mga booths. Grabe bukas na ang start ng febfair!  Excited na ako! Pero joke lang. Hindi pala. Kinakabahan ako. Leche naman oh!

Yung nangyari sa cr few days ago, di ko muna inintindi. Magfofocus muna ako sa fair. Tutal dito ko rin naman gagawin lahat. eh.

Yung sa dating cafe, kami ni Alexa ang nag-ayos dun. Actually tapos na yun. May menu na, ayos na rin yung pwesto, pati yung mga designs. Tapos kami rin yung waitress.

Ang adik nga ni Alexa dahil nagpa-audition pa siya para sa ibang magiging waitress. Malamang naman. Ano yun, dalawa lang kami? Then ayun, so 7 kami lahat at ang ganda ng taste ni Alexa dahil puro magaganda at sexy ang tinanggap niya. Kasali ba talaga ako dito? Bakit parang ako ang naiiba?

At in fairness naman, ang costume namin eh personalized din. Nagkandasugat-sugat kami sa pagtatahi niyan. Ang sa akin eh parang sailor uniform. Ang cute! Pero di ko alam kung bagay sa akin.

Yung sa mini-carnival naman, nakaset-up na ang mga rides. Konti nga lang kasi di naman yan magkakasya dito sa field no. Pero may ferris wheel, octopus ba yun?, tapos di ko na alam pangalan nung ibang rides. Hahaha. Then yung sa concert, pupunta ang Silent Sanctuary tsaka Spongecola.  Pero sabi kasi ni daddy, friend niya daw yung manager nung Silent Sanctuary. Sobrang naeexcite na ako sa performance ng bands mamaya!

Basta ako excited na.
Pero naeewan ako pag naaalala ko yung mga sinabi ni Darryl.

Mukha nga akong tanga kasi todo-iwas ako sa kanya these past few days eh. Baliw no? Gusto ko nga siyang kausapin pero umiiwas? Haha. That's me. Bukas ko nalang iintindihin yun. Bahala na.

Umuwi na ako afetr nung last practice namin. Syempre naghalungkat na ako ng mga kailangan ko para bukas. Shet, ano bang magandang ipang-perform? Di ako makapili.

Dahil dun eh kinatok ko sa kabilang kwarto si Venice. Pagkapasok ko, aba todo-ngiti ang bruha?

"Hoy babaita, may bukas pa. Wag mong ubusin yang ngiti mo." Nagulat siya nung nagsalita ako. Aba akalain mo nga namang wala siya sa sarili niya? Mukhang may napapansin ako dito ah?

"Ahem. So who's the lucky guy?" tanong ko with matching mapang-asar na ngiti.

"Hah?! Wala ate! Ano ba kasi yun?!"

Hahaha! Gusto ko 'tong tawanan eh. Masyadong defensive! Ang sarap asarin. Pero balita ko maraming nanliligaw dito sa school nila eh. Di kaya may sinagot na siya? Hmmm.

"Eh ikaw? Kamusta kayo ng bebe boy mo?" sabay ngiti niya ng nakakaloko. Psh. Sabi ko nga updated rin siya sa lovelife ko. 

"Wala."

"Asus. Deny pa ate eh. Alam ko namang miss mo na yung lalaki mo. Iniiyakan mo nga eh di ba? Huhuhu. Bakit mo ako niloko? Huhuhu. Ganun kaya drama mo gabi-gabi. BWAHAHAHA!"

I gasped. Aba, stalker rin ata 'tong kapatid ko eh! Daming alam! T..tapos, naririnig niya ako every night! Oh my gosh. I need a sound proof room!

"Ewan ko sa'yo. Tulungan mo nalang nga akong mamili ng dress." maiba lang ang topic.

So ayun, pumunta kami sa walk-in closet ko. Tapos naghugot ng mga damit na pwedeng gamitin. ang hirap namang mamili. After one hour siguro, nagkatinginan kami ni Ven dahil may nakita kaming dress. Tsk, parehas talaga kami ng taste. Kinuha ko yun at sinukat sandali.

"Hala! Ang cute mo ate! Baka mainlove sayo lalo si kuya Darryl!"
"Ewan ko sa'yo!"

Tinanggal ko na yung dress. Simple lang naman yun. White dress na may konting design. Above the knee. Tapos sinabit ko nalang ulit.

"Oi ate, tulog na ako." Nag-nod nalang ako. Inaantok na rin ako eh. Nagshower muna ako tsaka nahiga.

***

Gumising naman ako ng maaga. February 14 na. Valentines day na. Feb fair na. OMG.

Umaga pa lang pero super busy na ng mga tao. Lalo na kaming mga organizers. Halos di na kami magkandaugaga doon. Tss. Tapos daming PDA ngayon. Mga lovebirds, nagsisilabasan.

Ako eh nag-aayos para sa dating cafe. Shocks! Dami agad tao! Ano ba yan. Dahil halos kadarating ko lang eh nagmadali na akong magbihis. Apat pa lang yung nakikita kong waitress na andito. Grabe, patayan 'to!

Lumabas na ako at nag-serve na rin. Ang cute nga nung menu eh. Heart-shaped. Tapos yung mga foods, may heart-shaped din at kung anu-anong tungkol sa love. Cute, right? Syempre kami nag-isip niyan!

Pumunta naman ako sa mga students na humihingi ng order. Psh. Bakit ba kasi ang aatat nila mag-date eh? Tinawag naman ako nung babae sa center table. Eh? Tatlo sila dun? Hmm, para silang artista. Kasi naman naka-shades tsaka naka-cap. Hello? Pinagtitinginan kaya sila.

"Good morning ma'am, what's your order?" todo-smile pa ako sa babae kahit di ko makita yung mukha niya.

Nagulat naman ako nung sabay-sabay silang nagtanggal ng 'disguise' nila. What the...

Patakbo na sana ako kaso nahawakan niya yung kamay ko.
Naman oh!

"What?" sabi ko sa kanya habang nakatalikod. Feeling ko kasi namumula ako ngayon. Langyang Jess yan, nagdisguise pala sila! Di ko nakilala agad!

"Let's talk. Please?"

Waah! Napaka talaga ng Darryl na 'to. Di ako prepared! Tapos andami-dami pang nakatingin! Nahihiya na ako! Bakit dito pa?! Shemay talaga!

"Irokhe maneun saramdeur - i-da. Beukkolobji annhayo. Geunun nega geurul sarang kamsa hamnida."
(Sira ba siya? Ang dami-daming tao dito eh. Hindi ba siya nahihiya? Pasalamat siya mahal ko siya.)

Grabe pabulong ko yung sinabi sa sarili ko. Nakakahiya! Nagkokorean ako pag andaming nakatingin para walang makaintindi! Thanks talaga kay Yna! Siguro naman walang nakarinig or nakaintindi nun diba? Well, maliban nalang kung may Korean sa paligid? Pero kasi naman eh! Bakit ba siya nakahawak sa kamay ko?! Feeling ko anytime eh hihimatayin ako sa sobrang kaba!

"Nado neoreul saranghaeyo."

Nagulat naman ako sa sinabi niya. M..marunong siyang mag-Korean?! OMG.


***