***

WAAAHH! Nasa website na nga! Bakit ba npaka-bigdeal nun?! At sinong epal ang nag-upload ng story na ‘to?!

“See, I told ya!” sabi ni Yna habang nasa lap niya yung laptop niya.

“Patay na ako. Ayoko na!”

“Ikaw naman kasi eh! Bakit ka pa nakisakay?” sabi sa akin ni Alice.

“Eh gusto kong makaganti eh! Nakakainis kasi siya!”

“WAHAHA! Okay lang yan Steff! Ayaw mo nun? Lalo kang sumikat?”

“Jess, ayoko ngang sumikat di ba? Aish! Malas ko naman!”

Bwisit naman kasing website ‘to eh! Bakit ba kasi may ganito?! Puro couples, who’s hot, gossips at parties lang naman ang laman ng underground website. Yeah right. It’s illegal. I mean, di yan alam ng mga professors and staff. Nalaman ko nga lang din yan sa mga tsismosa kong classmates. Kasama na ‘tong tatlong tsismosang kasama ko.

“Lika na nga! Mag-start na yung klase oh!”  Sumunod naman sila agad sa akin. Natakot ata? Napalakas kasi yung pagkakasabi ko eh. Oh well. Naghiwa-hiwalay na ulit kami since iba-iba kami ng building na pupuntahan. Ako, nagpunta na sa class ko at nagsimula na yung klase. Maayos naman. Madali lang naman yung mga lessons eh! I mean, puro introductions and basic concepts pa lang naman. After nun, wala akong klase. Ang alam ko vacant period din nila. Kung tawagan ko kaya yung tatlong bruha? Kinapa ko yung bulsa ng pants ko pero wala doon yung phone ko. Then saka ko naalala,

OMG! Nakalimutan kong kunin yung phone ko! Shet! Yung Darryl nay un! Argh! Bakit ko ba nakalimutan?! Waaah sana di niya kalkalin yung laman nun! Mamamatay talaga ako! HUHU.

“Huy Steff! What’s with that face?” Pagtingin ko, si Alice pala. Andito na silang tatlo. Buti nahanap nila ako.

“Panong di magiging ganito yung mukha ko eh nasa kanya yung phone ko! Nakalimutan kong kunin dun sa ewan na bwisit na freak na yun! Waaah!” Nagmaktol na ako doon at syempre nagulat yung dalawa at pinagtawanan ako.

“Teka, bakit niyo pinatatawanan si Steff? Phone lang naman yun ah? Sobrang important ba yun?” Oo nga pala. Di pa alam ni Jess.

“Hindi yung phone yung importante, kundi yung laman nun! WAAAAHHH STEFF! What have you done! HAHAHA!” Kita mo ‘tong Alice na ‘to. Makatawa eh! Sige, tawa lang! Huhuhu. Dedo na talaga ako. Kailangang gumawa ng paraan!

“Alice, peram ng phone. Tatawagan ko lang si Venice.”

“Loko ka! May klase pa yun!” Ay oo nga pala! Tsk. Pero.. bahala na!

“Yaan mo na! May sasabihin lang ako.”

“Edi itext mo na lang!”

“Duh Alice?! As if magtetext ako at babasahin niya yun?”

“Yeah right. Ang weird nyong magkapatid.”

Oh well, ganun talaga. Hindi kami nagtetext. Phone call lang talaga. At lalong di ako nagbabasa ng text! Nakakatamad kaya. Eh pag tawag isang pindot lang, may kausap ka na. Oo na ako na ang tamad. Kaya pag may pinapa-fill up na forms, yung number ni Alice yung sinusulat ko! Para siya yung cocontact-in at hindi ako. Di ko kasi yun mababasa. Si Venice din ganun eh! Kitams, manang-mana sa kapatid.

**Calling..calling…**

“Hello ate Alice? Bakit?”

“Sira! Ate mo ‘to!”

“Ano ba naman yan sis! Hello? Nasa klase kaya ako? Nagtitinginan na mga classmates ko oh!” Adik? Bakit di siya lumabas?! Ay nako. Lakas ng topak neto.

“Ang baliw mo rin eh no? Oh siya! Basta sabay tayong umuwi ha! Alam mo na! May something chorvaness eh. Baboo!” Binabaan ko naman agad siya. Kapatid ko ba talaga yun? Sagutin daw ba ang phone habang nagkaklase?! Kaadikan lang!

“Thanks Alice!” Pagtingin ko sa kanila, si Jess lang yung mukhang naguluhan. Sabagay,di niya alam yung mga pinaggagawa ko sa buhay ko.

“Okay. Di ko gets.” Sabi ni Jess sa amin. Sabi ko na eh.

“Jess, wag mo nang intindihin. Mababaliw ka lang.” Ang sama ni Alice! Sinisiraan ako!

“Yeah! They are just weird! Weird sisters!” Isa pa ‘tong si Yna!

Bakit ba? Weird ba yun?! Di naman ah!

Kumain na lang kami sa canteen. At di pa rin mawawala dyan ang mga matang patingin-tingin sa amin. Tusukin ko sila isa-isa ng tinidor eh. Psh.

“Ano ba kasing meron sa phone mo?” WAAAAHHH! Oo nga pala! Yung phone ko! Nakalimutan ko na naman!

“Shet! Yung phone ko! Hahanapin ko pa pala!”

“Asus! Eh di hanapin mo yung may hawak ng phone mo!” sabay palo sa akin ni Alice at may pangiti-ngiti pang nalalaman. Anung meron sa ngiting yun ni Alice? Kakatakot.

“Yeah, Alice is right. Find him. Your BOYFRIEND.” Pati si Yna nakikisali na naman!

“Girls?” sabi ko sa kanila with taray effect.

“Yeah?” at sabay-sabay talaga sila?

“Could you just shut your mouths for a minute?” tsaka ako tumingin ng matalim sa kanila. Oh di ayan! Tumahimik din! Kaso bigla silang nag-iba ng itsura. Yung parang dati. Parang mga nasasapian ng espiritu. Yun yung time na dumating si…

Teka. Don’t tell me…

Napatingin ako bigla sa likod ko. Sabi na nga ba! Pag ganito itsura ng mga yan, andito na naman si freak! Lumapit siya sa table namin.

Tapos.
Tapos.
Tapos. 

Nilapag nya yung phone ko sa lamesa. With a demonic face..

Kinabahan ako bigla. Nakita niya kaya? Nabasa niya? Nagkalkal ba siya? OMG!

“Hey BEBE GIRL.” What the hell. Ayan na naman yang bebe girl na yan! “Di ko alam na nagmo----” 

“SHHHHHHHUUUUUT UUUUUUUUUUUUUP!!!!!!!!” bigla akong napa-ninja moves at napatayo talaga ako nun. Buti nalang talaga at natakpan ko kaagad yung bibig niya! Putek! Sasabihin niya talaga?! Kaepalan talaga ng nilalang na ‘to eh!

Bigla naman akong nakaramdam ng something. Teka. Bakit parang..

Andaming nakatingin?

Then bigla akong dinapuan ng kahihiyan. God. Nasa canteen nga pala kami. 


***