.

.

Chapter 70

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, April 23, 2015


***

Binuhos ko talaga lahat ng lakas ko para makatakbo palabas ng cafe. Grabe. Pwedeng mag-react?

WALANG HIYANG DARRYL YAN! MARUNONG PALANG MAG-KOREAN?! ALAM NIYO YUNG NAKAKAHIYA? KASI NAINTINDIHAN NIYA YUNG SINABI KO?! GOD!

(Nado neoreul saranghaeyo – I love you too)

Pumunta muna ako sa mini-carnival. Umupo ako sa isa sa mga rides dun. Mamayang gabi pa naman ioopen 'to eh. Gusto ko lang makahinga. Phew.

Hindi ko alam kung ano bang nararamdaman ko ngayon. Halo-halo eh. Basta ang alam ko ngayon, ang bilis ng tibok ng puso ko. Ano ba yan! Masisira pa ata plano ko mamaya. Kainis naman kasi si Darryl eh! 

Nagpalipas muna ako ng oras doon. Then after one hour, bumalik ako sa café. Pero syempre sumilip muna ako kung nandoon pa sila Jess, Patrick at Darryl. Nung nakita kong wala na sila doon, pumasok na ulit ako. Then ginawa na ang trabaho ko. Buong araw ay doon lang ako. Nakakapagod nga eh. Buti nalang talaga at siyam kami dito.

Nung bandang 6 PM na, nagprepare na kami para sa mini-concert.

"Hahaha! Tama na nga Steff! Nagbublush ka na naman oh." Sabi sa akin ni Alexa sabay hampas sa akin. Wah! Sadista ‘tong babaeng ‘to ha!

"Tsk. Galing dumiskarte ni Ian." Tapos umiling-iling pa si Kevin.

"Inggit ka naman?"natawa naman ako sa comment ni Gisel kay Kevin.

Pero ewan ko sa kanila. Naghabulan pa si Gisel tsaka si Kevin. Mga baliw. Yung pisngi ko, pulang-pula na. Tama na kasi Steff! Wag mo na kasing isipin!

Nung mga 6:30 na, nakita na namin yung sasakyan ng Silent Sanctuary tsaka Spongecola. Wiieee ang astig talaga nila! Nagpapicture kami ni Alexa kay Kuya Sarkie tsaka kay Kuya Yael. Ang cool nila! Tapos ang gagwapo pa!

"Hello guys! Whoo Ready na ba kayo sa pasabog namin?" nandito na kami ngayon sa stage at si Alexa yung MC namin. Yung crowd naman eh nagsigawan na. Halatang excited din eh. Haha. Sino ba namang hindi? Eh mga sikat na banda yan!

"Let's welcome, SPONGECOLA!"

And then biglang nagsigawan yung mga tao. As in sigaw talaga. Wala kang ibang maririnig kundi yun. Pero kahit maingay, ang saya naman. Kasi lahat nag-eenjoy. Ang kakantahin daw nila ay yung Pare Ko ng Eraserheads. Icocover nila.

“O pare ko..meron akong problema..
Wag mong sabihing na naman..
In love ako sa isang kolehiyala..
Hindi ko maintindihan..”

Hiyawan ulit. Shet. Nakakainlove boses ni kuya Yael! Nagwawagayway na kaming lahat ng mga kamay.

“Wag na nating idaan..sa "ma-boteng" usapan..
Lalo lang madaragdagan..
Ang sakit ng ulo at bilbil sa tiyan..

Anong sarap..kami'y naging magkaibigan..
Napuno ako ng pag-asa..
Yun pala haggang do'n lang ang kaya..
Akala ko ay pwede pa..”

Hmm, nakakarelate? Siguro. Lahat ng students, pumunta na sa mini-concert. Nagkumpulan na sila doon. Ang saya naman, ang daming nanonood. Worth it pala ang paghihirap namin.

"Masakit mang isipin kailangang tanggapin..
Kung kelan ka naging seryoso tsaka ka niya gagaguhin..”

“O, diyos ko..ano ba naman ito..
Di ba..tangina..nagmukha akong tanga
Pinaasa niya lang ako..
Letseng pag-ibig to..
O diyos ko..ano ba naman ito...."

Nakijamming na rin yung mga students. Pati ako nakikikanta na rin. Ang saya. Ang dami kong nakikitang love birds. Haha! Ayun oh, nakikita ko si Kevin na lumalapit kay Alice. Kyaaahh! Kinikilig ako sa kanila! Tapos nakita ko rin si Jess at Patrick. Pero parang nag-aaway ata? At kelan pa naging close ang dalawang yun?

Marami pang kinanta sila kuya Yael at Sarkie. Ang benta nila sa mga estudyante eh. Super sigawan talaga. Ang cute nga kasi pati mga teachers, nakikijamming din. Ang saya pala ng feb fair!

"Hello sa inyo. Salamat sa pakikipagsabayan sa amin! Hooooo!!" sigaw ni Kuya Yael. Nakisigaw rin kami. Hahaha. Sigawan ang drama rito sa fair. Mabibingi kaming lahat!

"Mamaya ulit, intermission muna nila Tiffany." 

Tapos kumaway siya sa mga fans nila. Waah kilala niya ako! OH MY GOD! Hahaha! Shemay! Pero kasi malamang friends sila ni Daddy! Nahiya tuloy akobigla kasi special mention ako!

Nagprepare na kami at umakyat sa stage. Shet. Kinakabahan ako. Kasi naman sila Alexa eh! Kung anu-anong iniisip. Waaah! Nahihiya ako.

"Huy, Tiffany. Kaya natin 'to. Tandaan mo, may pinaghuhugutan ka dito. Hahahah!" 

Kitams. Nang-asar pa 'tong babaeng 'to. Bahala na nga.

Kinuha ko na yung pink guitar ko. Oo, tutugtog rin kami. Ang adik nila eh. Gusto rin daw nilang magpasikat. Tss, dinamay pa ako. At aba naman! Ginawa pa akong vocals! Naman oh!

Nagself-taught lang ako sa gitara. Kasi yung isa dyan, di niya tinupad yung promise niyang siya magiging instructor ko. Oh well, magkaaway nga pala kami ng mga panahong yun.

Ako sa vocals, si Gisel and ako sa guitar, si Alexa sa piano, and si Kevin sa drums. Oha? Banda ang drama namin. 

"Hello po sa inyo." Nahihiya talaga ako. Andaming tao.

"Happy valentines sa inyong lahat. Uhmm, ano.. ahh. Ha..happy birthday din sa isa dyan. So..sorry sa lahat tsaka.. ano.. thank you! This song is for you. Andito na lahat ng gusto kong.. ano.. sabihin sa'yo. Haha. So.. yun po.. Sana magustuhan niyo." Tapos biglang nag-“yiiiieee” yung mga nanunuod. Mga lechugas! Nakisawsaw pa eh! Tss. Hayaan na nga. Okay, this is it.

“Standing by my window, listening for your call
Seems I really miss you after all
Time won't let me keep these sad thoughts to myself  
I'd just like to let you know, I wish I'd never let you go”

Dito na. Dito ko idadaan lahat ng gusto kong sabihin sa kanya. Sana naririnig niya ako. Kung nasaan man siya.

“And I'll always love you
Deep inside this heart of mine
I do love you
And I'll always need you
And if you ever change your mind
I'll still, I will love you”

I love you Darryl. Salamat sa lahat ng kakulitan. Kahit nagsimula tayo sa game, thankful pa rin ako at nakilala kita. You'll always be my bebe boy.

 
“I wish you'd never left me but love's a mystery
You can break a heart so easily
Oh the days and nights reveal how much I feel for you
Time has come for me to see how much your love has meant to me”

Kahit na dahil sa'yo eh nasaktan ako, okay lang. At least, I experienced pain. And thankful ako at nakayanan ko yun. 

“And I'll always love you
And if you ever change your mind
I'll still, I will love you

Time like a river keeps on rolling right on by
Nothing left for me to do
So I watch the river rise

And I'll always love you
Deep inside this heart of mine
I do love you
And I'll always need you
And if you ever change your mind
I'll still, I will
And I'll still, I will love you”

Wala na akong masabi. Basta ang alam ko, mahal ko siya. Siya lang. I'm so happy that I fell for that guy. Yung lalaking sa una, eh kinaaasaran ko. Gusto ko talagang mag-sorry sa kanya pero nahihiya ako.

After naming magperform, nagulat kami nung biglang namatay yung mga ilaw. Hala? Anong nangyayari

*BOOM*

Tapos nagulat ako nung biglang may spotlight... sa akin. Ta..tapos.. may isa pang spotlight...

Kay.. D..darryl?


***