***

Shet! Daming nakatingin! Walang hiya! Eskandaloso kasi ‘to eh!

“BEBE BOY! ANO BANG PINAGSASABI MO?! HALIKA, DUN TAYO SA GARDEN MAG-USAP!” sila Alice at Yna, tawa lang ng tawa. Tapos nakita kong bumulong si Yna kay Jess at nagsimula na rin siyang tumawa.

Argh! Are they really my friends?! Talagang tinawanan lang nila ako ha! Tsk. Hinatak ko na ‘tong freak na ‘to at takip-takip ko pa rin yung bibig niya. Buti malapit lang yung garden. At buti walang tao.

“Sh*t! Papatayin mo ba ako?! Pati ilong ko tinakpan mo eh!” yan agad ang pambungad niya nung tinanggal ko yung kamay ko sa bibig niya. Tss. Sana nga namatay ka na!

“Eh kung hindi ka ba naman sira eh! Sinong may sabi sa’yo na pakialaman mo yung phone ko?!” kung kanina feeling ko naiinis siya, mali pala ako. He smirked. Tapos tumawa. Baliw na tunay.

“Are you a model? Hindi halata ha?” OMG! Nabasa niya talaga! Pakingteyp! Waaah! Wala na. Sira na. Sira na buhay ko. Kill me.

“Shut up. And keep this between us. Or else, you’re dead.” Sinabi ko talaga yun. Ang tapang ko ata ngayon? Pero naman kasi! Secret ko yun eh!

“Tapang ah. Yan ang gusto ko.” At may gana pa siyang ngumiti? Kapal talaga!

“By the way, nabasa ko rin pala yung diary mo.” Napanganga nalang ako sa sinabi niya. At wow. Sinabi niya talaga sa akin. Bwiset! Ang pakialamero! Kalalaking tao eh!

“Bwisit ka!” Naiiyak na ako nun sa hiya. Bwisit. Bwisit. Bwisit talaga!

“So you turned down 78 guys and you’ve never been in love. And--”

“SHUT UP! Sinong nagsabi sa’yong pakialaman mo yung phone ko?! Ang kapal mo rin eh no?! Kinuha mo na nga yung phone ko, pinakikialaman mo pa! The hell! Wala ka na bang magawa sa buhay mo kundi perwisyuhin ako??? Pwede ba?! DON’T MESS WITH MY LIFE!” At sabay walk-out. Sumabog na talaga ako sa galit. Sa hiya. Sa inis. Sa ewan! Basta halu-halo! Bwisit na bwisit talaga ako sa kanya. Nakakainis!!

Tumambay ako dun sa likod ng isang building. Dito muna ako magpapalamig ng ulo. Shet talaga. Nalaman niya. Nalaman niya lahat-lahat ng secrets ko. Wala na! Huhu.

Pero kasi.. Fine. Weird na kung weird. Pero yung phone ko kasi, maraming laman yun. Kumbaga, diary ko ang phone ko. Eh sa tinatamad akong magsulat sa papel eh. Eh di magtype na lang sa phone. Pero tinatamad akong magtext sa mga tao? Weird right? Tulad nga ng sinabi niya, I’m a model. Kaming dalawa ni Venice, actually. Pero syempre, tago ang identity namin. Iba ang itsura namin sa school at sa modelling world. Yeah right. Kadalasan, makapal na make-up, wigs and different styles ang itsura namin sa modelling. Pero syempre, meron pa ring nakakakilala sa amin. But only a few. Di naman kasi kami masyadong sikat eh. And like what I have said,

AYOKONG SUMIKAT.

Modelling is just a hobby. Kasi nga gusto ko ng fashion. Actually, pinilit lang talaga ako ni Venice. Syempre alam yun ni Yna at Alice. Kaya nga sila tumatawa di ba? At yung diary na sinasabi niya kanina?

OMFG lang. Nabasa niya talaga eh! Talaga bang binasa niya lahat? Wala ba talaga siyang magawang matino sa buhay niya? ARGH! Badtrip talaga!

I hate him!

Sa sobrang galit ko sa kanya, bigla akong inantok. Tss. Wala na akong class dahil 3 lang naman klase ko ngayon. Pero tinatamad pa akong umuwi. Pinikit ko nalang yung mata ko at humiga sa damuhan. Yeah. Parang field yung likod ng building. Ang galing nga eh. Ngayon ko lang ‘to nakita.And in fairness, ang sarap ng hangin dito. Ang presko.

“Would you mind if I also sleep here?”

Ay pusang kinalbo! Napadilat ako nung may narinig akong boses. Takte nagulat ako dun ha! Pero pagdilat ko, isang gwapong nilalang ang bumungad sa harapan ko.

“Okay.” Wala akong ganang makipag-usap kahit gwapo pa siya. Bwisit kasi yung Darryl nay un eh! Sinira yung mood ko!

“You’re Tiffany right? I’m Patrick nga pala. Sige, tulog na ako.”

Dahil nakapikit ako, di ko na siya pinansin. Sabi niya naman matutulog na siya eh. Ano daw pangalan niya? Patrick? Hmm. Sounds familiar? Ahh ewan. Matutulog na rin ako.

***

“Whoa! Tignan mo sila oh.”
“Di ba may boyfriend na siya?”
“Ewan. Pero ang cute rin nila eh.”

Shemay! Ang ingay! Ano ba yun? Tsk. Istorbo! Dinilat ko naman yung mata ko. Nakatulog pala ako----

WHAT THE. Kaharap ko na yung Patrick! Ang lapit ng mukha niya! Shocks! Napatayo ako bigla sa gulat pero mas nagulat pa ako nung nakita kong andaming taong nakatingin sa amin.

Bakit ba lagi na lang akong napapasok sa mga ganitong eksena?!

“Darn. Ang ingay. *yawn*” Nagising na rin pala yung katabi ko. The hell. Di ba niya alam na andaming nakatingin sa amin?

“Huh? Bakit andaming tao?” Ako ba tinatanong niya? O yung damo? O yung mga tao?

“Waaa Patrick! Bakit si Tiffany pa?! Lagot ka kay Darryl!” Sabi nung isang girl. Narinig ko na naman yang pangalan na yan. Nagsisimula na namang kumulo yung dugo ko!

“Ge. Alis na ko.” Walk out ulit ako away from the crowd.

Aish. Tsismis na naman ‘to panigurado. Bakit ba lagi nalang ako? Psh. Di ko na pinansin yung mga tao pero mukhang lumakas yung bulung-bulungan. Dahil nakayuko akong maglakad, wala akong nakikita. Kaso, 

“BEBE GIRL, are you cheating on me?” huh?


***