.

.

Chapter 9

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Thursday, November 20, 2014


***

Shet. Andami na ngang tao, eeksana pa ‘tong Darryl na ‘to! Wumowalk-out na nga ako eh!

“BEBE GIRL your face! Tsupi!” Nilagpasan ko siya pero hinatak niya ako. Ano bang problema neto?! Nagulat ako nung bigla siyang lumapit sa tenga ko at bumulong siya sa akin.

“Mukhang mas exciting ang game natin ngayon ah? This is really exciting.” At may game-game pa siyang nalalaman ngayon? Di ba niya napapansin na badtrip ako sa kanya? Kung makalapit eh! Close kami? Close kami?

“Siya ba yung pinagpalit mo sakin bebe girl?” tinuro niya yung Patrick. Kita mo ‘to? Nandamay pa ng inosenteng tao!

“Pwede ba? Tigil-tigilan mo ko Darryl ha? Wala ako sa mood.”

“So pinagpalit mo nga ako?” Aba naman talaga! May paawa effect pa ang loko? Bigla namang nag-react yung mga tao dun at kinampihan siya. Grabe ha! Parang ang sama-sama ko naman! Di to pwede! Dapat siya yung bad! Dapat siya! Kasi siya naman talaga yung masama!

“Pwede ba? Wag kang mag-point out ng ibang tao? Labas sila sa issue natin.” And here comes the fail drama queen. Di talaga bagay sa akin. Yuck. Pagtingin ko sa kanya, naka-grin na naman siya. Mukhang natutuwa naman masyado ‘tong bwisit na ‘to. Dapat sa kanya pinipilipit yung leeg eh! Dapat makaganti ako sa lahat ng dinulot na perwisyo nito. 

REVENGE IS A MUST!

“BEBE BOY! Ang kapal ng mukha mo! Eh ikaw nga yung cheater! Langya! Bakit mo ko pinagpalit dun sa girl na yun? Ang sama mo! Ni wala pa nga tayong isang araw tapos meron ka na agad na bago? Darn it! Dahil dyan, break na tayo! Baboo!”

Bwisit. Di talaga bagay sa akin. Mukha akong ewan. At after nun, talagang walk-out na ako. Then medyo narinig ko yung feedback nung mga naki-usyoso doon. Napangiti ako ng wala sa oras. WAHAHA! Winner ako! Oh yeah! May haters na si Darryl!

Akala mo ha?

Bigla namang sumulpot ang mga girls ko.

“Whoa Steff! What’s with that drama?”

“Aba! Pwede ka ng mag-artista! Ako manager mo ha?”

“And you’re gaining some fans! Look at them! OMO.”

So nakita nila yung eskandalo? Ano ba naman yan. Pero wow ha? Boto na sila sa akin? Akala ko kakampihan na naman nila si freak eh.

“Tss. Kailangan kong makaganti. Lagot talaga siya sa akin.”

“So kaya mo ba tinawagan si Venice? Naku po! Lumalabas na naman ang evil side mo Steff! Katakot!”

“Ganun talaga Alice. Bwisit siya eh!”

“Weeee! Ang cute niyong dalawa! Bagay kaya kayo! Kahit na medyo inis ako sa kanya gawa nung first day. Hahaha! Pero seriously? Bagay kayo.”

“Jess? Kahit kami na lang ang tao dito sa Milky Way, di ko papatulan yang freak na yan! Mukha niya naman no!”

“Whoa! But he’s freakin’ hot and cute and sexy and oh gosh! He’s really handsome!” Tss. Lakas ng tama ni Yna. Napuruhan ata!

“So? Maraming hot at cute at sexy and oh so handsome sa campus na ‘to. Di lang siya no! And wala siya sa listahan ko. Psh.”

Inis na inis na inis na inis na inis na inis talaga ako sa kanya ngayon. Sobra! Eh kasi naman! Ang ayoko sa lahat eh nalalaman ang personal life ko, lalo na ng mga taong di ko naman close! Okay nang mawala ang social life ko. Wag lang nilang malaman ang personal life ko! Pero dahil sa nangyari kanina, I’m so mad na talaga.

That freak?!

Lagot talaga siya sa akin. Inaasar niya pa ako lalo ha?I’m gonna get my bitter revenge! He’ll pay for this. I’ll use any method. He’s gonna run for his life. I’ll bring him to hell.

Wait. Parang ang OA na ata. Pero basta! Gagantihan ko talaga siya! Pagkatapos mong malaman ang buhay ko? Tss. Kahit gwapo at hot ka, di ko ‘to palalagpasin!

You’re so dead Ian Darryl Garcia! I SWEAR!


***