***

Let’s start these fucking moments with her birthday. 

So we surprised her. Nakakatawa nga yung mukha niya kasi umiiyak siya at para lang siyang nawawalang bata. Still, I find that cute. Nakakatuwa kasi effective yung plano kong surprise.

But since may klase pa kaming lahat, naghiwa-hiwalay muna kami. Syempre, pumasok ako sa klase ko. Then nug tapos na yun, balak ko sanang bumalik sa room pero nagulat ako nung may nanghatak sa akin sa greenfield. Pagtingin ko..

“Andrea?!”
“The one and only, Ian. Waaah I missed you!” sabay yakap niya sa akin.

Whoa. Hindi naman ako makapaniwala na nandito siya. Kelan pa siya umuwi? At bakit siya umuwi? At bakit andito siya sa school?

“What are you doing here?”

“Hmp. Anong klaseng pagsalubong yan, Ian? Oh well. Bumalik ako para malaman kung sino yung bebe girl mo. You know, may sources ako dito sa Pilipinas.”

“Ano? Andrea naman!”

“Why? Curious lang naman ako eh! Sino ba yun?”

Napaupo nalang ako sa may damuhan. Tsk. Ang kulit niya pa rin kahit kailan.

She’s Andrea Marie Salazar, my childhood friend. Mula kinder ay classmate ko siya. And matagal na siyang umamin sa akin na may gusto siya sa akin. I think we’re in 1st year high school that time? Hindi ko naman siya pinatulan. I mean, I only see her as a little sister. No more than that. Kaya nga nung nagkagusto ako kay Tricia, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya. And then eventually, nalaman niya rin sa iba naming classmates. Nalaman ko rin dati na habang nililigawan ko pala nun si Tricia eh binubully niya na pala siya.

Pero nung time na sinagot ako ni Tricia, bigla nalang siyang nag-quit sa school at nalaman ko nalang na pumunta siya sa Japan. Ewan ko dun. Ni wala man lang pasabi. Pero alam ko naman kung bakit. Hindi ko alam kung ano bang nakita niya sa akin at nagkagusto siya sa isang tulad ko. Andami-dami namang nanliligaw sa kanya. After that, wala na akong balita sa kanya. Until today.

“I’ve heard rin pala na nag-break kayo ni Tricia nung bandang graduation? Heh. I knew it. Hindi talaga siya ang para sa’yo.”

“Tsk. Andrea. Stop it. Tapos na kami, okay? Wag mo nang ungkatin.”

“Yeah tapos na kayo. Tapos may bago ka na naman?”

“Anong bago?” sabi ko nalang sabay tingin sa gilid. Tss. Bakit ba ang bilis niyang makasagap ng balita?

“Yung bebe girl, right? Pero sabi nung source ko, you’re just using her as an entertainment. Eto ba ang epekto ng break-up niyo nung Triciang yun?”

“No! Of course not.”

“Then you’re using her to get over Tricia? Is that it?” sabay pamaywang niya pa sa harapan ko.

“Tsk. It isn’t. I mean, alangan namang sabihin ko na hindi ko gusto si Steff at ginamit ko lang siya. Oo ginamit ko talaga siya nung una, pero simula nung makilala ko siya, simula nung makita ko yung pagkatao niya, lahat ng ginagawa ko para sa kanya, seryoso na.”

Hindi ko rin alam kung bakit ko yun nasabi. Maski ako  nagulat eh. Yung itsura ni Andrea eh hindi na maipinta. Para siyang iiyak na puputok na sa galit. Well, I can’t blame her. Tsk. It’s my fault.

“So.. you really like her, huh?” sabay yuko niya. Sabi na nga ba eh. Ang insensitive ko talaga. Bakit ba nakalimutan kong may feelings pa nga pala siya sa akin. Darn.

“No, I don’t like her.”

Bigla naman siyang napatingin sa akin.

"But you've just said earlier that you like her right?!"

"Liking her is not the right word for it..." huminga nalang ako ng malalim. "Andrea, I love her. And I really do."

After kong sabihin yun sa kanya, tumakbo siya bigla. Siguro nga mas mabuti na ‘to. Ayoko nang umasa siya sa akin. Kasi masasaktan at masasaktan lang siya. I love her as a friend, as a little sister. Hindi ko kayang suklian yung pagmamahal niya sa akin. Pero si Steff, I love her more than just a friend. Hindi ko alam kung kelan nagsimula pero ang alam ko nalang, lagi ko na siyang tinititigan, nagiging masaya ako pag inaasar ko siya o kaya naman pag magkasama kami. Siguro dahil na rin sa personality niya. Magaan ang loob ko sa kanya. At madali akong na-attract sa kanya.

Pero nakakagago lang dahil napapansin kong madalas na silang magkasama ni Patrick. Tss. Tapos nalaman ko pang may balak palang manligaw yung ungas na yun nung sembreak?! Hayup lang. Buti nalang at tinanggihan siya ni Steff. Bwahaha! Buti nga! Nagsuntukan pa kami nun sa labas ng airport habang hinahatid namin si Tricia nung nalaman ko yun. Hindi ko rin alam kung bakit pero bigla nalang nandilim yung paningin ko nung mga panahong yun. Alam kong wala akong karapatang magselos kasi fake lang naman yung relationship namin ni Steff, pero wala eh. Nagselos ako. Pinag-awayan namin si Steff nun. Pero nagulat ako nung sinabi niyang siya ang talunan at pinapaubaya niya na sa akin si Steff. Siguraduhin ko lang daw na hindi ko siya sasaktan. Tss. Bakit ko naman sasaktan si Steff, eh mahal ko nga?

Anyway, after tumakbo ni Andrea, hindi ko na siya hinabol. I know that she needs space. Ako naman, bumalik na sa room nila Steff pero nagulat ako sa nadatnan ko. Magkakasama yung apat na pagkakaibigan at magkakayakap. Then nung tinawag ko si Steff, ni hindi man lang niya ako pinansin. Tss. Tinotopak na naman ba siya? Wala naman akong nagawa kundi higitin yung braso niya.

"Teka, bakit di ka namamansin bebe girl? Tsaka.. hey wait. Are you crying?" sabi ko sa kanya. Kasi napansin ko na nakayuko siya at may tumutulo galing sa mga mata niya.

"Gusto mong malaman?" tapos tumingin siya sa akin ng matalim. At tama ako. Umiiyak siya.

"Syempre naman. Bebe boy mo ako eh. Right?" ano bang nangyayari sa kanya? Nantitrip rin ba siya dahil sa ginawa ko ngayong birthday niya? O may nangyaring hindi maganda? Bigla nalang siyang huminga nang malalim at hinarap ako.

"Ian Darryl Garcia, I don't like you too." Sabay takbo niya papalayo sa akin. Pati yung tatlo ay tumakbo na rin palabas ng room.

Now.. w..what was that? Hindi ko alam pero, bullshit. Biglang bumigat yung pakiramdam ko. What does she mean by that?

***

Buong gabi kong pinag-isipan yung sinabi ni Steff. Bakit? Bakit niya sinabi yun? Tsk. May nagawa ba akong mali? Sinabihan ko ba siya na hindi ko siya gusto? I don’t remember saying that! Shit! Tsk. Damn Steff, alas tres na pero ikaw pa rin iniisip ko.

Sa school naman, hindi ko siya mahagilap. Kapag nasa klase kami, wala lang siyang imik. She’s totally ignoring me. Gustung-gusto kong tanungin kung ano bang problema niya pero hindi niya ako kinakausap. Gusto ko nang magwala sa harapan niya pero hindi ko naman magawa. Tss. I’m really getting insane.

***

Bigla naman akong tinawagan ni Andrea. Gusto niya daw lumabas ngayon since bored siya. Since mukhang mababaliw na ako dito kakaisip sa kung ano mang nagawa ko, umoo nalang ako sa offer niya. Nagbihis naman ako agad at pumunta doon sa restaurant na sinabi niya. Nung nagtext siya, sabi niya nandun na daw siya kaya binilisan ko yung paglalakad since andito na rin naman ako. Tinext ko nalang rin na may pinuntahan lang ako saglit para hindi halatang late talaga ako. Nakita ko naman agad siya na nakatayo sa gitna at parang aburidong-aburido yung mukha. Then nakita niya rin akong pumasok.

“Hey Ian! San ka ba kasi nagpunta? Tignan mo tuloy, natumba ako."

Nahalata ko nga na mukhang natumba siya since nadumihan yung white dress niya. Inaya niya naman na akong umupo pero napatingin ako sa likuran ko dahil.. I don’t know. Instinct? Parang bigla akong kinabahan eh. Then, lalo lang akong kinabahan. I saw her. Wow. She’s gorgeous.

“Bebe girl? Steff, is that you?” bigla kong sabi sa kanya. Kumilos naman ng kusa yung mga paa ko at halos patakbo akong pumunta sa kanya pero bigla akong hinatak ni Andrea. Tapos, nakita ko rin na sumulpot yung ungas na Patrick na yun.

The hell? Bakit magkasama sila? Are they dating? Shit.

Tatawagin ko sana siya ulit pero hinatak siya palabas ni Patrick. That asshole! Nakaakbay pa! Shit! Bakit ba hindi ako pinapansin ni Steff? Nakakagago na talaga ‘to. Nakatingin lang ako sa kanila habang papunta sila sa gazebo. Nagulat nalang ako nung biglang lumingon si Steff at tumingin.. sa akin?

“Ian, let’s go na!”

“Tsk. Bitawan mo ako. I’m going home. Sorry Andrea. Ikaw nalang ang kumain mag-isa. Wala na ako sa mood.”

Saka ko siya iniwan doon mag-isa at umuwi sa bahay na sobrang badtrip. My nights are getting worse. Nakakainis na.

Hanggang sa mag-Christmas break na. Ni hindi niya talaga ako kinausap. Pati sila mommy tinatanong na kung anong problema ko at lagging nakabusangot yung pagmumukha ko kapag uuwi ako pero hindi ko sinabi sa kanila. As usual, magsisimbang-gabi kami. Sa totoo lang, wala akong ganang magsimba pero pinilit ko pa rin. Way rin ‘to para naman marelax ang utak ko sa kakaisip kung ano ba talagang problema ni Steff.

Nung nasa simbahan na kami, bigla nalang nagsalita si mommy.

"Hija, may nakaupo ba di-- Oh Steff! Ikaw ba yan? Uy Steven Francis!" tapos napatingin ako sa kanila.

S..she’s here. Nagkatinginan kami bigla pero iniwas niya agad yung tingin niya. Fuck. What’s wrong with her?! Wala naman akong magawa kundi umupo. Katabi ko si mommy tapos katabi niya si Steff. Gusto ko ngang makipagpalit ng pwesto pero nakakahiya. Tapos sakto namang inantok si Warren kaya nakipagpalit ng pwesto sa akin si mommy. Hindi ko nga masupress yung ngiti ko eh. Tapos eto na yung pinakahihintay ko sa lahat. Yung Ama Namin.

“Namiss kong hawakan yung kamay mo.” Sabi ko sa kanya. Then I saw her face. Bigla siyang namula. Hahaha! Ang cute niya talaga pag ganun yung itsura niya.

Buong simbang-gabi ay lagi namin silang katabi. Pero hindi naman na kami nagkakatabi ni Steff kasi halata namang umiiwas siya sa akin. Tsk. Ano bang dapat kong gawin para pansinin niya na ulit ako? Naiinis na talaga ako. Hindi ako sanay sa ganito. Hindi ako sanay na hindi kami nag-uusap at nag-aasaran. Hindi ako sanay na seryoso lagi yung mukha niya.

I need to do something.

***

Christmas eve na. And thank God dahil kila Steff kami magcecelebrate. Hindi ko rin alam kung bakit pero yun ang sabi nila mom at dad. Siguro dahil high school classmates sila ng parents ni Steff. Pero nakakainis lang kasi nung nalaman ko yun ay halos tumalon ako sa tuwa at napansin yun ni mommy. Tapos simula nun ay hindi niya na ako tinigilang asarin. Tsk. Eto ang hirap kapag isip-bata ang parents mo eh.

Pagdating namin kila Steff, kung anu-ano lang yung pinaggagawa namin. Pero ang na-enjoy ko ay yung pinakita sa akin ni Venice yung regalo “raw” ni Steff sa akin.

Scrapbook.

Pagbukas ko, puro pictures ko, pictures namin, pictures ng barkada at kung anu-ano pang stolen shots. Nakakatuwa nga eh at talagang nag-effort siya. Samantalang ako eh wala man lang naprepare na regalo. Tsk. Napansin ko naman bigla yung mga nakasulat.

Hello bebe boy. Oh ang effort ng regalo ko sayo ha? Sana ma-appreciate mo. Pero naiinis talaga ako sa'yo. eh. Sa mga sinabi mo. Nakakainis ka!

Haha. Oh ayan ang bait ko diba? Binigyan pa rin kita ng regalo kahit naiinis ako sa'yo. Baka kasi di ako regaluhan ni Santa eh. Hahaha joke lang. Oh sige hanggang dito nalang, baka kung ano pang masabi ko.

From: your TOY, bebe girl.

Naguluhan naman ako sa mga nakasulat. What does she mean by that? Ano ba talagang nagawa ko? I don’t have any clue! Tsk. Lalo lang akong naguluhan. Shit naman oh!

Hindi ko nalang yun pinansin at inenjoy nalang ang Christmas kasama siya. Pero nung nandun kami sa veranda nila at tinuturuan ko siyang maggitara, bigla nalang tumawag si Andrea. Tsk. Wrong timing naman oh.

Nagulat naman ako nung masaya yung tono niya tapos biglang lumungkot. Pinapapunta niya ako sa bahay nila. Well, I think siguro kailangan niya nga ng kasama ngayon. She’s alone. Eh kasi siya lang namang mag-isa ang umuwi eh.

Hiniram ko nalang kay dad yung kotse niya at nag-drive ako papunta sa kanila. Pagdating ko dun, nadatnan ko na walang kabuhay-buhay yung bahay nila. Pagkapasok na pagkapasok ko eh sinalubong niya agad ako ng yakap.

“T..Thank you Ian.. A..akala ko *huk* m..mag-isa lang *huk* ako ngayon..”

“Shhh. I’m here okay?”

“P..pwede bang.. d..dito ka lang?” 

"Okay. But please, don't cry."

Hindi ko naman maiwasang hindi maawa sa kanya. Nasabi niya kasi sa akin na nainvolve daw sa isang aksidente yung parents niya sa Japan. Kaya pala siya bumalik dito sa Pilipinas. Ni hindi ko man lang nalaman. Kaya sinamahan ko nalang siya buong magdamag kasi alam kong kailangan niya ng karamay. 

“Andrea, aalis ako ng mga alas-tres okay? I need to go back.” Gusto kong makasama si Steff. Gusto ko rin siyang makausap.

“W..what? Can’t .. can’t you stay.. l..longer? P..please?” saka siya umiyak ulit at nagmakaawa sa akin. Hindi ko naman siya matignan ng diretso. Gusto ko rin naman siyang samahan pero.. pano naman ako? I want to enjoy this Christmas. Hay. Ang hirap naman nito. Bigla naman siyang umalis at kukuha lang daw siya ng pwede naming kainin. Nagulat naman ako nung biglang nag-vibrate yung phone ko. Then nakita ko na tumatawag si Steff.

"Hello?"

".. Ahh.. ano..." hindi ko naman masyadong marinig yung boses niya. Ang hina.

"Huh?"

"Ma.. matagal k..ka pa dyan?" napatigil naman ako. I..is she waiting for me?

"Ahh.. ano kasi eh.. siguro. Sorry." Shit. I really need to go back. Ngayon pa na kinakausap niya na ulit ako.

"Ian! Sinong kausap mo?" nagulat naman ako nung pabalik na si Andrea. Tsk. Pag nalaman niyang si Steff ‘to eh paniguradong magwawala siya.

"Ahh sige Steff, text nalang kita. Bye." Papatayin ko na sana yung phone ko pero parang may sinasabi pa siya.

"Please, bumalik ka na."

I don’t know kung guni-guni ko lang bay un pero hindi ko na napatay yung phone ko at naghihintay pa ako sa pwedeng sabihin niya. Pero binaba niya na sa kabilang linya. Totoo ba yung narinig ko? Or I’m just hallucinating?

I hope it’s real.

***

Nung matapos yung Christmas break, hindi ko na alam kung paano haharapin si Steff. Hindi na kasi ako nakabalik sa kanila. Nakatulog na kasi ako sa bahay nila Andrea dahil binantayan ko siya. At tanghali na rin ako nagising. Pinagalitan pa ako ni dad kasi hindi man lang daw ako nagtext. Tss. Eh nakatulog nga eh. Anong magagawa ko?

Buong month ng January ay iniiwasan lang ako ni Steff. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko sa kanya. She’s really troublesome! Pero nung dumating yung February, biglang may namuong plano sa utak ko.

Tama. Wala na akong pakialam kung anumang naging kasalanan ko sa kanya. Kung ayaw niyang sabihin sa akin, fine. Gagawa nalang ako ng paraan para mapansin niya ulit ako. Gagawa ako ng paraan para bumalik ulit siya sa dati.

Sakto namang pinatawag kami ni Ma’am Music at sinabi na kami raw ang magiging organizer sa Feb fair. Buti na nga lang at hindi ko ka-group si Steff. Kaso kagroup ko naman ‘tong ungas na Patrick na ‘to. Tss. Kagrupo ko rin si Jess. Buti naman.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik at sinabi ko sa kanila yung plano ko.

"Hoy sigurado ka ba dyan sa plano mo? Pag yan pumalpak, ako mismo gugulpi sayo.” Napakataray talaga nitong si Jess. Tss. Dapat nga tinutulungan nila ako para di ako pumalpak eh.

"Tss, ako rin gugulpihin ko yan pag pumalpak siya. Tandaan mo, oras na makita ko ulit na umiyak si Steff dahil sa’yo, hindi ako magdadalawang-isip na gulpihin ka at agawin siya sa’yo."

Tss. Alam ko na yun. Ungas na Patrick ‘to. Kung anu-ano pang pinagsasabi. Akala naman napakagwapo niya. Eh mas gwapo naman ako sa kanya.

Tinext ko naman lahat ng involved sa gagawin kong pasabog sa feb fair. Then sabi ko rin ay i-congrats si Steff para malito siya.

Nag-asikaso na kami ng mga kailangan para sa fair. Tae. Ang dami. Humingi na nga rin kami ng tulong sa mga parents namin para mas mapabilis eh. Tanghali na nung natapos kami sa first part. Break muna. Syempre tinanaw ko yung kabilang group. Break din ata nila? Kaya ako eh sinundan ko ang dapat sundan. Psh, mukha na akong stalker.

Pero kinuha ko yung regalo sa akin ni Steff nung pasko. Ewan ko ba kung bakit araw-araw ko 'tong dala eh. Parang ewan lang. Eh sa gusto kong laging nababasa eh. 

Umupo ako sa isang table tapos pinanood ko lang siyang bumili ng tubig. Natatawa na nga ako sa sarili ko. Kulang nalang maglagay ako ng shades at sumbrero at mukha na talaga akong stalker. Admirer pala. Gwapo ako eh.

Nagulat naman ako nung nakita kong nakasunod si Andrea sa kanya at.. shit! Bigla niyang binuhusan ng tubig si Steff at pinagtitinginan na sila ng mga tao. After niyang gawin yun ay tumakbo si Steff papunta sa restroom ng girls at si Andrea naman ay palabas ng canteen kaya hinarang ko siya kaagad sa pintuan at hinatak papunta doon sa isang room.

"Ano bang pinaggagawa mo Andrea?! Bakit mo yun ginawa sa kanya?!" halos pasigaw na yung tono ko. Paano ba naman eh nainis ako sa ginawa niya.

"So..sorry Ian. I was just..eh sa naiinis ako sa kanya eh! Inaagaw ka niya sa akin!"

"Please Andrea. Stop this." Nakakapagod na siya. Nakakasawa na yung tantrums niya. Nakakainis na.

“Pero Ian, I love you! You know that! And hindi ako titigil hangga’t hindi mo ko minamahal! I’ll do everything!”

Napatulala nalang ako sa sinabi niya. I can’t take it anymore. Napakaselfish na niya.

“Andrea, I don’t love you. And I will never love you.” Sabi ko sa kanya. Wala na akong pakialam kung masaktan ko siya ng sobra. Ayoko nang makipaglokohan sa kanya. She’s already crossing the line.

“Pero Ian! Don’t say t--”

“Please Andrea.” Saka ako lumuhod sa harapan niya.

“Ian, w..what are you doing?” narinig kong umiiyak na rin siya.

“Please let me go. Masyado na akong nasasakal. Masyado ka nang possessive. I’m not yours. And I will never be yours. Pare-pareho lang tayong nasasaktan dito. I’m sorry. But I can’t love you back. So please.. let me go.” May namumuo na ring luha sa mga mata ko. Ayoko naman kasi talagang gawin ‘to sa kanya. Ayoko siyang saktan ng ganito. Pero kailangan. Hindi na kasi ‘to tama.

“I..Ian. Please don’t do this. I.. I love you.” Naramdaman ko naman na lumuhod rin siya at niyakap niya ako.

“Si Steff ang mahal ko, Andrea. Can’t you see that? If you really love me, hindi ba dapat sinusuportahan mo ako kung saan ako sasaya? Di ba dapat marunong ka ring magpaubaya? Hindi sa lahat ng oras, Andrea, ikaw ang tama at ikaw ang dapat masunod. Kasi sa gagawin mong pagbitaw sa akin, dalawang tao ang sasaya.”

“Pero pano naman ako Ian? Masasaktan na naman ako? Ako na naman?” nakayakap pa rin siya sa akin at nararamdaman ko kung gaano kasakit yung dinadala niya.

“Nasaktan ka ulit.. kasi ako pa rin ang nakikita mo. Andrea, I’m not the right person for you. I’m not worthy of your tears. I’m not worthy of your love. Alam kong, mahahanap mo rin yung lalaking para sa’yo. Pero hindi ngayon. At hindi ako yun. So please..” saka ko tinanggal yung pagkakayakap niya sa akin “... let me go.”

Umiyak lang siya ng umiyak sa harapan ako. Maski ako umiiyak na rin. Masyado na kasing naghalu-halo yung nararamdaman ko. Bumigat yung pakiramdam ko pero alam kong eto yung tamang gawin.

“S..sorry *huk* Ian.. I.. I.. just.. really.. love you *huk* to the point na.. h..hindi ko na alam yung.. p..pinagagawa ko. *huk*

“It’s okay. And I hope, you’ll find your happiness. It’s not with me. Goodbye Andrea.” Saka ko hinawakan yung ulo niya at tuluyan nang umalis. Lumingon ulit ako, then nakita ko na wala na siya doon.

One problem is solved. And now, I need to solve my biggest problem.

Bigla naman akong kinabahan. Naalala ko kasi na dala-dala ko pala yung scrapbook kanina pero nawala na siya sa kamay ko. Shit! Naiwan ko sa canteen yung scrapbook! 

Dali-dali naman akong bumalik sa canteen at tinignan ko yung table kung saan ako umupo kanina. Nagpanic pa ako nung una kasi walang nakalagay doon sa table pero pagtingin ko sa baba, andun pala. Tsk. Nalaglag pala. Buti nalang at hindi nasira. At buti nalang walang kumuha. 

Nung pupulutin ko na, may napansin akong nakasulat sa gilid. Teka bakit parang ngayon ko lang 'to nakita?

Saranghae bebe boy

Lalo akong kinabahan. Pero this time, hindi dahil sa takot kundi dahil sa excitement. Pagkakitang-pagkakita ko nun, tumakbo agad ako sa restroom ng girls. Kumatok ako nang kumatok pero walang sumasagot. Tsk. Di kaya nakaalis na siya? Shit naman oh! Kung kelan naman.. damn!

So.. she loves me? She.. really.. love me?

As in? So.. this is not a one-sided love? Kaya ba ganun ang kilos niya nung mga nakaraang buwan? Hindi kaya.. nagseselos siya kay Andrea kasi lagi ko siyang kasama? Tss. Alam kong masamang mag-assume, pero kung anu-ano nang napaprocess ng utak ko.

Kung alam niyo ang itsura ng kinikilig na lalaki, ganun ang itsura ko ngayon. And I’m like an idiot coz I’m smiling like crazy. Dahil dito, siguradong-sigurado na talaga ako sa gagawin ko bukas. Maghanda ka Tiffany Damian.

***

Prepared na ang lahat. Sana maging maayos mamaya.

Nagpunta naman kami ni Jess at Patrick ungas doon sa Dating Café na inorganized nila Steff. Todo disguise pa kami para hindi niya kami mamukhaan. Mukhang effective naman kasi nung pumunta siya sa table namin eh sobrang cheerful niya pa sa paghingi ng order namin. Kaya naman natawa kami at tinanggal yug disguise namin at halos hindi maipinta yung mukha niya. Haha. Ang cute niya.

"Let's talk. Please?" bigla kong sabi sa kanya. Wala lang. Gusto ko lang marinig yung boses niya. Pero nakatingin lang siya doon sa gilid.

"Irokhe maneun saramdeur - i-da. Beukkolobji annhayo. Geunun nega geurul sarang kamsa hamnida."
(Sira ba siya? Ang dami-daming tao dito eh. Hindi ba siya nahihiya? Pasalamat siya mahal ko siya.)

Bigla naman akong napangiti sa sinabi niya. Akala niya siguro hindi ko naiintindihan pero mas malinaw pa ata sa salamin yung pagkakarinig ko sa kanya.

"Nado neoreul saranghaeyo." (I love you, too.)

Pagkasabing-pagkasabi ko sa kanya nun eh halos nanigas siya doon sa kinatatayuan niya. Then after a few seconds eh kumaripas siya ng takbo palabas doon sa café. Hahaha!

"Hoy! Grabe ka Darryl! Marunong ka pala magkorean! Pinapatawad na kita! Hahaha boto na ako sayo para sa bestfriend ko!" biglang sabi sa akin ni Jess sabay hampas sa likod ko. Tsk. Sadista. Pero alam kong naintindihan niya rin yung sinabi ko kasi ang alam ko ay tinuturuan sila ni Yna na mag-korean.

"Tsk. Ingay naman oh." Panira ng mood ‘tong Patrick na ‘to. Palibhasa hindi niya naintindihan. Tss.

Yeah. I know how to speak korean. Eh kasi may branch sa Korea yung business ni Mommy. Kaya minsan eh bumibisita kami dun. One year akong nag-stay dun after kong bumalik galing sa States. Kaya natuto ako dun. Besides, yung iba kong kamag-anak eh nagkaroon na ng sariling pamilya sa Korea kaya parang necessity na marunong dapat kaming magsalita ng ganun since nagkakaroon kami ng reunion doon minsan.

So, pagkatapos naming kumain dun ng konti, naghanda na kami para sa feb fair. Medyo busy dahil may gagawin rin kami mamaya.

Mamaya, I hope she'll be mine.

***

Nung nagsimula na yung feb fair, ang pinakanaging center of attention ay yung mga banda. Napanood namin yung Spongecola at Silent Sanctuary. Then nagkaroon ng intermission yung grupo nila Steff.

Nagulat nga ako kasi.. dedicated sa akin yung kanta niya.

After nyang kumanta, nagsimula na yung plano ko. Bigla nalang namatay yung ilaw at nagkaroon ng spotlight sa kanya at sa akin. Sobrang gulat na gulat nga yung reaction niya at para siyang nakakita ng multo nung nakita niyang may spotlight rin sa akin.

Tapos tinaas ko yung cardboard na sinulatan ko kanina habang kumakanta siya.

I will always love you
I love you, BEBE GIRL.

Tapos umakyat ako sa stage at kumanta ng Way Back into Love. Bigla nalang siyang umiyak doon. Basta ang alam ko ay nakikanta na rin siya sa akin nung mga panahong yun at hindi ko matago yung mga ngiti ko. Nung matapos na kaming kumanta, lumuhod ako sa harapan niya.

"Tiffany Damian, will you be my BEBE GIRL again?"

Nakatulala lang siya nung ginawa ko nun. Kinabahan nga ako nung mga panahong yun dahil baka hindi niya tanggapin. Pero nagulat ako sa ginawa niya. Bigla niya nalang akong hinalikan sa labi. W..whoa. F..for real?

“Sure. Be my bebe boy again." Saka siya ngumiti sa akin. Ako naman ay parang nalaglag na ang turnilyo sa utak at di na makapag-isip nang maayos.

"R..Really? Y..YES!! YOU HEARD THAT?! HAHAHA! SHE'S MINE!"
 

Binuhat ko siya bigla at inikot-ikot ko siya ng maraming beses. Sobrang saya ko ngayon! Shit! She’s mine! Akin na ulit siya!

Napansin ko naman na medyo nahihilo na siya kaya binaba ko na siya tapos hinawakan ko yung balikat niya. And then, I kissed her.

“Thanks bebe girl. This is the best birthday gift. I love you." Ngayon ko nga lang halos naalala na birthday ko nga pala. Masyado kasi akong nag-focus sa gagawin k okay Steff, to the point na wala na akong pakialam sa birthday ko.

Hindi naman na ako nakapagpigil at hinalikan ko siya ulit. Pero this time, mas matagal.

“Totohanan nay an! Yiiie!!”
“Pakasal na kayo!”
“Nakakainggit! Ang sweet niyo! Waaah! Kasal na please?”

I grinned. Nakakatuwa kasi boto sa amin ang mga estudyante. After that kiss, humiwalay na ako sa kanya. Shit. Gusto ko pa ng isa! Nakakaadik siyang halikan.

“Bebe girl? Bakit ka ganyan?”
“H..huh? Bakit?”
“Ang sarap ng labi mo. Pakiss ulit?”

Tapos nagulat ako nung bigla niya akong hinampas ng malakas. Pero hindi naman masakit. Natawa nalang ako kasi sobrang pula na ng mukha niya. Hahaha! Natalo niya pa ang strawberries sa sobrang pula.

“Hoy Darr--” bago niya pa matapos yung sasabihin niya eh hinalikan ko ulit siya.

“I’m not Darryl. I’m bebe boy. Remember that. Or I’ll kiss you again.” Then I smirked. Naeenjoy ko ang pang-aasar sa kanya gamit ang paghalik.

“Ugh! Fine! Bebe bo--” tapos hinalikan ko ulit siya.

“Sorry. I’m Darryl. Not bebe boy.”

After nun, tumakbo na ako palayo kasi naramdaman ko na handa na niyang ihampas sa akin yung mic na hawak niya. Pero wala akong pakialam. Basta ang alam ko ngayon, I’m happy.

I love her. I love her so much.
I hope this will last forever.

To be with her.
To be with the girl, I love the most.

Tiffany
“Steff” Damian.

One of the campus princess.
The strawberry and chocolate addict.

My bebe girl.


***