***

We had lunch at noon and I kind of like the boodle fight concept. Pinabalik kami sa pavilion matapos ang lahat ng groups na makita ang balls nila at naka-setup na ro'n ang pananghalian namin.

The food was mouth-watering as it was a mixture of cuisines from different regions. Halos lahat ay nakatapat sa pwesto kung nasaan ang gusto nilang kainin at hinatak naman ako ni Arin papunta ro'n sa seafood.

Pagka-announce ng staff ay agad na sumugod lahat ng tao sa nakahain. Buti nga at nakahiwalay ang table ng program staffs at may sarili silang boodle fight dahil baka lalong gumulo ang pagkain.

Pumunit ako ng dahon ng saging mula ro'n sa nakalatag at kumuha ako ng mga gusto kong kainin. Ang hirap nga lang dahil unahan talaga. Buti na lang at nakakalusot ako sa mga espasyo sa pagitan ng mga tao kaya pasimple akong nakakakuha.

Pagkatapos no'n ay pumwesto ako sa gilid para maayos akong makakain at tumabi naman sa akin si Lessy kaya nginitian ko siya. Nag-usap kami tungkol sa show pati na rin sa una naming pagkikita. Doon kasi siya nag-aaral sa university na pinasukan ko noong freshman ako pero lumipat ako ng campus noong second year. Dumalaw ako ro'n para makita ang friends ko na nag-stay doon kaya nag-meet na rin kami.

She was the first one from that site that I met in person and I remembered being awkward that night. Sa bandang labas ng campus ay may fast food chain kaya doon kami nagkita. Kinabahan pa ako no'n dahil hindi ko alam ang sasabihin o gagawin 'pag nakita ko na siya. Buti nga at naging maayos naman ang gabing 'yon. She was cute and she looked younger than her age. Looking at her now, she had matured a lot and it felt like it was just yesterday when we first met.

"Teammate mo pala si Ate Arin," she muttered.

Weird na marinig ang Ate sa pangalan ni Arin. Magka-edad kami pero hindi ako ina-ate ni Lessy dahil napagdesisyunan na namin dati na maging casual sa isa't isa kahit na two years younger siya sa akin.

"Yup. Close ba kayo?" tanong ko naman.

"Naku, hindi. Wala, gusto ko kasi ang works niya kaso nahihiya akong magpakilala."

Sakto namang naglalakad sa direksyon namin si Arin at kumaway siya sa akin. Hindi rin naman ako close sa kanya pero dahil nasa isang team kami ay mas makikilala ko siya. Comfortable din naman siyang kasama at siya ang madalas nag-o-open ng topic kaya hindi ganoon ka-awkward 'pag magkasama kaming dalawa.

"Huy, bakit nandito ka sa gilid, Elix?" tanong niya nang makarating siya sa pwesto namin.

"Ah. Ang daming tao ro'n, eh."

"Takot ka ba sa mga tao?" Nakita ko naman ang curiosity sa mukha niya kaya medyo napangiti ako.

"I'm not good in crowds," I admitted. "I tend to feel anxious and out of place."

Iniwan ko naman silang dalawa ro'n at nagdahilan na kukuha pa ako ng pagkain para makapag-usap sila lalo na't hinahangaan ni Lessy si Arin. Muntik naman akong mabunggo dahil hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko. Buti na lang at braso namin ang unang nag-collide kaya napalayo agad kami sa isa't isa at hindi natapon ang hawak naming pagkain.

"Sorry po," agad kong sabi.

Hindi ko siya kilala pero medyo na-intimidate ako sa height niya. Siguro ay three to four inches ang tangkad niya sa akin at hindi siya nagsalita kaya kinabahan ako. Baka nainis siya.

"S-sorry po," I repeated.

"Okay lang," she replied and marched away.

Napabuntong-hininga na lang ako pagkatapos ng nangyari at pumunta na lang sa kabilang sulok. Napansin ko namang nandoon din si Yena at tahimik siyang kumakain. Nagkatinginan ulit kami at tumango sa isa't isa pero pagkatapos no'n ay umiwas ako ng tingin.

Nakita ko naman na nag-uusap-usap na ang ibang writers habang kumakain. Dahil wala naman akong masyadong ka-close dito kagaya ni Lessy ay nanatili ulit ako sa isang sulok. Na-miss ko tuloy ang phone ko.

Pagkatapos kumain ay pinayagan kaming lumibot o 'di kaya bumalik sa cabin kaya dumiretso ako sa cabin namin. Nag-stay naman doon ang tatlo at nahiga ako sa couch. I didn't get enough sleep and the activities had exhausted my energy so I immediately drifted to sleep.


***


Naalimpungatan naman ako at ilang segundo akong nakatulala lang nang ma-realize kong may tao bukod sa akin. Pagtingin ko sa bandang ulunan ko ay nakaupo si Zion sa rocking chair habang may hawak na libro.

“Good evening,” he said, still looking at the book.

Nahiya naman ako bigla dahil sa itsura ko. Kanina pa ba siya nandiyan? Habang tulog ako? Bigla tuloy akong napaupo. I was about to go to the bathroom but what he said stopped me.

“Evening?” tanong ko. Tumingin ako sa bintana pero nakatakip na ‘yon ng kurtina at paniguradong isinara na rin ang sliding glass.

“Yup. Evening,” sabi niya naman at isinara niya ang librong binabasa niya. “It’s already 6 P.M.”

What? Teka, halos five hours akong natulog? Gano’n ba ako kaantok at napasarap masyado ang dapat ay idlip lang?

Tumayo naman ako at naghilamos para magising ang diwa ko. Pagbalik ko sa sala ay bukas na ang bintana at nakadungaw siya ro’n.

“Nasaan pala sina Arin at Roi?” tanong ko habang palapit sa direksyon niya.

“Baka nakikipag-usap sa ibang writers,” sagot niya.

“Ikaw?” Napatingin naman siya sa akin. “Bakit ‘di ka makihalubilo sa kanila?”

“No need. I already know them.”

Tumabi ako sa kanya dahil malaki naman ang space sa bintana at namangha ako sa kulay ng langit. The sun was already setting, creating a palette of pastels in the sky. It was a breathtaking view. Kung nandito lang sana ang phone ko, mapi-picture-an ko ‘to.

“What do you mean?” I followed up, still looking at the sky.

“Through observation,” he replied. Napatingin naman ako sa kanya dahil gano’n din ang nasa isip ko. I mean, you could get enough information about someone’s personality just by observing him or her.

“I see,” sabay tingin ko sa paligid kung saan may ilang writers na naglalaro sa obstacle course habang ang iba ay naglalakad-lakad.

“Ikaw? Bakit umuwi ka kaagad?”

“Napagod ako saka wala akong tulog.”

“Hmm. Eh ngayon? Bakit ayaw mong lumabas at kumausap ng ibang tao?”

“Same answer as yours,” sagot ko. “Besides, I’m not really a people person.”

“That, I know.”

Sinamaan ko naman siya ng tingin pero sinuklian niya ako ng isang mabilis na ngiti. For some reason, it wasn’t as awkward as I thought it would be if it was just the two of us together. It seemed like we were pretty much cut from the same cloth.

After some time ay bumalik din sina Arin at Roi sa cabin pero mukhang may problema dahil dire-diretso si Arin sa kwarto. We looked at Roi for some explanation but he just shrugged.

“Nakasalubong ko siya nang katatapos niya lang kausapin ang isang writer then she stormed off,” he described.

“Kilala mo ba kung sino ang writer na ‘yon?” tanong ni Zion pero umiling naman si Roi.

I wanted to see how Arin was doing but I was unsure if I could do or say anything. Hindi ako marunong mag-comfort ng tao kaya palagay ko ay wala rin namang mangyayari kung pupuntahan ko siya.

Hinayaan na lang namin siya at makalipas ang isang oras ay lumabas siya mula sa kwarto. It looked like she had already cooled her head off.

“You’re scary,” bungad ni Roi nang makita niya si Arin at natawa na lang kami dahil sa mukha niya. He was hiding behind Zion, when in fact, he was taller than him.

“Well, sorry Mr. Gorgeous,” she retorted.

“Gorgeous?” tanong ko naman.

“Yeah. Apparently, may crush sa kanya sina Nana and Wannie.”

Natahimik naman bigla si Roi. Was he blushing?

“Nana and Wannie?” Zion muttered. “Well, Nana was staring at him during the second challenge so it was pretty obvious. Wannie is the blonde girl, right?” Tumango naman si Arin. “Hmm, that was surprising.”

“Not really,” I chimed in.

“Why?” he asked.

“She was stealing glances at him back in the hotel and during lunch. I guess she wanted to talk to him but she didn’t have any guts. And she’s liking his posts, tweets and story updates so either she’s your reader and slash or she’s interested in you.”

“Oh, I see,” Zion spoke in an undertone. “Nice input.”

“You mean, inference?”

Napatigil naman kami dahil nakatitig lang sa amin sina Arin at Roi na para bang may ginawa kaming mali. Or as if there was a ghost behind us. I hope there wasn’t.

“You’re way scarier than her,” sabi naman ni Roi.

“Agreed,” Arin concurred.

Nagkatinginan naman kami ni Zion at hindi ko alam kung dapat ba akong matawa sa sitwasyon o sumakay na lang. Zion chose the latter. He conveyed his observations regarding Arin’s and Roi’s behavior and that made them plead for him to stop.

We spent the night recalling what happened during the challenges and they teased me for not finding any balls during the second challenge. I knew they wouldn’t let that pass.

Pagpatak ng 9 P.M., isa-isa kaming pinatawag sa main cabin kung saan nags-stay ang producers at iba pang staffs ng program. Pagdating ko ro’n, pinapunta ako sa “interview room” at kung anu-ano ang tinanong sa akin tungkol sa mga nangyari. Buti na lang at ‘yon ang usapan namin bago ‘to.

I was asked about my expectations before the program started, how I felt and what I was thinking during the challenges, and my opinions about the other challengers. Na-realize kong ito ang ginagamit sa reality shows. These were the confessionals inserted in the middle of the scenes to create more depth or drama.

“Last question,” the interviewer said. “Of all the challengers here, who’s the person who immediately got close to you, the one who would be uncomfortable with, the one who you want to befriend and the person who got your attention.”

Napaisip naman ako sa tanong niya at ilang tao ang pumasok sa isip ko. Makalipas ang ilang segundo ay sinagot ko siya.

“For the first question . . . Arin,” I answered. “She’s the first challenger I’ve met and her personality made it less awkward. Medyo nakilala ko na siya, I think. The person I’d be uncomfortable with would be Ina. She’s got a lot of energy and I won’t be able to keep up with her, so yeah. I want to befriend Yena or Pia. I feel like I can learn a lot from them. Someone who got my attention would be . . .”

Natagalan akong sumagot sa huling tanong. Ang dami kasing taong sumagi sa isip ko. I wanted to mention at least three but the interviewer said that would be too many.

“Zion,” I said.

“Why?” tanong ng interviewer.

“Well, he has this mysterious air around him and a twisted personality. I mean, not twisted in a bad kind of way. Just, uhm,” I heaved a sigh. “Crap. Can you please just edit that out?”

Natawa naman ang staff sa sinabi ko kaya lalo lang akong nahiya. I shouldn’t have said that.

“It’s okay. He said the same thing about you,” sabi naman niya kaya napakunot ang noo ko.

“Ano po?”

“Oops.”

“Ano pong sabi niya?”

“Dahil napatawa mo ako, I’ll tell you,” he said. “He told me you are several layers of mystique. An interesting person. Anong masasabi mo ro’n?”

“Oh.”

Tumawa ulit siya kahit na hindi ko alam kung bakit. Pagkatapos no’n ay pinabalik na niya ako sa cabin dahil may nakaabang nang challenger sa labas ng room. Pagbalik ko sa cabin ay naglalaro ng card game sina Arin at Roi habang hawak na naman ni Zion ang librong binabasa niya kanina. Our eyes met each other and the interviewer’s words echoed in my ears.

“Something wrong?” he asked.

“Nothing,” sabi ko naman.

Agad akong umupo sa sahig kung saan nakapwesto ang dalawa at tinanong ko kung ano ang nilalaro nila. Roi said they were playing Crazy Eight. Sumali naman kami ni Zion matapos ang isang round.

“So, anong catch?” tanong ni Arin. “May punishment ba ang matatalo?”

“How about may premyo na lang ang mananalo?” Roi suggested.

“Like what?” tanong ko naman.

“The defeated players shall grant his or her wish,” sabi naman ni Zion.

“Call!” sabay na sigaw nina Roi at Arin. Tumango na lang din ako.

“Ho-ho. Now, I’m motivated. Gusto kitang matalo para makahiling ako sa’yo,” Arin announced while looking at Zion.

He smirked. “If you can. But that won’t happen.”

“Is that a challenge?” I asked.

“If that’s how you see it,” he retorted.

“Deal.”

Interesting, huh? You, too, Zion.

I guess he would also be one of my challenges.



***