.

.

Chapter 10

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, December 10, 2016

***

“What happened to you, Alisson?” tanong kaagad ni Mommy no’ng makababa na ako mula sa kwarto ko.

Hindi kasi ako nakatulog nang maayos kagabi dahil sa lecheng Kevin Fuentez na ‘yon. Buti na lang talaga at Saturday ngayon kaya wala kaming pasok. Kaso nga lang, nandito si Mommy at for sure, kukulitin na naman ako n’yan.


“Bakit ganyan ang mga mata mo? Nagpuyat ka na naman ba?” See?
“Hindi ko na kasi namalayan ‘yong oras, Mommy,” sabi ko na lang.
“Nagsayaw-sayaw ka na naman, ‘no?”

Tumango na lang ako kahit hindi naman ‘yon ang dahilan, though, madalas ay ‘yon din ang dahilan kung bakit ako napupuyat. Kapag may gusto akong makabisadong sayaw ay pupunta ako sa dance room, na nirequest ko kina Mommy, na katabi lang ng kwarto ko.

“What time did you sleep? It’s just 8 AM.”
“Mom, may pupuntahan pa ako later,” sabi ko naman at bigla kong naalala ang scenario na ‘yon.

Hindi na ako kinulit na Mommy after that since nag-promise ako na matutulog ako nang maaga mamaya. Yup, my mother treats me like a kid, but I guess that’s fine since I’m the only child of this family.
Nag-stay naman ako sa sala at nanood muna ng isang movie. Ka-chat ko rin ‘yong tatlo at in fairness, ang aga naming nagising lahat.

Jess:
 May hindi nakatulog hahahahaha
Yna: She’s too excited lol
Steff: Puro seen lang siya oh

Nagsend ako ng picture ko habang nakairap at pinaulanan naman nila ako ng emojis at tawa. Kainis ‘tong tatlong ‘to. Para tuloy akong kinakarma dahil sa pang-aasar ko kina Jess at Steff dati. Jusko, buti na lang at wala pang lovelife ‘tong si Yna.
Nagstay naman ako sa dance room at dinala ko ro’n ang laptop ko. Nagbihis din ako ng sleeveless and sweatpants para sana magpractice. I picked Fvck Apologies by JoJo as my music and I already choreographed half of the song these past few days. Nagpractice ako ng ilang oras doon at may binago-bago pa akong ilang steps dahil hindi ako satisfied. Sasayaw na sana ulit ako pero napatigil ako no’ng biglang nagring ang phone ko. Pinatay ko naman kaagad ang tugtog at kinuha ko ‘yon pero napatigil ako dahil unknown number. Bigla tuloy akong kinabahan dahil baka si Kevin ‘to.

“Hello?”
“Hi.” Napatigil ako. Shet. Sabi na nga ba. I’m sure nakuha niya ang number ko kay Karla. Ang nakakainis pa ay parang nang-aasar na nang-aakit ang tono niya.
“Who’s this?” pagmamaang-maangan kong tanong at narinig ko ang saglit niyang pagtawa. Jusko, naiimagine ko ang smiling face niya!
“Nakalimutan mo na kaagad ang boses ko? Parang kahapon lang, bumulong pa ako sa’yo.” Hindi ko alam kung bakit pero kinilabutan ako sa sinabi niya at nilayo ko ang phone sa tenga ko.

Bwisit na Fuentez ‘to! Bakit kahit boses niya ang lakas ng appeal? Ayoko na! Ang duga!

“Ay, sorry po, wrong number,” biro ko pero nagulat ako sa pagsigaw niya.
“Wait! Gusto ko lang ipaalala na may practice tayo ngayon.”
“Okay,” mahinahon kong sabi pero ang totoo ay sobrang kinakabahan na ako dahil ito na ang usapan.
“Actually, I’m already inside your subdivision. Dinescribe din ni Jess ang bahay n’yo.”
“What?!”

Napalabas talaga ako sa dance room pagkasabi niya no’n at sumilip ako sa pinakamalapit na bintana. Luckily, wala pa akong natatanaw na kahit anong kotse.

“Wait, are you serious?! Nandito ka?”
“Of course. Why would I lie?”
“I’m not yet ready!” Lalo akong nagpanic dahil pawis na pawis pa ako sa kakasayaw. Tumakbo ako papunta sa kwarto ko para maghanda ng damit habang nasa tenga ko pa rin ang phone.
“I can wait. Mag-iikot muna ako rito.”

Pagkasabi niya no’n ay in-end ko kaagad ang call para makapagprepare. Nagmadali akong maligo at mamili ng damit na susuotin pero nag-end up lang din ako sa shirt and sweatpants dahil magpapractice lang naman kami. Nag-apply lang ako ng kaunting make-up at kinuha ko ang bag ko. After that ay tinext ko siya at bumaba na sa sala, pero nakalimutan kong nandito pala si Mommy.

“Aalis ka ba? Bakit ganyan ang suot mo?” tanong kaagad niya no’ng makita niya ako.
“May dance practice kami.”
“Kasama mo sina Steff?”
“Nope. Sige, Mom, baka nandyan na ‘yong susundo sa’kin.”

Pagkatapos kong makatakas sa kanya ay saktong may bumusina sa labas kaya nagmadali ako. Paglabas ko ng gate ay agad kong binuksan ang pinto ng kotse niya at umupo sa passenger seat.

“Go! Go!” sigaw ko at kita ko naman ang confused expression niya. Wala rin naman siyang nagawa kundi patakbuhin ang kotse. Actually, ayaw ko lang makita ni Mommy na lalaki ang sumundo sa akin dahil for sure ay magtatanong na naman siya nang walang katapusan, and for sure, madudulas siya sa mga sasabihin niya.

Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makalabas kami sa subdivision. Now that we’re inside a closed space, with just the two of us, I can clearly hear my racing heart and feel the rising tension between us. The deafening silence wasn’t helping either.

“U-uhm—”
“Kumain—”

Nagkatinginan naman kami dahil sabay kaming nagsalita.

“Ikaw na—”
“Go ahead—”

Oh my God! Sobrang awkward! Bakit ganito? Jusko, Alice, please umayos ka!
 sigaw ko sa sarili ko. Huminga ako nang malalim at narinig ko naman siyang umubo.

“Kumain ka na ba?” tanong niya naman at napatingin ako sa kanya. Ngumiti siya sa akin at napasandal ako sa bintana dahil nakakaoffend ang pagngiti-ngiti niya. Wow ha! Ako, sobrang tensed dahil sa kanya pero siya, parang wala lang.
“Yeah.” At kung hindi ba naman talaga ako malas ay bigla na lang tumunog ang tiyan ko. Napapikit ako sa hiya at tumingin na lang ako sa labas. Narinig ko naman ang pagtawa niya at gusto ko na lang mawala sa kotseng ‘to.
“Your stomach says otherwise.”

Tinignan ko na lang siya nang masama at saka ko binalik ang tingin ko sa labas. Hay. Mukhang ako lang ang affected sa aming dalawa. Sabagay, ako lang naman ang may crush sa kanya. He’s been branded as a player since he got admitted in the university and maybe he already saw different types of girls. He won’t get nervous or even affected even if he’s with me.

Asa pa.

Kinuha ko na lang ang phone ko at sinaksak ang earphones sa tenga ko. Nakinig ako ng music at hindi ko namalayan na unti-unti na pala akong nakatulog.

***

Bigla naman akong nagising dahil pakiramdam ko ay nahulog ako. Pagdilat ko ay nakahinto na ang kotse at nakatingin lang sa akin si Kevin kaya agad kong inayos ang sarili ko. Agad siyang bumaba ng kotse at susunod na sana ako pero dahil sa sobrang pagpapanic ko ay nakalimutan kong naka-seatbelt pa pala ako. Buti na lang at nakatalikod siya kaya hindi niya nakita. Ayaw ko nang madagdagan ang mga kahihiyang nagawa ko sa harapan niya.
Paglabas ko sa kotse ay doon ko lang narealize na nasa parking lot kami ng isang restaurant.

“Let’s go,” sabi niya at binilisan ko naman ang lakad ko para makaabot sa kanya.
“Wait, bakit tayo nandito?” Sa pagkakaalam ko, magpapractice kami.
“Kakain,” maikli niyang sabi sabay tingin sa relo niya. “Besides, lunch time na.”

Pagkatapos niya ‘yong sabihin ay dumiretso siya sa loob kaya sumunod ako. Nakita ko siyang nakaupo na kaagad at tinaas niya pa ang kamay niya para pumunta ro’n. Tulad ng nangyari sa kotse ay tahimik lang din kami. Nakatingin lang ako sa phone ko nang biglang may nag-message sa akin pero halos magsalubong ang kilay ko nang makita ko ang pangalan niya.

Bakit ang tahimik mo ngayon?

Napatingin ako sa kanya at ngumiti na naman siya sa akin. Ano ba? Alam niya bang hindi pa ako immune sa ngiti niya? Lalo lang akong hindi makapagfocus dahil sa pinaggagawa niya!

Dahil ayoko namang kausapin siya ay nagreply na lang ako sa text niya.

So anong sinasabi mo? Na maingay ako?

Pagsend ko no’n ay narinig ko ang pagpipigil niya ng tawa kaya sinamaan ko siya ng tingin. Buti na lang at after ilang minutes ay dumating na rin ang inorder niya para sa aming dalawa at agad kaming kumain. Binilisan lang namin ang pagkain at bumalik agad kami sa kotse pagkatapos pero bago pa ako makasakay ay nagmessage ako sa group chat namin.

HELP! Di ko kinakaya
 ㅠㅠ bakit ang landi niya?! Lahat ba ng babae ginaganito niya? ㅠㅠ

No’ng nasend ko na ay pumasok na ulit ako sa kotse at nagdrive siya. Mukhang malapit lang ang restaurant sa subdivision nila kaya naman ilang minuto pa lang ang nakakalipas ay nandito na kami, which means, malapit lang din si Jess. Binuksan ko ang messenger at puro pang-aasar lang ang nabasa ko.

Steff: 
Baka bigla ka na lang mahimatay ha!
Jess: Nilalandi ka niya?!
Yna: DETAILS PLEASE

Nagulat naman ako no’ng biglang huminto ang sasakyan at doon ko lang narealize na nasa harapan na pala kami ng bahay nila. Pinagbuksan siya ng gate at pinark niya ang kotse sa garahe nila. Agad kaming bumaba at sinundan ko naman siya papasok sa loob. Doon ko lang napansin na bukod sa amin at sa isang maid ay wala nang tao rito.

“Wala si Karla?” tanong ko sa kanya.
“Still asleep,” sagot naman niya. “Hapon na siya nagigising kapag walang pasok.”

Wow. Late din naman akong nagigising kapag weekends pero hindi ako inaabot ng hapon. Grabe palang matulog si Karla.
Sinundan ko siya sa second floor at nagulat ako no’ng binuksan niya ang isang room.

“Let’s practice here,” sabi niya at pumasok siya sa loob.

He has a dance room, too.

Bigla naman akong kinabahan, or more like, thrilled. I already saw him dancing last Feb Fair but right now, I’ll see him dance at a close range.
Lumabas siya saglit kaya naiwan akong mag-isa ro’n. In fairness, ang ganda ng kwartong ‘to. It’s actually more impressive than mine. Habang wala pa siya ay nagpalit na rin ako ng damit do’n pagkatapos kong i-lock ang pinto. Pagdating niya ay naka-white shirt and sweatpants din siya katulad ko.
Hindi ko alam kung bakit pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko no’ng makita ko siyang gano’n ang suot. He’s actually more appealing with his simple look rather than the outfits he wear in the campus.

“Nakapili ka na ba ng music mo?” bigla niyang tanong kaya nagulat ako. Oh my gosh! Nahuli niya ba akong nakatitig sa kanya?
“Ha? Ah . . . y-yes. Here.”

I handed him my flashdrive and he immediately played the music. Automatic namang gumalaw ang kamay at paa ko para sabayan ang beat, at gano’n din siya.

“Hmm . . . okay. Here’s mine,” sabay play niya ng sa kanya.

So ang napili ko nga ay Fvck Apologies ni JoJo and sa kanya naman ay Anyway ni Chris Brown. Sabi niya aayusin niya raw ‘yong dalawang song for remix though parang ang hirap since medyo magkaiba sila ng music style.

“May I see your choreography?” tanong niya habang nakatingin sa salamin.

Doon na ako sobrang kinabahan. Hindi ko alam kung ako lang ba pero kapag sayaw na ang pinag-uusapan ay nagiging seryoso siya at nawawala ang playboy image niya. And I’m really nervous right now because it looks like he’s going to evaluate my abilities as a dancer.

Ah! Bahala na!

Pinatugtog niya ang music ko at pumikit ako saglit. Dance as if he’s not here, sabi ko sa sarili ko at nagfocus na lang ako sa choreography.

Saw it in your eyes when you said goodbye
You didn't even try, so this time I don't care

I started to dance.

And honestly I was just about to pick up the phone
And then I realized that I didn't do nothing wrong
You would even tell two lies to prove that you were right
Usually I'd go on and take the blame but not this time, not this time

Hanggang sa matapos ko ang choreography na nagawa ko ay hindi ako tumingin sa kanya kaya nagulat ako no’ng bigla siyang pumalakpak.

“Nice,” maikli niyang sabi.

After that ay music naman niya ang tumugtog kaya umupo ako sa likod, and this time, ako naman ang nanood sa kanya.
First steps pa lang ay napanganga na ako. He’s oozing with confidence and it looks like he’s dancing easily even if the choreography is difficult. Halos isang minuto lang siyang sumayaw pero lalo lang akong nahumaling sa kanya.
Kinalma ko kaagad ang sarili ko pagkatapos niyang sumayaw at mabilis akong pumalakpak. After that ay nag-video kami para makita ang parts namin, saka namin papractice-in ‘yong part na sabay kami.
Pagkatapos kong sumayaw ulit ay kinuha niya ang recorder at umupo. Sumunod ako sa kanya at yumuko na lang ako para mapanood ko ‘yon.

“This,” sabi niya sabay pause sa video at lumapit ako para makita ko ‘yon. “Your arm is a bit awkward when you do this—” And then everything happened so fast.

Dahil sa biglaan niyang paglingon sa akin habang ineexplain ang insights niya sa video ay sobrang lapit ng mga mukha namin sa isa’t isa to the point na nagkadikit ang mga ilong namin. Sa sobrang gulat ay napaatras ako at na-out of balance pero bago pa ako tuluyang bumagsak ay nahawakan niya ako sa bewang. Hinatak niya ako papunta sa kanya pero dahil nakaupo pa rin siya ay natumba kami pareho at muntik nang magdikit ang mga labi namin. Buti na lang at natungkod ko ang kamay ko sa sahig.

We stared at each other, dumbfounded and unsure of what to do with the tension and awkwardness. But after a few seconds, he smirked and gave me a teasing look.

“You almost kissed me.”

With those words, the tension broke and it was replaced with embarrassment. Out of impulse, I punched his chest and marched away from him, hoping that he didn’t see me blushing.


***