.

.

Chapter 11

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, February 5, 2017


***


"You almost kissed me."

OH MY GOD. STOP!

Huminga ako nang malalim para kalmahin ang sarili ko at mawala ang expression na 'yon ni Kevin sa utak ko. Ilang minuto na ako rito sa labas pero sobrang bilis pa rin ng tibok ng puso ko dahil sa nangyari. Sinampal-sampal ko pa ang sarili ko para magising sa katotohanan pero napapangiti ako bigla dahil nagrereplay talaga 'yon sa isip ko.

Hoy, magtigil! 
saway ko sa sarili ko pero parang may sariling utak ang labi ko. Kabado pa rin ako pero nangingibabaw na ang kilig ko ngayon sa nangyari. His face was too close to mine, his eyes were only looking at me, and those words were meant for me.

"Ate Alice?"

Nagdissolve bigla ang imagination ko no'ng narinig ko ang pangalan ko. Nagulat na lang ako no'ng nasa gilid ko na si Karla kaya naman nag-poker face agad ako.

"No need," she suddenly said. "I already saw you grinning like a mad person."
"Hala. Hindi naman," sabi ko naman pero parang ang defensive ng tono. Bigla tuloy siyang ngumiti nang nakakaloko.
"Talaga ba? Kuya!" Nagpanic ako no'ng bigla niyang binuksan ang pinto ng dance room kaya hinatak ko kaagad siya pero huli na dahil nakita na kami ni Kevin.
"Gising ka na pala," sabi niya habang nakatingin kay Karla, tapos biglang lumipat ang tingin niya sa akin. Nanigas ako sa kinatatayuan ko.
"Are you guys practicing?" sabay tingin din sa'kin ni Karla na halata namang nang-aasar.
"Yeah. Break lang sandali."

As usual, parang wala lang sa kanya ang nangyari. Hindi naman na bago 'yon pero medyo nakakalungkot. Pumasok na lang ulit ako sa loob at tumabi sa recorder para panoorin ulit ang practice namin kanina.

"Ang sakit mo palang manuntok," biglang sabi ni Kevin kaya napatingin ako sa kanya at nakita kong nakataas na ang kilay ni Karla sa aming dalawa.
"H-hoy, hindi ko naman sinasadya 'yon!"
"Sa lakas no'n?" sabay hawak sa dibdib niya at aba, may pa-acting-acting pa siyang nalalaman.

Bigla naman akong nahiya dahil sa pagsuntok ko sa kanya kanina. Pero kasalanan niya naman, eh! May pasabi-sabi pa siya ng 
'you almost kissed me' tapos isang marupok na tulad ko pa ang sinabihan niya. Syempre kinilig ako ro'n pero kailangang magpigil at ang defense mechanism ko sa mga ganyang bagay ay either manghampas o manuntok.

"Hindi naman malakas 'yon," sabi ko na lang dahil lalong tumataas ang kilay ni Karla sa aming dalawa.
"So . . . what happened? Can you guys fill in the details?"
"Basically, this girl," sabay turo sa akin ni Kevin, "punched my chest because we almost k—"

Hindi na niya naituloy ang k-word na 'yon dahil nagmadali akong pumunta sa pwesto niya para takpan ang bibig niya ng towel. He looked at me as if I did something wrong so I glared at him in return.

"Ha! Ha! Sinuntok ko siya kasi hindi niya sineseryoso ang practice," sabi ko sabay ngiti kay Karla. Bigla namang hinawakan ni Kevin ang braso ko at tinanggal niya ang towel na hinarang ko sa bibig niya.
"Sinuntok?" he suddenly asked. "Akala ko ba hindi mo sinasadya?"

Pagkarinig ko no'n ay napabuntong-hininga na lang ako. Jusko naman! Pati ang usage ko ng words, ginagamit niya laban sa akin! Pasalamat ka ang cute mo ngayon.

My gosh, ang hirap magpigil ng feelings kapag ang crush mo ay nasa harapan mo lang at may pangiti-ngiti pang nalalaman. Idagdag pa ang kapatid niya na ang lakas manggatong kaya ayan, sunog na ako rito.

"Game na ba ulit?" he asked after Karla left. Kakain daw muna siya ng lunch kahit na mag-t-three na.
"Okay."

Naging seryoso na ulit siya at ako naman ang hindi na makatingin nang maayos dahil naaalala ko ang nangyari kanina. Kapag tuloy napapatingin ako sa kanya, dumidiretso ang mata ko sa lips niya. Hala ka sinasapian na naman ako ng espiritu ng kalandian! Alis!

Nagpractice ulit kami and this time, mas maayos na at mas maganda ang transitions ng parts namin. Ni hindi ko nga feel na dance showdown ang ginagawa namin dahil tinutulungan niya talaga akong ma-execute nang maayos ang choreography na ginawa ko.

Napaupo na lang ako sa sahig pagkatapos ng music at buti na lang ay last na 'yon. He's really a perfectonist when it comes to dancing.

"So, see you next week," sabi niya sabay ngiti.

Buti na lang talaga at bumukas ang pinto kaya napalingon ako. Baka kasi namumula na ang mukha ko at ayaw kong makita niya 'yon. Mamaya isipin niya may gusto ako sa kanya, though totoo naman, pero ayaw kong malaman niya.

"Are you done?" tanong ni Karla na mukhang nakakain at nakaligo na rin.
"Yeah. Ihahatid ko na siya sa kanila," sabi naman ni Kevin.
"Agad? Wait! I want to talk to her pa." Nagulat naman ako no'ng bigla akong hinatak ni Karla at sinamaan niya ng tingin ang kuya niya. After saying that, Kevin grinned teasingly.
"I thought you said you have no friends."
"And that's your fault," she retorted and her annoyed expression was really cute.
"Bakit ako?" Pinigilan ko naman ang sarili ko dahil ang cute din ng inosente niyang pagtatanong. Inirapan naman siya ni Karla at humigpit ang hawak niya sa braso ko.
"Tara na, Ate Alice," sabay hatak sa akin palabas.
"Teka, bakit parang siya ang kapatid mo rito?" tanong niya kaya lumingon si Karla sa kanya.
"That's your fault too! Maligo ka na nga, ang baho mo!"

Pagkatapos niyang isigaw 'yon ay kinaladkad niya ako palabas habang sinisigawan kami ni Kevin. Natawa na lang ako dahil sa pinaggagawa nila at heto naman ako, enjoy na enjoy sa panonood.

Ewan ko ba. Ganito rin ako kapag nasa bahay ako ng tatlo. Every time na nakikita ko silang nakikipagkulitan o nakikipag-asaran sa mga kapatid nila, natutuwa akong panoorin sila. Maybe because I'm an only child and deep inside me, I am longing for siblings.

Pagdating namin ni Karla sa living room ay kung anu-ano pang sinabi niya tungkol kay Kevin. Kung pwede ko lang i-record eh, kaso baka isipin niya interested ako. Slight lang naman . . .

Okay, fine. I'm interested.

"Hah! You know what? I'll just show you his embarrassing photos."

Pagkasabi no'n ni Karla ay parang nag-twinkle ang mga mata ko. Kevin's embarrassing photos, you say? Ay hindi ko 'yan papalagpasin!

Tumayo siya at may kinuha sa cabinet sa gilid. Pagbalik niya, may dala na siyang makapal na photo album. Nilapag niya 'yon sa table at binuksan namin kaagad.

"Here. I think he was five years old here," sabay turo ro'n sa isang picture ng batang naka-underwear lang at natawa ako pagkakita ko no'n. "Sabi ni Mommy, nanonood daw kami nito ng Baby Looney Tunes and then tinanong ni Kuya kung bakit daw sila, pwedeng naka-diapers lang, kaya ayon, ginaya niya."

Lalo akong natawa sa kwento niya kahit na hindi ko maimagine na sinasabi niya 'yon. Nilabas ko kaagad ang phone ko at pinicture-an ang photo na 'yon.

"Tapos eto naman—"
"Hey!"

Pareho kaming napalingon sa may second floor at nakita namin na nagmamadaling bumaba si Kevin sa hagdan. Halos ilang segundo lang ang nakalipas ay nandito na agad siya at mabilis niyang kinuha ang photo album sa harapan namin.

"Ano na namang pinagsasabi mo Karla?"

I already know that he's handsome but his flustered face was my favorite. He looks so innocent and cute, as opposed to his cool and flirty image in the campus.

"Wala naman masyado. I just told her that you like Baby Looney Tunes—"
"You little rascal!" sabay lapit niya kay Karla kaya nagtago siya sa likod ko.
"And that your favorite is Baby Taz—"
"It was Baby Sylvester, idiot—!"

Doon na ako tuluyang natawa. Mukhang hindi niya rin napigilan ang sarili niya and I think sinadya ni Karla 'yon dahil tumawa rin siya. Halos mamatay na ako kakatawa dahil sa indirect confession niya about his favorite character in Baby Looney Tunes kaya wala na siyang nagawa kundi i-express ang inis niya gamit ang mukha niya sabay walkout.

Halos ilang minuto rin akong tumawa at sobrang sumakit ang pisngi, lalamunan at tiyan ko. After that ay bumalik na si Kevin at tinignan niya ako nang masama kaya napangiti ako. Ang cute niya kapag ganyan lang.

"Tara na," malamig niyang sabi pero imbes na matakot ako ay lalo lang akong nag-eenjoy.
"Okay, Baby Sylvy," pang-aasar ko at nakatikim ako ng isang matalas na tingin. "Joke lang," sabay peace sign ko sa kanya at nakisama pa si Karla sa pang-aasar dahil sa pagtawa niya.

Sumunod ako sa kanya palabas at bigla naman akong napaisip pero nalungkot ako sa pumasok na idea sa isip ko. May ibang babae pa kayang nakakaalam ng ganitong side niya? Si Jane kaya? Because somehow, I want to be the only one who can see this side of Kevin.

Papasok na sana ako sa kotse niya pero nagulat ako no'ng bigla niya akong hinigit. Napasandal ako sa bintana at hindi ako nakagalaw dahil sa lapit ng mukha niya. Bigla tuloy nagfash sa isip ko ang 
'you almost kissed me' scene niya kanina.

"Don't tell this to anyone," bigla niyang sabi at narealize ko lang ang gusto niyang iparating no'ng nakita kong namumula ang tenga niya. "You're the only one who should know this."
"Hmm . . . wait, mag-iisip lang ako ng pwedeng maging kapalit—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil bigla niyang nilapit ang mukha niya sa akin habang nakatungkod ang isa niyang kamay sa taas ng kotse.
"Anything," he whispered, and his taunting smile made me breathless.
"O-o-kay . . . uhm . . ." I averted his gaze and gently pushed him away.
"Thanks," sabay kindat niya at sa wakas ay lumayo na siya sa akin.

Pumasok siya sa kotse habang ako ay kinakalma pa ang sarili. Walanghiyang Kevin 'to, ang lakas pa rin ng epekto. Halos ilang segundo akong hindi huminga dahil ininvade niya ang personal space ko. 
Anything pala ha? Humanda ka. I'll be selfish from now on, especially when it comes to you.


***