.

.

Chapter 12

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, February 5, 2017

***


Sobrang kinakabahan ako.

Buong araw yata akong wala sa sarili at kahit kausapin ako nina Steff ay wala akong matinong maisagot. Wala rin akong naintindihan sa mga sinabi ng prof ko kanina. Grabe ang epekto ng dance showdown sa akin.

Katatapos lang ng morning classes ko at ito pa naman ang araw na wala akong kahit sinong kasabay sa tatlo kapag lunch dahil lahat sila ay may klase. Naglakad na lang ako sa cafeteria ng building para kumain dahil gutom na gutom na ako. Bakit ba kasi hindi ako kumain kaninang breakfast?

Pagpasok ko sa cafeteria ay ang daming tao kaya parang nawalan na ako ng pag-asa pero sakto namang nagkatinginan kami ni Jon.

"Als!" He raised his hand and I walked toward him. "Kakain ka pa lang din?"
"Oo," I said, sitting in front of him.
"Ano? Ready ka na ba mamaya?" tanong niya habang nakangisi.
"Hindi pa." I hunched my body on the table. "Kainis! Feeling ko makakalimutan ko lahat ng steps mamaya."
"Bakit naman? Hindi ba nagpractice naman kayo ng Kevin mo?" Sinamaan ko siya ng tingin dahil nagsisimula na naman siya sa pang-aasar.
"Isa pa 'yon!" Naalala ko bigla ang nangyari last Saturday. My almost-first kiss, his intense yet heartwarming gaze, those teasing smiles . . . ugh! Tama na, Alice! Huwag no nang alalahanin ang mga 'yon kung gusto mo pang mabuhay mamaya!
"Oh. Seems like something good happened," he teased while looking at me suspiciously. "You're blushing, Als."
"Shut up, Jon. Bili ka na food natin. Remember, libre mo ako ng one month, right?"
"Aww shit. Oo nga pala," sabay tingin niya sa akin at sa wallet niya. Sinipa ko nga. Anong akala niya, uubusin ko pera niya?

Tumayo naman siya para bumili at ako ay nagstay sa table namin. Nilabas ko ang phone ko para pakinggan ulit ang tugtog namin ni Kevin pero hindi talaga ako makapagfocus. Bigla kong naalala ang pagkahiya ni Kevin no'ng sinabi niyang favorite niya si Baby Sylvester at ngingiti na sana ako pero naudlot 'yon dahil sa nakita ko.

"Kev! Here!"

Kevin entered the cafeteria and walked toward the two girls who called him. Nakangiti pa ang loko.

Napabuntong-hininga ako. Alam ko namang wala akong karapatang magselos nang harap-harapan pero kasi nakakabastos 'tong lalaking 'to eh. Pinanganak na malandi. Ang dami ko tuloy kaagaw.

Mukhang hindi naman niya ako nakita kaya sinundan ko lang siya ng tingin at agad kong nilabas ang phone ko para i-text si Yna.

Ya, do you know these leeches?

I sent the text, together with the photo I had secretly taken few seconds ago. After a minute or two, Yna finally replied.

Yup. Second years, like us. The taller one is a daughter of an actress.

Pagkabasa ko no'n ay napalingon ulit ako sa direksyon nila pero kumunot ang noo ko no'ng nakita kong nakaangkla ang braso ng isa kay Kevin. At aba, ang lalaking 'yon, nakuha pang kumindat sa kanya!

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tumayo ako at palihim na naglakad papunta sa kanila at nagkunwaring may kausap sa phone.

"Oh. Yeah," I loudly said, getting the attention of Kevin. "Naaalala mo pa ba 'yon? Childhood memories! Lalo na 'yong Baby Looney Tunes!"

After saying that, the smirk pasted on his face disappeared, replaced with panic.

"Pfft. What's wrong with that girl?"
"Right? Baby Looney Tunes? What the heck is that?"

Tinaasan ko naman ng kilay ang dalawang babae at saka ako ngumiti. Hah! Kung alam lang nila na favorite show 'yon dati ni Kevin, ewan ko na lang kung anong magiging reaction nila. Should I say that?

Tumingin ako kay Kevin at lalo lang siyang nagpanic kaya muntik na akong matawa. Buti na lang at magaling akong magpigil.

"Yup! Favorite ko nga si Baby Tweety. Ikaw ba?" sabay lakad ko nang kaunti habang nagkukunwari pa ring may kausap sa phone. "Oh. Si Baby Sylvester?" I asked in a mocking tone while glancing at Kevin.

Bago pa may masamang gawin sa akin si Kevin dahil sa ginawa ko ay naglakad na ako nang mabilis papunta sa table namin habang nakangiti. Pfft. His expression was priceless! Such a shame that I didn't capture that. Ang saya sanang ipakita kay Karla kung nagkataon.

"Anong itsura 'yan?"

Nakarating naman si Jon sa table habang dala-dala ang food namin at nagulat pa siya dahil tumawa ako. Hindi ko pa rin kasi makalimutan ang mukha ni Kevin nang banggitin ko si Baby Sylvy sa harapan nila.

"Itsurang wagi," sabi ko na lang at nagsimula na kaming kumain.

***

Halos wala na ako sa sarili pagtapos ng last class ko dahil isang oras na lang ay magsisimula na ang initiation namin. Medyo naguilty pa nga ako kanina dahil sa pang-aasar ko kay Kevin. Baka i-sabotage niya ang performance namin.

Bago pa ako tuluyang mabaliw sa kakaisip ay tinawagan ko na sina Steff at nakipag-meet ako sa kanila.

"Alice! Good luck!"
"Show them your swag."
"Mukha kang constipated."

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil nandito sila for support or matatakot dahil alam kong aasarin lang nila ako.

Sabi ni Ate Divine, pwede raw kaming mag-invite ng friends para manood kaya naman sinama ko silang tatlo. At mukhang maling choice 'yon dahil sinama naman ni Kevin sina Patrick, Darryl at Karla. Kailan pa naging close si Darryl kina Patrick at Kevin? Anong kababalaghan ito?

Nagsimula na akong kabahan nang husto dahil nagpapractice pa ang ibang newbies, habang ako ay nakaupo lang dito sa tabi nina Steff. Si Kevin din, nakikipagkwentuhan lang sa ibang dancers. Bigla namang nag-hi si Darryl sa amin mula ro'n sa pwesto niya at itong si Steff ay todo ngiti pa. Sina Patrick at Jess naman, kunwari pa, eh nagtitinginan din naman.

Jusko, ang lalayo na nga nila sa isa't isa, nakuha pa nilang maglandian. Kakastress!

Nagsimula naman na ang initiation at halos lumabas na ang puso ko sa kaba nang tumayo na ang unang pair. Ada, the recruit, and Jared, the org member and her partner, went to the platform in front. It was followed by silence and the tension rose a few notches. After a few minutes, the music started and all of us waited for their performance.

I just stared at their stage and I was amazed because they managed to showcase their own strengths within the limited minutes of the song, but in the end, Jared clearly stole the show. His moves were precise and he has power.

Maging ang mga sumunod na performance ay pinalakpakan ng mga nanonood. Halatang-halata rin kung sino ang experienced at baguhan, pero may ilang recruits na nagawang pantayan ang energy at galing ng kalaban niyang member.

"Thirteenth pair. Please proceed to the stage."

Pagkarinig ko no'n ay halos lumabas na ang puso ko sa sobrang kaba. After them, it would be us.

Ni hindi ko na napanood ang performance nila dahil inaalala ko ang steps. I was worried because I might blanked out in the middle of our dance. Bigla namang pumalakpak ang mga tao at hindi ko man lang namalayan na tapos na sila.

"Fourteenth pair. Please proceed to the stage."

"Whoo! Go Alice!"
"Fighting!"
"Kevin! Go! Go!"

OH MY GOD. Kami na.

Nanigas ako sa kinauupuan ko at kung hindi pa ako tinulak nina Jess ay hindi pa ako tatayo. Nagkatinginan naman kami ni Kevin habang paakyat sa stage at naalala ko ang ginawa ko kanina sa cafeteria. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin at nag-iba rin ang expression.

The deafening silence, bone-chilling tension, people's expectant gazes . . . and Kevin's stage presence made it hard to breathe. When the music started, my heart started to beat erratically and all I can hear was that. I can't focus.

I was about to break down because of the pressure but he suddenly appeared beside me.

"Scared?" he whispered, making my skin tingle. "Just think about our practice. Don't mind the people around us. Just you and me."

After saying that, he danced right away and I followed his rhythm. I pushed all the thoughts lingering in my mind and visualized my choreography.

Nang nasa part ko na ay nagsimula akong sumayaw at nakita kong tumingin sa akin si Kevin. His movements were powerful yet fluid, his expressions matched the tone and vibe of the music, and his charisma was overflowing.

We reached the center of the stage for the last part of the dance but I was startled when he suddenly pulled my arm because that wasn't part of the choreography.

"May kasalanan ka pa sa akin," bulong niya at ako naman ay nawala na sa sarili ko dahil bigla siyang ngumiti habang magkalapit ang mukha namin. He let me go and flawlessly danced while I tried hard to remember the steps.

Nakita ko naman sa peripheral vision ko na nakangiti lang siya at nang matapos ang performance namin ay sobrang wala na ako sa sarili ko. Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat dahil kahit papaano ay nawala ang kaba ko bago magsimula ang stage namin pero dahil din sa kanya kaya muntik na akong magkamali sa steps.

Nagpalakpakan ang mga tao at nahanap ko sina Steff. Natawa na lang ako nang nakita ko sina Yna at Jess na nagwawala ro'n sa pwesto nila habang si Steff ay pinapaupo silang dalawa. Nakita ko rin si Karla na nag-thumbs up pero hindi ko alam kung sa akin ba o kay Kevin.

Bumaba naman kami ng stage at nanginginig ang binti ko sa kaba at pagod. Magmamadali na sana ako papunta kina Jess pero napahinto dahil sa kanya.

"Alice!" I turned around just to see Kevin in front of me, but what surprised me was what he did next. "Good job," he grinned while ruffling my hair.

Pagkatapos no'n ay naglakad na siya palayo, habang ako ay nakatulala pa rin doon. Hindi ko na napigilan ang pagngiti ko at napahawak ako sa buhok ko.

Susundan ko na sana siya ng tingin at saktong may naghiyawan sa likuran ko. Pero mukhang maling desisyon ang ginawa ko dahil nakita kong hinalikan ni Jane si Kevin.

"You're too good, babe," sabi niya sabay yakap kay Kevin.

I just stood there, unsure of what to do but our eyes suddenly met. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko pero nginitian ko lang siya at saka ako nag-iwas ng tingin. Naglakad ako papunta kina Steff, at base sa expressions nila, alam kong nag-aalala sila akin kaya naman nginitian ko na lang din sila.

Ito na nga ba ang sinasabi ko. Akala ko mababaw pa lang. Akala ko hindi aabot sa ganito. This is why I only settle for fleeting feelings. Having a crush on someone feels good until it becomes deep. Because when you fall, you will either be caught by someone or you crash. And I think I am the latter.

Shet ka, Kevin.


***