.

.

Chapter 13

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, February 18, 2017

***


Alam n'yo 'yong feeling na kilig na kilig ka tapos parang bigla na lang nawala lahat dahil sa pagdating ng kontrabida? Feeling ko nasa teleserye ako ngayon.

Umupo ako sa tabi nina Yna at pinapakalma ko ang sarili mula sa pagod at inis.

"Konti na lang, uusok na 'yang ilong mo," Jess whispered and I glared at her. "O, bakit ako? Ako ba ang nanghalik?"
"Sila ba? I mean, like, committed?" inosente namang tanong ni Steff.
"I'll check," Yna suggested and started tapping her phone.

Hindi ko na lang sila tinignan at nagfocus ako sa performances ng apat pang natitirang groups pero bwisit lang kasi nakikita ko sa peripheral view ko sina Kevin at Jane.

Ang nakakainis pa, hindi naman ako ganito sa mga dati kong naging crush. Kapag may babae na sila, nawawala na rin 'yong feelings ko, pero ngayon iba. I was jealous for the first time.

"I don't think so," sabi naman ni Yna. "It looks like he's not into commitment."
"Tss. Bakit ba sa lahat ng pwedeng maging crush, 'yong malandi pa," I blurted out and the three of them looked at me as if I said something ridiculous. After a few seconds, they burst out laughing.
"Ikaw ba 'yan, Alice? Bakit masyado kang affected?" Sinamaan ko naman ng tingin si Steff.
"Che. Palibhasa may love life ka. You do not know my pain," sabay punas ko pa kunwari sa mata ko pero itong si Jess naman, binatukan ako.
"Kadiri, Alice. Hindi bagay."
"Isa ka pa. Porque blooming na rin ang love life mo. Hay naku, hindi n'yo alam ang pakiramdam ng isang single na hanggang crush lang. 'Di ba, Yna?"
"Right," she nodded.

Medyo gumaan na ang pakiramdam ko pagkatapos kong makipagkulitan sa kanilang tatlo. Emotionally, I'm the strongest among the four of us and I don't want them to show them my weak side.

No'ng huling performance na ay hindi naman napigilan ng mga mata ko na sumilip sa direksyon ni Kevin. I was just planning to glance but when I our eyes suddenly met, I was caught off-guard. I wanted to divert my line of sight but his gaze was making it hard for me to look away.

Nagulat naman ako nang ngumiti siya. Tss. Akala mo madadaan mo ako sa ganyan? Inirapan ko siya at tumingin sa ibang direksyon pero sakto namang nagkatinginan din kami ni Karla. Ngumiti siya nang nakakaloko at hindi ko alam kung trip lang ba nilang magkapatid 'yon o may hindi lang ako nagets.

After that, pinaalis na ang guests at naiwan ang members ng org.

"Congratulations, guys! All of you did well!" bati ni Ate Divine at nagpalakpakan naman ang members habang kaming mga bago ay nakakumpol sa gitna.
"Actually, there wasn't really a competition," dagdag ni Kuya Owen at nagkaroon ng bulungan. "The goal of this 'showdown' was to communicate with your senior partner and the audience through your dance, along with the pressure of winning against your opponent. Just like what Divine said, you are all amazing."

Halos lahat kami ay natouch sa sinabi ni Kuya Owen at hindi ko alam kung bakit pero napatingin na naman ako sa direksyon ni Kevin. I thought he would be smiling once again but I was surprised when I saw him with a serious expression with a tinge of guilt. Okay, what was that?

Tinry ko ulit magfocus kina Kuya Owen at sinabi nilang lahat kami ay official members na kaya naman bigla akong natuwa. Ibig sabihin, magagamit na rin namin ang ibang practice rooms at pwede na rin kaming magparticipate sa iba't ibang activities.

"Als!"

Pagkakita ko kay Jon ay agad kaming nag-apir at bigla naman siyang bumulong.

"Masakit ba?" sabay sulyap niya kay Kevin kaya dinagukan ko siya. "Ouch! Ako na nga 'tong concerned, sasaktan mo pa ko."
"Excuse me, magkaiba ang pagiging concerned sa gusto lang mang-asar."
"Tss. Talo ka lang ni Jane, eh."

Tinignan ko siya nang masama kaya naman lumayo siya sa akin at kung wala lang talaga kami rito sa loob ay kanina ko pa siya binugbog. Jusko, buti na lang at hindi sila sabay nag-asar kanina ni Jess dahil hindi ko kakayanin.

Pagkatapos no'n ay dinismiss naman na kami ni Ate Divine pero sabi niya, may pakain daw mamaya ang members para sa aming mga bago. Binigay niya ang time and place at magkita-kita na lang daw mamaya ro'n.

Since tapos naman na ay isa ako sa mga unang lumabas sa room pero nagulat naman ako nang nakita kong nasa gilid ko na si Kevin at sabay kaming naglalakad palabas.

"Galit ka ba?" mahina niyang tanong no'ng nasa labas na kami at hindi ko alam kung bakit pero kinabahan ako dahil sa tono niya. His soft voice echoed in my mind and made my heart flutter.
"Ha? Bakit naman ako magagalit?" sabay ngiti ko. Gosh, baka isipin niyang nagseselos ako. Ano namang karapatan ko 'di ba?
"Really?" Pumunta siya sa harapan ko at muntik na akong mapasigaw dahil ang cute ng expression niya. He looked like a puppy pleading for attention.
"W-well . . ."
"I actually didn't expect that," he said and I realized he was talking about the kiss.
"Bakit ka nag-eexplain sa'kin?" Ngumiti naman ako para matago ang kaba ko.
"Wala lang. Akala ko kasi nagselos ka."

Napasigaw ako sa isip ko at pilit kong pinakalma ang sarili ko lalo na dahil nakangiti siya nang nakakaloko habang sinasabi 'yon. Kung alam mo lang.

"As if. Ba't naman ako magseselos?" sabi ko habang natatawa. Parang awa mo na, lumayo ka muna! Nauubos ang oxygen sa paligid ko nang di-oras.
"Malay ko ba kung bigla ka na lang nagkagusto sa akin."

Stop talking! God, feeling ko namumula na ang mukha ko dahil sa pinagsasabi niya. Ganito ba siya sa lahat ng babaeng nalilink sa kanya? Bakit ang effective sa akin?

"Asa ka. You're not that attractive to me," I retorted. Hindi ko alam kung paano ko nasasabi 'tong mga 'to pero sobrang kabaligtaran naman lahat. Konti na lang, bibilib na ako sa sarili ko sa sobrang tatag.
"Ouch," sabay hawak niya sa dibdib niya. "You're too blunt, Miss."

Hindi naman na ako nakapagsalita dahil sobrang nacoconscious na ako. Ano ba kasing problema niya at bakit siya sumusunod sa akin? Wala ba siyang balak patahimikin ang kaluluwa ko?

"Ah." Huminto siya bigla sa paglalakad. "Sasama ka ba mamaya?"

Napaisip naman ako tungkol do'n. Hindi pa ako nagpapaalam kay Mommy at for sure ay tatanungin niya kung nandoon ba sina Steff. Kapag nalaman niyang wala ni isa man lang sa kanilang tatlo, magtatanong 'yon nang magtatanong kung sino ang mga kasama ko.

"I don't know," sabi ko na lang. Para kasing natetempt akong magpahinga na lang dahil naubos ang energy ko ngayong araw . . . at lalo niya pang inuubos ngayon.
"Ah." Napatingin naman siya bigla sa relo niya. "Shit. May meeting pa pala kami. Sige pala," sabay atras niya.

Parang gusto ko tuloy bawiin 'yong mga pinag-iisip ko kanina na sana lumayo siya kahit konti dahil inuubos niya ang oxygen sa paligid. I mean, the tension between us was thrilling but not uncomfortable and I wanted to have some time with him.

Tinignan ko lang siya habang naglalakad palayo pero nagulat ako nang bigla siyang lumingon. I panicked because I didn't want to get caught, and ended up looking at the couple at the right side.

"Alice!" sigaw niya at tumingin naman ako na para bang hindi ko alam na lumingon siya.
"Hm?" He suddenly grinned and I had to bit my lip to stop myself from smiling.
"See you later."

Ilang segundo akong nag-buffer dahil sa sinabi niya. See you later? Wait . . .

"Ha? Hindi ko pa alam kung makakasama—"
"Daanan kita sa bahay n'yo mamaya."

Ilang segundo pa ang lumipas bago nagregister sa isip ko ang sinabi niya.

"Ha?!" sigaw ko pero nakangiti pa rin siya na para bang nang-aasar pa.
"Alam ko naman na kung saan ka nakatira," he said while shrugging his shoulders. "See you!"

Tuluyan na siyang tumalikod at ako naman ay naiwan doong nakanganga. Ano raw? Wait, bakit may pagsundong magaganap? Saka bakit ako sasama? Wala naman akong sinabi!

Hindi ko na alam kung anong nangyari pero pagkatapos no'n ay nagmadali na akong sumakay ng taxi pauwi.

***

"Dinner? With whom?" tanong agad ni Mom nang sinabi kong may dinner akong pupuntahan later.
"Members of the dance org," sagot ko naman.
"Kasama ba sina Steff?"
"No. Different set of friends, Mom."
"Sino? May kilala ba ako sa kanila?"

Napabuntong-hininga na lang ako. Ganito talaga si Mommy kapag hindi 'yong tatlo ang kasama ko. Ang strict at kailangan alam niya ang details.

"'Yong sumundo rin sa'kin before," sabi ko at bigla siyang napaisip.
"The guy before?" tanong niya saka siya ngumiti sa akin nang nakakaloko. "Manliligaw mo ba 'yon, anak?"

Tinignan ko siya na para bang hindi makatotohanan ang sinabi niya. Kung pwede lang ngang gano'n na lang, Mommy.

"As if naman, Mommy."
"Malay mo. Naku, ikaw ha, if someone's courting you, tell it to me. You should inform your parents about this kind of matter."
"Sinasabi ko naman, ah?"
"Yes, kid. You're saying it after you dumped them."

We've spent several minutes retaliating with each other's statements until our topic diverted to dogs and I didn't know how that happened. Ako na ang unang sumuko para magprepare at habang umaakyat ako ay nakuha niya pa akong asarin. 'Di ko na lang pinansin si Mommy at tuluyan nang pumasok sa kwarto ko.

After that ay agad din akong nagshower at nagbihis. Nakatayo lang ako sa harap ng walk-in closet dahil hindi ako makapagdecide ng isusuot. In the end, I opted to dress in a more casual look with a denim jacket over a white dress.

Nagulat naman ako nang biglang may bumusina at halos kumaripas ako ng takbo pababa dahil nandoon si Mommy sa living room. Pagbaba ko ay papunta na siya sa front door kaya sumigaw ako.

"Mommy!" I yelled but she opened the door and I almost fell when I saw Kevin standing in front of the doorway.
"Oh. Hello," Mom beamed. "And you are?"
"Ah. I'm Kevin Fuentez po," sabay mano niya kay Mommy. At bakit silang dalawa ang nag-uusap? Bakit may pagmamano?

Nagtama naman ang mga mata namin at ilang segundo kaming nakatingin lang sa isa't isa. Hindi ko kinaya ang pagtitig niya kaya ako ang unang umiwas ng tingin at nagmadali akong bumaba.

"Let's go. Let's go," singit ko naman sa kanila. "Bye, Mom!" then I kissed her on the cheek. Hinatak ko naman si Kevin pero lumingon ulit siya kay Mommy.
"Ihahatid ko rin po siya. Don't worry."
"Okay. Thank you, hijo."

Pagkatapos no'n ay naglakad kami papunta sa sasakyan niya at parang naubos kaagad ang energy ko kahit wala pa namang nangyayari. Pagkarating namin ay huminto siya kaya napatingin ako. He was staring at me but he suddenly chuckled.

"Ano? Anong tinatawa-tawa mo d'yan?" tanong ko dahil parang nang-aasar siya.
"For the first time, I've ran out of lines," he said as he shook his head.
"Ha?"
"Nothing."
"Ano nga? Pinagtitripan—"
"You look beautiful, Alice," he suddenly said while looking straight into my eyes.

I instantly froze on my spot, as my heart pounded furiously against my chest. I was tempted to respond, thinking that that was just one of his pick-up lines, but the sincere look in his eyes made me waver. In the end, I smirked at him.

"Alam ko na 'yan dati pa. Tara na nga," saka ako pumasok sa loob ng kotse.
"And for the first time, my honest thought was mocked," sabi niya nang pumasok siya sa loob. "You're really something, aren't you?" sabay tingin niya sa akin.

And in that moment, I knew he was special, too. For the first time, my heart fluttered fervently because of someone. Thrilling but frightening.

Hay. Sobrang tanga ko. Bakit ba kasi ako nagkagusto sa isang pa-fall na tao?


***