.

.

Chapter 14

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, March 12, 2017

***


"Uy, nandito na sina Kev at Als!"

Sinamaan ko ng tingin si Jon dahil sa pagsigaw niya nang dumating kami pero hindi natinag ang loko. Umupo naman agad kami at dahil buffet ay nagkanya-kanyang kuha na sila ng pagkain.

"Hindi ka pa kakain?" tanong ni Kevin.
"Mamaya na lang," sagot ko naman dahil busog pa ako at wala ako sa mood kumain.
"Aba, parang boyfriend lang, ah?" biglang sabi ni Kuya Owen kaya napunta sa amin ang atensyon.

Almost all of them cheered at us and I was so embarassed I want to run away.

"Pa'no na si Jane n'yan?" sabi ng isang member at napatingin ako kay Kevin. His expression became serious and all of us were waiting for his answer.
"She's still my girl," he said with a sly smile.

Ouch.

Gusto ko sanang sabihing Jane din naman ako kaso syempre hindi ko kaya. Sinusumpa ko na ang second name kong 'yan dahil sa kanya. Tss. Sana kasi hindi na lang ako sumama rito, eh.

The guys "oohh-ed" at him while the girls looked at him with a mixture of annoyance and disbelief. Sabi ko tatahimik lang ako pero hindi ko napigilan ang bibig ko.

"Ang landi mo," bulong ko at napatakip ako sa bibig ko pagkatapos. Pati ang ibang newbies na malapit sa akin ay nagulat at tinignan ako na para bang sobrang laki ng kasalanan ko.

Well, I just said that to a Campus Prince. No wonder they were shocked.

On the other hand, the officers and members who heard that giggled and gave me thumbs up. Kevin looked at me but I can't read his expression.

"Nakahanap ka na katapat mo," sabi ng isa sabay tawa.
"Katapat?" Bigla namang nilapit ni Kevin ang mukha niya kaya nanigas ako sa pwesto ko. "Talaga ba, Alice?"

OH MY GOD. Sobrang lapit ng mukha niya. Tapos bwisit lang dahil nakuha niya pang ngumiti. Ano, ako lang ang affected, gano'n? Bakit ang unfair?

Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas ng loob ko pero hindi ko pinutol ang eye contact namin. This time, I was the one who leaned closer. I don't know if I was just imagining it but he seemed tensed. Before I ran out of willpower, I flashed a teasing smile.

"Bakit, hindi ba?" tanong ko at natulala siya.

Naghiyawan naman ang ilan at lalo lang akong nahiya. Ano ba 'tong pinaggagawa ko?!

After that ay nilubayan na nila kami dahil dumating na ang higher officers. We started eating but I can't eat properly because he's beside me. After what happened earlier, I can't look at him anymore. Nilabas ko nalang ang phone ko at nagchat sa group.

Alice: HELP ANONG GAGAWIN KO SOBRANG AWKWARD

Maya-maya lang ay naging active silang tatlo.

Steff: Bakit ano bang nangyari?
Yna: Why is it awkward?
Jess: OMG NAGKISS BA KAYO?
Alice: No! Baliw!
Yna: ㅋㅋㅋㅋㅋ
Steff: Hahahaha bakit ba kasi?
Alice: Naghamon kasi ang loko, ayon di ko inatrasan
Jess: So kiniss mo nga?!
Alice: Kung pwede lang eh
Alice: HAHAHA JOKE LANG
Yna: 오모! ><
Steff: Hoy behave!
Jess: Screenshot! Sinend ko na kay Patrick. Sabi ko send kay Kevin. You're welcome. Love you!
Alice: SHET KA HOY

Napatigil naman ako nang biglang lumingon si Kevin sa akin at kinabahan ako dahil sa sinabi ni Jess. Wait, sinend niya talaga?!

"Anong oras pala ang curfew mo?"

Nakahinga naman ako nang maluwag nang narinig ko 'yon. Shet akala ko tinotoo ni Jess at nakarating kaagad sa kanya. Bwisit 'yong babaeng 'yon!

"Uhm, mga 10 PM," sabi ko na lang at ngumiti siya. At least, medyo nabawasan ang awkwardness.
"Sabihin mo kung kailangan mo nang umuwi. Baka magalit Mom mo," dagdag niya kaya tinitigan ko siya.
"Wow naman, concerned," sagot ko at tinikom ko ulit ang bibig ko. My gosh, Alice, konting preno naman sa pagsasalita!
"Of course. You're under my care," he said with such sincerity that made my heart flutter.

Hindi na ako nakasagot dahil ginamitan na niya ako ng matinding atake. Pinagpatuloy ko na lang ang pagkain para madivert ang isip ko mula sa mga sinabi niya. After an hour and a half, nagsitayuan na ang iba at ang pagkakarinig ko, papunta sila sa karaoke room na nasa tabi lang nitong restaurant.

"Alice, 'di ka sasama?" tanong ni Ruby, isa sa newbies katulad ko. Ngumiti naman ako sa kanya.
"Kailangan ko nang umuwi, eh," sagot ko naman.
"Fuentez, tara na!" tawag ng isang member kay Kevin.
"Pass ako," sabi niya kaya napatingin ako sa kanya.
"KJ naman!"
"Bawi ako next time," he said with a smile plastered on his face.

Bigla naman siyang tumingin sa akin kaya lumingon ako sa kabila. Sakto namang nagtext si Mommy, nagtatanong kung pauwi na ako kaya inayos ko kaagad ang gamit ko.

"Tara na ba?" tanong niya at tumango naman ako.

Habang naglalakad kami ay kung anu-ano na ang naiisip ko. Feeling ko tuloy boyfriend ko siya na ihahatid ako sa bahay after ng date. Gusto kong kiligin pero kapag naiisip ko si Jane at kung ilang babae na ang dinaan niya sa ganito, nalulungkot ako. I don't want to feel hopeful.

Tahimik lang ako sa byahe habang ka-chat ko ang tatlo.

Jess: anong nangyari? Kwento naman!
Yna: details please!
Steff: pauwi ka na?

Medyo natawa naman ako kay Steff. Bukod sa parents namin, si Steff ang laging concerned 'pag lumalabas kaming tatlo ng gabi. She acts like a mother to the three of us.

Alice: pauwi na po, mother.
Alice: walang nangyari, typical Kevin na nang-attract ng babae
Jess: syempre naattract ka
Alice: malamang hahaha marupok ako
Yna: wait, what's marupok?
Steff: easily gives in
Yna: oohh so you're marupok lol that's right
Alice: pero ayoko na
Jess: sino to? Pakilabas po ang totoong Alice!
Alice: totoo kasi! Parang bigla ko na lang narealize na wala namang mararating tong feelings ko for him
Steff: because he has a girlfriend and he's a playboy
Yna: I thought he's just your crush? Wait, are you really falling in love with him?

Hindi na ako nakasagot sa tanong ni Yna kaya tinabi ko muna ang phone ko. Titignan ko sana siya pero paglingon ko ay nagtama ang mga mata namin kaya umiwas kaagad ako.

Pagtingin ko sa labas ay nasa village na kami. Ni hindi man lang kami nakapag-usap habang nasa byahe. Nang nasa tapat na kami ng bahay ay inihinto niya ang sasakyan kaya mas lalong tumahimik. Tinanggal ko naman ang seatbelt at halos sabay kaming lumabas sa kotse.

"Thank you," sabi ko sa kanya habang nakangiti pero lalong naging seryoso ang mukha niya.

Bigla naman siyang lumapit sa akin kaya napaatras ako. Magkaharap na kami at pakiramdam ko ay gusto nang lumabas ng puso ko sa sobrang lakas ng pagtibok no'n. His serious expression made him more striking than his playful personality.

"Are you mad at me?" tanong niya kaya nabigla ako.
"No. Bakit naman?"
"You seem uncomfortable with me."

Hindi ko alam kung bakit pero muntik na akong mapangiti dahil sa mukha niya. He looked like a puppy longing for attention.

"Ha? That's just your imagination. Inaantok lang talaga ako," sabi ko na lang saka ako ngumiti. "Sige, pasok na ako. Thank you ulit. Good night."

Tumango naman siya at tumalikod na ako. I was about to get inside but I suddenly felt his hand on my arm, halting my movement. When I turned around, his baffled expression came upon me. He immediately released my arm after realizing his action.

"Sorry, I didn't mean it," sabi naman niya kaya mas lalo akong naguluhan. Hindi ako sanay sa ganitong personality niya.
"I-it's okay. M-may kailangan ka pa ba?" tanong ko at naiinis ako dahil hindi ako makapagsalita nang maayos. Umiling naman siya kaya tumalikod na ulit ako at naglakad papasok sa bahay.
"Alice," he suddenly called and that made me flinch. For the first time, my name sounded unfamiliar.
"Hmm?" sabay lingon ko pero napatigil ako dahil sa itsura niya. He was smiling but his eyes were gleaming, with a hint of gloom.
"Good night," sabi niya at saka siya pumasok sa kotse.

Naiwan naman akong nakatayo ro'n habang pinapanood ko ang sasakyan niyang palayo na nang palayo mula rito. Hindi ko alam kung bakit pero parang may kakaiba sa kanya.

Agad naman akong pumasok ng bahay at dumiretso sa kwarto ko. Dahil nag-aalala ako sa kanya ay tinext ko si Karla para magtanong.

Did something happen to your brother? Parang iba siya ngayon.

After that, nagbihis muna ako at nagprepare para matulog. Nang nasa kama na ako ay nakita ko namang nagreply si Karla.

Ate, I'll call you.

Nagulat naman ako sa nabasa ko at nalaglag ang phone ko sa kama nang nakita kong tumatawag na siya. Agad ko naman siyang sinagot.

"H-hello? Bakit ka pa tumawag?" I greeted and I heard her snicker.
"Mukhang concerned ka kay Kuya, eh," sabi naman niya na may halong pang-aasar.
"Hindi, ah. Napansin ko lang."

Bigla naman akong napaisip. Hindi kaya dahil sa hindi ko pagpansin sa kanya kanina sa sasakyan? No. Sobrang assuming ko naman kung gano'n. Iba talaga ang kilos niya simula nang sinundo niya ako hanggang sa paghatid niya sa akin.

"It's just . . . a personal matter," seryosong sabi ni Karla kaya napatigil ako.
"Oh. Sorry. I didn't mean to—"
"It's okay. Actually, I'm surprised that you noticed that. Mukhang inobserve mo si Kuya, ah?"

I can actually imagine her face while saying that. Kapag kausap ko siya at ang topic ay si ang Kuya niya, lagi niya na lang akong inaasar. Hindi ko tuloy alam kung napapansin niyang may gusto ako kay Kevin. Nakakastress ang batang 'to!

"Anyway, he's still affected by that kaya siya gano'n. Bukas, magiging okay na ulit siya so don't worry anymore," sabi naman niya. Bigla tuloy akong nacurious sa kung anuman ang sinasabi niya at hindi ko na naman napigilan ang bibig ko.
"If it's okay with you . . . may I know . . ." Napahinto naman ako dahil narealize kong mali ang ginagawa ko. I silently cursed myself because of that. Ayoko namang manghimasok sa buhay nila. "Sorry, sorry. Sige, bye—"
"Well, it's actually okay with me, pero kay Kuya, hindi pa kahit na sinasabi niyang wala na 'yon sa kanya," sabi niya.

Bigla tuloy akong kinabahan. May malalaman ako tungkol kay Kevin at hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman.

"He always acts like that every time this day of the year comes, because six years ago, on this same day, our mother left us behind."


***