.

.

Chapter 15

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, March 26, 2017

***


Ilang araw na ang nakakalipas pero ‘di ko pa rin makalimutan ang sinabi ni Karla last time.

“He always acts like that every time this day of the year comes, because six years ago, on this same day, our mother left us behind.”

Bigla ko tuloy narealize na baka kaya gano’n ang personality niya ay dahil sa nangyari sa kanila ng Mom niya. Kasi naman ‘tong si Karla, bigla na lang sinabi ang ganitong bagay! Hindi na tuloy ako pinatahimik ng utak ko.

“Alice? Kanina ka pa nakatulala d’yan,” sabay siko sa akin ni Steff.
“Maybe she still can’t get over Kevin,” dagdag naman ni Yna.
“Why do I feel I’m far from getting over you~” Aba’t kumanta pa ang Jess na ‘to. O, eh ‘di siya na may magandang boses.

Sinamaan ko lang sila ng tingin at bumalik na sila sa mga pinaggagawa nila. Hindi ko sinabi sa kanila ang tungkol sa Mom nina Karla at Kevin dahil ayaw ko namang kumalat ‘yon. Nagiguilty nga ako dahil kahit papaano ay naiintindihan ko na kung bakit gano’n ang kilos ni Kevin noong gabing ‘yon.

Nandito kami ngayon sa bahay ni Yna para sana mag-aral para sa exams namin pero heto kami’t nagkukwentuhan at kumakain lang. Sabagay, kahit naman hindi na magreview ‘tong sina Steff at Jess, papasa pa rin, pero kami ni Yna, kailangang mag-stock ng knowledge.

“Pero seryoso nga, ‘di mo na siya crush?” tanong naman ni Steff habang kinakain ang chocolate cake na kakalapag pa lang sa table.
“Maybe she found a new one. You know Alice,” Yna butted in and I glared at her.
“Excuse me, ang tagal kaya nitong kay Kevin!”
“Naks naman, loyal,” pang-aasar pa ni Jess.
“Ang supportive n’yo rin as friends, ano? Salamat ha,” sarcastic kong sabi at tinawanan lang ako ni Steff.

Pinakain naman muna kami ng snacks ni Tita Hannah dahil mukha na raw kaming pagod kahit hindi pa naman talaga kami nagsisimulang mag-aral.

Napatingin naman ako sa phone ko at ilang beses na akong nagdadraft ng text pero ‘di ko pa rin ma-finalize kung ano ba ang dapat kong sabihin. Naguilty kasi ako sa attitude ko sa kanya noong gabing ‘yon nang malaman ko ang tungkol sa Mom nila kay Karla. Gusto kong mag-sorry pero naisip ko naman na wala akong ginawang masama para sabihin ‘yon. Gusto ko rin i-comfort siya pero baka isipin niyang nanghihimasok ako so huwag na lang.

I groaned and the three of them looked at me with their furrowed brows.

“Akin na nga!” sabay agaw naman ni Jess ng phone ko at tumakbo siya sa kabilang side.
“Hoy!” Tatayo na sana ako pero dinaganan naman ako ni Yna.
“O, ayan, na-send ko na. Wala ka nang poproblemahin.”
“Sinend mo?! Gaga ka!”
“’Yan na ba ang bagong thank you? Okay. Gaga ka rin.”
“Pfft. Para kayang sushi,” sabi naman ni Steff at nakita kong kinukuhanan niya kami ni Yna ng picture.

Tinulak ko naman si Yna at kinuha ko kay Jess ang phone ko. Sinubukan niya pang itaas ang kamay niya pero dahil maliit siya, naabot ko kaagad.

“What the heck? Sinend mo nga?!” Gusto kong ibato ang phone ko nang makita ko ang tinext niya kay Kevin. Sinipa ko si Jess pero naiwasan naman niya at tumakbo sa tabi ni Steff.

Hi, Kev. Galit ka ba? :(

My gosh! Nag-cringe ako sa text! May emoticon pang nilagay ang babaeng ‘yon! Hindi ko alam kung tatawanan ko na lang ba o iiyak dahil sa hiya pero nanigas na lang ako sa kinatatayuan ko dahil nakita kong nagreply siya.

No. Why?

Oh my God. Anong gagawin ko?!

“Did he reply?” tanong ni Yna at nagsitayuan silang tatlo kaya tinago ko kaagad ang phone ko.
“Wala. Sit down, you three!”

Buong hapon ay gano’n lang ang ginawa namin. For every five-minute review session, there would be a thirty-minute gossip time. Mukhang mas may matututunan pa ako kung mag-isa lang akong nag-aaral, eh.

Mga 6 PM ay umuwi na ako at pagdating ko sa bahay ay doon ko lang ulit na-check ang message ni Kevin. After kong mag-shower ay humiga ako sa kama at nag-isip kung ano ba ang dapat kong i-reply.

Hala hindi ako ‘yang nagtext hahahaha

No. I erased that message and replaced with another one.

Sorry. Gamit ni Jess kanina ang phone ko. Haha!

Ilang segundo pang naka-hover lang ang daliri ko sa send button at makalipas ang isang minuto ay pinindot ko na ‘yon at tinaob ko ang phone sa kama. Jusko tama ba ‘yong ni-reply ko?

Nagulat naman ako nang biglang tumunog ang phone ko at nag-lag pa ako dahil hindi ko alam ang gagawin. After the third ring, I decided to look at it and when I saw Kevin’s name, I almost yelled but I managed to held it in.

“Hello?” sagot ko at sana ay nagtunog kalmado ako.
“Hmm. Mukhang ikaw na nga ang may hawak ng phone mo.”

Hala siya bakit gano’n ang boses niya? Bedroom voice! Sobrang lakas at bilis ng tibok ng puso ko dahil do’n. Leche naman, o. Ano nang mangyayari sa pagmu-move on ko kung may ganito?

“Ah, oo. Umuwi na kasi ako,” sabi ko na lang at nakakainis lang dahil hindi ako mapakali sa kama ko. Bakit ko ba kasi sinagot ‘tong tawag niya?
“Akala ko pa naman ikaw talaga ang nagtext. I thought you were concerned,” he said and I can imagine the smirk pasted on his face.

Stop, Alice. Stop! Huwag mo kasing isipin ang mukha niya!

“Bakit? Gusto mo bang maging concerned ako?” I asked and I heard him chuckle.

Ang puso ko po, Lord. Save me from this temptation.

“A bit,” sabi niya naman at huminga ako nang malalim dahil nauubos na yata ang oxygen sa katawan ko.
“Huwag mo nga akong landiin, ‘di ako affected sa’yo,” sabi ko at lalo lang siyang natawa. “At saka may Jane ka. Isumbong kaya kita?”

Sa totoo lang, iba ang gustong sabihin ng utak ko. Ang gusto ko sanang sabihin sa kanya ay, “H
uwag mo nga akong landiin kung ‘di mo kayang panindigan. Bwisit na ‘to, ‘di mo ba alam na marupok ako pagdating sa’yo?” Buti na lang talaga at napigilan ko ang bibig ko. This is one of those rare moments that I can stop my mouth from saying wild thoughts.

“Jane isn’t really my girlfriend, though.”
“So? Girl mo pa rin siya.”
“Well . . .”

Bigla ko namang naalala ang sinabi ni Karla about sa Mom nila at nate-tempt akong tanungin siya pero pinigilan ko ang sarili ko. Instead, I asked him a related question.

“Oo nga pala. May nagpapatanong na classmate ko sa isang GE. Bakit daw hindi ka nagko-commit sa relationship?” Pagkatanong ko no’n ay gusto ko nang bawiin dahil parang masyadong halata.
“Kaklase mo ba talaga ang nagtanong?” he teased and it was effective. I hit my head for asking that stupid question.
“Alangan namang ako? Aanhin ko ‘yon?”
“Ouch. Did you just step on my ego?”
“Ay nandito ba? Sorry, hindi ko nakita.”

Natawa naman siya at nilayo ko ang phone ko dahil baka marinig niya ang impit kong pagsigaw. Gusto ko nang magwala pero ‘di ko magawa dahil nasa kabilang linya lang siya kaya pinagdiskitahan ko na lang ang unan ko.

“Hmm . . . I don’t know. Siguro dahil hindi ako naniniwala sa relationship commitment. Why do you have to be labeled as couple? Is there any significance?”
“To show everyone that she’s yours?” sagot ko naman.
“And? You can show everyone that the person is yours even if there’s no label between the two of you.”
“Pero hindi n’yo naman alam kung ano talaga kayo. . . kung hanggang saan kayo. You need to commit to her so that she can understand your intention, and vice versa,” sabi ko naman kahit ‘di ko rin masyadong naiintindihan ang topic na ‘to. Wala pa naman akong experience tungkol rito kaya ‘di ko alam kung bakit ako nakikipag-argue sa kanya.

Naka-ilang minuto kami sa topic na ‘yon at hindi ko alam kung paano na-divert ‘yon to puppies.

“Cute kaya ang shih—!”

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil biglang na-cut ang tawag. Pagtingin ko, namatay na pala ang battery ng phone ko.

“Ano ba naman, phone? Minsan na nga lang ‘to mangyari, hindi ka pa nakisama!” sigaw ko at sakto namang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Mom looked at me as if I was going insane.
“Alisson, okay ka lang ba?”

Hanggang dinner ay tinignan ako ni Mommy na parang may tinatago ako sa kanya at sinabi ko naman na na-deadbatt lang ako habang may kausap kaya ko sinigawan ang phone ko. Akala niya raw kasi may ibang entity na akong kausap sa kwarto.

Nag-charge naman ako ng phone at hindi ko narealize na nakatulog na ako habang naghihintay.

***

“L’Hospital’s rule ‘to,” sabi ni Darryl habang nakatingin sa notes ni Steff. “Mukhang matataasan na naman kita.”
“Excuse me? Kailan mo pa ako nataasan sa Math?” Steff asked and Darryl flashed a smile.
“Pustahan?”
“Hah! Fine! Anong consequence?”
“Kiss.”

Napairap na lang ako sa sinabi ni Darryl. Lumingon ako sa kabilang side pero nandito naman sina Jess at Patrick. Nagbabangayan din sila at laging may dwarf sa huli ang sentences ni Patrick kaya mukhang umuusok na ang ilong ni Jess.

“Ano ba? Respeto naman sa mga single! Do’n kayo maglandian!” sigaw ko kaya napatigil sila pero tinawanan lang ako ng mga ‘to. Aba! Akala ba nila nagjojoke ako?
“Alice,” tawag ni Patrick kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“Ano?” Ngumiti lang siya sa akin kaya lalo akong nainis pero nang napansin ko ang mapang-asar na ngiti ni Jess ay kinutuban na ako.
“And here’s yours,” bulong ni Yna.
“Hi, Alice.”

Hindi naman ako nakagalaw nang may tumabi sa akin at pagtingin ko ay nakangiti sa akin si Kevin. Narinig ko ang pagtawa ni Jess kaya sinipa ko siya sa ilalim ng mesa.

“Let’s continue our discussion last night, shall we?” sabi niya at bigla siyang lumapit sa tenga ko. “Binabaan mo kasi ako.”
“Respeto naman sa mga nag-aaral, o. Do’n kayo maglandian,” ganti ni Jess at tumawa silang lahat habang ako ay nahihirapan nang huminga.

Move on your ass, Alice. You can never move on anymore.


***