.

.

Chapter 16

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, April 22, 2017

***


Ilang gabi na akong ‘di makatulog nang maayos dahil sa Kevin na ‘yan. Ni hindi ko nga alam kung kailan siya naging part ng circle namin. Sabagay, laging kasama nina Steff at Jess sina Darryl at Patrick kaya ‘di malayong sumama rin siya sa amin paminsan-minsan. Pero paano naman ang feelings ko?!

Ang nakakainis pa, kapag nandyan siya, laging nang-aasar ang expressions ng tatlo. Kulang na lang sabihin na nilang may crush ako sa kanya, eh.

“Uy, si Kevin!”
“H-ha?!”

Napatingin agad ako sa paligid pero nang marinig ko ang pagtawa nilang tatlo ay na-realize ko na pinagtitripan na naman nila ako.

“Uy, conscious,” Steff teased while Yna and Jess snickered beside her.
“Conscious ka d’yan? Nagulat lang ako,” I retorted while flipping the pages of my notebook.

Pinabayaan ko na lang silang tatlo at nagkunwari akong nag-aaral pero ang totoo ay lumilipad lang ang isip ko. Peste kasing Kevin ‘to, ginagawang tambayan ang utak ko. Naalala ko na naman tuloy ang sinabi sa akin ni Karla tungkol sa kanya.

Now, I understand him a bit. Siguro kaya siya gano’n ay dahil may epekto sa kanya ang pag-alis ng Mom nila pero naiinis pa rin ako kapag ang dami niyang nilalandi. Tulad na lang ngayon. May babae na namang nakadikit sa kanya.

“Pst, Yna, sino ‘yon?” I asked while glancing at their direction.
“Oh, still affected?” she teased.
“Dali na. Name her.”
“Sorry, she’s not familiar.”
“Great.”

Lalo lang nila akong inasar kaya ‘di na ako nakapag-focus. Tinandaan ko naman ang itsura ng babae at bwisit ‘tong Kevin na ‘to dahil may pangiti-ngiti pa siyang nalalaman. Bigla naman siyang napatingin sa direksyon namin at sinipa pa ako ni Jess para i-alert kahit nakatingin din naman ako. He waved at us but instead of waving back, I rolled my eyes at him and looked at the opposite direction.

“Ay, may pag-irap,” Jess commented.
“Malay mo, effective,” sabi ko naman.

Ilang gabi ko ring pinag-isipan kung ano na ang gagawin ko sa kanya. O, ‘di ba, sobrang big deal at naglaan pa ako ng time for him. Anyway, I gave up the thought of moving on since this guy is determined to ruin my heart. Kasi naman, Alice! Pwede namang magkagusto sa matinong lalaki, bakit sa player pa?

“What are you reading?”

Halos malaglag ako sa kinauupuan ko nang marinig ko ang boses ni Kevin sa tenga ko. I thought I was just hearing things but when I saw him sitting beside me, my heart started pounding against my chest.

“Nag-aaral ako, ha? Huwag ka ngang istorbo!” sabay talikod ko at nakita ko naman ang pagpipigil ng tawa nina Steff kaya pinandilatan ko sila.
“Oh, anong subject?”
“Chem ‘yan, Kevin,” sabi naman ni Steff. “May quiz siya mamaya.”
“Talaga? Patingin nga,” sabay agaw naman niya sa notebook ko.
“Hoy!”
“Ah, redox reactions?”

Napatigil naman ako saglit dahil isang tingin lang ay alam na niya kaagad kung ano ang inaaral ko. Then I realized he’s also a Campus Prince and he got here because of his brain.

“Akin na ‘yan,” seryoso kong sabi at kinuha ko naman sa kanya ang notebook ko. “Hinihintay ka na ng mga kasama mo,” sabay tingin ko sa mga babae na nasa corridor.

Maging ‘yong tatlo ay nagulat sa sinabi ko at wala namang nagawa si Kevin kundi umalis. I heaved a sigh when he left us and the three immediately asked me if there’s something wrong.

“Ewan ko rin. Siguro narealize ko lang na sobrang taas niya?” sabi ko naman.
“What? Do you feel inferior now?” Jess asked and I gave her another sigh.
“Tignan n’yo naman ang mga babae sa paligid niya. ‘Yong iba, Campus Princess o ‘di kaya sobrang gaganda. Well, that’s expected since he’s a Campus Prince. He’s smart, good-looking and talented.”
“Ya, neodeo yeppeo,” Yna added. “Don’t lose confidence.”
“Hey, before that, you should review now. Thirty minutes na lang,” sabi naman ni Steff at dahil do’n ay natawa na lang kami.

Dahil may kanya-kanya kaming exams ay nag-review na kami nang tahimik. After several minutes, nagpaalam na ako sa kanila dahil magsisimula na ang class namin sa Chem. Pagdating ko ro’n ay nagbasa ulit ako ng notes hanggang sa dumating ang prof namin.

We took the long quiz and my brain was drained after answering the questions. Ang haba ng quiz at hindi ko alam kung tama ba ang mga pinagsusulat ko sa ibang items dahil hindi ko na naintindihan ang iba. Kung sina Steff at Jess siguro ang nandito ay paniguradong perfect na nila ‘to.

Last class ko na ang Chem 1 kaya balak ko na sanang umuwi pero bigla namang nag-text si Kuya Owen na may choreography raw siyang ituturo para sa bagong members. Wala naman akong nagawa kundi ang dumiretso sa org pero napatigil ako nang makita ko ang makakasalubong ko sa hallway.

Stan, the guy who confessed to Karla, was with Jane and her friends and they were walking toward this direction. I was about to turn around but Stan’s eyes met mine and looked at me as if recalling if he had seen me somewhere before. Agad na akong tumalikod para mag-iba ng daan dahil ayaw kong ma-involve sa kanila.

“Hey!” sigaw niya at napahinto naman ako. “You look familiar. Who are you?”

Bigla naman akong napatakbo dahil sa kaba at dahil doon ay hinabol niya ako. Oh my gosh, hindi kaya natandaan niyang ako ang bumato ng cellphone sa ulo niya? Naman! Bakit ba kasi sa lahat ng pwedeng makasalubong ay siya at si Jane pa?!

Hindi ko alam kung naka-ilang liko na ako pero nasa likuran ko pa rin sina Stan at ang mga kasama niyang babae. Mukhang namukhaan na nga nila ako kaya lalo ko pang binilisan ang pagtakbo. Napagalitan pa nga ako ng guard dahil bawal daw tumakbo sa loob ng building. I was already tired and ready to give up since I can still hear their footsteps behind me but suddenly, I was pulled by someone inside an empty room.

“Wha—!”
“Shh.”

Napatigil ako nang makita ko si Kevin sa harapan ko. I was standing against the wall and he was in front of me, his index finger on my lips. Narinig ko naman ang pagtakbo nina Stan palayo sa room na ‘to kaya nakahinga ako nang maluwag.

“Are they gone?” tanong ni Kevin habang pinapakiramdaman ang sitwasyon sa labas.

Sa isang iglap, wala na akong marinig na ingay. The only thing I could hear was my thumping heart and his breathing. I just stood frozen and I couldn’t think properly because of his presence. Kaming dalawa lang ang nandito ngayon at sobrang lapit niya pa sa akin kaya hindi ko na alam ang gagawin ko nang bigla siyang tumingin sa akin.

“T-thank you,” mahina kong sabi habang nakatingin sa gilid.
“Was that Stan?” he asked and I nodded. “Tsk. I told him not to bother you anymore.”
“Hmm?”
“Wala.”

Napakunot naman ang noo ko dahil parang may binulong siya kanina pero hindi ko masyadong narinig dahil ang lakas ng pagtibok ng puso ko at naiilang din ako sa posisyon namin.

“Teka, bakit parang namumula ka?” tanong niya naman at lalo lang akong nagpanic nang ngumiti siya.
“Duh? Ang layo kaya ng tinakbo ko,” sabay hawak ko sa pisngi ko. Gosh, bakit biglang uminit?
“And here I thought you were blushing because of me.”
“Asa ka pa.”

Napailing naman siya habang nakangiti at ako ay unti-unti nang namamatay. I was internally screaming and hoping that he won’t notice how anxious I was.

“Bakit pala magkasama sila ni Jane?” tanong ko naman.
“I don’t know. Hindi ko alam kung close sila o hindi.”
“What? Hindi ka ba nagseselos man lang dahil magkasama sila?”
“Why would I get jealous?” inosente niyang tanong at hindi ko alam kung pinagtitripan niya ako o seryoso siya.
“Because she’s your girl,” sabi ko at napakunot ang noo niya.
“But they might be friends and I don’t need to get jealous to every guy on her side.”

Natahimik naman ako pagkasabi niya no’n. He has a point and I didn’t expect those words from him.

“Papunta ka ba sa dance practice?” pagbabago niya naman sa topic.
“Yeah. Wait, baka late na ako!”
“Tara, sabay na tayo,” sabi naman niya kaya naatingin ako sa kanya.
“Ha? Papunta ka rin do’n?”
“Hm . . . I guess.”
“What?”

Hindi ko alam kung hindi lang ako makapag-isip nang maayos dahil nandito siya o sadyang magulo lang ang mga sagot niya. Gusto ko na lang umalis dito dahil sobrang awkward at baka lalo niya lang mahalata na mapula pa rin ang mukha ko kahit ilang minuto na ang lumipas.

“Let’s go,” he said and I was surprised when he suddenly held my hand. Halos mapatalon ako at pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko anytime.
“W-w-wait!” I tried pulling my hand but he tightened his grip. “W-why are you holding my hand?”

Instead of answering me, he pulled me outside and I was worried because somebody might see us. I yanked my hand from him once again but he didn’t let go. Bigla naman siyang lumingon at dahil sa nakakaloko niyang ngiti ay lalo lang akong nawala sa sarili ko.

“I’m not holding your hand. I’m just dragging to our dance studio so don’t worry.”

Pagkasabi niya no’n ay natahimik ako at napatingin sa kamay namin. Dahil nakatalikod siya sa akin ay hindi ko na napigilan ang pagngiti ko. Hindi ko alam kung anong trip niya ngayon at bakit siya ganito pero mabuti nang samantalahin ko na ang pagkakataong ‘to.

Yeah, I like him but he doesn’t feel the same way so might as well enjoy this short-lived moment. It’s not easy to like someone who doesn’t know how to handle a relationship and popular with girls like him but in times like this, it felt like I was doing the right thing.

Nakarating naman kami sa dance studio at bago kami pumasok ay binitiwan niya ang kamay ko. Nakita kami ni Kuya Owen at tinawag niya si Kevin. Papunta na sana ako sa side ng bagong members pero napatigil ako nang marinig ko ang sinabi niya.

“I actually have no intention to go here at first but I want to see you dance. Good luck, Alice,” sabay ngiti niya at saka siya naglakad papunta kay Kuya Owen.

Heart, be still,
 I repeatedly chanted but it didn’t work. Kevin, what did you do to me?


***