.

.

Chapter 17

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, May 7, 2017

***

“Kumusta naman ang dance practice?” pang-aasar ni Jon matapos ang practice ng new members.

“Sige, mang-asar ka pa,” saka ko siya sinamaan ng tingin pero nginitian niya lang ako nang nakakaloko.

“Balita ko ang dami mo raw mali. Epekto niya ba ‘yan?”

Naalala ko na naman tuloy ang nangyari kanina. Binigyan kasi kami ng isang routine at kailangan namin ‘yong makabisado ngayong araw at i-pe-perform namin sa Monday sa harap ng members at officers. Kuya Jasper taught us the choreography and I was doing well in the first half but Kevin suddenly barged in the dance room, saying that he wanted to watch the new members. Of course, the girls were mesmerized when Kevin learned the dance just by looking at Kuya Jasper several times.

“I’m looking forward to your performance so practice hard,” he said while smiling at us and several girls giggled. Lakas talaga ng appeal nito. Nakakainis. Kung pwede lang sabihin na huwag siyang magpa-cute sa ibang babae, eh.

Akala ko talaga ay aalis na siya pero umupo lang siya sa harapan at mino-monitor niya kami. Lalo lang akong na-conscious dahil kapag susulyap ako ng tingin sa kanya ay nahuhuli niya ako at ngumingiti siya nang nakakaloko kaya hindi ako makapag-concentrate. Worse was, he kept on chuckling whenever I make mistakes. In the end, Kuya Jasper told me that I should practice the most because of my performance.

Pagkatapos akong asarin ni Jon ay nagpaalam siya dahil may gagawin pa raw siya kaya nagpalit agad ako ng damit dahil balak ko nang umuwi. Paglabas ko sa change room ay nagulat ako dahil nandoon si Kevin.

“Hi,” he greeted while smirking. I rolled my eyes in return. “Wow, galit?”

‘Di ko siya pinansin dahil kasalanan niya kaya ako nasabihan kanina. May pangiti-ngiti pa kasi siyang nalalaman kanina, eh isa ‘yon sa mga kahinaan ko. Kung alam niya lang kung gaano ako nagpanic kanina.

Naglakad ako palabas ng studio at nakita ko naman siya sa gilid ko. Sinabayan niya akong maglakad pero ‘di ko pa rin siya pinapansin pero napatigil ako nang makita kong ang dilim na sa labas. Sabagay, halos three hours din kaming nag-practice.

Habang naglalakad ay nakita kong ang daming napapatingin sa amin at siguradong dahil ‘yon kay Kevin. He’s known because of his stylish fashion but right now, with his plain white shirt and jeans, students were quite taken aback but I could see the awe in their eyes. Personally, I find him more appealing with this kind of clothes.

“Bakit ka ba sumusunod?” I asked and I wondered if he heard how my voice cracked. When I turned to his direction, I swear he looked like glowing. Kahit madilim ay kitang-kita ko ang pagngiti niya at hindi ko alam kung dahil ba ‘yon sa white shirt niya o sadyang malinaw lang ang mga mata ko.

“Uuwi ka na ba?”

“Yeah.”

Balak ko sanang mag-taxi na lang pero bigla ko namang naalala ang nangyari kay Steff noong first year college kami. Na-imagine ko tuloy ang sarili ko sa gano’ng sitwasyon at nakaramdam ako ng takot.

“Why?” tanong niya nang bigla ako ulit lumingon sa kanya.

“U-uuwi ka na rin ba?”

“Bakit? Sasabay ka?” then he flashed a teasing smile. Kumabog nang malakas ang puso ko at muntik pa akong mabulunan dahil ‘yon ang balak kong sabihin pero dahil din do’n ay nagbago ang isip ko.

“H-ha! Ewan ko sa’yo—!”

Tumalikod ako pero napatigil ako sa pagsasalita nang bigla niya na lang akong inakbayan. Naramdaman ko ang bigat ng braso niya pero hindi naman ako makapag-react dahil hindi ko alam ang gagawin.

“Hatid na kita,” sabi niya at saka niya ako hinatak palapit. Nasama naman ako sa paglalakad niya at halos hindi na ako makahinga dahil sa kaba.

Hindi ko alam kung paano ako nabuhay sa ilang minutong nakaakbay siya at pinagtitinginan kami ng ilang estudyanteng nakakita. Nang makarating kami sa parking lot ay sumakay ako sa passenger seat at nagsimula naman siyang mag-drive.

Kinalma ko ang sarili ko dahil sa mga nangyari. Nagtataka nga ako kung paano ko kinayang hindi sumigaw kahit gustung-gusto ko nang gawin ‘yon kanina. Jusko bakit ang hirap magpigil ng feelings kapag kasama mo ang crush mo?

He has done several things for me today—he saved me from Stan and Jane, monitored my dance, waited for me, put his arm over my shoulders and currently driving me home. My heart was beating crazily and I was hoping that he couldn’t hear or notice it. Pinagpala ako ngayong araw kaya naman bigla akong natakot dahil baka may kapalit ‘to o ‘di kaya malasin ako sa mga susunod naming pagkikita.

“Ang dami mong mali kanina, ah,” bigla niyang sabi kaya tinignan ko siya nang masama.

“Sino kayang may kasalanan?” He smirked and I bit my lips to stop myself from squealing. Gosh, lalong nagiging effective ang ngiti niya, nakakainis!

“Why? I was just watching on the corner.”

“And teasing,” sabay irap ko sa kanya at tumawa naman siya.

“I didn’t expect you would be that affected.”

Binuksan ko naman ang bintana at tumingin sa labas dahil pakiramdam ko ay namumula na ang mukha ko. Ayoko namang makita niya ‘yon. Tumahimik na lang ako hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay. Agad naman akong bumaba dahil gusto ko nang ilabas ang kinikimkim kong kilig.

“Alice!” sigaw niya kaya napalingon ako at nakabukas ang bintana ng kotse niya. “Good night,” sabay kindat niya.

Pagkatapos niyang gawin ‘yon ay pinaandar niya na ang sasakyan niya at naiwan naman akong nakatayo sa harapan ng gate namin. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Walanghiyang lalaking ‘yon, mukhang wala siyang balak na patulugin ako.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay nagwala na ako sa kama ko at halos masira ko na ang unan ko sa sobrang kilig. I told the girls that I would cast aside my feelings for him but it seemed like fate was testing my resolve and unfortunately, it won. I really fell for him—hard.

Kinuwento ko kaagad sa tatlo ang nangyari at as usual, kung anu-ano na naman ang pinagsasabi nila.

Jess: lol give up pala ha?
Yna: that was the fastest moving on stage I have encountered ㅋㅋㅋ
Steff: are you already in love with him? As in for real?

Hanggang sa madaling araw ay nag-uusap kaming apat at hindi ko na alam kung paano napunta sa kung paano kumain ang giraffe ang usapan namin. After that ay hindi rin ako agad makatulog dahil naaalala ko lahat ng pinaggagawa ni Kevin at nagsimula na naman akong kiligin nang malala.

Hay Kevin, ano bang ginawa mo sa akin?


***


“Alice! Saan ka na?”

“Papunta na, okay?”

Nagmadali naman akong bumaba at in-end ko ang tawag ni Steff. Muntik pa akong malaglag sa hagdan sa pagmamadali. Kasi naman, bigla na lang kaming ininform ni Yna na bumalik ulit si Kuya Xander at gusto niya kaming makita ulit. Actually, bumalik siya rito last June at umattend pa nga siya ng freshie night pero umalis din siya kaagad kaya hindi namin siya gaanong naka-bonding.

“Alisson!” sigaw ni Mommy mula sa labas kaya tumakbo na ako.

“Coming!”

Sasabay kasi ako sa kanya since madadaanan naman niya ang subdivision nina Yna. Pagsakay ko ng kotse ay agad na pinaandar ‘yon ni Mommy at ako naman ay napasandal na lang sa headrest.

Halos wala pa akong masyadong tulog dahil sobrang active ng utak ko kagabi. Siguro ay 5 AM na ako nakatulog at 9 AM pa lang ang oras ngayon kaya medyo inaantok pa ako pero hindi ko naman pwedeng palampasin ang pagdating ni Kuya Xander. Napakilala na rin namin si Jess sa kanya noong freshie night at sakto pang doon nag-aminan sina Jess at Patrick. Naalala ko na naman tuloy ‘yon at hindi ko alam kung kikiligin o matatawa ako.

Pagdating namin sa subdivision ay binaba ako ni Mommy at nagpaalam naman ako sa kanya. Naglakad na lang ako papunta sa bahay nina Yna at pagdating ko ay nandoon na ang tatlo pati na rin si Kuya Xander.

“Alisson!” tawag niya kaya sinimangutan ko siya.

“Alice nga lang kasi!” I retorted and he just laughed at me.

Kung anu-ano naman ang pinag-usapan naming lima at itong si Yna, binuking lahat ng lovelife namin—well, crushlife for me—at lalo lang natawa si Kuya.

“Wow, mga dalaga na talaga kayo. Parang dati, ako pa ang gusto n’yong pakasalan,” sabi niya at kami naman ang natawa.

Unlike Yna, fluent na sa Filipino si Kuya Xander. Totoo rin ang sinabi niya at nag-aagawan pa kami ni Steff dati, pero syempre as a joke lang ‘yon. Siya lang naman kasi ang close naming lalaki before kahit na mas matanda siya sa amin ng limang taon.

“How about me?” tanong ni Yna habang naka-pout.

“Wae? Jamkkanman, namjachingu isseo?” (Why? Wait, do you have a boyfriend?) Kuya Xander asked.

“Eopseo!” (None!)

Lalo lang siyang inasar ni Kuya Xander at sinabi niya pang siya na ang hahanap para kay Yna basta ay mag-behave lang siya. Hindi ko nga alam kung paano napunta sa akin ang usapan at kinuwento naman nila kay Kuya si Kevin.

“Tumagal ang crush niya ngayon,” sabi ni Steff.

“She finally fell in love,” dagdag naman ni Yna.

“Really? Whoa, Alice,” sabay tango niya kaya sinamaan ko siya ng tingin. “So, does he know?”

“No. Galing magtago nito, eh,” sabi naman ni Jess.

Ikinuwento nila ang mga nangyari at ang pagiging playboy ni Kevin. Tinry kong i-divert ang attention kay Jess since kanina pa siya nang-aasar pero nakakainis dahil laging bumabalik sa akin. Napatigil naman sila sa pang-aasar dahil nag-ring ang phone ko. Bigla ko namang kinuha ang phone sa bulsa ko dahil baka si Mommy ang tumatawag pero napatigil ako nang makita ko ang pangalan ni Kevin sa screen. Balak ko sanang huwag sagutin dahil baka kung ano lang ang masabi ko pero nang i-o-off ko na ay nakita ako ni Yna.

“Speaking of the devil,” sabi niya at kinuha niya sa akin ang phone.

“Hoy! Teka! Yna!”

“Oppa, Kevin’s calling,” sabay abot niya ng phone kay Kuya Xander at tinawanan naman ako ng tatlo.

“Wait, Kuya, huwag! No, no, no!”

Nginitian lang ako ni Kuya Xander at hindi ko na alam ang gagawin dahil paniguradong hindi maganda ang mangyayari.

“You know, maybe he’s just challenged because he can’t get you,” sabi niya habang nakatingin sa akin. “Well, we need to know if he’s really interested,” sabay sagot niya sa phone.

Napaupo na lang ako sa couch no’ng ginawa niya ‘yon at gusto ko na lang takpan ang tenga ko dahil ayokong marinig ang pag-uusapan nila. However, I was also interested with what he said.

“Alice,” rinig kong sabi ni Kevin. My God, bakit naka-loud speaker?!

“Hi, who’s this?” tanong ni Kuya Xander at bigla akong kinabahan habang ‘yong tatlo ay nakapalibot kay Kuya Xander.

“Oh. Uhm, I’m Kevin. Who’s this?” Napatingin sa akin si Kuya Xander at ngumiti kaya lalo akong kinabahan.

“I’m Xander. Alice’s boyfriend,” he said before ending the call.

Wait, what?!



***