.

.

Chapter 18

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, July 3, 2017

***

Antok na ako.

Pagkalabas ko sa kotse ay hindi ko na nilingon si Mommy at dumiretso na ako sa campus. Medyo stressed ako sa mga nangyari noong weekends. Grabe ang trip ng mga tao sa paligid ko. Hindi pa rin ako maka-move on sa ginawa ni Kuya Xander last time at ginatungan naman nina Yna ang ginawa niya.

They forbade me from using my phone and I wasn’t able to text Kevin. Nauto naman ako ng mga ‘yon kaya sinunod ko sila. Na-curious din kasi ako sa magiging reaction ni Kevin kaya naman pinigilan ko ang sarili ko sa pagtetext kahit gustung-gusto ko na, pero siya naman ay wala man lang kahit anong message pagkatapos ng pagtawag niya.

Bumalik naman ang isip ko sa kasalukuyan dahil sa nakita ko. I halted, checking if I was just hallucinating because Kevin seemed like waiting near the garden area. Panicked, I stepped back but I bumped into someone. Paglingon ko, nakita ko si Patrick at napatingin naman siya sa direksyon ni Kevin. He gave me mocking smile and before he could say or do anything, I ran away.

Dumiretso ako sa dance studio at pagdating ko ro’n ay hingal na hingal ako. Ang bilis pa ng tibok ng puso ko dahil sa nangyari kanina. Sa lahat naman ng pwedeng makita, bakit ‘yong magpinsan pa na ‘yon?

“Ang saya mo siguro ngayon, ano?”

Napatingin naman ako sa gilid at nandoon na si Jon. He was drenched in sweat, probably because he just finished practicing some dance routines. Lumapit naman siya sa akin habang pinupunasan niya ang mukha niya gamit ang towel.

“Congrats,” sabi niya kaya napakunot ang noo ko.

“Ha?”

Nagtitigan lang kami dahil hindi ko gets ang sinasabi niya habang siya ay mukhang naguguluhan din. Medyo wala pa ako sa wisyo dahil nga nakita ko si Kevin at baka kung ano na ang sinasabi ng Patrick na ‘yon sa kanya. Wait, i-text ko kaya si Jess?

“Looks like you still don’t know the news,” he said while heading back to his locker.

“What news?” Lumingon naman siya at saka ngumiti nang nakakaloko.

“Malalaman mo rin.”

“Spill it!”

“Where’s the fun in that?”

“Tss. Fine. Meron akong reliable source.”

Nilabas ko ang phone ko at tinext ko si Yna kung ano man ang news na sinasabi ni Jon. Minsan nga iniisip ko na baka member ‘tong si Yna ng underground website administrators sa dami niyang alam na gossips sa campus. Nagtaka naman ako dahil hindi pa rin siya nagrereply. Mukhang busy ang isang ‘to, ah?

“Nagpractice ka na ba para sa monthly evaluation n’yo?”

“Oh my God.”

Napatingin lang ako sa kanya dahil nakalimutan ko ang tungkol do’n. The new members are required to participate in the monthly evaluation, wherein we’ll perform a certain choreography made by the seniors. Dahil busy ako noong nakaraang weeks sa acads ay hindi ko na ‘yon naalala.

Inasar naman niya ako at sinabi pang baka mapagalitan na naman ako. Maaga akong pumasok ngayon dahil hindi na ako nakatulog nang maayos kagabi kaya naman may two hours pa akong vacant bago ang first class ko. Pumasok kami ni Jon sa room A at ni-referesh niya sa akin ang routine.

Si Ate Pinky ang choreographer namin for this month at puro footworks ang routine na ginawa niya. Buti na lang at kabisado rin ni Jon kaya nakasunod ako at natama ko ang mga hindi ko makuha noong una.

“Break muna,” sabi niya at saka siya umupo.

Umupo na rin ako sa sahig dahil napagod ako. Naramdaman ko naman ang pagkalam ng sikmura ko. I just had a bowl of cereal for breakfast and my energy was already depleted after dancing that routine. Aayain ko sana si Jon na bumili kami ng pagkain pero pagtingin ko ay nakangiti siya habang nagtatype sa phone niya.

Dahan-dahan akong lumapit at mukhang ‘di niya rin naman ako napansin dahil masyado siyang busy sa pagtetext.

“Sino ‘yan ha!”

I made a surprise attack, in hope of getting his phone but I failed. Nailayo niya ang phone niya pero sinubukan ko pa ring kunin.

“Hoy, huwag ka nga!” sigaw niya habang nakataas ang kamay.

“Ikaw ha, meron ka na bang girlfriend?”

“Wala!”

“Uy, binata na siya! Sino kasi ‘yan?”

Tinulak-tulak ko na siya pero hindi pa rin natutumba ang lalaking ‘to hanggang sa hinablot ko na talaga ang braso niya pero mukhang maling desisyon ‘yon dahil pareho kaming natumba. Chance ko na sana na makuha ang phone niya pero bigla kaming napatigil nang bumukas ang pinto at hindi ako nakagalaw nang makita ko kung sino.

“What are you doing?” Kevin asked with a serious expression.

Agad naman akong tinulungan ni Jon na tumayo at humarap naman si Jon kay Kevin.

“She’s just trying to mess with me,” sagot naman niya. “Selos ka ba?”

Pagkasabi no’n ni Jon ay gusto ko siyang sipain pero ang walanghiya, lumakad palapit kay Kevin at saka ngumiti nang nakakaloko sa akin. Wait, anong binabalak niya?

“Sige, una na ako. May class pa ako, eh. Bye,” saka siya tumakas at dahan-dahan niya pa talagang sinara ang pinto.

Naiwan kaming dalawa ni Kevin sa dance room at tibok ng puso ko na lang ang naririnig ko sa sobrang tahimik. It was too awkward and I couldn’t breathe properly anymore.

“S-sige, may klase na rin ako,” I mumbled as I tried to get past him but he blocked my way.

“Wait,” he said and he suddenly smiled, making my heart thump wilder. “Umiiwas ka ba?”

“Ha? B-ba’t naman ako iiwas?”

Bigla naman siyang humakbang palapit sa akin at nanigas ako sa kinatatayuan ko. Parang lalong lumala ang epekto ng ngiti niya sa akin.

“Dahil sa boyfriend mo.”

Pagkasabi niya no’n ay napatitig na lang ako sa kanya. I couldn’t read his expression but his stare was really unnerving. Pinipigilan ko ang pagngiti ko dahil una, kinikilig ako sa sitwasyon, at pangalawa, naaalala ko ang kalokohan ni Kuya Xander noong weekend.

“W-well . . . y-yeah,” I said, trying hard not to smile.

Lumapit siya lalo kaya napaatras ako. My heart was pounding crazily and I was worried that he might hear it. Kasi naman ‘tong Kevin na ‘to, bakit ba niya ba ginagawa ‘to? Nilalandi niya pa rin ba ako? Ang dami-dami na niyang babae.

“At dahil sa girlfriend mo,” dagdag ko nang maalala ko si Jane. Naging seryoso naman ang expression niya at lumubog ang puso ko dahil doon.

Ngumiti naman siya pagkatapos no’n at nanghihina na ang tuhod ko. Bigla akong na-guilty dahil parang nasaktan siya ro’n. Wait, eh totoo naman ang sinabi ko, ah?

“But I don’t have a girlfriend.”

Naalala ko naman ang sinabi niya dati. Puro landi-landi lang siya dahil ayaw niyang magkaroon ng commitment. Nalaman ko rin na malaking factor doon ang pag-alis ng Mom niya kaya hindi na siya naniniwala sa relationships.

“You’re still seeing someone,” seryoso ko namang sabi at parang narinig ko ang boses ni Kuya Xander sa isip ko.

“You know, maybe he’s just challenged because he can’t get you. Well, we need to know if he’s really interested. There are people that get attracted to someone because he or she is hard to get but once they have him or her, that attraction will fade instantly. I don’t want the four of you to end up guys like that.”

Halos mapayakap kaming apat sa kanya no’n dahil sa sinabi niya at tinawanan niya lang kami. Para raw kasi siyang may apat na anak at lalo siyang nagmumukhang matanda.

I looked at Kevin and the atmosphere between us changed. Somehow, it felt heavy and I could see how tensed he was. Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko dahil bigla na lang akong may naisip na itanong. Gusto kong pigilan ang sarili ko pero parang may sariling isip ang bibig ko.

“Bakit? Ayaw mo bang umiwas ako sa’yo?” tanong ko at halos lumabas na ang puso ko sa sobrang kaba. Hindi ko na kayang pigilan ang mga tanong sa isip ko. “Hindi naman tayo talaga friends at minsan lang tayo magkita. Huwag mong sabihing may gusto ka sa akin—”

It was too late. I wasn’t able to stop that last thought and when I looked at Kevin, his brows were furrowed, as if I just asked the most stupid question in the world.

Ouch.

Tumawa na lang ako, nananalangin na hindi niya pansinin ang mga pinagsasabi ko. Sobrang init na rin ng mukha ko dahil sa hiya at idagdag pa na kaming dalawa lang ang nandito sa kwarto.

“Syempre joke lang ‘yon,” sabay tawa ko. “Medyo antok lang ako kaya kung anu-ano ang nasasab—”

“Do you remember what I said last time?”

Napatigil naman ako at naalala ko ang nangyari noong iniligtas niya kami ni Karla kay Stan. Lalong nag-init ang mukha ko dahil pati ang pagngiti niya ay naalala ko.

“I kinda like you.”

His voice and expression replayed in my head for a few times. Bumalik sa kasalukuyan ang isip ko nang narinig ko ang pagtawa niya kaya napatakip agad ako sa pisngi ko.

“Mukhang naalala mo nga,” he teased.

“As if naman—”

“That statement still holds true,” sabi niya at bigla naman siyang may hinagis papunta sa akin kaya nagpanic ako. Buti na lang at nasalo ko ‘yon. “Practice kang mabuti para ‘di ka mapagalitan,” saka siya ngumiti at tumalikod.

Natulala na lang ako habang pinapanood siyang lumabas ng room at pag-alis niya ay napaupo ako sa sahig dahil nanghihina na ang mga binti ko. Ngayon lang nag-sink in sa utak ko ang sinabi niya. Hindi ko tuloy alam kung kikiligin ako o malulungkot dahil doon. Bakit ba kasi nagkagusto ako sa isang taong paasa? Bakit sa pa-fall pa?

Tinignan ko naman ang hinagis niya sa direksyon ko kanina—a flash drive.

Kinuha ko ang laptop sa gilid at tinignan ko kung ano ang laman no’n. It has only one file, a video, so I played it and I was surprised when I saw the first few seconds. It was his dance practice video of the required choreography.

“Practice kang mabuti para ‘di ka mapagalitan.”

Kumabog nang malakas ang puso ko nang maalala ko ‘yon. Sign na ba ito? Wait, baka naman ginagawa niya lang ‘to dahil na-guilty siya sa ginawa niya last time? O baka naman dahil gusto niya pa rin akong ma-fall sa kanya kahit na matagal niya nang nagawa ‘yon? Ugh! Kainis na Kevin ‘yan!

Pinanood ko nang ilang beses ang practice niya at namamangha pa rin ako tuwing nakikita ko siyang sumasayaw. How could he dance sharply yet still fluid? His expression was also on point, as if he was feeling the lyrics of the song. He’s really an amazing dancer.

Napatigil naman ako sa panonood nang mag-vibrate ang phone ko at pagtingin ko ay tumatawag na si Yna. Mukhang nabasa na niya ang text ko.

“Hel—”

“Ya!”

Nilayo ko ang phone sa tenga ko dahil sa pagsigaw niya. Anong problema ng babaeng ‘to? Ang aga-aga, nakasigaw.

“Bakit? Anong meron?”

“Come here. Garden. Now.”

After saying those words, she ended the call. Napatingin ulit ako sa phone ko at hindi ako makapaniwala sa nangyari.

Dahil mukhang urgent ay niligpit ko kaagad ang mga gamit at nagmadali ako papunta sa garden. Sumilip pa ako sa labas dahil baka nandoon si Kevin at nang ma-confirm kong wala ay tumakbo na ako. Pagdating ko ro’n, nandoon na ang tatlo, pati na rin si Patrick.

“She’s here,” rinig kong sabi ni Steff. Umupo ako sa tabi niya at tinignan naman nila ako nang nakakaloko.

“What? Ano na naman bang meron?”

“Sabi sa inyo, hindi niya pa alam,” Jess commented.

“Ano ba ‘yon?”

“Kevin and Jane broke up last Friday,” biglang sabi ni Yna.

“What?!”

Nakatulala lang ako pagkatapos no’n at kinuwento naman ni Yna ang nabasa niyang article sa underground website. According to her, some students saw Jane with another guy and Kevin already knew about it. 

"Wait lang, wait lang. So you mean, wala na silang something sa isa't isa?" tanong ko naman dahil 'di ko pa rin ma-digest ang mga nangyayari.

"Yup," Yna confirmed.

"Do you think that was the reason why he called you last Saturday?" biglang tanong ni Steff kaya napatingin kaming lahat sa kanya. Minsan, hinihiling ko na sana hindi na lang siya matalino lalo na sa mga ganitong sitwasyon.

Pinigilan ko naman ang kilig ko at napagdesisyunan kong huwag sabihin sa kanila ang nangyari kanina dahil paniguradong aasarin nila ako nang todo.

"Huwag nga kayong paasa. Alam na niya na may boyfriend-kuno ako saka alam n'yo namang malandi ang isang 'yon. Break nga sila ni Jane tapos mamaya may bagong babae na naman," sabi ko naman at nawala bigla ang kilig ko.

"Kevin is not that kind of guy," Patrick interrupted and the four of us looked at him, bewildered. "He has his own reasons."

"Anong reasons ang idadahilan ng isang playboy?" tanong naman sa kanya ni Jess.

"You have no idea," sabay lapit ni Patrick sa mukha niya at kita ko naman ang pagpapanic ni Jess. Tss. Dito pa talaga sila naglandian.

"But why did they suddenly break up?" Yna commented. "And why is Jane seeing another guy right after that? I don't get it."

"Maybe she cheated?" Steff suggested and that was the most probable reason.

Hindi naman na ako nakinig sa usapan nila pagkatapos no'n dahil lumilipad na ang isip ko. Hanggang sa magklase ako ay si Kevin pa rin ang naiisip ko. His worried face a while ago made my heart skip a beat. Hindi ko nga lang alam kung dahil 'yon kay Jane o affected siya kay Kuya Xander. Baka naman assuming lang ako.

After ng last class ko ay dumiretso ako sa dance studio para mag-practice at gaya kaninang umaga ay dahan-dahan akong pumasok dahil baka nandoon si Kevin. Konti pa lang naman ang tao kaya dumiretso ako sa isang dance room at sumilip ulit kung merong gumagamit sa loob.

"Sinong sinisilip mo?"

Hearing his familiar voice from behind sent shivers down my spine and my instinct took over. I headbutted him and he grunted in pain. Paglingon ko, nakita ko si Kevin na nakahawak sa mukha niya at doon ko lang narealize ang ginawa ko.

"Ow," sabay hawak niya sa ilong niya at nanlaki ang mga mata ko nang makita kong may dugo na sa kamay niya.

"OMG! Hala! Hala, wait!"

Hinatak ko siya papasok sa vacant dance room at sinara ko kaagad ang pinto dahil baka kung anong isipin nila kapag nakita nilang nagdudugo ang ilong niya.

"B-bakit ka kasi nakatayo sa likuran ko? My gosh 'yong ilong mo!"

Nilabas ko ang panyo ko at tinakip ko kaagad sa ilong niya. Jusko ang tigas pa naman ng ulo ko at ang lakas ng impact no'n sa mukha niya. Na-guilty tuloy ako bigla.

"May galit ka ba sa akin?" pabiro niya pang tanong.

"Kasi naman, bakit ka nanggugulat?!"

"Tinanong ko lang naman kung sino sinisilip mo."

Ikaw. Gusto kong sabihin 'yon pero wala nang lumabas sa bibig ko. Doon ko lang din narealize na seryoso na siyang nakatingin sa akin kaya nag-iwas naman ako ng tingin.

"Break na pala kayo ni Jane?" tanong ko dahil ang awkward ng katahimikan.

"Hindi naman naging kami," mahina niyang sagot at tinignan ko ulit siya.

"Pero may something kayo, 'di ba?"

"Define something?"

"Landian something."

"Hmm . . ."

Aba't nag-isip pa siya. Sapakin ko 'tong playboy na 'to, eh. Paano ba mag-uncrush ng crush?

"Eh ikaw? May boyfriend ka na pala?" tanong niya at ako naman ang nahiya.

"Mmm."

"Kailan pa?"

"L-last month. Teka nga, ano bang pakialam mo? 'Di naman tayo friends at lalong hindi ako one of your girls."

I heard him chuckle after I said that. Napaiwas ulit ako ng tingin dahil feeling ko ay namumula na ang mukha ko sa sobrang hiya.

"Wala naman akong sinabi, ah?"

"Tss."

"Pero pwede ba?" bigla niyang tanong kaya napatingin ako sa kanya.

"Ha?"

All of a sudden, he stepped forward and I couldn't move from my spot. Nakahawak pa rin ako sa panyong nasa ilong niya at hindi ko 'yon matanggal dahil parang hindi na sumusunod sa akin ang katawan ko.

"Pwede ba kitang agawin sa kanya?"

Biglang bumukas ang pinto kaya binitiwan ko ang panyo ko at lumayo sa kanya habang pumapasok ang ilang new members gaya ko. Basta ang alam ko lang, hindi na ako makahinga nang maayos dahil sa sinabi niya.

"Anong nangyari sa'yo, Alice? May lagnat ka ba? Bakit namumula ka?" tanong ni Denise pero nginitian ko lang siya.

"Okay, for now, practice the choreography in pairs," sabi ni Kevin. Tinignan ko siya at mukhang tumigil na ang pagdudugo ng ilong niya. "Diaz!" tawag niya kaya hindi na naman ako nakagalaw.

"H-ha?"

"Ikaw ang nahuhuli sa batch n'yo pagdating sa pagmememorize ng choreo," sabi niya at bigla naman akong nahiya. Kailangan niya pa ba talagang i-announce 'yon? "I'll be your partner. Come here," he ordered but I couldn't move my feet anymore.

Ang alam ko na lang, naglalakad na siya papunta sa direksyon ko at mukhang iyon ang dahilan ng kamatayan ko.



***