.

.

Chapter 19

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, August 13, 2017

***

“OMG! Seriously? Kilig!” sigaw ni Yna habang hinahampas ako nang paulit-ulit.

“Ouch! Yna!”

“Sorry, kilig lang ako,” saka siya tumawa.

Ilang araw na ang nakalipas matapos ang pangyayaring ‘yon sa dance studio pero tuwing maaalala ko ‘yon ay lagi akong kinikilig. One time nga, habang kumakain kami ay nakita ako ni Steff na nagpipigil ng ngiti kaya sinabihan niya ako na para akong may binabalak na masama.

“Did he really say that? I mean, those were the exact words?” Yna asked, her eyes twinkling in excitement.

“Ano ba,” sabay pigil ko sa ngiti ko kaso hindi ko kaya. “Oo nga, nakabisado ko na nga, eh. Kainis na Kevin ‘yon, landi-landi.”

“Kilig!” saka niya ako hinampas ulit.

Buti na lang talaga at wala rito sina Jess at Steff dahil for sure ay mabubugbog ang katawan ko kung sabay-sabay naming pinag-usapan ‘to. Sabagay, malapit na rin kasing mag-finals kaya paniguradong nagsusunog na naman ng kilay ang dalawang ‘yon. May maintaining grade kasi sila at sayang ang benefits kung matatanggal sila sa top 10 ng batch.

Napatigil naman sa panghahampas si Yna nang tumunog ang phone niya. She suddenly smiled and when I was about to peek, she hid her phone at her back.

“Sino ‘yan, ha?” I asked and she seemed flustered. Aba, may tinatago talaga sa amin ang babaeng ‘to!

“N-nothing! Oh, look at the time! My class will start in a few minutes. Bye!”

Agad naman siyang nagligpit ng gamit at iniwan ako sa table. ‘Pag nalaman ko talaga kung ano ang pinagkakaabalahan ni Yna, hindi ko siya titigilan sa pang-aasar. Sabihin ko kaya kay Kuya Xander para mas mabilis naming malaman kung sino? Hmm . . .

Napatigil naman ako sa pag-iisip nang mag-vibrate din ang phone ko. I saw Steff’s name on the screen so I immediately answered the call.

“Nasaan ka?” bungad niya.

“Garden. Bakit?”

“Mag-aral ka na, ha? Remember, hindi ka na-exempt sa finals.”

Alam ko namang concerned lang siya sa akin pero bakit kailangan gano’n ang paraan ng pagkakasabi niya? Inosente pero nakakasakit.

“Okay po, Mommy. After ng practice,” sagot ko naman.

“May practice pa kayo?”

“Yeah. ‘Di ba, after ng finals ang production kaya naghahabol kami.”

“Okay, sige. Basta mag—”

“Oo na, oo na. Sige, bye.”

Minsan nakaka-stress maging kaibigan ‘tong si Steff. Well, actually, noong high school kami, mas strict siya sa amin ni Yna. Medyo naging lenient na nga siya ngayong college pero nakaka-stress pa rin. Buti sana kung kasingtalino niya kami.

Dumiretso naman ako sa dance studio para sa pratice at habang papunta ako ro’n ay sobra akong kinakabahan. Pagkatapos kasi ng evaluation namin noong nakaraan ay hindi na kami nagkita ni Kevin dahil mukhang busy ang schedule niya.

“Als!”

Nagulat naman ako nang biglang sumulpot si Jon sa gilid. Doon ko naman napansin ang ilang babae sa daan na nakatingin sa kanya kaya tinitigan ko siya.

“Sapakin kaya kita? Ginagamit mo lang ako para makapunta sa studio, eh.”

“Galing mo talaga,” sabay tapik niya sa balikat ko.

Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o mainsulto dahil ako lang ang babaeng kaya niyang tratuhin nang ganito. Takot siya sa babae pero sa akin hindi. Ibig sabihin ba hindi niya ako nakikita bilang babae?

“So kumusta na kayo ni Kevin?” mahina niyang tanong kaya siniko ko siya sa tagiliran.

“Para kang tanga,” sabi ko pero tinawanan niya lang ako.

Pagdating namin sa studio ay pinapunta lahat ng new members sa room A at nandoon lahat ng officers maliban kay Kevin. Nasaan kaya siya?

“So based on your evaluation, mukhang nakapasa naman kayong lahat,” sabi ni Ate Divine kaya nakahinga ako nang maluwag. “Diaz,” tawag niya at bigla akong kinabahan. “You got the highest grade.”

Pumalakpak ang members pati na rin ang mga kasama ko kaya napangiti ako. Thanks to Jon and Kevin, I managed to get good output. Hindi ko talaga inaasahan ‘yon dahil noong simula ay puro mali ako sa choreography at hindi ako makasabay, idagdag pa ang pagkahiya ko tuwing manonood si Kevin. Buti na lang talaga at nakapag-focus ako nang mabuti noong mismong evaluation na.

The officers flashed the video of our performances on the screen and I couldn’t believe I was the one dancing. My facial expressions and steps improved and it felt like my confidence was at its peak. Okay, sariling-puri pero ‘yon talaga ang nararamdaman ko habang pinapanood ang video namin.

Dahil nakapasa kaming lahat ay pinag-ready kami for our last performance this sem—The Movement. The event was organized by the Campus Princes and Princesses from the higher levels to help the students relieve their stress after Finals Week. Buti pa sila inaalala ang kalagayan ng estudyante, samantalang ang university, lalo pang dinadagdagan.

Kuya Jasper divided us into groups of five and each has a senior member included. Jon was assigned to Ruby’s group while ours was Kevin, though he was nowhere to be seen. Pinakita muna nila sa amin ang buong choreography at nalula ako dahil ang complicated ng hand movements. Madali lang siya ‘pag pinanood mo pero ‘pag tinuturo na ang steps ay ang daming extra actions ng kamay.

We spent two hours in practicing the first verse of the dance and after that, we were dismissed since the officers have a meeting. Sumabay sa akin si Jon sa paglabas pero napatigil kami nang makita namin si Karla na nakaabang sa labas. Bigla namang pumunta sa likuran ko si Jon kaya tinignan ko siya nang nakakaloko.

“O, Karla, bakit?” tanong ko.

“Nandito ba si Kuya?” she asked in return. She has a worried expression so I pulled her to the side. Sumunod naman sa amin si Jon.

“Anong nangyari?”

“He was supposed to give me my readings but he didn’t show up. I texted him and tried calling but he’s not picking up. Akala ko busy lang sa practice pero mukhang wala rin siya rito.”

Pagkasabi no’n ni Karla ay sinubukan din namin ni Jon na i-contact siya pero walang nangyari. Ano kayang nangyari sa kanya?

“I’ll try to find him,” I suggested. “Jon, ikaw na muna bahala kay Karla,” sabi ko at kung hindi lang seryoso ang atmosphere ay pinagtawanan ko na ang mukha niya.

Nagpaalam ako sa kanila at hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa kanila dahil pareho silang ilag sa mga tao. I tried calling Kevin again but to no avail. Tinadtad ko na rin siya ng text pero wala pa ring reply. Pumunta na rin ako sa underground website dahil baka sakaling may update doon tungkol sa kanya kaso wala rin.

Pumunta ako sa library dahil baka nag-aaral din siya tulad nina Steff at Jess. Nilibot ko ‘yon hanggang sa second floor pero wala siya sa kahit saang section. Malapit na akong sumuko sa paghahanap nang bigla akong nakarinig ng tunog sa maliit na hallway papuntang AV room. Sumilip ako ro’n at mukhang may class na nanonood ng documentary about Business Management.

Lumapit naman ako ro’n at may nakita akong nakatayo sa bandang pintuan. Kahit hindi ko lapitan ay kilala ko na agad kung sino. Nandito lang pala siya.

I was about to tap his shoulder but I halted when I saw the documentary being played.

“Being a successful businesswoman must be stressing but you still look young,” sabi ng interviewer sa babae at ngumiti naman siya.

“Oh, c’mon, I don’t look young. I’m already 42.”

Maging ako ay nagulat dahil hindi halata sa mukha niya na gano’n na ang edad niya. Mukha lang siyang nasa mid-30’s. I stared at her face and she looked familiar. It seemed like I already saw her before. Saan nga ba? At kailan?

“Really? Wow, I thought you and your husband are just newly-married. Both of you are now owners of rising companies.”

“We’re already a five-year old couple. In fact, we have a 4-year old daughter now, and yes, I’m really glad that we’re doing good in this industry.”

I suddenly saw Kevin clenching his fist and in that moment, I remembered where I saw that woman—it was when Karla was showing me their childhood photos. That woman was there . . .

Bigla namang tumalikod si Kevin at naglakad palayo sa room pero napatigil siya nang makita niya ako sa harapan niya. We stared at each other for several seconds and I was still taken aback by the fact that that woman was his mother.

“Kevin . . .” I called but my voice trailed off. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin lalo na’t ganoon ang tingin niya. He was angry but I could see the pain and longing in his eyes.

Naglakad siya papunta sa direksyon ko at hindi ko alam ang gagawin. He looked annoyed so I was scared. I stepped back but I was surprised when he suddenly hugged me.

Para akong nawala sa sarili nang ginawa niya ‘yon at hindi ko alam kung napasigaw ba ako o ano dahil sa sobrang gulat. Ang alam ko lang, sobrang bilis at lakas ng tibok ng puso ko at natakot akong baka mapansin niya ‘yon kaya sinubukan kong humiwalay pero lalong humigpit ang pagkakayakap niya.

“Please don’t tell anyone,” he muttered and I realized he was talking about her mother, “especially Karla.”

“O-okay,” mahina kong sagot. Hindi ko naman alam ang gagawin sa kamay ko kaya tinapik ko na lang nang paulit-ulit ang likod niya para i-comfort siya.

Buti na lang at walang tao rito at naka-focus ang mga estudyante sa documentary kaya walang nakakakita pero sobrang pula na ng mukha ko at pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko.

“K-Kevin—”

“Can we stay like this for a while?” bulong niya at ramdam ko ang lungkot sa boses niya.

“H-huh?”

“I really need a hug right now.”

Naawa naman ako sa kanya. Hindi ako sanay na ganito siya. Mas gusto kong nakikita ang masayahing Kevin pero kahit papaano, gusto ko ring ako lang ang makakita sa kanya nang ganito.

“O-okay,” I mumbled.

Even though I couldn’t breathe properly anymore and my heart could explode anytime, I hugged him back, hoping that even by a little, I could ease his pain—the pain caused by his own mother.



***