.

.

Chapter 2

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, July 19, 2015


***

“Wow! So ito pala ang Dance Club. Cool place, hon.”

Hon? Yuck! Ang sarap ibalibag ng babaeng ‘to! At aba?! Ahas ka ba? Kung makalingkis ka sa braso, dinaig mo pa ang cobra! Pero parang pamilyar siya sa akin...pero nakakainis pa rin!

“Jon! Ano palang sabi ni Pres?” bigla namang lumapit si Kevin sa pwesto namin kaya napalitan ‘yung inis ko ng kaba.
Hinatak ko ‘yung damit ni Jon mula sa likod para sumignal na mamamatay ako kapag lumapit pa si Kevin!

“May rehearsal daw bukas. Patay ka dun.
Lagi ka na lang wala nung nakaraang linggo,” sabay tawa ni Jon sa kanya. “Sige, una na muna kami ni Alice.”

Gusto kong hambalusin si Jon dahil sa pag-emphasize niya ng pangalan ko pero hinatak niya na lang ako palabas ng room and I swear, nakita kong sinundan kami ng tingin ni Kevin! Senyales na ba ‘to? Oh my gosh!

Pagkalabas na pagkalabas namin ng room ay hinatak pa ako ni Jon papunta doon sa hallway at saka siya tumawa nang malakas, habang ako ay napabuntung-hininga na lang.
Hindi ko napansin na nagpipigil na pala ako ng hininga kanina. Binatukan ko si Jon habang nakayuko siya at lalo lang siyang natawa. Bwisit ‘to!

“Kainis ka! Muntik na akong mamatay kanina!”

“Ayaw mo nun? Nakita at nakilala ka na niya ng harapan?”

Nakita at nakausap naman na ako dati ni Kevin sa Feb Fair, nung tinawag siya ni Steff para gumanti sa ginawa kong pang-aasar sa kanya pero I doubt na naalala niya ako.
Pero kanina kasi ang lapit niya sa akin at ngayon lang ‘yun nagregister sa utak ko. Napatili tuloy ako at nagtalun-talon sa harapan ni Jon na parang tanga.

“Kasi naman!” sabay hinampas-hampas ko si Jon kasi kinikilig ako!

“Tapos ngayong wala na siya, kinikilig ka? Haha! You’re really weird!”

“Alangan namang kiligin ako sa harap niya ‘di ba? Eh ‘di buking ang feelings ko!”

“Ayaw mo nun? Malay mo magkainteres siya sa’yo,” sabay smirk niya sa akin at nagpose pa siya doon sa railings na parang model. In fairness kay Jon, pangmodel ang katawan niya at kahit na naka-white T-shirt at jeans lang siya ay angat pa rin ‘yung charisma niya. Sayang nga lang at mailap ‘to sa mga babae.

“Hoy! Hindi naman ako ganun kadesperada no!”

Naglakad-lakad muna kami dahil hindi naman kami makabalik doon sa club room. Tsk. Pero sino naman kaya ‘yung babaeng ‘yun? Kailangan kong isama ang pangalan niya sa Death List.

Nung napunta kami sa cafeteria ay hinatak si Jon ng mga kaklase niyang lalaki sa isang subject ata. Nagpaalam naman siya sa akin kaya nagpatuloy na lang ako sa paglalakad. Sakto namang nakita ko sa isang table sina Patrick at Keisha. Bigla tuloy kumulo ‘yung dugo ko. Si Jess naman kasi eh! Shiniship ko na nga sila ni Patrick dati tapos nangyari pa ‘to. Nakakaloka talaga ‘yung dalawang Campus Princess na ‘yun pagdating sa love life nila. Masyado nilang pinapaniwala ‘yung sarili nila na hindi sila in love sa isang tao kahit ang totoo ay patay na patay sila.
Ganun ba talaga ang mga matatalino? Ay bahala na nga sila sa buhay nila!

“Ouch!”

“Oops. Sorry!”

Nagulat ako nung may nabangga na pala ako. Kasi naman! Bakit ba kasi tinignan ko pa ‘yung dalawang ‘yun? ‘Di ko tuloy nakita ‘yung nilalakaran ko!

Napatingin ako sa babaeng nabangga ko. Hanggang balikat lang ‘yung brownish hair niya at ang ganda ng features ng mukha niya. Large eyes, high nose, thin lips and rosy cheeks. Medyo mas maliit siya sa akin pero nakakaintimidate ang presence niya. Sumulyap ako sa ID niya at nakita kong freshie siya dahil sa kulay ng lace. Pagtingin ko sa tray na hawak niya, natapon pala ‘yung inumin niya pero other than that ay wala namang ibang nangyari. Naguilty tuloy ako.

“Sorry. Papalitan ko na lang ‘yung drinks mo.”

“Tsk. No need. I can buy my own drink,” tapos inirapan niya ako at pumunta siya doon sa dulong table.

Hindi ako kaagad nakapagsalita dahil sa nangyari pero after kong marealize ‘yun ay kumulo ang dugo ko. Ang taray ng babaeng ‘to ha! This brat needs a lesson!

Nilapitan ko siya doon sa table niya at tumayo ako sa harapan niya. Napatingin naman siya sa akin at kumunot ‘yung noo niya kaya tinaasan ko naman siya ng kilay.

“Here’s my compensation, and I don’t accept no as an answer,” then I smirked at her. Lumakad ako palayo sa kanya pero huminto ako at humarap ulit. “At matuto kang rumespeto sa mas matanda sa’yo, first year kiddo.”

Lumabas agad ako sa cafeteria dahil baka mag-init lalo ang ulo ko. Nakakaloka! Una, ‘yung Patrick-Keisha moment, tapos may brat pang sumunod. Bigla namang nagring ‘yung phone ko at nakita kong tumatawag pala si Steff.

“Bakit?”

“Bad mood? Sungit ah?” Huminga naman ako nang malalim. Kabisado niya talaga ang mood swings ko.

“Mej. Anyway, bakit ka tumawag?”

“Lechugas kasi si Jess! ‘Di ko makausap nang maayos. Ayun nga, pinatawag kami sa meeting for the Christmas event.
Pwede bang pakopya na lang ng notes mamaya sa Psych?”

“Okay. Nakita ko nga si Patrick at Keisha sa cafeteria kanina. Baliw din naman kasi ‘yang si Jess. Ayaw pang umamin. Parang ikaw lang dati,” tapos inasar ko siya sa mga ka-emo-han niya sa bebe boy niya nung first year kami.

“W-whatever! Dati na ‘yun no!” I bet she’s blushing right now. Haha!

“Sige, bye na!”

Pagkababa ko ng phone ko, sakto namang nakita ko si Yna na papunta sa garden kaya tumakbo ako papunta sa kanya at sumunggab ako sa likuran niya. Muntik na tuloy kaming masubsob sa lupa.

“My gosh, Alice! Are you nuts?”

Tinawanan ko siya dahil horrified talaga ‘yung expression niya. Ang cute lang talagang asarin ni Yna kasi hindi siya madaling magalit. Sa aming apat, siya ang pinakabubbly.

“Aba, sino ‘yang tinetext mo?”

“J-just a classmate.” Bigla naman siyang nagblush kaya tinignan ko siya ng ako-ba-niloloko-mo-look.

“Yiiee, lumalanjutay na rin siya!” tapos sinundot ko siya sa tagiliran.

“What? Luma…what?”

“Wala! Tara na nga!”

As usual, pumwesto kami doon sa table namin at nag-aral kami para sa quiz namin sa Math. Ito talaga ang kahinaan ko eh. Ewan ko ba dun kay Steff at Jess at minamani lang nila ‘yung Math. Nagrereklamo pa sila sa amin dahil ang dali raw ng quiz namin last time at ‘yung mahihirap na formulas and equations ‘yung inaral nila. Sarap nilang ibaon sa lupa minsan, swear.

“Oh my gosh! Alice, look!” then inikot ni Yna ‘yung ulo ko.

Pagtingin ko, magkasama na naman si Kevin pati ‘yung babaeng kasama niya kanina sa Dance Club. Hah! Tignan natin kung gaano ka katagal!

“Isn’t that Jane? One of the campus princess of the third years?”

Nagulat naman ako sa sinabi ni Yna.
Jane? Campus Princess? Third year?! Kaya pala pamilyar siya sa akin! Hindi ko lang maalala kung saan o kailan ko siya nakita.

“Pero ‘di ba may boyfriend siya?” tanong ko naman.

“They broke up last week, I think.”

“Pano mo naman nalaman?” Tinignan naman ako ni Yna na parang,
‘duh?!’

“Underground website, of course.”

Sabi ko nga. Hindi ko ba nasabing mahilig din si Yna sa tsismis? Yep. Siya ang tagabalita sa amin ng rumors na nakakalap niya.

“Do you think they’re…you know.”

“Oh c’mon, Yna. Alam mo naman ‘yang si Kevin. Iba-iba kasama niyang babae everyday!
Imposible namang—”

Nagulat ako nung biglang kiniss ni Jane sa lips si Kevin. Hindi ko alam kung sino ang mas nagulat—ako o si Kevin, dahil pati siya, hindi siguro ‘yun inaasahan.

“Okay. I think I know who will top your Death List.”

Pagkasabi nun ni Yna ay gusto kong sumugod sa kanila at awayin si Jane kahit na third year siya. Then I remember what I’ve said to the first year brat about respecting those who are older than you. Tss.

Pero isa lang ang alam ko ngayon. I’m hurt. For the first time, nakaramdam ako ng matinding selos...at sakit.


***