.

.

Chapter 20

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Monday, August 28, 2017

***

“I’m so dead,” Yna muttered as we headed to the garden.

“Hindi lang naman ikaw. Magkaramay tayo,” sabi ko naman.

Last day ng Finals week ngayon at katatapos lang ng exams namin kaya pagod ang utak namin. Kinakabahan ako sa Calculus dahil mahina talaga ako sa Math. Buti pa sina Steff at Jess, na-exempt sa finals dahil mataas ang grades nila. Nakakainggit talaga ang mga pinagpala sa talino.

“But you know what, I think I did well in Aral Pil,” sabi ni Yna nang makaupo na kami.

“Wow naman, best in Filipino na siya,” I teased and she pouted at me. Cute niya talaga ‘pag inaasar.

Hinintay naman namin sina Jess at Steff dahil hindi pa sila tapos sa practice. Yes. Hindi sila busy sa exams kundi sa practice para sa The Movement. Buti pa sila, nakakapag-rehearse na samantalang kami ay kailangan pang mag-aral at mag-take ng finals.

“There they are!” sigaw naman ni Yna habang nakaturo kaya napatingin ako at mukhang maling desisyon ‘yon.

The Campus Princes and Princesses of our batch were walking down the hallway and everyone was looking at them. Minsan lang naman sila magsama-sama kaya mapapatingin ka talaga lalo na’t sila ang “the chosen ones” ng batch.

At kasama ro’n si Kevin.

Naalala ko tuloy bigla ang huli naming pagkikita. He saw his mother in a documentary about business management and I realized she already had another family. Seeing him broken instead of being his usual mischievous self was unbearable. When he hugged me that time, I was scared because he might feel the pounding of my heart but instead, I felt his grief. After that minute-long hug, he forced a smile and told me that we should head back to the studio.

Nag-practice kami no’n at bumalik siya sa normal niyang personality pero alam kong pinipilit niya lang ang sarili niya. Pagkatapos ng practice ay agad siyang umalis at simula no’n ay hindi na ulit kami nagkita at nakapag-usap.

Dumiretso naman sa direksyon namin ang dalawang couples. I stole a glance at Kevin but we ended up meeting each other’s eyes. I avoided his gaze because I suddenly remembered what happened the last time. Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko kaya tumalikod na ulit ako pero nakita ko naman ang nakakalokong ngiti ni Yna.

“Uy, something must’ve happened,” she teased.

“Wala, huwag ka nga.”

“Uy, defensive,” saka niya ako tinawanan.

Pagdating nina Steff, Jess, Darryl at Patrick ay umupo agad sila sa table namin.

“Pagod na ako,” Darryl grunted.

“Sinong hindi?” dagdag naman ni Patrick habang nakatingin sa mga daliri niya.

Right. ‘Yong apat na Campus Prince ay nagsama-sama na naman para tumugtog. Kasama nila sina Kevin at Gisel. Ang busy pala ng taong ‘yon ngayon.

“Kumusta pala exams?” tanong naman sa amin ni Steff at napairap ako dahil naalala ko na naman ang lecheng Calculus na ‘yon.

“Oh, please don’t remind us. I already moved on,” sagot naman ni Yna.

“Buti ka pa naka-move on na, ‘yong isa hindi pa,” Jess chimed in while looking at me with a sly smile.

“Is this about Kevin?” dagdag pa ni Patrick.

“Oh. Nahulaan mo. Gumagaling ka na,” sagot ni Jess.

Bakit ba nandito ang dalawang ‘to? Ako pa ang napagtripan.

“Speaking of Kevin, bakit parang ang tamlay niya ngayon?” tanong ni Steff habang kinakain ang chocolate cake na binili ko kanina.

“Personal matter,” sagot ni Patrick.

Mag-pinsan nga pala ang dalawang ‘yon. Lagi ko na lang nakakalimutan.

Pagkatapos no’n ay nagsimula na kaming kumain dahil may afternoon practice pa ang apat samantalang ako ay may dance practice din. Si Yna naman, hindi ko alam kung saan pupunta pero sabi niya may appointment daw siya.

Dumiretso ako sa dance studio pero habang palapit ako nang palapit ay kinakabahan ako dahil paniguradong nandoon si Kevin. Sabi kasi ni Darryl, nagsabi raw si Kevin na hindi siya sasama sa afternoon practive dahil meron din siyang practice para sa isa pang number.

Pakiramdam ko sobrang awkward kapag nagkaharap kami o baka ako lang ‘yon? I mean, he freaking hugged me for a minute! Ano, sa akin lang may meaning? Aba, hirap na hirap ako noong panahon na ‘yon, ha? Hindi niya ba alam na hindi ako nakahinga nang maayos?

“Bakit ka nakatigil d’yan?”

Napalingon naman ako at nakita ko si Jon. Doon ko lang na-realize na kanina pa pala ako nakatayo sa entrance kaya sabay na kaming pumasok.

“Andiyan ba siya?” pabulong kong tanong at hinatak ko siya sa gilid.

“Oo. Nagpa-practice na,” sagot naman niya at nakita kong naningkit ang mga mata niya.

“Ano?”

“May kasalanan ka pa sa akin.”

“Ha?”

“You left me with that girl,” he said.

Naalala ko naman ang nangyari noong araw na ‘yon. Iniwan ko silang dalawa ni Karla dahil gusto kong hanapin si Kevin at hindi ko naman akalain na isusumbat niya ‘yon sa akin.

“Bakit? Ano bang nangyari?”

Hindi naman niya ako sinagot at tinignan niya lang ako nang masama saka siya dumiretso sa loob. Okay anong nangyari sa kanya? Kung ayaw niya sabihin, itatanong ko na lang kay Karla mamaya.

Huminga muna ako nang malalim bago dumiretso sa Room A. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sumilip pero ang nandoon lang ay ang new members pati na rin ang ilang officers. Mukhang wala siya rito—

“Sino na namang sinisilip mo?”

Napasigaw ako nang marinig ko ang boses niya sa tenga ko at buti na lang ay napahawak ako sa pintuan kundi ay nalaglag ako. Napatingin din sa amin ang dancers sa loob kaya agad akong umayos at pumasok. Sumunod naman siya sa akin habang nakangiti at nakita ko ‘yon sa salamin kaya sinabihan ko ang sarili kong kumalma pero ang lakas ng tibok ng puso ko.

“Huy, Kev!” sigaw ni Kuya Owen sabay nag-apir sila ni Kevin. “Ilang araw kang ‘di nagpakita ha!”

“Sorry, busy sa isa pang performance,” sagot naman niya habang nakangiti.

“Ikaw na ang busy. Ayan, hinihintay ka na ng grupo mo.”

“Sige, ako na ang bahala.”

Tumingin naman sa direksyon namin si Kevin at kaming apat na bago ay humarap sa kanya. Ramdam ko pa rin ang init ng mukha ko at ang malakas na pagtibok ng puso ko kaya hindi ako makatingin nang maayos sa kanya. I chose to look at my reflection to stay focused.

“Diaz,” tawag niya kaya napilitan akong tumingin sa kanya.

“Y-yes?”

“Are you tired already? Bakit namumula ka?”

Napatigil naman ako pagkasabi niya no’n at napatingin sa akin ang groupmates ko.

“Oo nga, Alice.”

“Tumakbo ka ba papunta rito?”

Naubo ako nang marinig ko ‘yon at kinailangan kong huminga nang malalim para kumalma. Ang nakakainis pa ay nakita kong pinipigilan ni Kevin ang pagngiti niya kaya lalo lang akong nawawala sa sarili.

“A-ah, oo tumakbo ako,” sabay tawa ko nang pilit.

Sinamaan ko ng tingin si Kevin pero nakangiti lang siya at iniwas niya ang tingin niya sa akin. Agad niya namang pinatugtog ang music namin at bago kami mag-practice ay pinakita niya ulit ang buong choreography. As usual, his dancing was superb and we were speechless after that. Instead of recalling the steps, we just watched him as if we were fans.

“Ano, game na ba ulit?” tanong niya matapos niyang sumayaw.

“Yes!” sagot naman namin.

Nagsimula naman kaming mag-prepare. Nagpaalam muna sina Jackie at Pam para mag-C.R. samantalang nagpalit ng damit si Suzy. Naiwan ako ro’n at itinaas ko ang buhok ko para maging bun dahil mainit. Ang hirap pa man din ng choreography kaya paniguradong pagpapawisan kami nang malala.

“Hey,” mahinang tawag ni Kevin at hindi ko namalayang nasa harapan ko na siya dahil nakayuko ako habang nag-iipit. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang magtama ang mga mata namin.

“B-bakit?” tanong ko matapos kong itali ang buhok ko.

“I realized I haven’t said it yet,” he said and he suddenly leaned closer. “Thank you,” sabay ngiti niya at pagkatapos no’n ay tumalikod siya na parang walang nangyari.

Hindi naman ako nakahinga nang maayos matapos niyang gawin ‘yon at buti na lang ay nakaharang siya sa salamin kaya hindi niya nakikita ang itsura ko ngayon. Jusko ano bang kasalanan ko sa kanya at pinapahirapan niya ako nang ganito?

Sakto namang bumalik ang tatlo kaya nagsimula na kaming mag-practice at kinailangan ko ng matinding concentration para lang makasunod sa pagtuturo niya. We spent almost three hours to memorize the whole choreography and I clumsily sat on the floor after all of that. Nagpahinga ako ng ilang minuto pero nang makita ko ang oras sa phone ko ay agad akong napatayo. Hindi ko namalayan na mag-si-six na! Pinapauwi pa man din ako ni Mommy nang maaga dahil nasa bahay ngayon si Dad at may dinner kami.

Nagmadali akong pumunta sa locker at kinuha ko ang gamit ko. Sa bahay na lang ako magpapalit ng damit.

Paglabas ko ng studio ay tatakbo na sana ako pero nagulat ako nang may umakbay sa akin. Akala ko nga no’ng una ay si Jon pero nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Kevin. Agad akong napahinto at tumitig ako sa kanya pero siya naman ang hindi makatingin sa akin ngayon.

“U-uhm . . .” Napaiwas na rin ako ng tingin at kahit malamig na rito sa labas ay pinagpapawisan pa rin ako.

“H-hatid na kita,” sabi niya. “As a way of saying thank you.”

I stifled a shriek after hearing that. Ni hindi ko nga napansin na naglalakad na ulit kami dahil lumulutang na ang isip ko. Buti na lang at wala nang masyadong tao at medyo madilim na kaya walang nakakapansin sa amin.

Palabas na kami sa main gate nang bigla akong napatigil dahil sa nakita ko.

Nasa labas si Kuya Xander habang nakasandal sa kotse niya at nang makita namin ang isa’t isa ay pareho kaming nagulat. He was probably here to fetch Yna but when he saw me, he suddenly smirked and I knew he was planning something.

“Alice! Here!” sigaw niya kaya napatingin si Kevin sa kanya. Lumapit naman siya sa amin at doon na ako nagsimulang kabahan.

“Ku—I mean, X-Xander.”

“Let’s go? Kanina pa kita hinihintay,” sabi niya habang nakangiti sa akin.

Hindi naman ako nakapagsalita. I felt the rising tension around us and I didn’t know what to do. Pinandilatan ko si Kuya Xander dahil sa biglaang skit niya pero nginitian niya lang ako na para bang nag-eenjoy siya sa ginagawa niya. When I glanced at Kevin, he was staring at Kuya Xander with a serious expression and his grip on my shoulder has tightened.

“Who are you?” tanong niya kay Kuya Xander at pigil ang hininga ko habang nakatingin sa kanila.

“Xander. Her boyfriend.”

Pagkasabi niya no’n ay gusto ko na lang mawala sa harapan nila pero agad nawala ang pag-iisip kong ‘yon nang bigla kong narinig ang pagsigaw ni Yna. She was running towards us and she was just a meter away when she realized what was going on.

“Oh,” she said while looking at the three of us.

“Ah. I see,” Kevin muttered and I could see his lips curling.

“Well, since the two of you are already here, we should go home now,” sabi naman ni Kuya Xander. Agad na pumasok si Yna sa loob samantalang ako ay nakatayo pa rin doon at hindi alam ang gagawin.

“Remember what I said last time?” biglang bulong ni Kevin kaya hindi ako nakagalaw at hindi rin ako nakapag-isip nang maayos.

“H-ha?”

“Xander, right?” sabi niya kay Kuya Xander. “Nice to meet you but . . .”

Nagulat naman ako nang biglang tinanggal ni Kevin ang pagkakaakbay niya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko nang mahigpit.

“. . . she’s going with me!” he shouted and without any warning, he ran away, pulling me along with him.



***