.

.

Chapter 21

Posted by Ann Lee on Friday, September 8, 2017

***

Hindi ako makahinga nang maayos at lalong hindi ako makapagsalita. I couldn’t believe what just happened.

Tahimik na nagda-drive si Kevin habang ako naman ay nababaliw na sa kaba sa tabi niya. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin sa sitwasyon na ‘to. Aside from that awkward encounter a while ago, the atmosphere between us in this closed space made the tension more suffocating.

“Kumain ka na ba?” bigla niyang tanong kaya nagulat ako.

“H-ha? P-pagkain?”

Hindi ko na masabi nang maayos ang mga salita ko dahil sa sobrang kaba. I gripped the seatbelt to calm my nerves but it didn’t help. Worse, Kevin was chucking, as if he was enjoying my suffering. Bwisit kang pa-fall ka, masyado ka na!

Binuksan ko na lang ang bintana niya at tumingin sa labas. At least, medyo nakakahinga na ako.

“Kain muna tayo,” sabi niya kaya napalingon ako pero tinitigan ko lang siya. “Gutom na ako, eh. Ikaw ba? ‘Di ka pa ba nagugutom?”

“Uhm, h-hindi pwede,” sagot ko naman.

“Bakit?”

“Dinner.”

Ang gusto ko sanang sabihin ay may dinner kami ng family ko pero ‘di ko masabi nang diretso dahil sa kaba. Kung anu-ano pa ang tumatakbo sa isip ko at kapag nagsasalita siya ay naaalala ko ang sinabi niya kay Kuya Xander kaya lalo akong hindi makapag-focus.

“Dinner with whom?” tanong niya.

“My parents,” sagot ko at natahimik siya.

Ilang minutong katahimikan ang bumalot sa pagitan namin at hindi ko alam kung naging mas awkward ba o nasanay na ako sa pakiramdam. Pero agad din ‘yong nawala nang magsalita ulit siya.

"By the way, nice act," he suddenly said and when I glanced at him, a smirk was already pasted on his face.

"H-ha?" tanong ko naman kahit na may idea na ako kung ano ang ibig niyang sabihin. Oh my gosh, don't tell me . . .

Tumingin naman siya sa akin habang nakangiti nang nakakaloko. Lalo akong kinabahan kaya nilayo ko ang sarili ko sa kanya habang pigil-hiningang hinihintay ang sasabihin niya.

"Let me remind you that I'm one of the top students of our batch," sabi niya. "I'm quick to catch on things."

Naka-ilang OMG na ako sa utak ko dahil sa sinabi niya at gusto ko na lang lumubog sa sobrang hiya. So tama nga ang hinala ko? Alam niya? Pero paano? Masyado bang halata?

"Boyfriend pala, ha?" sabay ngiti niya.

"Manahimik ka," sabi ko naman habang nakatingin sa labas dahil hiyang-hiya na ako.

Habang nagda-drive ay naririnig ko ang mahina niyang pagtawa kaya hindi ko na alam ang dapat kong i-react. Kung pwede nga lang magpababa na lang bigla pero nasa highway kami. Sinaksak ko na lang ang earphones sa tenga ko at nagpatugtog nang malakas para wala akong marinig na kahit ano mula sa kanya.

After a few minutes, nakakita siya ng fast food restaurant at napatingin siya sa akin. Mukhang gutom na talaga siya kaya naman pumayag akong mag-drive thru kami. Umorder siya ng food niya at ang loko, kinindatan pa ang cashier. Inirapan ko na lang siya kahit hindi nakatingin dahil sa ginawa niya. Hay naku, ano pa nga ba ang aasahan ko sa lalaking ‘to?

Pero umaasa pa rin naman ako kahit gano’n lagi ang nakikita ko. Hay, Alice.

Binagalan naman niya ang pagpapatakbo para makain niya ang burger na hawak niya sa isa niyang kamay. Ako naman, binuksan ko ang phone ko para i-check kung ano na ang nangyayari. As expected, ang daming notifications. Ang daldal talaga ni Yna!

Jess: Totoo ba? Alice, humahaba ang buhok ha!

Steff: Hahaha ikaw pala may kasalanan Yna

Yna: I came at the wrong time! I didn't notice the situation ㅠㅠ

Nag-live chat pa yata siya sa kanila habang nangyayari 'yon kanina kaya sobrang haba ng convo sa group chat namin at nang ma-seen ko 'yon ay agad nila akong hinanap.

Steff: She's hereeee

Yna: Tell us what happened~

Jess: Kwento na! Detailed ha!

Alice: SOS HELP ME NALAMAN NIYANG DI KO BF SI KUYA XANDER IM DEAD BYE

Pagka-send ko no'n ay saktong nakita ko siyang tumingin sa direksyon ko kaya agad kong tinakpan ang phone ko at tumingin sa labas. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa makita ko na nasa subdivision na kami. Bakit parang ang bilis?

“Andito na pala tayo,” mahina niyang sabi nang makita niya ang bahay namin.

“Ah. Oo nga.”

Pareho naman kaming nagulat nang biglang may bumusina at pagtingin ko sa rear mirror ay nakita ko ang isang pamilyar na kotse.

“OMG. Si Dad,” sabi ko habang nakatingin sa kanya kaya agad akong bumaba mula sa kotse niya.

Nakita ako ni Dad at sumilip siya mula sa bintana. He has a confused expression on his face and that made me nervous.

“Alisson,” tawag niya, “bakit ngayon ka lang?”

“May dance practice ako kanina, Dad.”

Nabaling naman ang tingin niya sa kotse kung saan ako bumaba at napatingin din ako nang narinig ko ang pagbukas ng pinto no’n. Kevin came out of his car and stood beside me. Dad’s face hardened and I could see his familiar expression—he was assessing him.

Naalala ko tuloy ‘yong naging crush ko noong high school. Hinatid niya ako sa bahay noon at naabutin din siya ni Dad. Nagpakilala siya at sunud-sunod na nagtanong si Dad hanggang sa ma-intimidate siya. Simula no’n, ‘di na niya ako kinausap. Noong kinuwento ko ‘yon kina Steff at Yna, tinawanan nila ako dahil mas extreme daw si Dad compared kay Tito Steven at Kuya Xander.

Bumaba naman si Dad sa kotse niya at hinarap kami kaya lalo lang akong kinabahan.

“Who are you?” he asked while looking at Kevin with his unsmiling face. Ni hindi man lang siya tumingin sa akin.

“I’m Kevin Fuentez, Sir,” he aswered with a nervous smile.

“Why are you with Alisson?”

“We’re from the same org po and since gabi na, hinatid ko na lang po siya kaysa mag-commute pa.”

Natakot naman ako sa pwede pang itanong ni Dad at pansin ko namang nawala na ang ngiti sa mukha ni Kevin. Gusto ko na lang na itulak siya papasok sa kotse niya at umalis na dahil sa sitwasyon ngayon. Bakit ba kasi lumabas pa siya?

“Dad, babalik pa siya sa campus for practice,” singit ko naman at saka ko itinulak si Kevin. “’Di ba?” sabay ngiti ko sa direksyon niya.

“Gano’n ba?” tanong ni Dad at tumingin naman sa akin si Kevin dahil sa improvisation ko.

“Ah, opo,” sabi naman niya kaya nakahinga ako nang maluwag. “Sige po, una na ako. Nice meeting you, Sir.”

Pagkasabi niya no’n ay sumakay na siya sa kotse niya at saka umalis. Naiwan naman kami ro’n ni Dad at tinignan ko siya nang masama.

“Dad! Ayan ka na naman!” I complained and he shrugged his shoulders in return.

“Well, at least, he didn’t get intimidated. Unlike the previous guys.” Umakbay naman siya sa akin. “Pumasok na nga muna tayo sa loob. For sure, matagal na namang mag-ayos ang Mommy mo.”

“Sumbong kita.”

“Mas mahal ako no’n.”

“Yuck, Dad.”

Binatukan naman niya ako dahil sa sinabi ko at medyo nawala naman ang inis ko. Sa totoo lang, ‘di naman nakakatakot si Dad. Pagdating lang talaga sa mga lalaking nakikita niyang kasama ko siya nagiging strict. Alam ko namang protective siya sa akin pero isa rin siya sa mga dahilan kung bakit mabilis ding mawala ang crush ko sa isang tao.

“Siya ba bago mong crush?” tanong naman ni Dad.

“No.”

“So I was right,” he teased.

Pagpasok namin sa loob ay dumiretso muna ako sa kwarto ko para magbihis at magpahinga saglit. Humiga ako sa kama at sakto namang tumunog ang phone ko pero nagulat ako nang makita kong may text galing kay Kevin.

Your dad is cool.

Napangiti naman ako nang mabasa ko ‘yon at magre-reply na sana ako pero may dumating ulit galing sa kanya.

Your “boyfriend” is not.

‘Di ko alam kung bakit pero ang una kong reaction? I couldn’t help but smile. Perhaps . . . perhaps he was jealous. O isa na naman ba ‘to sa mga pa-fall move niya?

Bumaba naman ako nang marinig ko ang boses ni Dad at agad na rin kaming umalis dahil gutom na kaming tatlo. Pumunta kami sa favorite restaurant ni Mom. Sumunod ako sa table na pinuntahan nila pero napatigil ako nang may nahagip ang mga mata ko sa nadaanan naming table.

“Really? Wow, that’s good.”

“Well then, thank you for your time, Kristina.”

Nagtama ang mga mata namin pero agad akong umiwas kahit na hindi naman niya ako kilala. However, I know her. That woman is Kevin’s mother.



***