.

.

Chapter 23

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Saturday, October 28, 2017

***

"Kinakabahan ako!"

"Ako rin. OMG!"

"Feeling ko mahihimatay na ako anytime."

'Yan ang kadalasan kong naririnig habang naglalakad dito sa backstage area. Mag-6 PM na at 7 PM ang start ng program kaya halos lahat ay nagmamadali na.

Nakaupo ako ngayon sa may gilid dahil kinakabahan na ako. Sina Steff at Jess ay kanina pa pinatawag para mag-prepare sa sarili nilang production numbers. Si Yna naman, hindi ko na alam kung saan nagpunta. Nagpaalam siya kanina na may ibibigay lang daw siyang kung ano sa kakilala niya at hindi ko na naitanong dahil nga kinakabahan din ako kanina.

Nag-practice lang kami nang nag-practice nitong nakaraang mga araw at naawa ako kay Kevin. Besides our dance presentation, he also has a band performance together with the other Campus Prince of our batch. It was obvious that he was exhausted from all his schedules but he tried so hard to assist and teach our group until the last day of practice.

"Nervous?"

Nagulat naman ako nang narinig ko ang boses niya sa gilid ko. Pagtingin ko, nakaupo na siya sa upuan sa tabi ko. I couldn't say anything because I was mesmerized by his appearance. He looked cool with his all-black outfit and striking makeup.

"Ah. H-huh?" I shook my head when I realized I was gaping at him. Buti na lang at hindi niya 'yon nakita dahil nakatingin siya sa mga tumatakbong tao.

"Ready ka na ba?" tanong niya ulit at this time ay lumingon na siya sa akin.

"You look tired," I asked without answering his question and he gave me a quick smile.

"Quite," sagot naman niya. "After this, I'm going to sleep for a whole day," sabay pikit niya at saka ko na-realize na masyadong mababa ang sandalan ng upuan.

Ilang minuto kong inisip kung ano ang gagawin pero natatakot naman ako dahil baka kung ano ang isipin niya at ng iba. In the end, siya na lang ang inalala ko at inisip ko na lang na wala namang masama dahil nag-aalala lang ako sa kanya. Nakakainis naman kasi, bakit bigla siyang nandito? Eh 'di sana hindi ako namomroblema.

"Here," sabay tapik ko sa balikat ko pero hindi ako tumingin sa kanya. "May one hour pa naman. Pero kung ayaw—"

Napatigil ako sa pagsasalita nang naramdaman ko ang pagsandal niya sa balikat ko at natakot ako dahil baka naririnig niya ang tibok ng puso ko. Palihim kong sinampal ang sarili ko dahil hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ko para i-suggest ang bagay na 'yon.

"Thank you," he softly said. "I'll use it well."

Buti na lang talaga at 'di niya nakikita ang mukha ko dahil hirap na hirap na akong magpigil ng ngiti. Hindi rin ako makahinga nang malalim dahil baka maistorbo siya. Kung kanina ay out of sympathy ang pag-offer ko, ngayon, nauwi na sa kilig. Pakiramdam ko nawala lahat ng ingay sa paligid at kaming dalawa lang ang nandito. Sabi ni Steff, gano'n daw ang naramdaman niya noong una niyang na-realize na may gusto na siya kay Darryl at akala ko ay nagjo-joke lang siya pero hindi pala. It really felt like we were alone, as if everything around us faded away.

After a few minutes, dahan-dahan kong sinilip ang mukha niya at mukhang nakatulog talaga siya. Grabe siguro ang pagod niya ngayon.

"Ayos lang sa akin kung sa'yo ako ma-i-issue."

Napailing ako nang maalala ko ang sinabi niya noong nakaraan. Hindi ko alam kung pinagti-tripan niya lang ba ako o isa na naman 'yon sa pa-fall lines niya. Ayaw ko namang mag-assume kaagad dahil marami nang puso ang nabiktima niyan.

Napatingin ulit ako sa kanya at bigla akong napaisip. Most people would think that he's an easygoing and cheerful person because of his personality but the truth is, he's also struggling and someone who needs support. Noong nalaman ko ang tungkol sa Mom niya ay nagbago ang pagtingin ko sa kanya. I didn't expect someone who's as mischievous as him carrying something like that on his shoulders.

“Ya! Ali—!”

Nagkatinginan kami ni Yna at tinakpan niya ang bibig niya nang makita niya si Kevin. She gave me a teasing smile and I glared at her in return.

“Oh. Joa,” (Oh. I like it.) she said while holding her phone and I already knew what she was doing.

“Yna!” I mouthed, trying not to cause any disturbance to him.

“Wae? An-joa?” (Why? You don’t like it?) tanong naman niya at hinarap niya ang phone niya. She just took a photo of us.

Tinignan ko ulit si Kevin at mukhang tulog pa rin siya kaya humarap ako kay Yna at saka tuluyang ngumiti. Hinampas niya pa ako kaya pinandilatan ko siya dahil baka magising bigla ‘tong lalaking ‘to.

“’Yong maayos naman,” bulong ko at this time, nakatingin na ako sa camera. Pigil na pigil pa kami sa pagtawa dahil sa pinaggagawa namin. “Patingin,” sabay pakita niya naman.

“You look way too excited,” she snickered and true enough, sobrang saya ng expression ko kaya natawa na lang din ako.

“Delete mo, mukha akong aso.”

“Shiro,” (Don’t want to.) sabi naman niya at ilang photos pa ang kinuha niya habang hindi ako makagalaw.

Ang nakakainis pa ay hindi ko magawang sumigaw o gumalaw man lang dahil baka biglang magising si Kevin at malaman niya ang pinaggagawa namin. Hindi tuloy ako nakaganti at tuluyan nang umalis si Yna. Pagtingin ko sa group chat namin ay na-send na niya kaagad at pinagpyestahan naman nilang tatlo ‘yon.

After a few minutes, naramdaman ko ang paggalaw niya at agad naman siyang nagising. Napabalikwas pa siya ng bangon at disoriented pa siya nang makita niya ako. Our eyes met each other and for a moment, we were both silent. My heart pounded against my chest and his gaze made it harder to breathe.

He flashed a smile. “Thank you,” he said while tapping his shoulder.

“No worries,” sagot ko naman at tumingin ako sa kabilang direksyon para makahinga.

Nanatili kaming nakaupo ro’n at doon lang ako tinamaan ng hiya. Sakto namang dumating sina Jess, Steff, Patrick at Darryl. Nagtinginan ang mga estudyante sa kanila at ang iba ay nakuha pa silang kuhanan ng picture. Paano ba naman, dalawang favorite campus couples ang mga ‘to. On top of that, lahat sila ay kasama pa sa Campus Princes at Princesses. Kaya nga ang tawag sa kanila ay ‘royalty couples.’

“I told you, he’s here,” sabi ni Patrick at nag-smirk siya kay Darryl.

“At nandito ka rin pala, Alice,” dagdag pa ni Jess at pinandilatan ko siya ng mata lalo na’t kakakita lang nila ng pictures namin sa group chat. Itong si Steff, nakuha pang tumawa. Napaka-supportive ng friends ko, grabe!

Tumayo naman si Kevin at mukhang kailangan na nilang mag-prepare dahil isa sila sa first acts ng concert. Habang nag-uusap ‘yong tatlo ay tumingin naman nang nakakaloko sa akin sina Steff at Jess.

“Iba rin ang moves nitong friend natin,” Jess muttered and I had to check if those guys could hear her.

“Sige na, isu-support kita sa kasiyahan mo kahit ngayon lang,” dagdag naman ni Steff.

“Excuse me, hindi naman kasi ‘yon moves,” I said in defense.

“Hello raw, sabi ng pag-peace sign mo,” sabay pakita ni Jess ng picture na sinend ni Yna at hinablot ko ang phone niya. Buti na lang talaga at maiksi ang mga biyas niya.

Napatigil naman kami nang tumingin sa amin ang tatlo. Mukhang kailangan na nilang umalis kaya naman maiiwan na ako ritong mag-isa.

“Don’t worry, ‘di ka malulungkot kasi ‘di ka namin titigilan,” sabi ni Jess habang nakaturo sa phone niya na nakuha niya noong nawala ang atensyon ko sa kanya.

“Humanda ka talaga ‘pag gumanti—”

“Alice!”

Napahinto ako sa pagsasalita nang tawagin ako ni Kevin. Lumayo sina Steff at Jess at nauna na silang apat sa kung saanman sila pupunta. Mas mabuti na ‘yon para mas safe.

Lumapit sa akin si Kevin at ‘di na naman ako nakakibo dahil sa bigla niyang pagngiti. Habang tumatagal ay lalong nagiging deadly ang ngiti niyang ‘yan. Masyado effective laban sa akin. Samantalang ako, wala man lang panlaban sa kanya.

“See you later?” he asked and I instinctively nodded. Naglakad na siya palayo habang ako ay nakatingin sa likod niya nang bigla siyang huminto at lumingon. “Do you have any schedule tomorrow?”

“H-ha?”

Hindi ko alam kung nagkamali lang ako ng rinig o totoong tinanong niya ‘yon. Nagha-hallucinate na ba ako? Ito na ba ang karma ko sa ginawa ko kanina?

“Nevermind,” saka siya ngumiti ulit. “See you then.”

Pagkatapos no’n ay tuluyan na siyang umalis at ako naman ay lost pa rin. Hindi ko alam kung ilang minuto na ang lumipas at bumalik lang ang isip ko sa kasalukuyan nang tapikin ako ni Bev na isa rin sa new members. Pinapatawag na pala kami para makapag-prepare. Pagkarating namin sa mismong backstage ay lalo akong kinabahan dahil sa bass at sa dami ng tao.

“Als!”

Napalingon naman ako at halos tumalon ako sa tuwa nang makita ko si Jon. Ni hindi ko siya nakita noong mga nakaraang practice at hindi rin nagtutugma ang schedule namin. I hugged him and everyone around started to tease us.

“In fairness, ha, sa lahat ng girls sa org, kay Alice ka lang talaga ganyan ka-comfortable,” biglang sabi ni Ate Divine at hindi ko namalayan na nasa gilid lang pala siya.

“Bagay kayo,” Kuya Jasper chimed in with his usual blank expression.

“Naku, walang malisya ‘to, Kuya,” sagot naman ni Jon.

“Oo, Kuya,” dagdag ko. “Isa pa, may crush na ‘tong isang ‘to.”

Bigla namang napatingin sa akin si Jon dahil hindi niya inasahan ang sinabi ko. Ngumiti ako nang nakakaloko dahil mukhang totoo nga at may ideya na ako kung sino.

“Lalaki rin kasi ang tingin ko sa kanya. Saka may gusto ‘tong iba,” ganti niya. “Si—”

“Ha! Ha! ‘Di ba, bati tayo?” saka ko siya pinandilatan at ngumiti naman siya na parang akala mo ay kung sinong nanalo sa contest.

Buti na lang talaga at nagsimula nang magsalita ang MCs kaya napunta ro’n ang focus nila. Naging seryoso na rin ang atmosphere at halos dumagundong ang stage dahil sa hiyawan ng mga estudyante. Sinilip ko kung ano ang nangyayari at nalaman ko ang dahilan. The Campus Princes of our batch just entered the stage.

“And to serenade us for this night, let’s all welcome—Prince!”

Cheers erupted as Darryl, Patrick, Kevin and Gisel set up their instruments. Sina Darryl at Patrick sa guitars at sila rin ang vocalists samantalang si Gisel sa keyboard at sa drums naman si Kevin. Nakatitig lang ako sa kanila dahil hindi ako sanay na makita silang ganito.

They looked cool.

“Good evening,” Darryl greeted and I could hear the girls squealing. “Pagpasensyahan n’yo na kung hindi perfect ang performance namin. Hindi kami masyadong nakapag-practice,” sabi niya at chineer naman sila ng crowd. “May sasabihin daw si Reyes.”

Pagkasabi niya no’n ay nag-cheer muli ang mga tao. Patrick seemed flustered and I saw him glaring at Darryl. Hindi pa rin ba magkasundo ang dalawang ‘yon?

“Ah.” Chineck niya ang mic at nakarinig ako ng ilang tawanan. “Yeah. Have a good night,” sabay tingin niya kay Gisel at ngumiti naman ito.

“I hope you’ll enjoy our performance,” maiksi niyang sabi at saka naman silang tuminging lahat kay Kevin.

Tumayo si Kevin dahil nasa likuran siya at ngumiti nang malawak. He hit one of the drums and pointed the sticks at the crowd. “We dedicate this song to all of you, especially to those who have beautiful souls. Let’s get this started!”

After hyping the crowd, they started playing and the cheers got louder. Napangiti naman ako dahil mukhang alam ko na ang kakantahin nila. When Darryl sang the first line, the crowd sang along with him.

~I don't want another pretty face
I don't want just anyone to hold~

Nakatingin lang ako kay Kevin habang nagda-drums siya kaya nagulat ako nang bigla siyang tumingin sa direksyon ko at hindi ko alam kung paano niya ako nahanap.

~I don't want my love to go to waste
I want you and your beautiful soul~

What surprised me was when he mouthed the last line and pointed one of his drum sticks at me with a huge grin on his face. And in that moment, my rational side was taken over by my emotional bias.

Wala na. Umasa na ako. Nag-assume na akong baka may gusto rin siya sa akin. Hah. Pa-fall ka talagang lalaki ka at eto naman ako, isa’t kalahating tanga.

Bahala na.



***