.

.

Chapter 24

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, December 3, 2017

***

Habang nagsasaya ang mga estudyanteng nanonood ay lalo lang akong kinakabahan dahil malapit na ang stage performance namin. Idagdag pa ‘yong mga nangyari kanina kaya naman parang wala na ako sa wisyo.

“Okay ka lang, Alice?” tanong ni Jackie at ngumiti naman ako sa kanya.

“Oo. Medyo kinakabahan lang.”

“Hala ako rin! Feeling ko magkakamali ako,” dagdag ni Pam.

“Sana perfect natin,” sabi naman ni Suzy.

Nag-practice naman ulit kaming apat habang hinihintay si Kevin dahil mukhang busy ang lalaking ‘yon. Ang dami niyang ginagawa at kung saan-saan din siya pumupunta.

Naalala ko naman ang nangyari kanina kaya bigla akong napangiti. Hindi ko alam kung tama bang mag-assume pero kasi napapansin na niya talaga ako, eh. Kaso nga lang, ang iniisip ko, baka naman gano’n din siya sa ibang babae. Ewan ko ba sa sarili ko, ba’t ako nagkakaganito. Dati naman, kapag nagka-crush ako at unti-unti na niya akong napapansin, unti-unti na ring nawawala ang interes ko sa kanya. Sabi nga nila, ako ‘yong tipo ng tao na gusto lang ang challenge. Pero pagdating kay Kevin, ayaw kong tumigil.

After a few minutes, nakita namin siyang tumatakbo papunta sa pwesto namin. Exhaustion was visible on his face and I felt sorry for him.

“Last practice?” sabay ngiti niya at tumango naman kami.

Sinayaw namin ang choreography at nagpalakpakan kami nang matapos dahil wala kaming mali at synchronized ang mga galaw namin.

“Uy, Kevin, nawala na ‘yong ayos mo,” sabi ni Pam habang nakaturo sa mukha ni Kevin.

True enough, kumalat na nga ang eyeliner niya. Lahat kasi kami ay dark ang make up para match sa choreography at dahil kanina pa siya takbo nang takbo kung saan-saan ay nabura na ng pawis ang ayos niya.

“Totoo?” sabay punas naman ni Kevin sa mukha niya. “Paayos naman. Marunong ka?”

“Naku, hindi eh. Si Alice ang nag-make up sa amin.”

Sabay-sabay naman silang tumingin sa akin at nakita ko pa ang nakakalokong pagngiti ng lalaking ‘yon kaya napaiwas ako ng tingin.

“Oh. Diaz, paayos naman,” sabi niya at naglakad siya papunta sa akin.

Para naman akong napako sa kinatatayuan ko at habang papalapit siya ay lalo lang bumibilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung karma ko ba ‘to dahil sa pinaggagawa ko kanina o pinagti-tripan lang ako ng tadhana.

Huminga ako nang malalim at kinuha ko ang kit sa gilid. Dumiretso kami sa mga upuan at agad naman siyang humatak ng dalawa. We sat facing each other but I couldn’t even look at his eyes.

“Pikit,” I ordered as I opened the lid of the eyeliner.

“Paano kung ayoko?” Pagkasabi niya no’n ay nagkatinginan kami at ilang beses na akong sumigaw sa isip ko dahil ang lapit ng mukha niya at kakaiba ang tingin niya.

“Sige, tusukin ko ‘yang mata mo,” sabi ko naman at sana ay hindi niya nahalata ang panginginig ng boses ko.

“Brutal,” sabay tawa niya. “Sige na nga,” mahina niyang sabi at saka siya pumikit.

“Good.”

“Huwag mo akong nanakawan ng halik, ha?” he suddenly teased.

Buti na lang talaga at nakapikit siya dahil hindi ko alam kung ano ang naging itsura ko pagkatapos niyang sabihin ‘yon. Ang malala, napatingin din ako sa labi niya at kinailangan kong pumikit din para kalmahin ang sarili ko.

Baliw ba siya?! Bakit siya nang-aasar nang ganyan? And how could he say those words with a straight face?

Huminga naman ako nang malalim pero nakaka-stress dahil nakangiti pa rin siya habang nakapikit. Ang init na tuloy ng mukha ko. Buti na lang at hindi niya nakikita dahil mamamatay talaga ako sa hiya.

I held his face with my left hand and started lining his eyelids with my right. His smile disappeared and I felt his shoulders tensed. This time, ako naman ang napangiti. Hah! Akalain mong nagiging awkward pa rin pala siya sa ganito kahit na ang dami nang babaeng nakalapit at nakahawak sa mukha niya.

Binilisan ko na lang ang pag-aayos sa kanya dahil unti-unti nang nanginginig ang kamay ko at masyadong malapit ang mukha niya. I had this urge to trace his facial features while his eyes were still closed and I was glad I was able to restrain myself.

“Okay na,” sabi ko naman at agad siyang dumilat. Our eyes met each other and he suddenly smiled.

“You’re prettier up close,” mahina niyang sabi at parang lalabas na ang puso ko sa sobrang kaba dahil doon. Halos sumigaw na ako sa utak ko pero pinipilit kong huwag ipakita sa mukha ko ang panic na nararamdaman ko ngayon.

“Lakas mo talagang mambola,” I retorted and immediately turned around to breathe.

Naramdaman ko naman ang pagtayo niya at pagtingin ko ay nasa gilid ko na siya. Sabay na rin kaming naglakad papunta sa group namin dahil malapit na ang performance namin.

“Seryoso ako pagdating sa’yo,” bigla niyang sabi habang naglalakad kami at saka siya nagtuluy-tuloy papunta sa backstage. Hindi naman agad ako nakapag-react dahil baka nabingi o nagkamali lang ako ng rinig at nang na-realize ko ang sinabi niya ay napahawak ako sa dibdib ko.

Seriously, that guy would be the death of me.


***


“Oh my gosh! We did it!” sigaw ni Suzy nang matapos ang performance namin.

Halos nanginginig ang tuhod ko habang bumababa kami ng stage. The crowd was still cheering and that really lifted my spirit. I was kind of down because of my little mistake and the trouble it had caused.

Umalis sina Pam para lumibot dahil hindi nila ‘yon magawa kanina. Balak ko sanang hintayin silang makalayo lahat pero nakita ko namang seryosong nakatingin sa akin si Kevin. It seemed like he was also waiting for them to leave and when they were out of earshot, he approached me.

Pinilit ko namang ngumiti. “Bakit? Anong problema—”

“Remove your shoes,” he ordered.

Hindi na ako nakapagsalita at pareho lang kaming nakatingin sa isa’t isa. So he noticed, huh?


“Okay lang naman ako—”

“You’re not,” he sternly said. “And it’s my fault.”

Bigla naman niya akong hinatak papunta sa may mga upuan sa gilid at naalala ko ang nangyari habang nagpe-perform kami. It happened when we were about to change our positions. Our feet got tangled with each other and I twisted my ankle. Nakaya ko pa namang ipagpatuloy ang choreography dahil sa adrenaline pero pagkatapos no’n ay naramdaman ko na ang sakit kaya ang bagal kong bumaba kanina.

“T-teka, a-ako na—”

Nahiya naman ako nang sinimulan niyang tanggalin ang sneakers ko pero napakagat ako sa labi ko nang maramdaman ko na naman ang sakit.

“Crap. It’s already swollen,” he muttered as he checked my right foot.

“Okay lang, hindi pa naman gano’n kasakit,” I lied. “Saka uuwi na rin naman ako.”

“Paano ka uuwi?” tanong niya.

“Uhm, baka sumabay ako kay Yna?” pagsisinungaling ko na naman.

Ang sabi ni Yna, may pupuntahan pa raw siya mamaya at ‘yong dalawang prinsesa ay paniguradong ihahatid nina Darryl at Patrick. Magpasundo na lang kaya ako kay Daddy? Kaso ang sabi niya, gagabihin din siya. Mukhang wala akong choice kundi mag-taxi.

“Give me your phone,” sabi naman niya bigla.

“Ha? Bakit?”

“Basta.”

‘Di ko naman alam kung ano ang problema ng isang ‘to pero dahil mukhang seryoso siya ay ibinigay ko na rin. Akala ko nga ay siya na ang magbu-book ng taxi pero nagulat ako nang bigla niyang inilagay sa tenga niya ang phone ko.

“Huy, sino ‘yang tinatawagan mo?” tanong ko at akmang aagawin ko ang phone pero bigla naman siyang tumayo. Hindi niya ako sinagot at hindi na rin ako makagalaw dahil ang sakit ng paa ko.

“Good evening po,” bati niya at bigla akong kinabahan dahil sa tono niya. Oh God, don’t tell me . . .

“Si Daddy ba ‘yan?” I mouthed but he just stared at me. Oh my God, mukhang si Daddy nga!

“Si Kevin po ‘to, ‘yong naghatid kay Alice last time.”

Halos hindi na ako makahinga dahil sa kaba. Idagdag pa na alam ni Dad na siya ang anak ni Katrina at alam niya ring may gusto ako sa kanya.

“Alice twisted her ankle due to my carelessness so she couldn’t walk properly right now. Yes, po. Sorry po. Don’t worry po, ihahatid ko siya sa bahay n’yo. Yes, Sir. Thank you and sorry.”

Natapos ang tawag niya at doon lang ako nakahinga. Nang inabot niya sa akin ang phone ko ay tinanong ko kung ano ang sinabi ni Dad pero nginitian lang ako ng loko.

“Ano nga kasing sinabi niya?” pangungulit ko.

“Ingatan daw kita,” he said with a smirk.

“Huwag ka ngang sinungaling. Nantitrip ka na naman.”

“Syempre, trip kita.”

Binato ko sa kanya ‘yong hinubad kong sapatos pero naiwasan niya. Badtrip na lalaking ‘to, dinadaan na naman niya ako sa mga linyahan niya na effective pagdating sa akin. Buti na lang talaga at na-master ko na ang poker face ko kaya hindi halata sa expressions ko kahit na sa katunayan ay nagwawala na ang kaluluwa ko.

“Here you go, Cinderella,” he teased while giving me the shoe I threw at him.

Inirapan ko na lang siya at sinuot ang sapatos. Tumayo naman na ako at inalalayan niya ako sa paglalakad. He actually attempted to carry me first but I smack his back when he reached for my legs.

“Baliw ka ba?!” I retorted and I felt my blood rushing to my cheeks.

“Grabe ka naman. Ikaw na nga tinutulungan.”

“Tulong ba ‘yon? Ang dami-daming estudyanteng nakakalat. Mamaya kung ano pang isipin nila.”

“Ano naman?”

“Ewan ko sa’yo.”

Bigla naman siyang tumawa at hindi ko alam kung pinagti-tripan niya lang ba ako o ano. Badtrip na lalaking ‘to, wala naman akong ginagawang masama sa kanya!

Habang naglalakad kami papunta sa parking area ay pinagdarasal ko na sana ay walang makakita na kakilala namin pero dahil malas yata talaga ako ngayon ay nakasalubong namin si Karla.

“Oh.” Tumingin pa siya sa braso namin dahil nakahawak ako kay Kevin para suportahan ang bigat ko. Ito namang batang ‘to, ngumiti pa nang nakakaloko.

“Pilay ako,” sabi ko kaagad dahil nakakainis ang ngiti niya.

“Wala naman akong sinasabi, Ate Alice,” she retorted. “Why are you so defensive?”

Itong si Kevin naman, aba, nakuha pang tumawa! Nakakainis na magkapatid ‘to, pinagtulungan pa ako!

“Teka, ikaw, saan ka pupuntang bata ka?” tanong naman ni Kevin kay Karla.

“May imi-meet na friend,” sagot naman niya.

“A girl friend or a guy friend?”

“A guy friend. Bakit, masama ba?”

“Siguraduhin mong friend lang ‘yan. Wait, I need to see—”

“No way! Ihatid mo na nga lang si Ate Alice. Bye,” sabay lakad niya nang mabilis.

Napangiti naman ako sa usapan nila at talagang protective siya sa kapatid niya. Nakakatuwang makita ulit ang side niya na ‘yon. It was kind of refreshing.

Nang makarating kami sa kotse niya ay agad akong sumakay sa passenger seat. Parang nawalan na ako ng energy dahil sa mga ginawa ko buong araw at idagdag pa ‘tong sprain ko. Buti na lang talaga at sembreak na.

Naramdaman ko na lang na huminto ang sasakyan at hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Inayos ko kaagad ang sarili ko at narinig ko ang mahinang pagtawa ni Kevin kaya medyo nahiya ako. Hala baka nakanganga ako kanina o kaya tumulo laway ko. My God, sana hindi!

Tinanggal ko ang seatbelt at inalalayan niya rin ako sa pagbaba.

“Thank you,” sabi ko at nginitian niya naman ako.

Papasok na sana ako pero napatigil ako nang nakita kong lumabas si Mommy at may kasama siyang bisita. I was about to call her but when I saw the woman beside her, I immediately looked at Kevin.

“Hey, gabi na. You should go home—”

“O, Alice, nandito ka na pala,” bati ni Mom nang nakita niya ako at napapikit na lang ako dahil nawala ang ngiti sa mga labi ni Kevin.

His expression turned cold but I could see the yearning in his eyes as he looked at the woman beside my Mom. I wanted to, at least, comfort him but I couldn’t.

“Of all places, why here?” he muttered as he clenched his fist.

“Kevin . . .” tawag ko pero hindi ko naman alam ang sasabihin.

“Is this some kind of a joke?”

“Kevin,” the woman called and his shoulders tensed.

“Mom,” he answered as he glared at his mother.



***