.

.

Chapter 25

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, December 31, 2017

***

Nawala agad ang sayang naramdaman ko kanina at napalitan ‘yon ng bigat ng loob. The atmosphere was heavy and Kevin was the first to make a move. He walked out, got into his car and drove away, leaving the three of us in awkward silence.

“Sorry,” sabi ng Mom ni Kevin matapos ang ilang segundo at napilitan naman kaming ngumiti ni Mommy. “Sige, mauna na ako.”

“Sorry, naabala pa kita,” sabi naman ni Mommy.

“It’s okay,” she smiled. “Good night.”

Mom and I watched her as her car roared and disappeared in our sight. Nakatayo lang kami ro’n na para bang pareho kaming may ginawang kasalanan. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Mommy at inalalayan niya ako papasok sa bahay.

“I think I did something bad,” she muttered as we both plopped on the couch.

“Ano bang ginagawa ni Tita Kristina rito, Mom?” I asked.

She heaved a sigh. “Nasiraan ako ng sasakyan kaya nag-offer siya na ihatid ako nang makita niya ako sa same conference. And you? Why are you with her son? And what happened to your foot?”

“Sprained it during the performance. Nag-insist siya na ihatid ako. Dapat pala hindi na lang, eh ‘di sana . . .”

“I didn’t know it would end up like that. It seems like her relationship with her children isn’t good. Akala ko kahit hiwalay na siya sa kanila ay nag-uusap pa rin sila.”

Sinabi naman sa akin ni Mommy na bukas ay pupunta kami sa ospital para ipatingin ang paa ko at tinulungan niya ulit ako hanggang sa makarating kami sa kwarto. Ipapadala na lang din daw niya ang dinner ko rito para hindi ko na kailangang gumalaw.

Ilang minuto pa akong tumunganga bago tuluyang pumunta sa banyo para mag-shower. My foot was still throbbing but the pain was bearable. Hindi ko lubos maisip kung ano ang nararamdaman ngayon ni Kevin at na-guilty ako dahil sa bahay niya pa talaga nakita ang Mom niya. Hindi ko rin siya masisisi kung iba ang isipin niya dahil doon.

Pagkatapos kong mag-shower ay nagbihis na rin ako at dahan-dahang humiga sa kama dahil sa kondisyon ng paa ko. Kinuha ko ang phone ko at pumunta ako sa inbox. I was contemplating whether to text him or not. In the end, nag-message din ako.

Good evening! Ingat sa pag-uwi.

Hindi ko naman masundan at ayaw ko ring i-open ang topic tungkol sa Mom niya. Naghintay ako ng ilang minuto, na umabot na sa oras pero hindi dumating ang kahit anong message mula sa kanya. Bigla tuloy bumigat ang pakiramdam ko.

Uy, are you okay?

Nag-text ulit ako, umaasang magre-reply siya pero wala pa rin. Hindi ko tuloy alam kung ayaw niya lang ng kausap o galit siya sa akin. Pero hindi naman maiiwasan ‘yong pangalawa dahil nakita niya ang taong kinaiinisan niya sa bahay namin kasama ang Mommy ko. Kung ako ang nasa posisyon niya, magagalit din ako dahil parang pinagkaisahan ako.

Itutulog ko na lang sana ang pag-aalala ko nang biglang nag-vibrate ang phone ko at mabilis ko ‘yong kinuha. It was a message from him.

Yes

Iyon ang natanggap ko at hindi ko alam kung dapat ko ‘yong paniwalaan. He looked mad when he walked out a while ago but maybe he had cooled his head somehow.

Naalala ko naman ‘yong araw na nakita niya sa VCR ng isang class ang Mom niya at hindi siya okay noon. He needed a shoulder to lean on and what happened few hours ago was worse.

Tinext ko ulit siya pero hindi na ulit siya nag-reply kaya tumawag na lang ako. However, he was already out of reach. Nag-message na rin ako kay Karla at tinanong ko kung nakauwi na ba si Kevin pero sabi niya, nag-text daw sa kanya na hindi siya uuwi sa kanila ngayong gabi. Lalo lang akong nag-alala kaya tinawagan ko si Karla at sinabi ko sa kanya ang nangyari.

“Oh, God. Kaya pala,” sabi niya matapos kong magkwento.

“Sa tingin mo, okay lang siya ngayon?” I asked, still worried about him.

“No, but he doesn’t want people to see that he’s not fine. He’d rather suffer alone,” sagot naman niya at alam kong totoo ang sinabi niya dahil nakita ko na si Kevin sa gano’ng sitwasyon.

“Sige, sabihan mo na lang ako ‘pag nakauwi na siya.”

“Okay.”

“Thank you, Karla.”

“No, I should be the one saying thank you,” sabi niya kaya napakunot ang noo ko.

“Ha? Bakit naman? Dapat nga mag-sorry pa ako kasi—”

“Sa lahat ng babae sa paligid niya, ikaw lang ang nag-aalala sa kanya.” Her words shut me up. “You’re the only one who saw through his façade. The only one who truly cared. So thank you.”

Pagkatapos niyang sabihin ‘yon ay naputol na ang linya at hindi naman ako agad nakagalaw. The phone was still on my ear, her words ringing inside my head and I don’t know if I should believe her or not. Sa dami ng babaeng nakapalibot kay Kevin, imposibleng hindi nila mapansin kapag may kakaiba sa kanya.

Dala na rin siguro ng pagod kaya agad akong nakatulog matapos ‘yon at paggising ko ay sumakit ang leeg ko dahil sa posisyon ko ng pagtulog. Napatingin ako sa digital clock sa bedside table ko at napabangon ako nang nakita kong 9 A.M. na. Pababa na ako sa kama nang na-realize kong tapos na nga pala ang sem at ang school year. Sumakit pa lalo ang paa ko dahil ‘yon ang una kong naiapak sa sahig at nakalimutan kong na-sprain pala ako.

I checked my phone and still no message from him and Karla. Nakaka-stress naman. Ang saya-saya ko pa kahapon dahil sa mga pinaggagawa niya tapos biglang ganito. Napaisip tuloy ako kung kumusta na siya. He was exhausted even before the concert and seeing his mother might have drained his energy. I couldn’t help but worry about him. Sana lang, okay na siya ngayon.


***


“Papunta na ako,” sabi ni Steff sa kabilang linya. “Are you sure it’s okay?”

“Oo naman. And bored na ako rito sa bahay.”

Dalawang araw na akong nasa bahay lang dahil may cast ang paa ko at in-advise ng doctor na huwag muna akong lumabas o bumiyahe para raw gumaling kaagad. Nang sinabi ko ‘yon sa tatlo ay agad-agad silang nag-arrange ng schedules nila para mabisita ako. Na-touch ako ro’n pero ayaw ko namang sabihin kasi paniguradong mang-aasar lang sila.

Nagpaluto ako sa kasambahay namin para sa aming apat at na-excite naman ako sa pagdating nila. Hindi rin kasi kami nakapag-usap these past few weeks dahil busy kami sa kani-kaniya naming ginagawa. Lalo na ‘yong dalawa dahil ang dami nilang activities na sakop ng pagiging Campus Princesses nila.

I still couldn’t reach Kevin but Karla said he came home yesterday night. At least, nasa family niya na ulit siya. ‘Pag talaga naiisip ko siya, bigla akong nagi-guilty kahit hindi naman sinasadya ang pagkikita nila. Pakiramdam ko rin nagalit talaga siya sa akin. Nakakalungkot tuloy.

“Alice!”

Napalingon naman ako at nakita ko si Steff kaya kahit papaano ay gumaan ang loob ko. May dala siyang cake at for sure ay chocolate-flavored ‘yon. After several minutes, dumating na rin sina Yna at Jess kaya ang ingay na sa living room.

“I heard some rumors,” panimula ni Yna habang nakangiti nang nakakaloko sa akin. “They say someone became a Campus Prince’s Cinderella.”

“Ohh, sino kaya?” gatong pa ni Jess at siniko-siko niya pa ako.

Pinakita naman ni Yna ang post na ‘yon sa underground website at nasamid ako dahil sa naka-display na picture. It was that time when Kevin put my shoe after I sprained my foot. Luckily, the photo was blurred and the place was dark so they only captured our silhouettes.

“Obvious na obvious naman kung sino,” sabi ni Jess habang binubuksan ang cake na dala ni Steff.

“Na-sprain nga kasi ako, ‘di ba?” I retorted but they all gave me the same teasing smile.

“Kinilig ka, ano?” pang-aasar ni Steff.

“For sure,” dagdag ni Yna.

O, ‘di ba? Ako na naman ang na-hot seat? Buti na lang talaga at wala sina Mom at Dad dahil paniguradong ilalaglag ako ng mga ‘to.

“May balita ba kayo sa kanya?” tanong ko na lang. Baka may makuha ako sa kanila.

“Aba, ikaw ang kasama niya no’n, dapat ikaw ang nakakaalam.” Kung hindi lang talaga ako na-sprain, kanina ko pa nasipa ‘tong si Jess.

“Para kasing may something sa kanya, eh,” sabi ko na lang. Hindi naman nila alam ang tungkol sa Mom niya kaya hindi ko pwedeng sabihin ang nangyari last time.

“Yie, concerned,” Yna teased and she earned a glare from me.

“Girlfriend? Girlfriend?” Makakatikim na talaga sa akin ang maliit na babaeng ‘to.

“Masama bang maging concerned?”

“You can ask Patrick,” sabi naman ni Steff. “I think I saw them yesterday. Nag-dinner kasi kami nina Ven and Dad tapos parang nakita ko silang pumasok sa kabilang restaurant bar.”

“B-bar?!” halos sabay naming sabi ni Jess.

“O, bakit ako ang sinisigawan n’yo?”

Napaatras naman kami dahil nag-puppy eyes na siya. Nagulat lang naman ako dahil sa bar sila pumunta. Siguro uminom siya at sinamahan siya ni Patrick? Well, at least may kasama siya . . .

Teka nga, feeling ko nagkakatotoo na ‘yong sinasabi ni Jess. Kung makapag-isip naman ako, akala mo boyfriend ko siya. Hay naku, tama na nga ‘to! Ikakain ko na lang lahat ng nararamdaman ko.


***


Isang linggo na ang nawala sa dalawang buwan naming bakasyon. Nag-out of the country si Steff kasama ang family niya at si Yna naman, bumalik sa Korea. Si Jess, nasa villa nila at ang alam ko, pupunta rin do’n si Patrick para dalawin siya. Ako? Heto, nasa bahay pa rin. Well, at least natanggal na ang cast ko sa paa at nakakapaglakad na rin ako nang maayos.

Isang linggo na ring hindi nagpaparamdam si Kevin at alam kong wala naman akong karapatang magtampo pero nakakatampo pa rin. See? Wala man lang message—

Napabangon ako sa kama nang makita ko na may text galing kay Kevin. Chineck ko pa kung Kevin Fuentez talaga ang nakalagay at nang ma-confirm kong siya nga ay agad ko ‘yong binuksan.

Please keep it a secret.

Nag-reply agad ako sa kanya.

I will. Okay ka na?

Pagka-send ko no’n ay tinamaan naman ako ng hiya dahil parang ang feeling close ng sinabi ko. Habang inaaway ko ang sarili ko dahil do’n ay nag-vibrate ulit ang phone ko.

No.

Iyon ang reply niya. Magre-reply pa lang sana ako nang may dumating ulit na message.

Pwede ba kitang makita?

Nanlaki ang mga mata ko nang nabasa ko ‘yon. Naramdaman ko ang pagbilis at paglakas ng tibok ng puso ko at ilang minuto ko ‘yong tinitigan.

This time, I was the one who couldn’t reply.



***