***

"O, saan ka pupunta?" bungad ni Mommy nang nakita niya akong pababa sa hagdan.

"Ah, may i-mi-meet lang," sagot ko naman at naningkit ang mga mata niya.

"The Fuentez kid?"

Napatigil ako paggalaw nang narinig ko 'yon at nginitian naman niya ako. Obvious ba ako masyado at pati si Mommy ay alam na ang mga ikinikilos ko?

"Dahil ba 'to sa nangyari noong nakaraan?" tanong niya at tumango naman ako. "Sige na. Mag-ingat sa paglalakad. You could re-injure your foot."

"Okay, Mom. Bye!"

Mabilis naman akong naglakad palabas at tatawagin ko pa lang sana 'yong driver namin pero nagulat ako nang may bumusina mula sa labas. Nakita ko naman ang kotse niya at napako na ako sa kinatatayuan ko. Hindi naman niya ako in-inform na susunduin niya ako! May palagay-lagay pa siya ng place at time tapos biglang nasa harapan na siya ng bahay?

Huminga muna ako nang malalim pero parang nag-backfire 'yon at naubo ako dahil lumabas siya mula sa kotse niya nang naka-shades pa. Mukha siyang artista. Pakiramdam ko nga ay nakita niya akong nakanganga lang habang nakatingin sa kanya. Oh my gosh, sana feeling ko lang 'yon kasi nakakahiya!

Lumapit ako sa kanya at binigyan niya ako ng isang mabilis na ngiti. Pinapasok niya ako sa kotse at ramdam ko naman na parang wala pa rin siya sa sarili niya. The atmosphere was still awkward between us after what had happened and I couldn't think of anything to say that wouldn't remind him of his Mom.

"Sorry, saan mo gustong kumain?" tanong niya habang nakangiti pero hindi ko alam kung sincere ba 'yon. Dahil ayaw ko namang lalong maging negative ang atmosphere ay sinagot ko na lang siya.

"Sa favorite mo na lang?" I returned and his smile widened a bit.

Pinaandar niya ang sasakyan at napangiti rin ako dahil sa pagngiti niya sa akin. Dahil doon ay medyo gumaan ang pakiramdam ko. Gusto ko rin kasing malaman kung saan ang favorite restaurant niya.

"Bakit ka pala naka-shades?" tanong ko at akala ko ay magbibiro siya pero hindi ko naman inasahan ang nakita ko. His shoulder tensed and he gripped the wheel so hard his knuckles became white. "O-okay lang naman na hindi mo sagutin—"

Huminga siya nang malalim at nagulat ako nang tanggalin niya ang sunglasses niya. He was still looking at the road but I could see the purplish bruise on his right eye.

"A-anong nangyari diyan?" tanong ko habang nakatingin sa black eye niya.

"Ah. Napaaway."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Naalala ko tuloy noong sinugod niya si Stan pero parang mas malala ang away na pinagmulan ng nangyari sa mata niya.

Gusto ko pa sanang magtanong pero mukhang wala na akong makukuha dahil seryoso na ang mukha niya. We were silent during the whole ride and it was suffocating. Minu-minuto kong pinapanalangin na sana ay makarating na agad kami sa resto at nang may natanaw ako ay halos tanggalin ko na ang seatbelt dahil gustung-gusto ko nang lumabas.

Pagkarating namin doon ay nauna na akong lumabas at agad na lumanghap ng sariwang hangin. Akala ko malalagutan na ako ng hininga kanina dahil sobrang awkward namin. Nakakainis lang dahil hindi ako sanay na ganyan siya at mas gusto kong makita ang easygoing nature niya.

Sinuot niya ulit ang sunglasses niya at pumasok kami sa loob ng restaurant. Isang hakbang pa lang sa loob ay nakaawang na ang bibig ko dahil sa pagkamangha. We were greeted by romantic lights, different kinds of plants and paving stones, giving a "secret garden" vibe. Along the path were private gazebos and I could see families, couples and friends gathered in each of them.

I suddenly felt jittery after seeing the setup of the gazebos since they were radiating romantic atmosphere. Ayan na naman. Dahil sa mga kinikilos niya, umaasa na naman ako. I mean, ito ba talaga ang favorite restaurant niya? Itong romantic place na 'to? O baka naman dito niya dinadala lahat ng kalandian niya kaya naging favorite niya.

Hay. Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ako o maiinis.

In-assist naman kami ng isang staff papunta sa isa sa mga gazebo at pagpasok namin ay sinalubong agad kami ng rose petals na nakakalat sa sahig. Kahit alam kong gano'n ang setup sa lahat ng gazebo ay bumilis pa rin ang tibok ng puso ko.

Umupo kami at nagsimulang um-order. Paglabas ng staff ay nabalot na naman kaming dalawa ng katahimikan at mas awkward pa kaysa noong nasa kotse kami dahil sa ambiance ng lugar na 'to.

"Wala naman na sigurong makakakita," he muttered as he removed his shades.

I looked at him with worried eyes. "Masakit?"

Ngumiti naman siya sa akin. "Medyo," sagot niya. "Buti na lang talaga at sembreak na."

"Saan mo nakuha 'yan?"

"Somewhere."

"Sa bar, 'no?" Nagulat naman siya sa sinabi ko.

"How did you know that?"

Sinabi ko sa kanya na nakita sila ni Steff na papasok sa isang resto bar last time. Kinakabahan pa ako habang sinasabi 'yon dahil alam kong palapit connected 'yon sa Mom niya. His face hardened and he looked frightening because of his bruise.

I was getting more anxious and I hated that feeling so I decided to ask him straight to the point.

"So, bakit mo ako gustong makita?" tanong ko at parang gusto ko agad bawiin 'yon dahil ang weird pakinggan. "Uhm, dahil ba sa nangyari noong nakaraan?"

"One of the reasons," sabi naman niya.

Sakto namang dumating ang pagkain namin at sinabi niyang kumain muna kami bago namin pag-usapan ang bagay na 'yon. Sabagay, baka hindi na rin namin 'to magalaw kung didiretso kami sa nangyari. In fairness, ang bilis naming naubos ang nakahain at nag-serve naman sila ng dessert.

"Sorry," I said. "I mean, alam ko namang iba ang naisip mo nang nakita mong magkasama sa bahay namin."

"Yeah," sabi naman niya. "Maybe I misinterpreted it. I was too shocked and mad that time that I couldn't think straight anymore."

"Actually . . ."

Ikinuwento ko naman sa kanya ang totoong nangyari pero hindi ko mabasa ang mukha niya. Pagkatapos kong sabihin ang side ko ay nabalot kami ng katahimikan at hindi ko na alam ang dapat gawin dahil lalong naging seryoso ang expression niya.

“I see,” he muttered.

Tumingin naman siya sa akin at nagulat ako nang bigla siyang ngumiti. He flashed the smile I was familiar with and that was what I wanted to see the most. Para akong nabunutan ng tinik sa dibdib nang nakita ko ‘yon kaya naman ngumiti rin ako sa kanya.

“Sorry for my behavior last time,” dagdag niya habang nakatingin sa akin. “Ang dami ko rin kasing iniisip no’n at nang makita siya, I just . . . lost it.”

“Okay lang. Uhm, nakausap mo ba ang Mom mo after that?”

“No,” matigas niyang sagot. “Wala na kaming dapat pang pag-usapan. She already cut her ties with us when she left.”

“Okay,” sagot ko naman at sinubukang pagaanin ang sitwasyon. “Actually, hindi ko rin talaga in-expect na may gano’ng plot twist.”

Ngumiti naman siya. “Akala ko tinago mo sa akin ‘yon. I thought you betrayed me.”

“Grabe naman ‘yong betrayed,” I said and he snickered.

“Syempre, ang ganda na ng nangyari sa atin bago ‘yon tapos biglang gano’n.”

Naubo naman ako nang sinabi niya ‘yon at naalala ko ang nangyari pagkatapos ng performance. Napatingin ako sa paa ko na na-sprain that time at kung paano niya ako inasikaso noon.

“Ayos na ba ‘yang paa mo?” tanong niya.

“Ah, oo, pero one week akong ‘di nakalabas ng bahay.”

“Whoa. Gano’n kalala?”

Naging light na ang usapan namin after that kaya naman nagawa ko na siyang biruin tungkol sa black eye niya. According to him, he got drunk and bumped into someone in the bar. Nagkainitan sila at doon siya nasuntok sa mukha. Buti na nga lang daw at nandoon si Patrick para awatin siya, kung hindi ay baka kung ano na ang nangyari.

Napunta naman ang usapan namin sa kung saan-saan hanggang sa napasok doon ang mga naging babae niya kaya medyo nawala ang ngiti ko.

“Buti nga at masaya na ngayon si Jane,” sabi niya.

“Buti talaga,” bulong ko naman.

“Hm? May sinabi ka ba?”

“Wala,” sagot ko at ngumiti naman siya nang nakakaloko kaya tinaasan ko siya ng kilay. “Ano ‘yang itsurang ‘yan?”

“Bakit parang galit ka? Or is that . . .”

“Ha! Bakit naman ako magagalit?”

“Eh selos?”

“Excuse me? Ako? No way.”

Iniwasan ko naman ang tingin niya dahil baka bigla na lang akong mamula o mapasigaw. Nararamdaman ko na nga ang pag-init ng mukha ko dahil sa mga pinagsasabi niya at mukhang bumalik na talaga siya sa normal. Nawala naman ang ngiti sa mga labi niya at napalitan ‘yon ng seryosong expression. Ipinatong niya ang mukha niya sa kamay niyang nakatukod at tumitig sa akin.

“Talaga?” he asked, his alluring almond eyes looking straight into mine.

Napaatras ako sa upuan at parang sasabog ang puso ko sobrang lakas ng tibok nito. Hindi ko alam kung nagloloko o seryoso ang tanong niyang ‘yon pero kahit ano pa ‘yon ay hindi rin ako nakasagot. I realized I wasn’t breathing for a few seconds and I had to pinch my leg to make me snap out of this romantic ambiance I was imagining.

“W-what’s with you today?” I asked and my voice sounded so small.

“Can’t you answer it with a concrete no?” balik naman niya at saglit na napakunot ang noo ko dahil doon. “Please?”

“Bakit?”

“Para tumigil na ako,” sagot niya. “Para mawala na ang kahibangan na ‘to.”

Hindi ko alam kung ilang segundo kaming nakatingin sa isa’t isa nang walang sinasabing kahit ano. His words echoed inside my head but I couldn’t process them. They sounded like a fantasy, like a lie.

“A-anong pinagsasabi mo d’yan—”

“Gusto na yata talaga kita,” he said, cutting me off, and those words flustered, thrilled and scared me all at the same time. “I said I’ll make you like me but I don’t want that to happen anymore. Hindi ko kaya.”

“A-ang alin?” Hindi ko alam kung paano ko pa nagawang magsalita pagkatapos no’n pero gusto kong malaman. Ayaw ko siyang tumigil sa pagsasalita.

“I’ve grown to hate, or rather, fear this kind of feeling because eventually, you have to commit to each other. I’ve seen my parents struggled through that and I don’t want to experience that kind of torture,” sagot niya naman.

Para akong sinampal no’n kahit na sinabi niyang nagugustuhan na niya ako. Saka ko na-realize na kaya hindi pa siya nagkaka-girlfriend ay dahil sa rason na ‘yon. Ang bilis at lakas pa rin ng tibok ng puso ko pero bumigat naman ang pakiramdam ko.

He just confessed and at the same time rejected my unsaid feelings.

Ngumiti naman siya bigla at sinubukan kong maging kalmado kahit na pakiramdam ko ay kaunti na lang, babagsak na ang luha ko.

“Sorry. Did that burden you?” tanong niya. “Mukhang okay lang naman since sabi mo hindi mo ako magugustuhan.”

“K-Kevin . . .”

“Ikaw kasi, masyado kang pa-fall.”

Kahit na gano’n ang sitwasyon ay nagawa ko pa ring itaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Excuse me? Sino kayang pa-fall sa aming dalawa? Hindi ba siya ‘tong laging bumabato ng mga nakakakilig na linya? Siya ‘tong ang lakas laging mang-asar! Siya ang pa-fall!

“I would never be ready to commit so I really didn’t think I’d fall for someone. Pero okay na rin ‘to. At least nasabi ko na. At makakapag-adjust na tayo pareho. Huwag kang mag-alala, ‘di na kita guguluhin. Baka mahulog pa ako sa’yo lalo, mahirap na.”

Hindi ko alam kung paano niya nasasabi ‘to nang hindi man lang nahihiya. Pakiramdam ko ay lahat ng dugo ko, nasa mukha ko na dahil sa mga salita niya. I mean, si Kevin Fuentez? May gusto sa akin? Seryoso ba siya? Pinagtitripan niya lang ba ako? Nananaginip ba ako?

Ilang minuto na akong nakanganga lang, hindi alam kung ano ang sasabihin at nakita ko namang napangiti si Kevin habang nakatingin sa akin. Ayan na naman ‘yang ngiting ‘yan. O ngayon, sino kayang pa-fall sa atin?!

“Sorry, but can I be selfish for one last time?” bigla niyang tanong pero hindi pa rin ako makasagot.

I was surprised when he suddenly stood up and leaned forward, our faces only several inches apart. The time after that seemed to slow down and all I could hear was my pounding heart. The next thing I knew, his lips were already on my cheeks.

"See you next sem, Alice," he said and he left, together with my soul and heart.



***