***

Gaga ka ba?

'Yon ang una kong naisip pagkatapos na pagkatapos kong sabihin 'yon kay Kevin. I was still clinging on his shirt and all I could hear was my throbbing heart. There was an awkward silence between us and I had to look at the ground to save myself from further embarrassment.

OH MY GOD. Nag-confess talaga ako. Teka, anong gagawin ko?! Pwede bang bawiin? Pwede bang mag-time travel? Pwede bang hindi niya na lang narinig 'yon? Pwede bang kainin na ako ng lupa?

Naramdaman ko naman ang paggalaw niya kaya parang tumigil ang tibok ng puso ko. He cleared his throat and I wanted to cover my ears because I was afraid to hear the words that would come out of his mouth. Paano kung mangyari na naman ang nangyari noong gabing 'yon? Paano kung i-reject niya ang feelings ko?

"Uhm, Al—!" Hindi niya naituloy ang sasabihin niya dahil tinakpan ko ng kamay ko ang bibig niya.

"Shh!" Tumingin ako sa kanya at nakita ko ang gulat niyang mukha. "H-huwag kang sasagot! Okay?" Agad naman siyang tumango. "Bye!"

Bago pa siya tuluyang makapag-react ay kumaripas ako ng takbo at hindi ako tumigil hanggang sa masigurado kong hindi niya ako maaabutan o makikita man lang. Narinig ko pa ang pagsigaw niya ng pangalan ko noong palayo pa lang ako sa kanya pero hindi ako lumingon.Wala na akong pakialam kahit pinagtitinginan ako kanina dahil takbong kabayo ang ginawa ko basta makalayo lang ako sa kanya.

"My God, anong ginawa ko?!" sabay tuktok ko sa ulo ko. Gusto ko na lang i-umpog ang ulo ko sa pader para matauhan at makalimutan ko ang kahihiyang 'yon.

Buti na lang talaga at isa lang ang class ko ngayong umaga kundi paniguradong lilipad lang ang isip ko sa klase. Huminga ako nang malalim para kumalma. Nandito ako ngayon sa likod ng Arts and Letters Building. Buti at wala masyadong tao ngayon dito.

Napasandal ako sa pader at nag-slide paupo. Para talaga akong tanga kanina. Nag-confess nga, tumakbo naman agad. Ewan. Yes, I wanted to know his answer yet I was afraid to hear it. What if ang isagot niya ay 'yong ayaw kong marinig?

"Ate Alice?"

Napatingin naman ako sa tumawag sa pangalan ko at halos mapasigaw ako nang makita ko si Karla. She looked worried.

"Anong nangyari sa'yo?" tanong niya sabay tabi sa akin.

"Oh. W-wala," sagot ko. "Wala naman."

Bakit ngayon pa siya nagpakita? She looked just like her brother and his face was the last thing I wanted to see. Pero hindi ko naman siya mataboy dahil wala naman siyang ginagawang masama. She was just concerned and she didn't know that my problem was caused by her brother.

"You can fool everyone with your lies but right now, it seems like you can't even lie to yourself," she said.

"Wow. 'Di ko alam kung compliment 'yan o insulto," I retorted. Pakiramdam ko tuloy, katabi ko si Steff dahil pinapangaralan niya ako. Ang kaibahan lang, mas bata sa akin si Karla.

Ngumiti naman siya sa akin. "Does this involve my idiot brother?" tanong niya.

"No."

"A terrible liar."

"Great. Ano, nakakabasa ka na rin ba ng utak?" sarkastiko kong tanong pero natawa naman siya.

"That's impossible. Anyway, mukhang dahil nga kay Kuya. Ano na namang ginawa niya?"

"Hmp. Kakampi mo ang kuya mo. Bakit ko sasabihin sa'yo?"

"Gano'n ba? Okay. Sa kanya ko na lang itatanong," sabay tayo niya at mukhang seryoso siya kaya hinatak ko siya pabalik.

"W-wait!"

Pagtingin ko, she already had this smug face, too similar with this brother. Ugh. Itong magkapatid na 'to!

Wala akong choice kundi sabihin sa kanya ang nangyari dahil baka kapag galing kay Kevin ay mag-iba ang kwento. I told her the incident before that but left out what happened at the club since it involved her mother and Stan. After that, we were both silent and I was embarrassed for the second time.

"Oh. I was right," saka siya tumingin sa akin nang nakakaloko.

"Ano na naman 'yan?"

"My instinct was right," sagot niya. "Lagi mong dine-deny na may gusto ka kay Kuya but it seems like you can't hide it anymore."

"Disciple ka ba ni Steff? You sound like her. Ugh. Creepy. And scary," sabi ko na lang.

Iniba ko na agad ang topic dahil ayaw ko nang may masabi siya tungkol doon. Ako naman ang nagtanong kung may nagugustuhan na ba siya at napataas naman ang kilay niya.

"None as of the moment," sagot niya at ginaya ko ang pagtaas niya ng kilay.

"You are a terrible liar," ganti ko. Kung hindi ko nakita ang saglit na pag-iwas niya ng tingin sa akin ay mapapaniwala niya ako. However, I had already seen two people who did the same thing. Trait ba 'to ng mga Campus Princess?

Aalamin ko na sana kung kanina siya interesado nang biglang nag-ring ang phone niya. Pareho kaming napatingin sa screen at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang pangalan ni Kevin.

"Alam mo, mauuna na ako," sabi ko at saka ako tumayo. "Bye!"

Umalis ako ro'n kahi na curious ako kung ano ang pag-uusapan nilang dalawa. Napagdesisyunan kong pumunta na lang muna sa tambayan sa org at nanalangin akong sana ay wala ro'n si Kevin. Pagdating ko, nagtago muna ako sa isang column at sumilip. Kailangan kong maging alert—

"Als? Anong ginagawa mo?"

Paglingon ko ay nakita ko si Jon at nakakainis ang itsura niya dahil parang na-judge na niya ako. Umayos naman ako ng tayo at humarap sa kanya.

"Nagtatago," sagot ko. "Anyway, andyan ba si Kevin sa loob?"

"Ah. Kaaalis niya lang. Sayang hindi mo naabutan," sabi naman niya kaya nakahinga ako nang maluwag.

Sabay kaming pumasok sa loob at pagdating  ko sa room A ay sumasayaw ng isang routine ang mga ka-batch ko. Umupo lang ako sa gilid at pinanood sila habang nagpa-practice. Tumabi naman sa akin si Jon.

"So, bakit ka hinahanap ni Kevin?" tanong niya kaya naubo ako bigla. "Oh. Mukhang may nangyari, ah?"

"Alam mo, ang tsismoso mo."

Natawa naman siya. "Parang ikaw."

Pinaalala niya sa akin 'yong time na pilit kong inaagaw ang phone niya dahil may ka-text siya kaya hindi na ako nakaganti. I was guilty.

"Naging one of the girls ka na rin ba niya?" pang-aasar niya kaya sinaman ko siya ng tingin.

"Never," sagot ko.

Kahit kailan ayaw kong maging isa sa mga babae niya. Gusto ko, ako lang, kahit na imposible 'yon. Sabi  ni Karla, may rason kung bakit gano'n si Kevin. Alam kong kaya hindi siya nagco-commit ay dahil ayaw niyang matulad sa parents niya pero hindi ko maintindihan kung bakit ang daming babae sa paligid niya. Kung anumang reason niya, malaki ang chance na hindi ko ikatutuwa.

"Mabuti 'yan. Saka ka na magkagusto sa kanya kapag loyal na siya," dagdag naman niya.

"Gee. Salamat sa advice, itay."

"Walang anuman, anak. Anyway, mukhang kanina ka pa niya hinahanap."

"Paano mo naman nasabi 'yan?"

"Namumula siya noong pumunta siya rito, eh. Kanina pa siguro tumatakbo kakahanap sa'yo. Naks, Als, habulin."

Sinikmuraan ko na siya dahil kanina pa siya nang-aasar pero nagulo na naman ang utak ko sa mga sinabi niya. Heto na naman ako, eh. Umaasa na naman dahil sa mga pinaggagawa niya. Pinanghahawakan ko 'yong sinabi niyang gusto niya ako kahit na ang sabi niya ay hindi na niya ako guguluhin dahil ayaw niyang tuluyang mahulog.

Tss. Sana mahulog ka.

Nagpalipas ako ng oras sa dance room at nakisayaw na rin ako sa kanila hanggang mag-lunch time. Pumunta agad ako sa garden area dahil paniguradong nandoon na ang tatlo. Wala rin kasi silang schedule 'pag tanghali ngayong sem.

Naabutan ko ro'n si Steff kaya naalala ko si Karla. Umupo ako sa tabi niya at may isang pack siya ng Kisses kaya inalok niya ako.

"Male-late daw sina Jess at Yna since 'di pa nagdi-dismiss ang profs nila," balita niya. Bigla namang nagbago ang expression niya. She flashed an innocent smile and waved at someone who was approaching our direction.

I rolled my eyes when I saw Darryl.

"Bebe girl," bati niya at nag-cringe naman ako.

Seriously, wala ba silang balak palitan ang endearment nila? Nagsimula lang naman 'yon sa asaran pero nag-stick na. Hindi nila alam, ang daming nako-corny-han doon.

Bigla namang tumingin sa akin si Darryl at ngumiti nang nakakaloko. Uh oh.

"Uy, Alice ni—"

"Ashhblahshh!"

Kinuha ko ang hawak ni Steff na Kisses at nilagay ko sa bibig ni Darryl para lang manahimik siya. Paniguradong pagtutulungan ako ng dalawang 'to kapag ikinuwento niya na magkakaklase kaming tatlo.

Sakto namang dumating si Patrick at umupo sa tapat ko. Simula noong naging boyfriend sila ng friends ko ay nasama na rin sila sa circle namin. Nagkaroon tuloy ng kakampi sina Steff at Jess kaya madalas na akong matalo sa mga asaran. Kadugaan.

After a few minutes, dumating na rin sina Jess at Yna kaya nagsimula na kaming kumain. Medyo kumunot ang noo ko nang napunta ang usapan sa Calculus.

"Utang na loob, huwag n'yong pasakitin ang ulo namin ni Yna," reklamo ko.

"Excuse me, I'm slightly better than you in Math," she contended.

"Hay nako, Yna, anong sense ng pagalingan natin kung may mga kaibigan tayong ganito?" sabay turo ko sa apat na kasama naming pare-parehong kasama sa top 10 ng batch.

"Well, you have a point."

Natawa naman ang apat at sila na ang nagpagalingan kaya lalong nakaka-degrade ng pagkatao. Ni hindi ko na nga alam kung ano ang pinag-uusapan nila, eh. May flexure formula na silang binabanggit. Ano ba 'yon? Pagf-flex lang ang alam ko at sigurado akong wala 'yong kinalaman sa Calculus.

Habang nasa kalagitnaan sila ng pagdi-discuss ng kung anu-anong formulas ay biglang nag-iba ang expression ni Darryl. Nakatingin siya sa bandang likuran ko pero nang magtama ang mga mata namin ay bumalik ang ngiti sa mukha niya. Palingon na sana ako pero bigla namang nagsalita si Patrick.

"Better not to look," he muttered but that made me want to look more.

And I should've listened to his warning.

"Alice," tawag ni Steff pero nanatili akong nakatingin doon.

A girl was happily talking to Kevin and she suddenly kissed him on the cheek. I thought he'd be surprised but it seemed like he had expected it.

Gusto na yata talaga kita. His words echoed in my head. Yeah, right. Ang tanga ko para maniwalang ako lang ang gusto niya.

Napatingin naman siya sa direksyon namin. We met each other's eyes but I didn't avert his gaze. Naglakad siya papunta rito kaya naman bumilis ang tibok ng puso ko pero bumigat din ang pakiramdam ko.

Narinig ko ang pagtawag sa akin ng tatlo pero hindi ko sila pinakinggan. I was looking straight at Kevin's eyes. I was afraid to know his real feelings but this might be the right time. Tumayo ako at sinalubong ko siya. We stood in front of each other and it felt like all the air in my lungs were sucked out.

"Hey," bati niya pero diniretso ko na siya.

"'Yon ba ang sagot mo?" tanong ko sa kanya pero hindi naman siya umimik kaya parang lumubog ang puso ko. "Well, I guess that's it. Sige, una—!"

I was about to return to our table when he suddenly grabbed my arm toward him but what he did next astounded me and took my breath away. He cupped my face and pulled it close to his, the tip of his nose touching mine. Our lips were just centimeter away and I literally stopped breathing.

"We have both crossed the line," he whispered and I could feel my blood rushing to my cheeks. "You shouldn't have done that."

My heart was pounding loudly and my mind couldn't process what was happening anymore. I just stood there, frozen and dumbfounded.

"You sure about liking me, Alice? Someone like me? I'm not a good guy."

"Definitely not," I muttered. Bigla na lang tumulo ang luha sa mga mata ko sa hindi ko malamang dahilan. "But I can't do anything about it. That's how I feel."

Hindi ko alam kung ano ang naging reaksyon niya pero naramdaman ko ang paghinga niya. Pinigilan ko ang pag-iyak ko. Gusto kong punasan ang pisngi ko pero hindi pa rin ako makagalaw.

He snickered. "You are really an amazing woman," he said. "I give up."

He used both of his thumb to wipe my tears. Pagkatapos no'n ay binitiwan niya ako at para akong magko-collapse nang makalayo ako sa kanya. Nakangiti siya sa akin habang ako ay hindi ko na alam kung ano ang itsura ng mukha ko matapos no'n.

"I'm postponing my real confession," sabi niya at kung hindi lang ako rattled ngayon ay nataasan ko na siya ng kilay. "I still have a lot of problems to fix. I don't want you to be involved so I cannot answer you right now."

"Mm."

Wala na talaga akong masabi at hindi rin ako makapagsalita. Hindi ko tuloy alam kung 'yong ngiti niya ay dahil mukha akong tangang kausap.

"So will you wait for me?" he asked and after a few seconds, I slowly nodded. Pakiramdam ko tuloy, na-hypnotize ako. Hindi naman ito ang pinag-uusapan namin noong una.

Pagkatapos no'n ay muli siyang ngumiti pero agad naman siyang tumalikod sa akin. Naglalakad na siya palayo nang bigla siyang huminto at lumingon.

"Your lips are tempting," he blurted out. "Just letting you know."

And that was the final blow.



***