***

"So how's the princess?" salubong ni Yna nang dumating siya.

"Kilig pa rin 'yan for sure," dagdag ni Jess.

"Kahit three days ago na?" tanong naman ni Steff.

"Yeah, right. Good morning din sa inyo."

Umupo ako sa tabi ni Yna at pinaulanan na naman nila ako ng mga pang-aasar.

I could still remember everything that happened three days ago. Pagkatapos ng ginawa ni Kevin ay pakiramdam ko, kumawala ang kaluluwa ko. Yna dragged me towards our table and I collapsed on my chair. Ni hindi ko na nga maintindihan ang pinagsasabi nina Jess at Darryl pero paniguradong inaasar nila ako. I was still in shock and I couldn't believe I lived after what Kevin did to me.

"Si Kevin 'yon, 'di ba?" I absentmindedly asked Patrick who was sitting beside me.

"No," sagot niya. "Kevin's still in class."

"Weh?!" sabay tingin ko kung saan kami nakatayo kanina.

"Huwag n'yo na pagtripan, mamaya matuluyan," rinig kong sabi ni Steff.

After a minute or two ay saka lang ako tuluyang nagwala at para akong baliw ro'n na nagpapadyak. Ilang hampas din ang nakuha sa akin nina Patrick at Yna dahil silang dalawa ang nasa magkabilang-gilid ko. I couldn't wipe this huge grin off my face and they were looking at me like I had already lost my mind.

"Paano nga 'yon?" biglang tanong ni Jess at saka niya hinawakan ang mukha ni Patrick. "So, will you wait for me?" she said, copying Kevin's actions.

"Nah," Patrick muttered as he quickly gave her a peck.

"Baliw ka ba?!"

Sa harapan ko pa naglandian, kitang 'di pa ako nakaka-recover sa nangyari few minutes ago. Napailing na lang ako at si Yna naman ang nang-asar ngayon.

"Look, look, look! It's already on the portal!" sabi niya habang nakatingin sa phone niya.

"For real?" tanong ni Steff at nilabas nilang lahat ang phone nila.

Totoo nga. Our pictures were already posted there even though it was just ten minutes ago. Napatingin tuloy ako sa paligid dahil baka tina-target na ako ng mga may crush sa lalaking 'yon. Bakit ba kasi bigla niyang ginawa 'yon?!

Hindi naman ako nagpatinag sa mga nakikita kong tumitingin nang masama sa akin. I returned their glares and stared at them from head to toe. Tinulungan din ako ni Jess pero sina Yna at Steff ay sinabihan kaming itigil 'yon.

That day was a torture. Pakiramdam ko lahat ng tao nakatingin sa akin. Maging ang mga kaklase ko ay kakaiba ang tingin sa akin. I could hear them gossiping about me and Kevin but I stayed silent. Being the target of curious and malicious eyes was enough to suffocate me so I decided to go to the dance studio.

Akala ko mas makakahinga ako rito pero hindi rin pala. Halos lahat ng kasabay kong pumasok sa org ay pinaulanan ako ng tanong. Buti na lang at nandoon si Ate Divine at Kuya Jasper para pakalmahin ang sitwasyon. Pinauwi na lang muna nila ako dahil baka kung ano pa raw ang mangyari kaya wala akong choice kundi umalis.

Doon ko lang naramdaman ang consequences ng ginawa naming dalawa at hindi ko alam kung naging maganda ba ang resulta. Isa siyang Campus Prince. Normal na college student lang ako.

"Oh. One of Kevin's girls."

"May bagong pampalipas-oras si Kevin."

"Iba yata ang style niya ngayon sa babae?"

Ilan lang 'yan sa mga naririnig ko habang naglalakad palabas ng campus pero hindi ako nagpadala. I kept my poker face and held my head high until I reached the main gate.

"Ate Alice."

Napatalon naman ako sa gulat nang makita kong nakatayo ro'n si Karla. Tumingin ako sa paligid namin dahil baka may nanonood sa amin pero bago ko pa maikot ang paningin ko ay hinatak niya ako palayo ro'n.

"Karla . . ." tawag ko pero hindi niya ako pinapansin.

Nakarating kami sa parking lot sa labas ng campus at hatak niya pa rin ang braso ko hanggang sa nasa tapat na kami ng isang pamilyar na sasakyan. She finally turned around but I was taken aback by her worried expression.

"Okay ka lang ba?" she asked with concern.

"Oo naman," sagot ko. "Bakit?"

"Well, I read the article on the underground website."

"Oh."

Pinapasok niya ako sa kotse at alam kong kay Kevin 'to. Kinabahan pa ako noong una dahil baka nandoon siya sa loob pero buti na lang ay wala. Hindi ko rin kasi alam ang i-re-react kung sakaling makita ko siya ngayon pagkatapos ng mga pinagsasabi niya kanina.

"Sorry sa ginawa ni Kuya," sabi niya. "That guy is so reckless! Sasabunutan ko 'yon pag-uwi niya kaya don't worry. Igaganti kita."

Natawa naman ako sa sinabi niya at kahit papaano ay na-relax ako. Simula kasi noong nahiwalay ako sa friends ko ay pakiramdam ko, wala akong kakampi. Seeing Karla and hearing those words from her made me feel at ease.

"Sige, sabunutan mo siya. Muntik nang mawala ang kaluluwa ko kanina," sakay ko naman.

Dahil alam naman na ni Karla na may gusto ako kay Kevin ay ikinuwento ko sa kanya ang nangyari. Her cheeks burned red after hearing my story and she looked cute as she fanned her face to relieve herself embarrassment.

"Oh my gosh, is he insane?!" sigaw niya habang nakahawak sa magkabilang-pisngi. Siguro kung nakita niya ang nangyari, nahimatay na ang batang 'to. Well, ako rin naman, muntik nang mawalan ng malay dahil sa lalaking 'yon.

Pagkatapos no'n ay nag-book na ako ng taxi para umuwi. Pinahiram lang daw sa kanya kasi ni Kevin ang susi kanina dahil nandoon ang gamit niya pero hindi siya marunong mag-drive. Nagpasalamat naman ako sa kanya at saka lumabas para sumakay sa taxi.


***


"Hindi ka naman inaaway ng mga babaeng nali-link sa kanya?" tanong ni Steff habang kinakain ang chocolate bar na hawak niya.

"Sus, subukan nila at aawayin ko rin sila," sabi ko naman. "Saka sanay naman na ang mga tao na maraming babae sa paligid ni Kevin. Na-shock lang siguro sila noong nakaraan dahil sa ginawa niya."

"Kilig ka naman," banat ni Jess kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"But that article about you and Kevin is still trending, do you know that?" Yna informed us and I nodded.

Actually, nagbabasa ako ng comments ng mga tao ro'n at dinalaw ko ang profiles ng mga kung anu-ano ang pinagsasabi sa akin. Akala naman nila kung sino silang magaganda kung makalait. Ang sarap sanang sagutin ng comments nila kaso baka 'pag nag-message ako ro'n sa article ay lalo lang magkagulo.

I didn't see Kevin after that day. No messages either. Sa totoo lang, mas okay sa akin 'yon ngayon kasi panigurado, hindi ko rin siya mahaharap. Isa pa, ang sabi niya, aayusin niya muna ang mga problema niya.

Pagkatapos ng mga klase namin ay napagdesisyunan kong pumunta ulit sa dance studio. Medyo humupa naman na ang attention sa akin ng mga tao kaya hindi na gaanong nakaka-conscious maglakad mag-isa.

"Als!"

Napangiti ako nang marinig ko ang boses ni Jon at hinatak naman niya ako papunta sa loob ng dance room A. Buti na lang at sina Fei at Jackie lang ang nandito at busy sila sa pagkakabisado ng isang routine.

"So ano, kayo na ba ng Kevin mo?" salubong niya kaya tinakpan ko ang bibig niya dahil baka marinig nila ang pinagsasabi niya.

"Manahimik ka nga!" I exlaimed in an undertone.

Bigla naman siyang tumuro sa pintuan kaya agad akong lumingon pero wala namang tao ro'n. Binatukan ko siya dahil pinagtitripan na naman niya ako. Bwisit na 'to, akala ko pumasok si Kevin!

"Akala mo si Kevin, ano?" pang-aasar niya nang matanggal niya ang pagtakip ng kamay ko sa bibig niya.

"Kapag talaga nalaman ko kung sino 'yang babaeng nagugustuhan mo, humanda ka sa pang-aasar ko."

"Okay. Kung malalaman mo."

"Hah! Bukas na bukas din!"

Kinulit niya naman ako sa iba pang detalye pero hindi ako nagkwento sa kanya. I told him to give me some clues about the girl she likes but he always had a way to divert the topic into something else.

"Pero seryoso ba siya sa'yo?" bigla niyang tanong kaya natigilan ako.

"Ewan," I hesitantly said. "Siguro?"

"And you're willing to take the risk for something uncertain?"

Hindi ako nakasagot at tumitig lang ako sa kanya. Sometimes, I couldn't understand his personality. He seemed aloof when it comes to girls but when you got close to him, you'd know that he's a mischievous one. However, there were moments where he'd say things that would make you think twice.

Ngumiti naman ako sa kanya.

"Liking him was already a risk," sabi ko. "Aatras pa ba ako ngayong nahulog na ako?"

"Basta siguraduhin mong pareho kayong nahuhulog," dagdag niya.

"Huwag kang mag-alala, hahatakin ko siya papunta sa akin kung kinakailangan."

"At huwag mo nang bibitiwan."

After a few seconds, natawa na lang kami sa usapan namin dahil masyadong lumalalim.

"Yuck, 'di bagay sa atin na ganito ang usapan," I remarked and he nodded.

"Agreed."

Pagkatapos no'n ay nag-practice na rin kami at sinabihan ako ni ate Divine na mas madali ko raw nakabisado ang steps ngayon kaya natuwa ako.

"Inspired?" she teased and I just smiled at her.

Umupo ako sa gilid at nagpahinga habang pinapanood ang iba pang members. Matapos ang ilang minuto ay lumabas na ako para umuwi dahil may reading assignment pa pala kami sa isang subject.

Ibang-iba naman ang pakiramdam ko paglabas dahil parang nawala lahat ng bigat na nararamdaman ko. Dancing my heart out really released my stress and helped me escaped from my worries for a while.

Naglalakad ako papunta sa main gate nang bigla akong napatigil dahil sa nakita ko. Kevin was hugging a girl and it seemed like they were enjoying each other's company. She cupped his face and he gave him the sweetest smile he could muster.

Parang may kung anong lumubog sa loob ko at kahit gusto kong maglakad na lang palayo ay hindi ko magawang alisin ang paningin ko sa kanila. I never thought that I could go from delighted to upset in a span of few seconds.

Heto na naman, eh. Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang 'yon . . . pagkatapos niya akong daanin sa mga ngiti at pangako niya, lagi ko na lang siyang nakikita kasama ang mga nali-link sa kanya. Hindi ko tuloy alam kung seryoso ba talaga siya o tulad din ako ng mga babaeng 'yon.

Yes, wala akong karapatang magselos kasi hindi naman kami. Hindi naman siya sa akin. But he told me that he likes me and I should wait for him, and I wanted to hold onto those words. Alam ko namang close talaga siya sa mga babae at komportable sila sa kanila pero habang patuloy kong nakikita ang gano'ng sitwasyon, parang unti-unti ring nawawalan ng halaga ang mga salita niya.

Gusto ko siyang maintindihan. Gusto kong malaman kung bakit niya 'yon ginagawa. Sabi ni Patrick, may reasons daw siya pero hindi ko pa rin alam kung ano ang mga 'yon. At kung malalaman ko man, matatanggap ko ba? Would I really understand him despite his playful disposition?

Hay. Ewan.

Nagsimula akong maglakad palayo at hindi ko na sila nilingon. Ni hindi man nga lang niya ako nakita.

Ang bigat sa pakiramdam. It was way better when he still didn't know my feelings for him. It felt less agonizing when it was just a hopeless crush. I didn't imagine that a little expectation could cause a heartache to this extent.

Pinara ko kaagad ang una kong nakitang taxi. Gusto ko nang umuwi at magkulong sa kwarto kaya pagkarating ko ay dire-diretso akong pumasok sa bahay pero hindi ko inaasahan ang nakita ko sala.

"Oh. Hello, Alice?"

I was staring at Kevin's mother who was having a cup of tea in our living room. Hindi ko alam kung ano ang itsura ko nang hinarap ko siya pero mukhang hindi maganda dahil bigla siyang ngumiti sa akin. Binati ko na lang siya at tumango kahit na hindi ko alam kung bakit siya nandito.

Her presence reminded me of what happened the last time she went here, the same incident that tormented Kevin. Hanggang dito sa bahay, siya pa rin ang nasa isip ko. Seriously, Alice?

"Okay ka lang ba, hija?"

Maybe it was because the worries that I kept inside finally exploded or maybe it was because of her concerned tone that tears suddenly started streaming down my cheeks. She looked at me with a worried expression so I immediately wiped my face and gave her a smile.

My God, Alice, bawal umiyak. Hindi mo nature 'yan! sabi ko na lang sa isip ko.

"Please don't tell Mom," I pleaded. Ilang segundo pa siyang nakatitig lang sa akin pero nang marinig namin ang boses ni Mommy sa kusina ay agad naman siyang tumango.

"Okay."

"Thank you po."

Nagmadali akong umakyat sa hagdan at nag-"no" na lang ako nang tinanong ako ni Mommy kung sasabay akong kumain sa kanila. Nasa second floor na ako at papasok na sana sa kwarto pero doon ko napansin na sumunod sa akin si Tita Kristina.

"You know, if you can't tell it to your Mom, then maybe I can listen."

Nakatitig lang ako sa kanya dahil hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Hindi ko alam kung pinaglalaruan ba ako ng tadhana. She was the reason of Kevin's pain, yet here she was, consoling me because of her son.



***