.

.

Chapter 3

Posted by PURPLEYHAN STORIES on Sunday, May 15, 2016

***

For three days ay inistalk ko ang Jane na 'yun. Buti na lang at marami akong connection kaya nakalap ko kaagad lahat ng information na kailangan ko.

Rank 5 siya sa overall ng third years last sem at isa rin sa mga Campus Princess simula nung pumasok siya sa university na 'to hanggang ngayon. Aba, consistent ang bruha.


Bumisita rin ako sa 
underground website at isa sa mga hot news ang break-up nila ng boyfriend niya. Nakalagay doon na mula first year ay sila na kaya naman ang daming reactions dahil break na sila. May picture pang naka-attach na mukhang may kasamang ibang babae 'yung lalaki at 'yun daw ang dahilan ng paghihiwalay nila. May related gossip pa na about naman kay Jane at Kevin kaya napataas ang kilay ko.

"Kainis ka! Sa lahat ng pwedeng ipalit sa boyfriend mo, bakit 'yung Kevin ko pa!" sigaw ko sa harap ng laptop ko habang dinuduro-duro ko ang picture ni Jane na nakadisplay sa article.

"Maka-Kevin "ko" ka naman, Alice. 'Di mo nga makausap nang matino tapos lakas mo maka-claim na sa'yo," sabi ni Jess kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Let her dream the impossible dream," dagdag ni Yna habang kumakain ng chocolate cake.

"Sabi ko sa'yo ilalakad ka na lang namin eh, ayaw mo naman." Isa pa 'tong si Steff. Porque masaya na ang buhay niya!

"Alam n'yo, ang bubuti n'yo ring friends e, no? Sobrang supportive, nakakatouch," sabay irap ko sa kanila at ang mga bruha, tinawanan lang ako.

Nandito nga pala kami ngayon sa bahay nina Steff dahil weekends at wala pa namang masyadong requirements for next week. Buti nga 'tong si Steff, nagagawa pa ring sumama sa amin kahit may boyfriend na. Madalas kasi ng mga nakikita at nababasa ko, nawawalan na ng time sa friends ang mga tao kapag may boyfriend o girlfriend na.

"So, ano nang plano mo?" tanong ni Jess at this time, tinaasan ko siya ng kilay.

"Wait, 'di ba ako ang dapat magtanong sa'yo niyan? Anong plano mo kay Patrick?"

Ayun. Natahimik ang babaeng maliit. Pfft. Ako pa ang kakalabanin mo sa asaran ha?

"Pero 'di ba nakasama natin si Jane sa Feb Fair before, Jess?" tanong naman ni Steff nung bumalik na ang topic namin sa lintik na Jane na 'to.

"Yup. Ang alam ko lalo siyang sumikat dahil ang bongga ng production number nila that time."

"Of course, she danced with her boyfriend, and I admit, she's a great dancer," dagdag ni Yna.

Bakit ba hindi ko nakita ang prod nila? Dahil ba 'yun sa pagkausap sa akin ni Kevin nung mga panahong 'yun kaya buong gabi ay wala ako sa wisyo? Peste kasi 'tong si Steff eh! Lakas mantrip!

Ginamit namin ang buong araw para manood ng movies at magkwentuhan sa mga bagay-bagay, hanggang sa mag-alas sais na kaya naman umalis na kami nina Jess at Yna. Sakto namang paglabas namin ay naghihintay na doon si Kuya Xander, Yna's older brother.

"Oppa!" sigaw ni Yna at dahil ilang years na kaming magkaibigan ay naiintindihan ko na ang Korean words na binabanggit niya spontaneously.

Sumakay kami sa kotse na dala niya at naupo kami ni Jess sa likod. After some time ay nakarating na rin ako sa bahay namin. Pagpasok ko ay binati ko lang sina Mom and Dad, and after that ay dumiretso na agad ako sa kwarto ko. Humiga lang ako sa kama at tumitig sa kisame. Bigla ko tuloy naalala ang una at huling pag-uusap namin ni Kevin nung Feb Fair.

"Yes? Ikaw ba 'yung naghahanap sa akin na sinasabi ni Tiffany?" 
Nung lumapit siya sa akin ay sobrang bilis at lakas ng tibok ng puso ko to the point na parang nasa lalamunan ko na 'yun. Gusto kong sakalin si Steff nung panahong 'yun pero nakatakas na ang bruha.

"A-ah...ano...ano nga 'yun? Ah! M-may nagtanong kasing staff kung ano...kung ready na raw ba 'yung prod niyo. Hindi pa raw kasi nag-uupdate 'yung group n'yo sa kanila.
" Hindi ko alam kung saan ko 'yun hinugot at feeling ko ay nagmamalfunction na ang utak ko pero nung ngumiti siya sa akin ay parang tuluyan na akong nawala sa katinuan.

"
Ganun ba? Okay, sasabihan ko na lang sila mamaya. Thanks...?" Saka ko narealize na hindi pa pala niya ako kilala.

"A-Alice."

"Thanks, Alice,"
 sabi niya sabay ngiti. After that ay agad din naman siyang umalis, habang ako ay naiwang nangangatog ang tuhod sa sobrang kaba.

Simula nun, lalo akong naattract sa kanya at lagi siyang hinahanap ng mga mata ko, hanggang sa hindi ko namalayang mahigit isang taon ko na siyang crush.

Hindi ko naman namalayang nakatulog na pala ako at nagising na lang ako kinabukasan na hindi man lang nakapagpalit ng damit at nakakain ng dinner.

Maaga naman akong pumasok at tumambay muna ako sa garden kung saan kami madalas nagsstay kapag vancant period namin. Hindi man halata, ako ang madalas na maagang pumapasok sa aming apat kaya naman pagpunta ko sa usual table namin ay alam kong matagal na naman akong maghihintay sa kanila. Pero nagulat ako nung may nakita akong babae sa katabing table namin. Kadalasan kasi ay 'yung batchmates din namin ang umuupo roon pero nung nakita ko ang green lace niya, alam kong freshie pa lang ang isang 'to.

Bigla naman kaming nagkatinginan nung nakaupo na ako at napakunot ang noo ko dahil parang familiar siya sa akin. After a few seconds ay bigla kong narealize na siya 'yung babaeng nabangga ko last time at tinarayan ako.

"Tss," pagrereact niya at aba talaga naman! Inirapan pa ako!

Huminga ako nang malalim para kalmahin ang sarili ko dahil ayokong masira kaagad ang araw ko. 'Di ko na lang siya pinansin at kinuha ko na lang ang filler ko para mag-aral sa Math. Wow. Dahil sa kanya napaaral tuloy ako nang di-oras. Parang lalo lang akong nababadtrip dahil hindi ko masyadong naiintindihan 'yung notes ko.

"OMG. 'Di ba Campus Princess siya? Ang ganda pala talaga niya."
"Oo nga, eh. Kaso hindi siya malapitan ng kahit sinong first year dahil iba talaga ang aura niya."
"Hala tumingin siya dito! Tara na!"

Bigla namang nagmadaling umalis 'yung dalawang first year na narinig kong nag-uusap at doon ko lang narealize na 'yung babaeng nasa kabilang side ko 'yung pinag-uusapan nila. Campus Princess din pala ang isang 'to. Well, mukha naman, pero ayaw ko sa mga tulad niyang Campus Princess na parang ang taas ng tingin sa sarili, unlike Steff and Jess.

Nagkatinginan ulit kaming dalawa at bigla siyang nagtaas ng kilay.

"Anong tinitingin-tingin mo?" mataray niyang sabi at nag-elevator na rin ang kilay ko dahil nakaramdam na ako ng inis. I gave her a sarcastic smile.

"Wala naman. Tinitignan ko lang kung saan banda ang pagiging Campus Princess mo. Hindi kasi halata." Pagkasabi ko nun, nakita kong nagbago ang expression niya.

Ewan ko ba kung bakit naiinis ako initially sa mga nakikilala kong Campus Princes and Princesses, though kapag naman tumagal ay nagiging close ko na ang iba gaya na lang ng nasa batch namin. Siguro dahil kahit papaano ay naiinggit ako sa kanila? Sino ba namang hindi? Ang dami ring benefits ng pagiging Campus Prince or Princess dito kaya naman lahat ay grabe ang effort para lang ma-defend ang positions nila.

"Sana nga hindi na lang..."

Napatigil naman ako nung narinig ko ang mahina niyang pagkakasabi nun dahil parang ang lungkot ng tono niya. Magsasalita na sana ulit ako kaso biglang may dumamba sa likod ko.

"Alice!" sigaw ni Yna sa tenga ko at ang loka, natawa pa dahil sa ginawa niya. "Let's eat," sabay labas niya ng breakfast niya. Kumalam na rin ang tiyan ko nung nakita ko ang food niya kaya naman nilabas ko na rin ang sa'kin.

Yup. Dito kami nagbebreakfast para masaya ang kwentuhan at pagkain. At saka nasanay na rin kami dahil mula highschool ay ganito na kami.

Napatingin naman ulit ako doon sa side nung first year Campus Princess kanina at mukhang paalis na siya. Sakto namang dumating sina Steff at Jess at napansin kong nakatingin siya sa kanila. Of course. She must've known that they are also Campus Princesses, just like her.

After that ay umalis na siya at nagsimula na ang araw naming apat.

***

Break.

Ito ang ayaw ko kapag Monday. Every lunch time ay mag-isa lang ako dahil may mga klase hanggang 1 PM 'yung tatlo kaya mag-isa lang akong kumakain. Ang tahimik tuloy. Wala akong kadaldalan.

"Als!" Napalingon naman ako at obvious namang si Jon 'yun dahil sa pagtawag niya sa akin. Umupo naman siya sa tapat ko at lumapit sa akin para bumulong. "Kasunod ko nga lang pala ang labs mo. Papasok na siya rito sa cafeteria."

Pagkasabi niya nun ay nalunok ko nang buo 'yung kinakain ko kaya nabilaukan ako. Buti na lang talaga at may tubig na akong kinuha kanina kaya agad akong nakainom. Pero peste 'tong Jon na 'to, imbes na iabot sa akin 'yung tubig, inuna pang tawanan ako. Sobrang bait na kaibigan! Grabe!

Sisigawan ko pa lang sana siya pero biglang bumukas ang pinto sa cafeteria at 'yung mga babae malapit doon ay napatingin lahat sa pumasok. Napatingin din ako at nagsimulang bumilis ang tibok ng puso ko dahil si Kevin Fuentez lang naman ang lalaking 'yun. Syempre kahit kinakabahan ako ay nakuha ko pang magdiwang sa isip ko dahil walang babaeng nakalingkis sa kanya ngayon.

Buti na lang at snake-free day ngayon!

"Kev! Here!" sabay taas ni Jon sa kamay niya at nanlaki ang mga mata ko nung napatingin si Kevin sa direksyon namin.

"Jon!" pabulong kong tawag sabay sipa sa binti niya kaya naman bumalik ang tingin niya sa akin. "Shet ka kapag 'yan pumunta dito—"

Napahinto na ako sa pagsasalita nung nakita kong naglalakad na si Kevin papunta sa pwesto namin. Sana pala nagpagawa na ako ng lapida habang maaga pa dahil hindi ko naman akalain na sa ganitong paraan pala ako mamamatay. Feeling ko anytime ay aatakihin na ako dahil ang lakas at ang bilis na ng tibok ng puso ko dahil—

OH MY GOD. NAGKATINGINAN KAMI.

Shet, Alice, huminahon ka! Huwag kang mamamatay! Huwag ka ring magwawala! Pumirmi ka dyan!

Pagdating niya rito ay nag-apir pa sila ni Jon. Bigla naman siyang tumingin ulit sa akin at nakita ko sa peripheral vision ko ang nakakalokong ngiti ni Jon kaya sinipa ko na siya nang malakas.

"Ouch! Sh—!" Napatingin sa kanya si Kevin at halatang pinipigilan niya ang sakit kaya nagmukha siyang ewan dahil tinry niya pa ring ngumiti.

"Bakit?"

"Nothing. Tumama lang 'yung binti ko sa table. Ang tigas pala nito," sabay palo niya sa table habang nakatingin nang masama sa akin.

"Anyway, may I?" tanong ni Kevin habang hawak 'yung upuan at nagulat ako nung tumingin ulit siya sa akin. Tumango na lang ako at after that ay ngumiti siya tapos umupo sa tabi ni Jon.

Jusko ilang beses na kaming nagkatinginan sa loob ng minuto na 'yun? Tapos may bonus pang yummy na ngiti! Sobrang swerte ko naman yata ngayon, baka malasin na ako buong taon!

Pero totoo ba talaga 'to? Isang table lang ang pagitan namin ni Kevin! Pero hindi ko naman siya magawang titigan gaya ng ginagawa ko kapag malayo siya dahil baka makita niya ako at isipin niyang creepy ako.

"Ah, oo nga pala, kilala mo naman siya, 'di ba?" sabay turo sa akin ni Jon. Tumingin sa akin si Kevin at nung nagkatinginan kami, feeling ko hinihigop na ng mga mata niya ang kaluluwa ko. Takte ka, huwag mo akong titigan, marupok ako!

Ngumiti ulit siya sa akin. That was the third time.

"Of course. Paano ko naman siya makakalimutan? Hi, Alice." And this was the fourth.

Hindi ko alam kung paano ko nagawa pero ang alam ko lang, nagawa ko pang magtext ako sa ilalim ng mesa. Minessage ko sina Steff, Yna at Jess na kailangan ko ng lapida ngayon din.

Patay na.
Mukhang patay na patay na ako sa kanya.


***