***

"Ay oh, masaya na ulit ang single naming friend," sabi ni Jess pagkarating niya sa table kaya sinamaan ko agad siya ng tingin.

"Hey, I'm one of your single friends, too," Yna pouted.

"Single nga ba?" pang-aasar ko at namula naman siya.

"Of course!" she retorted.

Natawa na lang kami ni Jess dahil ang cute-cute ni Yna 'pag naaasar. However, my laughter was short-lived because Jess brought back the attention to me.

"So, kumusta naman ang status n'yo ni Kevin mo?" tanong niya.

"I want to know that, too."

Paglingon namin ay nandito na rin pala si Steff at himala, hindi nakabuntot sa kanya ang bebeboy niya. Well, mas mabuti na rin 'yon dahil baka pagtulungan pa ako nilang dalawa ni Jess.

"Well," sabi ko sabay hawi sa buhok ko at halos sabay-sabay naman nila akong pinalo. Brutal talaga ang mga 'to kapag kinikilig sila.

Anyway, kinuwento ko ang nangyari last time at sumakit ang pisngi ko dahil sa kakangiti ko. Hindi ko sinama sa kwento ang pakikipagkita ni Kevin si Mom niya dahil private life na niya 'yon.

"Omo! You guys are so cute!" Yna squealed while typing on her phone and I was tempted to ask if she was writing some sort of fanfic or what. Yes, nahuli ko siya one time na nagsusulat tungkol kina Steff at Darryl. Ewan ko ba sa babaeng 'to, sa dami ng pwedeng gawin, 'yon pa talaga.

"I see," Steff muttered as if she just uncovered something. Bigla naman siyang tumingin sa akin. "Maybe he's cutting ties with all the girls she got involved into that's why he was meeting them these past few weeks."

"Oo nga," dagdag ni Jess. "Because he's serious about you. He wants to be free from all the relations he had with those girls. Iba rin, Alice. Haba ng hair."

Hindi ko alam kung mamamangha o matutuwa ako sa dalawang 'to dahil sa sinabi nila. Ni hindi ko nga 'yon naisip. At kung totoo man 'yon, then all this time, nagselos at nainis ako dahil sa maling reason? Pero, wait, 'di ko naman 'yon kasalanan. Siya 'tong walang ibang ginawa kundi guluhin ang isip ko sa mga kinikilos niya.

"Nakapag-usap na ba ulit kayo?" tanong ni Steff.

"Hindi pa," sagot ko naman. "Busy pa yata siya."

"Kahit sa class? 'Di ba magkakaklase kayo nina beb—Darryl?"

"Hay naku, tulog lagi ang dalawang 'yon sa class namin," sabi ko naman.

"Kahit si Pat. Paano, lagi silang nagpa-practice," dagdag ni Jess. "Pinagpe-perform yata sila sa 50th anniversary ng university."

Kung saan-saan na naman napadpad ang usapan namin at nakakain lang kami noong fifteen minutes before matapos ang vacant period nila kaya nagmadali na kami. Nauna na sina Jess at Steff dahil malayo pa ang next class nila habang kami ni Yna ay nag-decide na pumunta sa pinakamalapit na cafeteria para bumili ng desserts.

Pagdating namin doon ay napatigil kami dahil ang daming tao. Akala ko may shooting (maraming students dito ang part-time actors at actresses) pero nang makita ko si Kevin ay parang may kung anong nagtulak sa akin para gumalaw.

"What's happening?" bulong ni Yna habang nakasunod sa akin.

Lumapit kami para makita kung ano talaga ang nangyayari at may babaeng nakaluhod sa harapan niya habang umiiyak. Okay, anong meron?

"Please, Kevin, don't do this," she pleaded, tears streaming down her face.

"Wen, come on," he muttered and he was getting conscious because of the crowd gathering around them.

Hindi naman nagpatinag ang babae at parang lalo pa siyang umiyak. Naalala ko tuloy ang sinabi nina Steff at Jess kanina. Isa ba 'to sa mga naging babae niya?

"I won't stand until you take back what you said," she sobbed. Doon naman tumaas ang kilay ko.

"Wen, please, not here. I don't want—"

"Kev, I love you!" she yelled.

Hindi ko alam kung sino ang mas naging awkward: si Kevin o ako. Itong mga tsismosa't tsismoso naman, nakisali pa. May mga humiyaw at nang-asar samantalang ang iba ay nainis dahil sa pinaggagawa nila.

"Alice . . ." Yna whispered, and I knew she wanted me to do something but I chose to watch them.

Bigla namang tumayo 'yong Wen na 'yon at lumapit kay Kevin kaya nag-panic ako. Her eyes were determined and I had a feeling that I wouldn't like what she was planning to do.

Well, hindi ko rin nagustuhan ang ginawa ko.

The next thing I knew, I was already standing between them, my eyes staring angrily at that woman. Saka ko lang na-realize ang pinasok ko nang maramdaman ko ang mga mata ng mga nakapaligid sa aming nakatingin sa akin.

"A-Alice?" bulong ni Kevin sa likuran at hindi ko alam kung nakadagdag ba 'yon sa lakas ng loob ko o lalo lang akong nanghina.

"Who are you?" tanong ng babae pero nagbago naman bigla ang expression niya. "You . . ." she muttered while looking at Kevin and me.

"Well, if you'll excuse us," sabi ko naman at saka ko hinawakan ang braso ni Kevin. I was about to drag him away from this place but this Wen stopped me.

"Wait!" sigaw niya. She wiped her tears and looked at me in disbelief. "Ikaw ba ang bago niya?"

I stared back and furrowed my brows. Bago? Hindi ko alam kung sinadya o ano pero nagpantig ang tenga ko ro'n.

"Ewan ko," I snapped. "Ako ba?" sabay lingon ko kay Kevin halatang hindi niya in-expect ang ginawa ko.

Para namang one-million peso question ang nangyari dahil tumahimik din ang mga tao sa paligid namin at naghihintay sa sagot niya. Bigla tuloy akong na-guilty. I just worsened the situation.

I was about to take back my question and just drag him out of here but he suddenly smiled, the sincere smile he showed me when he told me I'm different from others. Biglang kumabog nang mabilis at malakas ang puso ko. Parang gusto ko na lang magtago at mawala dahil sobrang naaapektuhan ako kapag nakikita ko ang side niyang 'to.

"Ikaw nga," he said and he held my hand holding his arm, and placed it in his. He looked at Wen with an expression I couldn't read. "Siya nga," he added.

The crowd erupted, as if what just happened was the climax of a movie. Para naman akong nabingi hindi dahil sa sigawang nagaganap ngayon, kundi dahil sa sinabi niya. He was still holding my hand and I didn't know what to say or do. Tanging tibok ng puso ko lang ang naririnig ko at ang boses sa utak ko na tuluyan nang nagwala.

WALANGHIYA KA KEVIN FUENTEZ! PANAGUTAN MO 'TONG KILIG KONG HINDI NA MAKATARUNGAN!

"Tara," he whispered and I flinched when I felt his breath on my ear.

Tumango na lang ako at hinatak niya ako palayo. Ni hindi ko na nga nakita si Yna at kung nandoon pa ba siya o kung nakita niya ba lahat ng nangyari. Ang alam ko lang, nakatingin ako sa kamay kong hawak niya habang ang isa kong kamay ay nasa dibdib ko, pinapakiramdaman kung mabubuhay pa ba ako ngayong araw dahil sa sobrang bilis at lakas ng tibok ng puso ko.

I lost track of time and I wasn't sure if he was talking to me while we were walking. I was too disoriented to care about anything other than my feelings as of the moment.

"Alice? Hey, Alice."

"H-ha?"

Natauhan lang ako nang maramdaman ko ang pagtapik niya sa pisngi ko. Doon ka na-realize na nandito kami sa likod ng building kung saan ko siya nakita noong nakaraan.

"Are you okay?" tanong niya.

"No," mabilis kong sagot at sandali siyang natawa. Eh, sa hindi ako okay at hindi ko kayang magsinungaling ngayon.

"Thank you, by the way," he said and I felt his grasp getting tighter. "Thanks for saving me back there."

"I saved you?"

"Yes. Like how Sylvester saved Tweety that one time."

Napangiti naman ako sa binigay niyang analogy at gano'n din siya. Naalala ko tuloy noong binuking siya si Karla sa favorite Looney Tunes character niya at kung paano siya nahiya dahil doon.

"So, ikaw na si Tweety ngayon?" pabiro kong tanong.

"That's just an analogy."

Bigla namang naging seryoso ang mukha niya. His eyes stared right at mine and it felt like he was looking through my soul. Hindi na ako nakagalaw nang dinikit niya ang noo niya sa noo ko. Pumikit siya at nagsimula na akong mahirapan sa paghinga.

Oh my gosh, Kevin, utang na loob, itigil mo 'to. I couldn't even think straight anymore!

He slowly opened his eyes but I immediately averted his gaze. I was getting drowsy because of our proximity but my eyes wandered on his lips. Gusto ko nang sabunutan ang sarili ko dahil sa iniisip ko pero natigilan ako nang bigla siyang nagsalita.

"Alice?" he breathed.

"H-hmm?"

"Thank you for making me better," he said and all the butterflies in my stomach fluttered crazily when his lips touched mine.



***